Connect with us

Inspiring

Dra. Vicki Belo naging emosyonal sa kanyang pinagdaanan noong siya ay bata pa

Published

on

Isa sa mga pinaka kilalang celebrity doctor sa ating bansa ay si Dra. Vicki Belo. Marami siyang mga artistang mga cliente kung saan ay tinutulungan niya ang mga ito upang ma enhance ang kanilang kagandahan. Siya nga ay isang magaling na doctor na pinagkakatiwalaan di lang ng mga artista kundi pati na rin ang mga maimpluwensyang tao sa bansa. Pero hindi alam ng karamihan na si Dra. Belo pala ay isang biktima ng bully sa kanyang kabataan dahil sa kanyang hitsura. Ito umano ang motivation niya para magsumikap at ngayon ay isa na siyang doctor na hindi lang kilala sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. 

Sa isang segment ng “Magpasikat” ng Its Showtime, iniimbitahan si Dra.Belo bilang isa sa mga judges. Sa performance ni Vice Ganda ay itinampok nito ang pagkakaroon ng pagmamahal sa sarili. Ito ay tungkol sa taong nagkaroon ng alopecia. Ang alopecia ay isang condition na kung saan ang tao ay mawawalan ng buhok. Sa kanyang performance, si Vice ay nagkaroon ng pagpapalit ng outfits at wigs. 

Pagkatapos ng performance ay napaiyak si Dra. Vicki Belo dahil naalala niya noong siya ay bata pa na kung saan siya ay mataba at ipina adopt. Tumitimbang umano siya ng 100lbs nang siya ay limang taong gulang pa lamang. Siya ay hindi tunay na anak ng mga Belos. 

Sa kanyang kabataan ay binubully siya dahil sa kanyang katabaan at hitsura at sinabihan pa siya na ito umano ang rason kung bakit siya pina adopt ng kanyang mga magulang. Ito ang rason at naging motivation ng celebrity doctor na magsumikap. 

Layunin ni Dra.Vicki Belo na ang mga tao ay gumanda dahil naniniwala siya na kung ang isang tao ay may kaaya-ayang mukha ay matatanggap siya at hindi mabubully ng iba.

Napahanga si Belo sa performance ni Vice Ganda at ang kanyang mga kasamahan. Sinabihan pa niya si Vice Ganda na iniidolo siya ng kanyang asawang si Hayden Kho at ito umano ang dahilan na nakita ni Dra. Belo ang kakaibang pagkatao ni Vice. Dahil sa kanilang performance, nanalo ang team ni Vice Ganda ng 1million peso at ibinigay nila ito sa kanilang napiling charity.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspiring

Basketball player, iniwan ang career sa PBA para maging truck driver sa Canada

Published

on

By

Isang dekadang inalagaan ni Tristan Perez ang pangarap niyang makapaglaro bilang professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Natupad ang pangarap na iyon ni Tristan nang kunin siya ng Blackwater Elite team noong 2016, subalit sa loob lang ng isang taon bilang professional basketball player ay nagdesisyon siyang iwan ang PBA career niya upang makapiling ang asawa sa Canada.

“Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” paglalahad ni Tristan.

Sabi niya, tinimbang niyang mabuti ang kanyang mga options  bago nagdesisyon na sundan sa Alberta, Canada ang asawang si Princess Jhameel, kung saan ito nagtatrabaho. Pinag-isipan daw niya iyon nang ilang ulit.

“I weighed my options well. I thought it many times over. My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA – assuming I play long in the league,” aniya.

Mas pinili raw niya ang Canada kaysa sa PBA dahil ang magbebenepisyo ay ang future ng kanilang mga anak.

“Mas pinilli naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future. Buo na ang desisyon ko, eh. Hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan eh,” paliwanag niya.

Tatlong taon na rin si Tristan bilang truck driver sa Canada. Napamahal na raw sa kanya ang trabaho dahil exciting daw ang pagmamaneho ng malalaking truck sa Canada.

“Napamahal na ako sa trabahong ito. ‘Yung trabaho ko parang hindi siya nakakainip, parang ang dami niyang challenge. Risky siya, pero doon ako nag-e-enjoy, eh, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba’t ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo,” ani Tristan.

Kuwento niya, ang misis niya ay school driver naman.

Aniya, malayo man ang pagiging truck driver sa dati niyang propesyon bilang professional basketball player sa PBA, kakaiba raw ang feeling niya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

Continue Reading

Inspiring

Apo Whang-Od nagpa-tattoo sa isang tattoo artist

Published

on

By

Walang pagsidlan ng tuwa ang isang tattoo artist nang hinilingan siya ng napakapopular na  mambabatok na si Apo Whang-Od na magpa-tattoo sa kanya.

Ikinuwento ng tattoo artist na si Diegz Madrona nito lang Nobyembre ng nakaraang taon siya nagpa-tattoo kay Apo Whang-Od. Dahil sa sobrang saya na ang maalamat na mambabatok ang nagta-tattoo sa kanya ay wala raw siyang sakit na naramdaman.

“Noong tinatatuan niya ako hindi ko naramdaman ‘yung sakit kasi sobrang saya ko po eh,” pagbabahagi ng tattoo artist.

Nang matapos ang pag-tattoo sa kanya ng oldest at  world-renowned traditional tattoo artist ay nagulat na lang daw si Diegz nang humiling si Apo Whang-Od na magpa-tattoo sa kanya.

Nakita raw kasi nito ang dala niyang “machine” na ginagamit sa pag-tattoo. Nagandahan daw si Apo Whang-Od.

