Connect with us

Health

Mga Panloob na Halaman na nakatutulong sa pag linis ng hangin sa loob ng bahay

Published

on

 

Ang ating tahanan ay isang lugar na kung saan ay mararamdaman natin na tayo ay ligtas. Ito ay ang lugar na kung saan ang ating pamilya ay nakatira kaya naman ay nararapat lang na ito ay nanatiling malinis. Hindi lang ang mga gamit sa ating bahay ang ating siguraduhing malinis kundi pati na rin ang hangin na ating nilalanghap habang tayo ay nasa loob. 

Paano ka ba nakakasiguradong ang hangin ng iyong bahay ay malinis? May iba ay gumagamit ng mga air purifiers. Ang air purifiers naman ay nakatutulong sa pag filter ng hangin sa ating tahanan at sabayan lang ito ng wastong paglinis ng bahay. Pero alam mo ba na may mas natural pa na mga pamamaraan kung paano linisin ang hangin sa loob ng ating tahanan, ito ay ang pag lagay ng mga indoor plants o mga panloob na mga halaman. 

Ang NASA ay nagkaroon ng pananaliksik kung anong mga halaman na makakatulong sa paglinis sa mga panloob na lugar gaya ng ating mga tahanan na kung saan kaya nitong e convert ang carbon dioxide na maging oxygen. 

Noong 1989 ay naglabas na sila ng resulta sa kanilang pananaliksik. Sa kanilang pananaliksik, iminumungkahi  nila na maglagay ng isang halaman sa kada 100 square feet sa loob ng tahanan o mga panloob na lugar. Ang mga halaman na ito ay kaya umanong umalis ng mga air toxins gaya ng trichloroethylene, formaldehyde, benzene, xylene at ammonia. 

Ano nga ba ang mga halamang inirekomenda ng NASA sa loob ng inyong mga tahanan o maging sa loob ng iyong mga opisina? Heto ang ang iilan sa mga ito:

1. Boston Fern

Ito ay kilala rin na sword plant na kadalasang makikita sa mga bansa na may tropikal na klima. Ang halamang ito ang mabubuhay kahit ito ay makakuha lang ng indirect light. 

2. Flamingo Lily

Ito ay tinatawag din na anthurium scherzerianum o anthurium andraeanum. Kilala ito sa kanyang exotic looks na kung ito ay inaalagaan ng maayos ay ito ay mamumulaklak na magbibigay ganda sa loob ng iyong tahanan. Ito ay natural na tumutubo sa mga rainforest, kaya naman ang pag aalaga nito ay kailangan lamang na hindi gaanong masinagan ng araw. 

3. Peace Lily

Ito ay karaniwan sa mga tropikal na bansa. Nabubuhay ito sa mga lugar na hindi masyadong nasisinagan ng araw. Kaya naman kung ilalagay ito sa loob ng tahanan o sa opisina ay mas gaganda ito sa sulok na walang bintana. 

4. Cornstalk dracaena

Ito ay nangangailangan lamang ng kaunting tubig. Maaari itong ilagay sa loob ng bahay o opisina na may bintana dahil ito ay nangangailangan lang ng filtered sunlight. 

5. Bamboo Palm

Ang halaman na ito ay lalago sa may low light condition. Ito ay nakapagbibigay ng tropikal na tema sa inyung mga tahanan at opisina.

6. Snake Plant

Kilala ang snake plant sa kanyang katangian na nag aalis ng mga pollutants sa hangin at may katangian din itong mag convert ng carbon dioxide para gawing oxygen lalong lalo na kung gabi. 

7. Spider Plant

Ito ay may katangiang nag lalabas ng oxygen at nag lilinis ng hangin sa inyong tahanan at maging sa opisina sa pamamagitan ng pag absorb ng carbon monoxide, formaldehyde at xylene.

8. Chinese Evergreen

Ang madahong halaman na ito ay naglalabas ng oxygen sa loob ng iyong tahanan at opisina at nakatutulong pa ito para ikaw ay maging mas produktibo sa iyong trabaho.

9. Kimberly Queen Fern

Ang halaman na ito ay nangangailangan ng full sunlight.  Kaya maaari itong diligan 5-7 times sa isang linggo.

10. Red-edged Dracaena

Ito ay nangangailangan ng direct sunlight. Ang paglagay nito sa loob ng tahanan o maging sa opisina ay nakatutulong di lang sa pag lilinis ng hangin kundi pati na rin sa pag iwas ng sakit sa ulo at respiratory problems.

Mayroon na ba kayong mga halaman na nasa inyong tahanan at opisina na inirekomenda ng NASA? Ano ang masasabi mo sa mga halaman na ito? 

Food

Kamote mainam sa ating kalusugan

Published

on

By

Bahagi ba ng inyong hapag kainan ang kamote?

