Connect with us

trends

Joseph Marco pinakilala ang bagong girlfriend sa social media

Published

on

Isang napakasarap na pakiramdam ang pagiging inlove. Gaya na lang ng isang kapamilya actor na si Joseph Marco na ginulat niya ang mga netizens ng pinakilala niya ang kanyang bagong girlfriend sa publiko.

Nito lang Miyerkules ay nag post ang aktor sa kanyang instagram account sa kanilang polaroid pictures na kung saan halatang halata ang sweetness ng dalawa na may caption na ,”You are the one I’ve waited for.”
Siya si Dasha Romanova na isang Russian model na kasalukuyang nasa Pilipinas. 


Si Dasha ay nag post na rin sa kanyang instagram account sa kanilang larawan ng aktor na may caption na, ” so promise you’ll never change.”
Bago pa lang pinakilala ng aktor si Dasha ay may post na siya na nagpapahiwatig na may bago na siyang lovelife pero hindi muna niya pinakita kung sino ito.  Ito ay ang lawaran ng dalaga na nakatalikod na nilagyan niya ng caption na, ” Thank you for everyday…”
Hindi mapigilan ng aktor ang kanyang sweetness sa dalaga. Kaya naman inulan ito ng congratulatory messages sa mga fans at kanyang mga kasamahan sa showbiz industry.
“I’ll make you breakfast everyday.” sabi ng aktor sa kanyang post. 

“At times I would find myself crying with happiness. The moment you walked into my life I found a side of me I never knew I had. A side that would sacrifice everything for your happiness. I’ve never felt so safe and secured like this. Now I know that you’re the missing piece I’ve been trying to find.






You bring so much joy and love to my life. I always look forward to being home to you and spending time with you. You have the sweetest and most loving heart. Thank you for loving me and accepting my love in return. I love you today and for all my tomorrows. 💜 @darjaromanova
Mapapa sana all ka na lang sa sweetness ng dalawa. Congratulations Joseph Marco and Dasha!

celebrities

Yeng Constantino, Rivermaya naglabas ng bagong bersyon ng ‘Liwanag sa Dilim’

Published

on

By

Nagtulungan sina Yeng Constantino at ang OPM band na Rivermaya sa pagpapalabas ng bagong bersyon ng hit song na “Liwanag sa Dilim.”

Ang tune ay kasalukuyang ginagamit sa kampanya para sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo sa Mayo 9.

Ang rendition ni Yeng ng kanta ay opisyal na inilabas noong Abril 17; kasama ang isang bagong music video na nagtatampok ng mga ordinaryong tao na sumusuporta sa kandidatura ni Leni.

Kinunan ang performance nila sa rooftop ng isang gusali. Ang music video ay kapansin-pansing nakakuha ng magandang pagsikat ng araw pati na rin ang mga aerial shot mula sa mga nakaraang campaign rally ni Leni at ng kaniyang running-mate na si Sen. Kiko Pangilinan.

Nanguna ito kaagad sa trending list ng Twitter Philippines matapos itong ilabas.

Bukod kay Yeng at mga miyembro ng Rivermaya, lumabas din sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa music video kung saan ipinahayag nila kung bakit nila iboboto si Leni.

Ibinahagi naman ni Yeng ang music video sa kaniyang Facebook.

“Isang malupet na pagkakataon. Kasama ang mga hinahangaan. Para sa bayan at sa pinaniniwalaan. Liwanag sa Dilim. Sa pagkakaisa nating mga Pilipino, mapagtatagumpayan natin ang anumang pagsubok na dumating. Sa ilalim ng isang mahusay at matapat na pinuno, lahat tayo magsisilbing Liwanag Sa Dilim,” ani Yeng sa kaniyang caption post.

Bukod kina Yeng, Rivermaya, Piolo at Angel, marami pang celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Leni, kabilang ang aktor na si Daniel Padilla.

Sa viral photo niya, kasali raw ang Kapamilya actor sa pagpipinta ng mural para sa incumbent Vice President.

Samantala, ibinahagi naman ni Piolo sa kaniyang twitter account ang music video ng ‘Liwanag sa Dilim.’

Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa mga volunteers na gumawa ng music video. “Maraming salamat sa ating mga Volunteer Film Workers, Artists, and supporters from different communities na naging kabahagi natin sa paglikha ng music video na ito!”

Panoorin ang video na ibinahagi ni Yeng:

Continue Reading

Social News

Robi Domingo naglabas ng saloobin dahil sa nag-trending na PBB quiz: “Let’s battle #MaJoHa”

Published

on

By

Naglabas ng kaniyang saloobin si Pinoy Big Brother (PBB) host Robi Domingo dahil sa ‘nakahihiyang’ kakulangan ng kaalaman sa ating kasaysayan na ipinakita ng mga housemates sa ginanap quiz noong isang gabi.

