Ang ating tahanan ay isang lugar na kung saan ay mararamdaman natin na tayo ay ligtas. Ito ay ang lugar na kung saan ang ating pamilya ay ...
Ang ating tahanan ay isang lugar na kung saan ay mararamdaman natin na tayo ay ligtas. Ito ay ang lugar na kung saan ang ating pamilya ay nakatira kaya naman ay nararapat lang na ito ay nanatiling malinis. Hindi lang ang mga gamit sa ating bahay ang ating siguraduhing malinis kundi pati na rin ang hangin na ating nilalanghap habang tayo ay nasa loob.
Paano ka ba nakakasiguradong ang hangin ng iyong bahay ay malinis? May iba ay gumagamit ng mga air purifiers. Ang air purifiers naman ay nakatutulong sa pag filter ng hangin sa ating tahanan at sabayan lang ito ng wastong paglinis ng bahay. Pero alam mo ba na may mas natural pa na mga pamamaraan kung paano linisin ang hangin sa loob ng ating tahanan, ito ay ang pag lagay ng mga indoor plants o mga panloob na mga halaman.
Ang NASA ay nagkaroon ng pananaliksik kung anong mga halaman na makakatulong sa paglinis sa mga panloob na lugar gaya ng ating mga tahanan na kung saan kaya nitong e convert ang carbon dioxide na maging oxygen.
Noong 1989 ay naglabas na sila ng resulta sa kanilang pananaliksik. Sa kanilang pananaliksik, iminumungkahi nila na maglagay ng isang halaman sa kada 100 square feet sa loob ng tahanan o mga panloob na lugar. Ang mga halaman na ito ay kaya umanong umalis ng mga air toxins gaya ng trichloroethylene, formaldehyde, benzene, xylene at ammonia.
Ano nga ba ang mga halamang inirekomenda ng NASA sa loob ng inyong mga tahanan o maging sa loob ng iyong mga opisina? Heto ang ang iilan sa mga ito:
1. Boston Fern
Ito ay kilala rin na sword plant na kadalasang makikita sa mga bansa na may tropikal na klima. Ang halamang ito ang mabubuhay kahit ito ay makakuha lang ng indirect light.
2. Flamingo Lily
3. Peace Lily
Ito ay karaniwan sa mga tropikal na bansa. Nabubuhay ito sa mga lugar na hindi masyadong nasisinagan ng araw. Kaya naman kung ilalagay ito sa loob ng tahanan o sa opisina ay mas gaganda ito sa sulok na walang bintana.
4. Cornstalk dracaena
Ito ay nangangailangan lamang ng kaunting tubig. Maaari itong ilagay sa loob ng bahay o opisina na may bintana dahil ito ay nangangailangan lang ng filtered sunlight.5. Bamboo Palm
Ang halaman na ito ay lalago sa may low light condition. Ito ay nakapagbibigay ng tropikal na tema sa inyung mga tahanan at opisina.6. Snake Plant
Kilala ang snake plant sa kanyang katangian na nag aalis ng mga pollutants sa hangin at may katangian din itong mag convert ng carbon dioxide para gawing oxygen lalong lalo na kung gabi.7. Spider Plant
Ito ay may katangiang nag lalabas ng oxygen at nag lilinis ng hangin sa inyong tahanan at maging sa opisina sa pamamagitan ng pag absorb ng carbon monoxide, formaldehyde at xylene.8. Chinese Evergreen
Ang madahong halaman na ito ay naglalabas ng oxygen sa loob ng iyong tahanan at opisina at nakatutulong pa ito para ikaw ay maging mas produktibo sa iyong trabaho.9. Kimberly Queen Fern
Ang halaman na ito ay nangangailangan ng full sunlight. Kaya maaari itong diligan 5-7 times sa isang linggo.
10. Red-edged Dracaena
Ito ay nangangailangan ng direct sunlight. Ang paglagay nito sa loob ng tahanan o maging sa opisina ay nakatutulong di lang sa pag lilinis ng hangin kundi pati na rin sa pag iwas ng sakit sa ulo at respiratory problems.Mayroon na ba kayong mga halaman na nasa inyong tahanan at opisina na inirekomenda ng NASA? Ano ang masasabi mo sa mga halaman na ito?
COMMENTS