Isa ngayong sikat na artista si Daniel Padilla. Kilala siya sa kanyang galing sa pag-arte at pagkanta. Nito lang Miyerkules ay ipinakita ng...
Isa ngayong sikat na artista si Daniel Padilla. Kilala siya sa kanyang galing sa pag-arte at pagkanta.
Nito lang Miyerkules ay ipinakita ng binata ang kanyang kabutihan ng loob ng siya ay nagkaroon ng aksidente sa Quezon City.
Naging viral ang video at mga larawan ng aktor sa insidente. Ipinakita nito na kinausap ng aktor ang tricycle driver na nakabangga sa kanyang sports car. Kitang-kita umano ang likuran ng bumper ng sasakyan ng aktor na ang tricycle driver ang may sala.
Ayon sa mga nakasubaybay sa pangyayari, imbes na magalit ang aktor sa tricycle driver ay tinulungan pa niya ito at binigyan ng pera.
Sa insidente, wala nina Daniel at tricycle driver ang nasaktan.
"Si Daniel na nabunggo siya pa ang nagbigay kay manong. Bait talaga." heto ang post ng witness na si Jessica de Vera Tamayo.
Isa ring witness ang nagpost na si Reynaldo Duron. "SOBRANG BAIT NI DANIEL PADILLA, SYA NA NA BANGGA SYA PA NAG BAYAD SA TRICYCLE 😍😍 tae na ang gwapo."
Maraming video ang nag viral ng dahil sa nangyari. Pinakita ni Daniel Padilla ang pagiging good samaritan.
Hindi pa nag salita si Daniel sa insidente ngunit sinigurado ng kanyang ina na ligtas si Daniel at ang kanyang sasakyan lang ang mayroong kunting gasgas.
Ayon naman sa ina ni Daniel na si Karla Estrada, “Guys, okay si DJ,Kaunting gasgas lang sa sasakyan. At siyempre, everybody happy! No problem! Tuloy ang buhay!”
COMMENTS