Bagama’t inaming nakatatawa umano ang naging sagot ng mga housemates, hindi na rin daw ito nakatutuwa kinalaunan dahil lumalabas dito ang pagkukulang ng ating kasalukuyang sistema ng edukasyon.

“Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa,” ani Robi sa kaniyang tweet, na ang tinutukoy ay ang sagot ng isang housemate sa tanong na kung sa anong pangalan kilala ang tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jacinto Zamora at Jose Burgos.

Ang naging sagot kasi rito ni Kai Espinido ay MarJo, habang ang kay Gab Skribikin ay MarJoHa, na parehong sablay.

Alam naman kasi ng maraming estudyante na ang tamang sagot sa nasabing ay ‘GomBurZa’ na kinuha sa mga unang letra ng apelyido ng tatlong pari.

Dahil dito, nanawagan si Robi na sana ay pag-ukulan ng pansin ng mga kinauukulan ang mistulang pagkukulang na ito sa ating sistema ng edukasyon.

“Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon,” wika ng PBB host.

“Sa lahat ng content creators, let’s battle #MaJoHa,” dagdag na panawagan ni Robi.

Bukod sa ‘MaJoHa’, na kaagad nag-trending sa Twitter, napansin din ng mga netizens ang maling sagot ni Gab sa tanong na kung anong pinakamahabang tulay sa bansa ang nagdudugtong sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

‘Slex’ ang sagot dito ni Gab habang nakuha naman ni Kai ang tamang sagot na ‘San Juanico Bridge’.

Dismayado naman ang maraming netizens sa kinalabasan ng quiz subalit hindi rin daw dapat sisihin lamang ang dalawang kabataan; bagkus ay ang buong sistema ng edukasyon sa bansa.

“GomBurZa is literally the easiest thing u would know in Phil history. Nakaka disappoint. Pero kung k-drama yan or oppa, memorize pa pati full name. It feels like our history is in crisis. It makes me horrified that this generation. could easily forget our history,” ayon sa isang Twitter user.

Panawagan ng marami, sana raw ay maging hudyat na ito upang repasuhin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pinaiiral na kurikulum lalo na sa paksa ng pag-aaral ng ating sariling kasaysayan.

Panoorin ang buong episode ng PBB:

Continue Reading

trends

‘Kosk’: Bagong face mask sa South Korea ilong lamang ang natatakpan

Published

on

kosk

Sa pagpapatuloy ng pandemya, iba’t iba ang paraan ng mga tao habang nagpapatuloy sa “new normal”; may magaganda, may mga kakaiba, at mayroon ding mga hindi nakatutuwa. Isa ang “kosk” sa mga bagong imbensyon na unti-unti nang pinag-uusapan ngayon.

Ayon sa The Guardian, ang kosk ay isang bagong type ng face mask na nagsimula sa South Korea at sa kasalukuyan ay nakakakuha ng maraming atensiyon dahil sa pagiging iba nito sa mga tipikal na mask. Hindi kagaya ng karaniwan na natatakpan nang buo ang ibabang bahagi ng mukha, tanging ilong lamang ang natatakpan at nakalitaw ang bibig ng may suot nito.

kosk

“It probably makes a marginal difference,” saad ni Professor Catherine Bennett; kasalukuyang chairperson ng epidemiology sa Deakin’s Institute for Health Transformation.

Akmang-akma sa produkto ang ipinangalan dito ng South Korean company na Atman. Ang salitang “kosk” ay kombinasyon ng “ko” na Korean word na nangangahulugang “nose” at “mask”.

koskBagama’t idinisenyo umano para magbigay pa rin ng proteksyon habang kumakain sa pampublikong lugar ang isang tao, isinusuot na rin ang kosk bilang nose-only mode at marami ang natutuwa sa bagong klase ng mask. Ngunit marami rin ang bumabatikos sa produkto.

kosk

“Kosk makes no sense; reasons being: 1. Doesn’t stop the virus entering/exiting the wearer, 2. Smell and taste are closely linked. If the ability to smell is reduced, food may seem tasteless!” wika ng isang Twitter user.

“Forget sticking your nose out of your mask–now you can stick your mouth out instead with the kosk,” tweet naman ng isa.

Ikaw, anong masasabi mo sa bagong klase ng mask na ito? Isa ka ba sa mga bibili at gagamit ng kosk? Ibahagi sa amin ang iyong opinyon!

Continue Reading

Trending