Connect with us

Uncategorized

Nico Bolzico shows how supportive he is to his wife Solenn Heussaff

Published

on

As what the saying goes, any man can be a father but takes a real man to become a dad. When you hit the stage of motherhood, it is a huge role you will be playing for someone else’s life just like Solenn Heussaff. Last January 1,2020 Solenn and Nico welcomed the year with their bundle of joy Thylane Katana. As first time parents, both were so happy as they announce the new addition to their family.

Solenn is very hands-on to their first born and what Nico says, she sometimes forget in taking care for herself because she is very much focus on her mommy duties. Before Thylane was born, we saw Solenn as very artistic who loves making crafts and design and she also loves painting. Nico wanted Solenn to continue on what she loves doing, so offers his support to Solenn by helping her taking care of Thylane.

Nico shared pictures in his instagram post with Solenn passionately taking care of their baby while doing what she also loves, painting. Nico posted;


Verified

“Multitasking doesn’t exis…

Never underestimate how many tasks a mother can do at the same time! That doesn’t mean they should, we must always be there to help, make sure they enjoy motherhood and be a reminder that they need to do things for themselves! In this past 6 months w #TiliBolz I realized that mums tend to focus on their babies so much that they forget about everything else, including themselves. Our role is to be a strong support system to make sure they can also enjoy life outside motherhood!

A happy mum is the best mum!

We love you @solenn
PS: I tried to get Tili after taking this pica but her mama gave the “don’t touch my daughter when I feed her” eyes! “

Nico and Solenn shows how teamwork makes to take care of the little one. Just like before, they are still very active in sharing funnt videos in their social media.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

social media

Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Published

on

By

Nag-viral ang social media post ng popular na content creator at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao kamakailan lang.

Napukaw kasi ang pansin ng mga netizens sa caption ng post niya kasama ng isang litrato kung saan nakasuot siya ng golden gown na obra ng designer na si Mara Chua.

“Hi. Ako nga pala ‘yung sinayang mo,” ang nag-viral na post ng cosplayer.

Inakala ng mga followers niya na patama iyon kay Wil Dasovich na dati niyang boyfriend.

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa napakaraming komento ng netizens sa post ni Alodia.

Sayang nga.

 Kuya Wil, sinayang mo pa ‘to oh.”

 Bwisit ka Wil. Sinayang mo Queen A namin. Maglaway ka ngayon.”

 Nagkomento rin si Wil Dasovich sa comment ng kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiegfiao, pero agad niya iyong binura.

’Wag na, nagbo-blow-up na phone ko. Alam ko na. Naku po,” sabi ni Wil sa burado niyang komento na na-screenshot ng isang follower ni Alodia.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post naman si Wil Dasovich sa sarili niyang social media account na halatang reaksyon sa post ng dating kasintahan.

Kwela ang sagot ni Wil sa post ni Alodia kaya naman agad din iyong nag-viral.  Mayroon na iyong higit 22,000 shares, 19,000 comments at 366,000 ang nagbigay ng “Haha” reactions.

“Hi, ako nga pala ‘yung sinaing mo,” hirit ni Wil kasama ang larawan na hawak niya ang isang rice cooker na may sinaing.

Narito ang ilan sa mga komento sa post niya:

 “Haha, I knew you would post something like this, bro!”

 “Boss Alodia Gosiengfiao, nagpaparinig si Boss Wil , oh.”

 “Bumawi ka pa talaga. Pakurot nga.”

 “Huwag mong iwanan baka masunog. Love n’yo pa ang isa’t isa. May mga hugot, eh.”

 Samantala, ipinaliwang ni Alodia na ang post niya ay isang meme quote na nabasa niya. Pinasalamatan niya rin ang mga followers na nagpahayag ng suporta sa kanya.

Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intraweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!  I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade – Alodia Memes.

Continue Reading

News

Testing czar ipinaliwanag ang delays sa COVID test results

Published

on

By

Humingi ng pang-unawa si Presidential Adviser for COVID-19 Response at testing czar Vince Dizon sa mga kababayan na naghihintay ng resulta ng kanilang RT-PCR test.

Imahe mula sa PNA

Aniya, mabagal ang turnaround time ng mga resulta ngayon dahil dagsa ang nagpapa-test. Karaniwan daw itong inaabot ng 48 hours hanggang tatlong araw.

“Unang-unang rason diyan ay ang dami po talaga nating kababayan na nagpapa-test dahil maraming nagpopositibo at maraming nagiging close contact ‘yong ating mga kababayang nagpopositibo,” paliwanag niya.

Bukod dito, maging mga medical technologist at laboratory technician na nagpo-proseso ng mga resulta ay tinatamaan din ng virus.

