Gusto mo bang maging healthy pero tamad ka lang pumunta sa gym? Kung tamad kang mag work-out at tamad kang mag exercise, itong artikulo na...
Gusto mo bang maging healthy pero tamad ka lang pumunta sa gym? Kung tamad kang mag work-out at tamad kang mag exercise, itong artikulo na ito ay para sa iyo.
Kun ikaw ang tipo na tao na kung saan maagang gumising at mahilig mag jogging at mag work out sa simula pa lang ng iyong araw, ay tila napaka swerte mo dahil hindi lahat ng tao ay may ganyang ugali. Kung ikaw din ay may disiplina sa iyong mga kinakain gaya ng mas hilig ka pang kumain ng vegetable salad sa halip na burger ay maging madali para sa iyo ang pagiging healthy dahil sinumulan mo na sa iyong mga kinakain.
Sa artikulong ito, ibibigay ko sa iyo ang paraan kung papaano maging healthy kahit ikaw ay tamad.
1. Magpamasahe
Alam mo ba na ang pagmamasahe sa iyong katawan kahit isang beses lang sa isang buwan ay nakakabubuti sa iyong kalusugan? Ayon sa isang massage therapist na si Patrick Smith, ang pagmamasahe daw ay nagpapakalma sa iyong body and spirit at tumutulong para lumakas ang iyong immune system. Kaya dapat lang na e treat ang iyong katawan kahit isang beses sa isang buwan lang.
2. Umupo sa sahig
Ang pag upo ng sahig kahit sa kalahating oras sa isang araw ay nakatutulong para ang iyong katawan ay magiging flexible. Ibuka ang iyong mga binti at e inatin ang iyong likod para mapawi ang sakit sa iyong likuran.
3. Ugaliing maglakad
Kung makipagkita ka sa iyong mga kaibigan o kahit nino man, ugaliin ang paglakad sa halip na magsakay ng sasakyan kung ito naman ay hindi masyadong may kalayuan. Ugaliin din ang pag gamit ng hagdanan sa halip na gamitin ang elevator.
4. Ugaliin ang pag alarm kada oras
Importante rin ang pag set ng alarm kada oras lalong lalo na kung ikaw ay masyadong busy sa iyong trabaho. Siguradohin na sa bawat oras ikaw ay tumayo, uminat at maglakad ng ilang minuto.
5. Kumain ng mga seafoods
Ang omega 3 na nasa seafoods ay nakatutulong para maiwasan ang cardiac arrest. Ang mga seafoods gaya ng salmon at shrimps ay mababa sa calorie pero mataas sa protina at omega 3.
6. Siguraduhin na sapat ang iyong tulog
Para ang iyong katawan ay ma recharge, kailangan kang matulog ng pito hanggang siyam na oras kada araw.
7. Uminom ng mga probiotics bawat araw
Ang probiotics ay good bacteria na nakatutulong na ang iyong digestive system ay maging normal. Kung ikaw ay may problema sa iyong digestive system, marami na ang mga sakit na kasunod gaya ng irritable bowel syndrome, food intolerance, bloating at pag sakit ng tiyan.
Kung ikaw ngayon ay tamad na pumunta ng gym para maging healthy, maaaring sundin mo ang mga nabanggit sa itaas.
COMMENTS