Ang kamote, na sweet yam o sweet potato sa Ingles (Ipomoea batatas), ay isang pangkaraniwang halamang-ugat sa Pilipinas na maaaring kainin. Ang mga mura at malambot na mga dahon nito na talbos kung ating tawagin ay maaaring pakuluan o i-steam at isahog sa mga lutuin.

Isa ang kamote sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy. Kaaniwang may matamis na lasa ang pagkaing-ugat na ito.  Manipis ang balat nito at may iba ibang uri; may kulay lila, may puti, may kulay kahel at dilaw.

Maaari mo itong kainin nang nilaga lamang o gamitan ng ulang na parang inihaw. Maaaring balatan o ipito nang may balat matapos linising maigi. Kamote cue ang pinaka-karaniwang pamamaraan sa pagluto ng kamote. Ang kanyang dahon ay puwedeng kainin din, at may maraming paraan sa pagluto nito.

Ano-ano naman kaya ang mga benepisyo ng pagkain ng kamote sa ating kalusugan?

1. Ang kamote ay mainam na source ng potassium.

Ang kamote ay isang magandang regulator sa tibok ng puso (heartbeat) at nerve signals. Ang mataas na lebel ng potassium ay makikita dito. Ang klase ng electrolyte na nasa kamote ay hindi lang nagre-regulate ng pagtibok ng puso kundi pinipigilan din nito ang muscle cramps at nagbibigay proteksyon din sa ating mga bato (kidneys).

2. Ang kamote ay masustansiya at nagbibigay ng karagdagang tubig at fiber 

Ito ay mainam na source ng fiber, vitamins, at minerals. Mayaman din ito sa antioxidants na nangangalaga sa ating katawan mula sa mga radical damage at mga chronic disease.

Tandaan din na ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na tubig para maging malusog. Malaking tulong ang kamote para diyan. Ang fiber na matatagpuan sa kamote ay tumutulong sa pagpapanatili ng tubig sa ating katawan. Pinapanatili itong balanse at pinapanatili tayong hydrated.

3. Ang kamote ay nakatutulong sa may hika (asthma)

Bukod sa pagiging masustansiya, mainam na isama sa diet ang kamote kung ikaw ay may hika. Ang kamote kasi ay isa sa mga pagkain na bihirang nagdudulot ng allergic reactions sa katawan. Di nga ba’t ang hika ay kadalasang kinakabit sa mga allergy?

Kapaki-pakinabang para sa mga may hika ang talbos o dahon ng kamote dahil sa pamamagitan ng aroma nito, nakatutulong ito na ma-decongest ang ilong at baga, kaya ang paghinga ay hindi stressful para sa may hika.

4. Ang kamote o sweet potato ay magandang source ng iron.

Hindi lamang karne ang magandang mapagkukunan ng iron. Ang kamote ay nakatutulong din sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng paggawa ng mga white blood cells at pinapabuti ang pangkalahatang pagpapalakas ng ating immune system dahil sa iron na matatagpuan dito. Di nga ba’t noon pa man ay sinasabi na kumain tayo ng talbos ng kamote lalo na kung maputla tayo o anemic?

5. Nakatutulong ang kamote upang makaiwas sa cancer.

Ang kamote ay may antioxidants na maaaring makatulong upang maprotektahan tayo laban sa ilang uri ng cancer.

Ang anthocyanins — isang grupo ng antioxidants na karaniwang  tinataglay ng kulay lilang kamot – ay nakapagpapabagal umano sa paglaki ng ilang uri ng cancer cells sa pantog,  bituka, tiyan at dede.

Ang matingkad na kulay kahel na kamote ay mayaman naman sa carotenoids na nagsisilbing antioxidants at tumutulong upang mapigilan ang paglaki ng cells. Napabababa nito ang risk na magka-cancer tayo.

Kailangang malakas ang ating immune system lalo na sa panahon ngayon na maraming virus. Kumain tayo ng maraming kamote dahil ito ay nakatutulong para hindi makapasok ang virus sa ating katawan.

Maraming paraan ng pagluluto ng kamote bukod sa simpleng paglalaga o pag-steam nito. Gawing bahagi ng inyong menu para sa buong pamilya.

Alalahanin ang ating mga ninuno noon at mga taga-probinsiya nating lolo at lola na naging malakas at mahaba ang buhay; marahil ay dahil sa kamoteng regular nilang kinakain!

Continue Reading

government

Kiko, may ibinidang uri ng saging; nanawagan ukol sa ‘Batas Sagip Saka’

Published

on

By

Ibinida ni outgoing Senator Kiko Pangilinan ang klase ng saging na hindi umano gaanong kilala o pamilyar sa karamihan, subalit masusumpungan naman sa kanilang bukirin sa Alfonso, Cavite.

