Pangarap mo bang makapagtravel sa iba't-ibang lugar na libre? Marahil pangarap mo rin iyan dahil sino ba namang hindi magkakagustong m...
Pangarap mo bang makapagtravel sa iba't-ibang lugar na libre? Marahil pangarap mo rin iyan dahil sino ba namang hindi magkakagustong magtravel.
Isa sa pinakamagandang opportunidad para makapagtravel ng libre sa iba't-ibang lugar ay ang pagiging flight attendant. Pangarap mo bang maging flight attendant? Itong artikulong ito ay para sa iyo. Alam mo ba na kahit ikaw ay isang senior highschool graduate ay pwede ka ng mag apply bilang isang flight attendant? Oo, tama. Ito ay magandang balita para sa mga taong matagal ng nangangarap na maging FA.
Ano nga ba ang trabaho ng isang FA? Ang trabaho ng isang flight attendant ay ang mapanatili ang pasahero sa eroplano na maging comfortable sa kanilang pagbabyahe sa himpapawid. Sila ang nagtutugon sa mga pangagailangan ng mga pasahero at sila din ang nagpapakalma ng mga pasahero kung may sakuna na magaganap habang sila ay bumabyahe.
Inaakala ng karamihan na para ang isang tao ay maging isang ganap na FA ay kailangan muna siyang makatapos ng dalawa o apat na taong kurso sa kolehiyo, ngunit inanunsyo ng Becoming a Flight Attendant facebook page na may airlines na tumatanggap ng aplikante kahit ito ay isang highschool graduate lang.
Maliban sa educational attainment, kinakailangan din na ang isang aplikante na may height na at least 5'3 sa mga kababaihan at 5'7 sa mga kalalakihan,may presentableng mukha at may maayos na ngipin. May mga airlines din na tumatanggap ng may asawa at anak na at walang age limit. May ibang mga airlines naman na tumatanggap lang ng mga dalaga at binata na may edad na hindi lampas ng 27 years old. Kinakailangan din na ang aplikante ay may mature na pag-iisip ang positibong ugali.
Importante din para maging isang FA ang may maayos na komunikasyon at magaling sa wikang englis.
Ang pagiging FA din ay may magandang sahod na kahit ikaw ay kakaumpisa mo palang sa pagtatrabaho ay pwede ka nang sumahod ng Php 18000-Php 26000 ayon sa Department of Labor and Employment. Kapag ikaw ay tatagal sa serbisyo ay maaari pa itong aabot ng Php36000-Php 54000 at may mga incentive pa na maibibigay ang kompanya sa iyo.
Dahil umano sa pinagdaanan nating pandemya, hindi pa muna tumatanggap ng mga aplikante ang lahat ng mga airlines ngayon pero kung ang sitwasyon ay babalik na sa normal ay maaari ka nang mag apply kahit hindi ka pa nakapagtapos ng kolehiyo.
COMMENTS