Connect with us

Others

Tim Sawyer humihingi na tulong sa mga netizen para maging okay sila ni China Roces

Published

on

 

Normal lang sa isang relasyon ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Nito lang mga nakaraang araw ay usap-usapan sa social media ang pagtatalo ng mag-asawang vlogger na si Tim Sawyer at former FHM model China Roces. Nagkaroon sila ng matinding away na kung saan naka live pa ito sa facebook page ni Tim Sawyer na may mahigit na 1.3 million followers. Ito ay ikinagugulat ng kanilang mga fans.

Sa facebook live ay makikita na si China ang nakahawak sa mobile phone at siya ang nag access sa facebook page ni Tim Sawyer at ipinarinig ang kanilang bangayan. Matapos ang live, agad namang naedelete ang video pero may iba ng mga netizens ang nag record sa nangyari kaya naman nagiing usap-usapan sa social media ang mag-asawa.

Ibinunyag ni China na kaya umanong iwanan ni Tim silang dalawa ng kanilang limang buwang anak na si Baby Tim dahil si Tim ay bumili na umano ng kanyang bahay at sasakyan na hindi alam ni China. Nag plano din umano si Tim na magtayo ng kanyang sariling negosyo na hindi niya ipinaalam ni China at nahuli din ni China si Tim na nakikipag chat sa iba’t-ibang mga babae.

Ang lahat ng mga akusasyon ni China ay itinanggi naman ni Tim. Ayon kay Tim hindi daw siya selfish para iwan niya ang kanyang nabuong pamilya at hindi daw siya nagkulang sa pagsusustento nila. Ang pag chachat umano niya sa mga babae ay plano lang naman niya ito para makikipagcollab sa vlog.

Sa kabila ng kanilang bangayan ay naging emosyonal si Tim sa kanyang facebook post na nanghihingi ng tulong sa mga netizens para magkabalikan silang dalawa ni China. Naaawa din si Tim sa kanyang anak na nasangkot sa away nilang dalawa ni China.

Ano ang masasabi mo kay Tim Sawyer at China Roces? Karapat dapat bang magkaroon sila ng second chance?

celebrities

Caridad Sanchez’s daughter Cathy shares ‘do’s and don’ts’ on writing a eulogy

Published

on

By

The daughter of veteran actress Caridad Sanchez shared on social media some reminders for those who want to honor or give a eulogy to a dearly departed person.

Cathy Sanchez Babao enumerated some ‘do’s and donts’ on giving a eulogy; this after she listened to some eulogies. as disclosed on her Facebook post.

“Listening to some eulogies this afternoon, and taking notes about what was done correctly and not, ” she began her FB post on Mayo 23.

She made no mention of names pertaining to the eulogies she listened to, nor did she give any detail on whoever it was who went ‘out of range’ in honoring someone who had moved on to the next life.

“Here are some thoughts on writing a eulogy,” she continued; enumerating helpful reminders to those preparing a speech or a piece of writing for someone who had passed away.

“1. A eulogy must NEVER be about yourself. Insert yourself only in the context of sharing a story or something said to you by the deceased loved one.”

“2. Eulogize the person who died, NOT their late spouse, their parent, their dog, or their best friend.”

“3. Share happy stories. It’s a chance to remember and share stories of their life with friends and family members.”

“4. NEVER imply anything negative about the deceased. That includes implying that she or he told you secrets that no one else knew about. It’s disrespectful and in bad taste.”

“5. Keep your eulogy to a reasonable length. There is no specific time limit on a eulogy, but keep in mind that this is just one part of the service or gathering. Shorter is usually better for everyone. Personally, a maximum of 10 minutes would be sufficient.”

“6. Most important, mean what you say. If you can’t be sincere, don’t go up there for the heck of it or just because you want to be included para sabihin close kayo. In today’s world, may resibo ngayon ang lahat ng eulogies — it’s out there for the world to see and check just how sincere you are.”

“7. End your eulogy with a fond memory and a positive outlook. The end of a eulogy is not the time to make pangaral or to gloat. The ending is a great time to either repeat a favorite memory you’ve already shared, or to add one final memory to leave your audience with. It is also comforting for the family and the audience to hear some words of encouragement or inspiration you may have gleaned from the life of your loved one.”

The Broadway Diva Lea Salonga expressed her gratitude for this piece and gave her two cents, too.

“Thanks for this. It’s in such poor taste when someone hijacks the opportunity to speak in order to make it about themselves and only themselves,”  Lea commented on Cathy’s post.

A known personality, Bibeth Orteza, also remarked on the said post, “How very well said.”

Others also shared their thoughts on Cathy’s list; grateful for the guidelines she has provided.

“Yes. Short, sweet, happy wholesome memories. Everyone leaves with warm thoughts and feelings after listening to the eulogy. Many thanks for pointing these out.”

“I want a copy of your post spread, printed, and posted in every chapel that holds a memorial service.”

“#1 Applies also to birthday tributes or video testimonials. Sometimes the person being given the tribute is reduced to an incidental character in the life and perception of the speaker 🙂 (“I met her in a party and several times in my career (specify his career climb and how he met common friends), and her work inspired me to become this person…”

“These are good guidelines Cathy, thank you for summarizing.”