Ipinakita ni Sen. Kiko ang litrato ng mga saging sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hunyo 10. Aniya, tinatawag umano itong “arnibal” at maaari itong kainin kahit hilaw kagaya ng manggang isinasawsaw sa bagoong. Kapag hinog naman at ipinrito ay saksakan ng tamis.

“Heto ang saging na arnibal na tawag sa Alfonso. Hindi siya kilala masyado tulad ng saba, señorita, lakatan o latundan pero isa ito sa pinakamabenta naming produkto dahil sa sobrang tamis kapag piniprito. Kapag hilaw naman sinasawsaw sa bagoong tulad ng manggang hilaw,” aniya.

Batas Sagip Saka

Samantala, nanawagan naman siya sa pamamagitan ng isa Facebook post na patuparin nang buo at agaran ang “Batas Sagip Saka” upang may pagkain umano ang mga Pilipino.

“PATUPARIN NANG BUO AT AGAD ANG BATAS SAGIP SAKA PARA MAY PAGKAIN ANG MGA PINOY,” panawagan niya.

“Napipinto ang food crisis bunga ng giyera ng Ukraine at Russia, at ang pagputol ng global food supply chain sa trigo, at sa langis na siya namang nagpapataas din ng presyo ng abono at kung ano-ano pa.”

“Minumungkahi natin ang agaran at buong pagpapatupad ng Batas Sagip Saka para mabuo ang food eco-system at mapatibay ang food supply chain na nakatutok sa kapakanan at kagalingan ng mga magsasaka at mangingisda.

“Kailangan maitatag ang food eco-system sa Pinas na nakasandig sa sariling mga magsasaka at mangingisda, hindi lang sa dayuhan,” pagtatapos niya sa panawagan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Maraming salamat po Sen. Kiko sa tulong sa ating mga magsasaka, kailangang-kailangan nila kayo ngayon at kailangan ng bansa ang mga magsasaka na tulad nila. Taimtim na panalangin ang alay ko sa kanilang lahat at sa mga tumutulong sa kanila,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Maraming salamat Sen. Kiko sa pagtindig para sa mga magsasaka!”

“Si Sen. Kiko lang talaga ang may malasakit sa mahihirap at magsasaka. Salamat po Sen. Kiko,” wika naman ng isa.

Ang Sagip Saka Act ay ganap na naging batas na kaniyang naisulong noong 2019 para sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, nitong ika-11 ng Hunyo ay dumaan si Sen Kiko sa International Farmer’s Summit sa SMX MoA na naaataong last day na para makita ang mga exhibits doon. Aniya, “Ok naman siya. Medyo mas maganda sana kung mas maraming farmers at fishers cooperatives, groups at organizations ang mga participants o exhibitors na binigyan ng support mula sa organizers para makadalo sila. Siguro sa next Summit.”

 

Continue Reading

Health

Inday Sara, ikinalulungkot ang masyadong ‘slow’ na pagpapatupad ng batas sa Universal Health Care

Published

on

By

Ikinalungkot umano ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang ‘mabagal’ na pagpapatupad ng Universal Healthcare (UHC) Law.

Sa harap ng mga nars at medical frontliners sa Batangas City, sinabi ni Duterte-Carpio na bagama’t ang UHC ay isang kapaki-pakinabang na hakbang, ito ay isang “very big challenge” para sa mga local government units na dalhin ito sa kanilang mga nasasakupan.

“Ang laki din ng dapat gawin pa ng government, unang una na ang Universal Healthcare Act. It is already a law, but ang bagal ng implementation ng batas,” saad ni Duterte-Carpio.

“Ang daming mga reforms na supposedly dapat nandoon, but it’s either mabagal o hindi pa nasisimulan,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Davao City Mayor, ang mga isyu sa pagpapatupad ng UHC Law ay nararanasan din sa Davao City, kung saan siya ay kasalukuyang nagsisilbing alkalde.

“Even in our city, the local government of Davao City, hirap kami [on] how to operationalize the UHC and hindi namin alam kung saan kami magsisimula,” pag-amin niya.

“We are trying our best na ma-implement yung Universal Healthcare Act. Napakaganda nung batas, and it is a very big challenge for local government units na aming ibaba ‘yung mga puwedeng gawin at puwedeng makatulong sa ating mga kababayan,” aniya pa.

Sinabi ni Duterte-Carpio na sinimulan na ng Davao City government ang pakikipag-usap sa Department of Health at mga government hospitals para sa operationalization ng UHC Law sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Universal Health Care Law na naglalayong bigyan ang lahat ng Pilipino ng coverage at benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan noong Pebrero 2019.

Sa ilalim ng batas, awtomatikong mapapatala ang mga Pilipino sa panukalang National Health Insurance Program (NHIP), bilang direktang kontribyutor o hindi direktang kontribyutor.

Continue Reading

Trending