trends
Sam Milby handang ipaglaban ang kanyang kasintahang si Catriona
Published
2 years agoon
By
Admin
Ginulat si Sam Milby ang mga netizens ng bigla siyang nagpost sa araw ng kanyang kaarawan sa kanilang larawan ni Catriona Gray na may caption na “Worth the wait.” Sari-sari naman ang mga naging reaksyon ng mga netizens.
Sa kanilang rebelasyon ay nasangkot din si Cat sa mga issue na di umano siya ay may over-lap relationship ni Sam sa kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad.
Kahit ano pa man ang mga isyu na dumating sa kanilang relasyon ay naniniwala pa rin si Sam Milby na si Catriona ay para talaga sa kanya at handa siyang ipaglaban ang dalaga sa kahit ano.
“I do believe that she’s the one na”,nang tinanong ang aktor na may possibilidad ba na mag settle down na siya ni Catriona. Pero hindi daw muna niya ipinagmadali ang kanilang relasyon dahil may sampong taong agwat sila ng former Miss Universe. Si Sam ay 36 years old na habang si Catriona ay 26 pa lang at kakasimula pa lamang ng career sa dalaga.
“Kung akin talaga, ipaglalaban ko. If it’s really mine, I will fight for it. I will fight for her”, pahayag ni Sam sa isang virtual press conference sa kanyang upcoming teleserye Ang Sa Iyo Ay Akin.
Unang nakita ang dalawa sa publiko sa isang music collaboration kung saan kumanta si Catriona habang si Sam naman ang nag gigitara para sa online education program ng Young Focus.
Sa kabila ng mga isyung kinasangkutan ni Catriona, sinigurado ni Sam na handa niyang protektahan ang dalaga. “Cat is one of the kindest souls I’ve ever known. She is always putting other people first; thinking of how to use her voice and talent to help other people in need. Her grace, dignity, and strength even in the midst of all these false accusations makes me admire and love her even more. I will always be here for her and will do everything in my power to protect her.”
You may like
celebrities
Yeng Constantino, Rivermaya naglabas ng bagong bersyon ng ‘Liwanag sa Dilim’
Published
4 months agoon
April 19, 2022By
Nami
Nagtulungan sina Yeng Constantino at ang OPM band na Rivermaya sa pagpapalabas ng bagong bersyon ng hit song na “Liwanag sa Dilim.”
Ang tune ay kasalukuyang ginagamit sa kampanya para sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo sa Mayo 9.
Ang rendition ni Yeng ng kanta ay opisyal na inilabas noong Abril 17; kasama ang isang bagong music video na nagtatampok ng mga ordinaryong tao na sumusuporta sa kandidatura ni Leni.
Kinunan ang performance nila sa rooftop ng isang gusali. Ang music video ay kapansin-pansing nakakuha ng magandang pagsikat ng araw pati na rin ang mga aerial shot mula sa mga nakaraang campaign rally ni Leni at ng kaniyang running-mate na si Sen. Kiko Pangilinan.
Nanguna ito kaagad sa trending list ng Twitter Philippines matapos itong ilabas.
Bukod kay Yeng at mga miyembro ng Rivermaya, lumabas din sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa music video kung saan ipinahayag nila kung bakit nila iboboto si Leni.
Ibinahagi naman ni Yeng ang music video sa kaniyang Facebook.
“Isang malupet na pagkakataon. Kasama ang mga hinahangaan. Para sa bayan at sa pinaniniwalaan. Liwanag sa Dilim. Sa pagkakaisa nating mga Pilipino, mapagtatagumpayan natin ang anumang pagsubok na dumating. Sa ilalim ng isang mahusay at matapat na pinuno, lahat tayo magsisilbing Liwanag Sa Dilim,” ani Yeng sa kaniyang caption post.
Bukod kina Yeng, Rivermaya, Piolo at Angel, marami pang celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Leni, kabilang ang aktor na si Daniel Padilla.
Sa viral photo niya, kasali raw ang Kapamilya actor sa pagpipinta ng mural para sa incumbent Vice President.
Samantala, ibinahagi naman ni Piolo sa kaniyang twitter account ang music video ng ‘Liwanag sa Dilim.’
Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa mga volunteers na gumawa ng music video. “Maraming salamat sa ating mga Volunteer Film Workers, Artists, and supporters from different communities na naging kabahagi natin sa paglikha ng music video na ito!”
Panoorin ang video na ibinahagi ni Yeng:
Social News
Robi Domingo naglabas ng saloobin dahil sa nag-trending na PBB quiz: “Let’s battle #MaJoHa”
Published
4 months agoon
April 12, 2022By
Ron
Naglabas ng kaniyang saloobin si Pinoy Big Brother (PBB) host Robi Domingo dahil sa ‘nakahihiyang’ kakulangan ng kaalaman sa ating kasaysayan na ipinakita ng mga housemates sa ginanap quiz noong isang gabi.
Bagama’t inaming nakatatawa umano ang naging sagot ng mga housemates, hindi na rin daw ito nakatutuwa kinalaunan dahil lumalabas dito ang pagkukulang ng ating kasalukuyang sistema ng edukasyon.
“Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa,” ani Robi sa kaniyang tweet, na ang tinutukoy ay ang sagot ng isang housemate sa tanong na kung sa anong pangalan kilala ang tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jacinto Zamora at Jose Burgos.
Ang naging sagot kasi rito ni Kai Espinido ay MarJo, habang ang kay Gab Skribikin ay MarJoHa, na parehong sablay.
Alam naman kasi ng maraming estudyante na ang tamang sagot sa nasabing ay ‘GomBurZa’ na kinuha sa mga unang letra ng apelyido ng tatlong pari.
Dahil dito, nanawagan si Robi na sana ay pag-ukulan ng pansin ng mga kinauukulan ang mistulang pagkukulang na ito sa ating sistema ng edukasyon.
“Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon,” wika ng PBB host.
“Sa lahat ng content creators, let’s battle #MaJoHa,” dagdag na panawagan ni Robi.
Bukod sa ‘MaJoHa’, na kaagad nag-trending sa Twitter, napansin din ng mga netizens ang maling sagot ni Gab sa tanong na kung anong pinakamahabang tulay sa bansa ang nagdudugtong sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.
‘Slex’ ang sagot dito ni Gab habang nakuha naman ni Kai ang tamang sagot na ‘San Juanico Bridge’.
Dismayado naman ang maraming netizens sa kinalabasan ng quiz subalit hindi rin daw dapat sisihin lamang ang dalawang kabataan; bagkus ay ang buong sistema ng edukasyon sa bansa.
“GomBurZa is literally the easiest thing u would know in Phil history. Nakaka disappoint. Pero kung k-drama yan or oppa, memorize pa pati full name. It feels like our history is in crisis. It makes me horrified that this generation. could easily forget our history,” ayon sa isang Twitter user.
Panawagan ng marami, sana raw ay maging hudyat na ito upang repasuhin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pinaiiral na kurikulum lalo na sa paksa ng pag-aaral ng ating sariling kasaysayan.
Panoorin ang buong episode ng PBB:
trends
‘Kosk’: Bagong face mask sa South Korea ilong lamang ang natatakpan
Published
6 months agoon
February 6, 2022By
Cha Echaluce
Sa pagpapatuloy ng pandemya, iba’t iba ang paraan ng mga tao habang nagpapatuloy sa “new normal”; may magaganda, may mga kakaiba, at mayroon ding mga hindi nakatutuwa. Isa ang “kosk” sa mga bagong imbensyon na unti-unti nang pinag-uusapan ngayon.
Ayon sa The Guardian, ang kosk ay isang bagong type ng face mask na nagsimula sa South Korea at sa kasalukuyan ay nakakakuha ng maraming atensiyon dahil sa pagiging iba nito sa mga tipikal na mask. Hindi kagaya ng karaniwan na natatakpan nang buo ang ibabang bahagi ng mukha, tanging ilong lamang ang natatakpan at nakalitaw ang bibig ng may suot nito.
“It probably makes a marginal difference,” saad ni Professor Catherine Bennett; kasalukuyang chairperson ng epidemiology sa Deakin’s Institute for Health Transformation.
Akmang-akma sa produkto ang ipinangalan dito ng South Korean company na Atman. Ang salitang “kosk” ay kombinasyon ng “ko” na Korean word na nangangahulugang “nose” at “mask”.
Bagama’t idinisenyo umano para magbigay pa rin ng proteksyon habang kumakain sa pampublikong lugar ang isang tao, isinusuot na rin ang kosk bilang nose-only mode at marami ang natutuwa sa bagong klase ng mask. Ngunit marami rin ang bumabatikos sa produkto.
“Kosk makes no sense; reasons being: 1. Doesn’t stop the virus entering/exiting the wearer, 2. Smell and taste are closely linked. If the ability to smell is reduced, food may seem tasteless!” wika ng isang Twitter user.
“Forget sticking your nose out of your mask–now you can stick your mouth out instead with the kosk,” tweet naman ng isa.
Ikaw, anong masasabi mo sa bagong klase ng mask na ito? Isa ka ba sa mga bibili at gagamit ng kosk? Ibahagi sa amin ang iyong opinyon!