“Nag-picture-picture na po kami, tapos nakita ‘yung machine ko, ang sabi ang ganda raw doon sa word po nila. Tapos, baka puwede ko raw po siyang tatuan. Tapos sabi ko ‘Sige po.’ Tapos may dala raw po ba akong gamit? Sabi ko ‘Wala po eh pero puwede po ‘yung ink niyo po na traditional,” ani Diegz.

Ang maalamat na mambabatok na rin ang pumili ng disenyo na ita-tattoo sa kanya ni Diegz.

Kahit may nararamdamang kaba ay pinilit ni Diegz na maayos na matatuan si Apo Whang-Od. Sabi niya, pumapaling-paling daw ang “machine” niya habang tinatatuan ang matanda pero nagawa raw niya nang maayos.

Once in a lifetime lang daw mangyayari na matatuan niya ang pamosong si Apo Whang-Od kaya sinunggaban na niya ang pambihirang pagkakataon.

“Sobrang pumapaling pero pilit kong nilalabanan ‘yung pagpaling niya. Tapos nararamdaman din nila o nakikita ng mga nanonood sa amin, ‘Uy sir nanginginig ka ah, pumapaling ah.’ Ako, parang hindi ko pinapakinggan. Moment ko na ito, gagawin ko na ito kahit ano man ang mangyari. Halatang halata, sobra. ‘Yung kaharap mo talagang respetado eh,” aniya.

Ang karanasan ni Diegz ay habambuhay nang nakaukit hindi lang sa kanyang balat kundi maging sa kanyang puso.

Continue Reading

Inspiring

Delivery rider nakatanggap ng helmet kapalit ng isang Paracetamol

Published

on

By

Parami na nang parami ang mga grupo ng riders na may natutulungang mga tao lalo na sa hanay ng mga delivery rider.

Katulad na lamang ng isang Toktok rider na nakatanggap ng biyaya mula sa isang rider vlogger na ipinost ng Jawo Motovlog sa kanyang Facebook  page na mayroon nang 444k reacts at 11k shares.

“Kahit isang pirasong bioflu lang nabili niya pero yung effort at malasakit niya sa tao ayun yung hindi matutumbasan! Saludo ako kay kuya toktok rider! Kayo rin ba? Habang naglilibot at umiikot ang vlogger at naghahanap ng mabibigyan na helmet ay pinili naman niya ngayon ay ang isang Toktok rider na hindi na kagandahan na helmet ang kanyang matutulungan,” saad sa kanyang caption.

Sa kanyang paglilibot at paghahanap ng mabibigyan pinili niya ang isang Toktok rider na hindi kagandahan ang helmet.

Tinanong naman niya ang rider kung mayroon itong paracetamol. “Sir may ano ka diyan, mayroon kang paracetamol Biogesic?” tanong ni Jawo.

“Wala po eh,” sagot naman ng Toktok rider.

Nakisuyo si Jawo na baka may mabilhan na Biogesic dahil masama umano ang pakiramdam niya. Iniwan pa ng rider ang kanyang motorsiklo para lang makahanap ng gamot para sa vlogger. Agad naman itong naglakad at naghanap sa mga tindahan para may mabiling gamot.

“Ang effort ni kuya oh, tingnan mo iniwan pa pati cellphone dito, kung may mga gamit dito [sa motorsiklo] baka nawala na rin yan kung masamang tao ako,” wika ni Jawo.

Alam naman ng rider na talagang mahirap makahanap at nagkakaubusan na ng mga gamot ngayon lalo na ng paracetamol at Bioflu dahil sa lumolobong kaso ng Covid-19 at influenza dahilan sa malamig na panahon.

Natuwa ang rider sapagkat makikita talaga kung gaano kamatulungin ang mga Pinoy. Siya naman talagang tunay!

Nang bumalik ang rider ay may dala na itong isang pirasong Bioflu at kaagad na ibinigay sa vlogger. Hindi paracetamol ang nabili ng rider. Pero sabi nga ni Jawo, may mabili man o wala ang rider ay bibigyan pa rin niya ito ng helmet.

“Okay lang ba, sir, palitan ko Bioflu mo? Evo helmet? ” tanong ni Jawo.

Hindi makapaniwala ang Toktok rider na ganoon kadali siyang mabibigyan ng helmet. Dahil sa pagkawili ni Jawo  sa rider ay agad niyang ibinigay ang bagong helmet para mapalitan na ang lumang suot nito.

Naiyak ang delivery rider matapos siyang makatanggap ng bagong helmet dahil lang sa isang pirasong Bioflu. Bukod pa sa helmet ay nag-abot din ng pera ang vlogger para makatulong sa delivery rider.

Maraming netizens ang natuwa at nagkomento sa ginawa ni Jawo;

“Grabe yung tiwala ni toktok driver sayo idol. Imagine iniwan niya nang buo ung panghanapbuhay nya sa di naman niya kilala para lang matulungan ka makabili ng gamot… Salute ke kuya driver at sayo din syempre idol Jawo”  –  H Delfin

“Ito yung ‘di inaasahang tulong na alam mong bukal sa loob ang pagtulong kc di \siya nag expect ng kapalit dahil di nya kilala ung taong tinutulungan niya salute sau kuya rider at sir jawo…God blessed more” – J Suarez

Nakakatuwa, naiiyak God bless po sa inyong dalawa.”  – E Surco

Narito at panoorin ang kabuoang video ni Jawo Motovlog:

Continue Reading

Trending