“Ang pinakamabigat dito, kaya humihingi tayo ng pasensya sa ating mga kababayan, marami po sa ating mga medical technologist at laboratory technician ay nagpopositibo, at sila ay kinakailangang mag-isolate at hindi po sila nakakapag-report sa trabaho,” sabi ni Dizon.

File photo mula sa PNA

“‘Yon po talaga ang pinakamabigat na hamon natin ngayon. Alam n’yo naman po ang PCR, ‘yan po ay hindi automated test. ‘Yan po ay kinakailangan po ng maraming mga technician sa ating mga laboratoryo.”

Bilang solusyon ay sinusunod nila ang rekomendasyon ng IATF na huwag nang mag-quarantine ang mga healthcare worker na na-expose sa COVID positive patients ngunit hindi nakararanas ng sintomas.

Pinababa rin nila sa limang araw ang isolation period ng mga empleyadong bakunado, nagpositive sa COVID-19, at walang nararamdamang sintomas. 

Imahe mula sa PNA | Avito Dalan

“Basta wala na pong sintomas at bakunado, puwede na pong bumalik sa trabaho… Kailangan flexible tayo at kailangan talagang mas maging responsive tayo sa nangyayari ngayon. Ika nga, nasa giyera pa rin tayo at nauubusan tayo ng sundalo nang mabilis,” sabi ni Dizon.

Upang makaiwas sa hawaan ay ipinatutupad nila ang mahigpit na safety protocols kabilang na ang pagsusuot ng mask.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health nitong January 10 ay nakapagtala sila ng 33,169 karagdagang kaso ng COVID-19.

Continue Reading

Uncategorized

KDLex ‘feeling blessed’ na makasama mag-perform ang idolong si Rico Blanco

Published

on

kdlex rico blanco

Dream come true para sa popular Pinoy Big Brother (PBB) tandem na KDLex (KD Estrada at Alexa Ilacad) ang recent performance nila kasama ang singer na si Rico Blanco.

Sa Twitter, ibinahagi ni Alexa ang litrato nila ni KD kasama si Rico na nakasama nilang magtanghal para sa pagpasok ng panibagong batch ng adult housemates. Wika niya, “feeling blessed” sila na makasama sa iisang stage ang kanilang idolo.

“What a way to start the year! Such an honor for @kdestrada_ and I to have performed with one of our idols, @ricoblanco, for the #PBBKumuBigArrival. Feeling blessed and lucky, indeed. Goodluck sa new batch of adult housemates,” aniya.

kdlex rico blanco

Bukod kina KD at Alexa, masayang-masaya rin ang mga fan ng KDLex, dahil bukod sa pagpe-perform ng dalawa kasama si Rico, napansin din nila na pinalakpakan ng Pinoy music icon ang dalawang young singer sa mismong pagtatanghal nila. Hiling nila, sana ay magtuloy-tuloy pa ang mga milestone at iba pang magagandang bagay sa karera ng magkaibigan.

kdlex rico blanco

KDLex sabay na bumalik sa Bahay ni Kuya

Samantala, kamakailan lang ay ikinatuwa ng maraming fans ng KDLex ang sabay na pagbabalik nina KD at Alexa sa Bahay ni Kuya. Sa Instagram, ibinahagi ni KD ang mga larawang kuha sa labas ng bahay na ilang buwan din nilang naging tahanan ni Alexa; na naging matalik niyang kaibigan habang nasa loob. Bukod sa solo pictures, mapapansin din na kasama niya sa pagbabalik si Alexa.

“I’m back. Words can’t explain what a ride this has been. But I can definitely say that I have no regrets because even on the bad days, I learned something valuable that I will always carry. To everyone out there going through the same thing as me, I want to say that I’m proud of you and you deserve all the good things coming your way, I know that it seems hard and the road looks unclear, but I promise that at the end of it all, you’ll find peace. I love you. Thanks, Kuys,” saad niya sa caption ng mga larawan.

kdlex rico blanco

Nagbahagi rin ng videos sa Intagram stories si Alexa kung saan kasama niya si KD. Nag-post din ito ng solo picture mula sa bahay ni Kuya at pinasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang PBB journey.

“I entered Pinoy Big Brother armed with nothing but my hopes and dreams, and I left the house gaining so much more! Each time I was saved during nominations, I had an inkling that there were people who were rooting for me. But I HAD NO IDEA just how much you all tirelessly moved heaven and earth for me until I finally got out. To say that I am overwhelmed with the outpouring of love is an understatement. Since Day 1, I have done nothing but show my true colors, and I am so very thankful to you for having my back and for loving me—the REAL ME—flaws and struggles and all,” saad niya sa isang lengthy post.

Continue Reading

Trending