Prior to her posting of the reminders, Cathy shared her own farewell visit to the Queen of Philippine Movies.

“A burst of white phaelanopsis, dendrobiums, and anthuriums. Simplicity and elegance for a well loved queen. Farewell, Tita Susan.”

Cathy Sanchez-Babao, the only daughter of Caridad Sanchez (86),  is a Mental Health Advocate. Grief Coach, Certified Grief Recovery Method©️ Specialist, Award Winning Author and Communications Professional, as per Linked In.

She has a YouTube channel “Conversations with Cathy” where she shares ‘Positive Pivots’ with special guests.

Continue Reading

Others

Empleyado ng airport sa CDO isinauli ang mahigit P280,000 cash na naiwan ng isang OFW

Published

on

By

Isang tapat at may mabuting puso na empleyado ng airport sa Cagayan de Oro City ang pinapurihan ng mga awtoridad dahil sa pagsauli nito ng perang natagpuan sa loob ng isang palikuran.

Kinilala ang empleyado na si Ms. Merraflor Simbre, isang personnel ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at nagtatrabaho bilang facility cleaner sa Laguindingan airport.

Ayon sa Facebook post ng CAAP, natagpuan ni Simbre ang apatnapu (40) na pirasong 500 Saudi Riyal habang nililinis ang isang CR sa Passenger Terminal Building Arrival Area.

Umabot ang halaga ng napulot na pera sa mahigit P280,000 at kaagad itong ibinigay ni Simbre sa tanggapan ng CAAP sa nabanggit na airport.

Naibalik naman ang nasabing cash sa may-ari nito na si Evangeline Maghanoy, isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang domestic worker sa Riyadh, Saudi Arabia.

Si Maghanoy ay dumating umano sa Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Airlines (PAL) – OWWA flight noong Abril 17.

Dahil sa katapatan at kabutihang-loob na ipinakita ni Simbre, nakatanggap siya ng papuri mula sa CAAP at ipinagbigay-alam din ang kaniyang ginawa sa pamunuan ng ahensiya.

“Expecting nothing in return, Ms. Simbre showcased CAAP’s core values of integrity and honesty in the course of their service to the public,” ayon sa pahayag ng CAAP.

 

“The incident was reported by Laguindingan Airport Manager Engr. Job De Jesus to the Office of the Director General in CAAP Pasay Central Office,” dagdag pa ng ahensya.

Ang Laguindingan International Airport (IATA Code: CGY) ay nagsisilbi sa mga pasahero na nagmumula at papunta sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iligan, at Marawi, at maging sa kalapit-probinsiya ng Misamis Oriental, Lanao del Norte at Bukidnon.

Continue Reading

clothing

22-year-old entrepreneur gumagawa ng sneakers na yari sa recycled plastic

Published

on

By

Nakagawa ng sneakers na yari mula sa mga recycled plastic bags at bottles ang 22-anyos na entrepreneur sa India.

Tinawag ni Ashay Bhave na “Thaely Y2K Pro Sneakers” ang brand ng ginawa niyang sapatos. Ang kahulugan ng thaely sa kanilang lenggwahe ay plastic bag.

Ayon kay Ashay, na sa Mumbai isinilang at kasalukuyang sa Dubai naninirahan, sinimulan niya ang proyekto nang malaman niya ang single-use plastic ban na ipinatutupad sa India.

Sabi niya, ikinatuwa ng marami ang batas, pero hindi raw iyon naipatutupad nang maayos sa maraming lugar.

Nalaman din daw ni Ashay na tinatayang 100 billion plastic bags kada taon ang ginagamit sa buong mundo at 14% ng mga ito ay napupunta sa mga karagatan na siyang bumubuo sa malaking bahagi ng marine plastic waste.

Na-motivate umano siya na tumulong sa paghahanap ng solusyon sa naturang problema. Ang bunga niyon ay ang ThaelyTex, isang tela na parang leather sa itsura at hipo pero gawa mula sa recycled plastic.

Nakipag-partner si Ashya sa isang waste removal company – ang TrioTap Technologies – upang maging mabilis ang pangangalap ng plastic wastes,

Doon na rin sa naturang kumpanya nililinis ang mga plastic wastes gamit lang ang mainit na tubig na walang halong kemikal.

Ang mga nakolektang plastic wastes ay pinoproseso para maging ThaelyTex fabric at pagkatapos ay dadalhin sa isang shoe factory upang bumuo ng sneakers.

Sampung plastic bags at labindalawang plastic bottles ang nagagamit upang makagawa ng isang pares ng sneakers.

Ang sintas ng Thaely sneakers ay yari sa recycled plastic bottles, ang mga pandikit na ginamit ay 100% na galing sa mga halaman at ang swelas ay recycled rubber.

Ang packaging na ginagamit sa mga sapatos ay recycled din. Ang tote bag ay gawa sa apat na plastic bottles at ang shoe box ay yari sa recycled na papel na maaaring itanim dahil may halo iyon na basil seed. Gupitin lang nang maliliit ang shoe box at pwede nang itanim.

Sabi ni Ashay, nagpaplano na rin siya na maglunsad ng mga damit na yari sa ThaelyTex fabric.

Update:

Nitong Abril ay naglabas na sila ng fiber suit!

Sundan ang progreso sa kanilang Facebook page.

Continue Reading

Trending