Rewind: Lydia De Vega’s ‘Medalyang Ginto’ 1982 Movie, ‘Dedicated to my Countrymen’

Arjo Atayde says proposal to Maine Mendoza more than a year in the making

A wake up call? Food vendors sa Virgin Island ng Bohol, ‘out for good’ na

Julia Montes proud na proud kay Coco Martin: ‘Congratulations, aming Cardo Dalisay’

Karla Estrada senti sa throwback photo ng unang TV appearance ni Daniel Padilla

Birthday celebrant dining alone receives surprise from fast food crew

Beatrice Luigi Gomez nakapagtapos na sa kolehiyo, may mensahe bilang ‘Most Outstanding Graduate’

Photo of old former OFW mother pushing a rolling-store given by her children goes viral again

Coleen Garcia inamin na nakaka-drain ang breastfeeding, ‘There are days gusto kong sumigaw in frustration’

Doug Kramer may birthday message kay Cheska, ‘Happy and blessed to be growing old with you baby’
Trending
-
entertainment3 days ago
Luis Manzano, Jessy Mendiola expecting first child
-
celebrities5 days ago
Fans delighted to see former 90s child stars Serena, Carlo reunite
-
celebrities2 days ago
Sylvia Sanchez sa photos ni Maine at ng asawang si Arturo; ‘Nakahanap sila ng katapat sa isa’t-isa’
-
celebrity4 days ago
‘Badjao Girl’ Rita Gaviola isa nang ganap na ina
-
celebrity3 days ago
Smokey Manaloto tatay na sa edad na 51; ‘Akala ko huli na pero hindi pa pala’
-
Nostalgia4 days ago
Balikan: Ang ‘best meryenda combo’ na Coke at tinapay noong dekada ’80, ’90
-
News3 days ago
Lydia De Vega’s daughter announces the passing of her iconic mother at age 57
-
Philippine Showbiz2 days ago
Young looking Dad? Smokey Manaloto natatawang umamin na mali ang ‘internet age’ niya