Ang pole dancing ay isang uri ng fitness na hindi madali dahil kinakailangan na maging matibay ang iyong katawan bago ka magkakaroon ng mga...
Naging hilig ng aktress na si Ciara Sotto ang pole dancing. Siya ngayon 40 taong gulang at may isang anak. Mahilig na rin si Ciara sa pagsasayaw. Nag simula siya sa kanyang pole dancing career noong 2010 pa lang.
Hindi daw gusto ni Ciara ang pagpunta ng gym para sa kanyang fitness pero gusto niya ng ibang dance class. Sinubukan na daw niya ang ibang dance classes gaya ng belly dancing at strip tease pero nang nakita niya ang pole dancing nagustuhan niya ito. Ang pole dancing daw ay mas challenging sa ibang dance class at naging addik umano siya nang nalaman niya ito.
Ang kanyang hilig sa pole dancing ay itinuturo na niya sa kanyang mga estudyante. Gusto umano ni Ciara na ang kanyang mga estudyante ay maging "confident women" at ma tap nila ang kanilang inner sexiness.
Nito lang Lunes ay inanunsyo ni Ciara Sotto na itinatag niya ang Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA). Dinala ng aktres ang kanyang hilig sa pole dancing sa mas mataas na antas. Ang PPASA ay kinikilala ng International Pole Sports Federation.
"I’m very honoured to present to you, the Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA). 🇵🇠As the Founder and President of the PPASA, I have been working on this for more than 2 years."
Taos puso ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanya.
"I am very grateful to the Philippine Olympic Committee for finally recognizing us. This is such a great blessing from God and a very big milestone for the Pole and Aerial community in the Philippines. Hopefully, we will also be appreciated not just by our country but by the whole world. Please go to our page @ppasaofficial and our Facebook page for more information. Thank you! #polehearted"
Ikinwento din ni Ciarra na active na siya mula pa noong bata pa siya dahil palagi daw silang magkasama sa kanyang kapatid na lalaki. Sa kanyang kabataan umano, marami daw siyang mga insecurities at kulang siya ng bilib sa kanyang sarili ngunit tinulungan siya ng kanyang ina para mawala ito sa kanya.
Congratulations Ciara Sotto!
Source: GMA Tunay na Buhay
COMMENTS