Connect with us

lifestyle

Inamin ni Solenn at Nico Bolzico na 9 na buwan na silang nag abstinence

Published

on

Kilala si Solenn Heussaff at Nico Bolzico bilang cool couple sa mata ng publiko. Naging mas makulay ang kanilang buhay nang dumating ang kanilang anak na si Thylane Katana. 

Ipinanganak ni Solenn si Baby Thylane nung January 1 ngayong taon. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Solenn sa pagbubuntis sa kanilang panganay na anak at maging sa kanyang delivery. Kinakailangan pa nyang e CS para maluwal niya ang kanyang anak sa mundo. 
 Sa kanilang latest vlog ay ikinuwento ng celebrity couple ang kanilang mga pinagdaanang sakripisyo bilang first-time parents. Napag usapan din sa kanilang vlog na takot pa rin si Solenn na makipag love making sa kanyang asawa kahit na siyam na buwan na ang nakalipas nang siya ay nanganak. 

 Diritsahan namang ikinwento ni Solenn ang tunay na dahilan kung bakit takot pa rin siya. “Personally, that was C-section. I don’t know if that was just subconsciously in my head, but we are chopped down there from nine different layers,” ayon kay Solenn. 

“So I’m still a little bit scared and I’m not yet ready to be quite honest. I know, it’s been a while,” dagdag ni pa niya. ” I know some moms are like what the? But that’s the truth.

Nirirespeto naman ni Nico ang desisyon ni Solenn at ayon sa kanya na wala itong issue para sa kanya.

 Ayon kay Nico, “For me, after women give birth, it’s on them. We just need to wait as long as they need because we didn’t go through pregnancy. We support their pregnancy. They are the bosses. If they want to go back into the action, we should be ready. If they want to wait, we should be ready. If they want to try and then they stop, we should be ready. If they want to go to different direction from before, we should be ready.” 
 Dagdag niya, “I’m ready. I’m waiting and I’m not in a rush.” 

 Malaki ang ipinagbabago sa buhay ni Solenn ang pagiging ina. Ayon sa kanya, “Having a kid does not ruin your life. It just adds a different branch. I have learned so much being a mom. I have learned a new side of me that I didn’t know before whom I love. I can’t remember life without my child. I’m the happiest I could be right now because of my child. So it doesn’t ruin your life. It changes your plans, yes. It changes logistics in your life, yes. But it definitely does not ruin anything.” 

 Ayon kay Nico, ” It doesn’t ruin your life. It makes your life a thousand times better. I mean we’re enjoying life in a way at the level we never did before having Thylane. And I think the most important is like having a child also makes you a better person. It makes you more humble, it makes you shift priorities.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

beauty

Hairstylist na may eye-catching flower braids hinahangaan ngayon sa social media

Published

on

flower braid hairstyle

Hanggang saan aabot ang pag-aayos mo ng buhok? Ikaw ba iyung simple at maayos na suklay lang ay kuntento na o talaga bang gumugugol ka ng ilang oras para maging mas presentable pa ang iyong “crowning glory”? Kung nasa pangalawa ka, tiyak na matutuwa ka sa hinahangaan ng marami ngayon na isang hairstylist mula sa Vietnam dahil sa mga naiiba at eye-catching flower braids na ginagawa nito.

Sa kanyang Facebook, Instagram, at TikTok accounts, pinahahanga ni Nguyen Phat Tri sa kasalukuyan ang maraming social media users sa simpleng pagpo-post niya ng photos at videos ng kanyang mga naiibang obra.

flower braid hairstyle

At masayang-masaya ito dahil noon pa man ay pangarap na niyang maibahagi ang kanyang kakayahan at ipakita sa mundo ang husay ng mga Vietnamese pagdating sa hairstyling.

“I want to inspire creativity in people who share my passion, and I hope to help Vietnam’s hair industry grow and reach the world,” saad niya.

Malayong-malayo sa unang kurso ni Nguyen ang pag-aayos ng buhok. Nagtapos siya ng pag-aaral sa An Giang University, kung saan siya nakakuha ng degree sa Biotechnology noong 2015. Ngunit dahil sa pangarap niya bilang isang hairstylist, nagdesisyon siyang tumungo sa Ho Chi Minh City para pag-aralan ang makeup at hairdressing.

Hindi naman siya binigo ng kanyang pangarap at naging maganda ang resulta ng kanyang mga flower braid.

flower braid hairstyle

Ang mga disenyo ni Nguyen at nakapag-generate ng libo-libong views sa social media. Ang pinakasimple niyang disenyo ay inaabot ng isa hanggang dalawang araw, habang ang iba naman na talagang mabusisi ay matiyagang ginagawa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa kasalukuyan ay mayroon umanong high demand sa mga disenyong ginagawa ni Nguyen, kahit pa may kamahalan din ang ilan sa mga ito. Sa katunayan, ilan sa mga bridal design na ginagawa niya ay nagkakahalaga ng $130 hanggang $218, habang ang iba na mas mahirap gawin ay nasa $218 hanggang $305 naman.

flower braid hairstyle

Continue Reading

lifestyle

Mga pampasuwerte sa pagsalubong sa 2022 Year of the Tiger

Published

on

By

Likas na mapamahiin ang mga Pilipino lalo na sa gagawing pagsalubong sa bagong taon.

Karamihan sa mga pamahiing ito ay mula sa impluwensiya ng mga Intsik kaya naman talagang inaabangan taun-taon ang mga payo ng Chinese feng shui experts tulad ni Master Hanz.

Image from Master Hanz Cua

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Master Hanz ang maraming tips sa pagsalubong sa 2022 water tiger.

Para makaakit ng pera at suwerte dapat daw magsuot ng kulay pulang damit mula ika-31 ng Disyembre hanggang ika-1 ng Enero.  Ang color theme naman sa bahay at opisina ay dapat daw na kulay yellow gold.

Dapat daw palitan ang mga kurtina ng kulay red, yellow, orange o pink . Ang punda at bed cover palitan din. Pink sa mga walang asawa at red sa mga married couples.

Dapat buksan ang lahat ng ilaw para maliwanag ang buong kabahayan sa pagsalubong sa Year 2022 nang ma-attract ang prosperity at money luck. Palitan daw ang mga pundidong ilaw.

Bago pumasok ang bagong taon ay dapat mag-general cleaning ng bahay. Ang mga sira at luma ay itapon para pumasok ang good fortune energy. Ang lutuan o stove ay dapat malinis.

Ang tumutulong gripo ay kumpunihin, gayundin ang sirang main door.

Siyempre kabilang sa kanyang mga tips ang matagal na nating ginagawa na paglalagay sa hapag kainan ng isandosenang iba’t ibang klase ng mga prutas. Sinisimbolo raw ng 12 fruits ang labindalawang buwan ng pagiging masagana.

Screenshot from YouTube video

Para ma-attract at maging masuwerte ang 2022, dapat daw na mag-display ng tiger  sa loob ng bahay.

Itinuturing pa rin na masuwerte ang pagsusuot ng damit na polka dots ang disenyo. Magsuot din ng bagong underwear.

Ang payo pa ni Master Hanz ay dapat makipag-ayos sa mga nakaalitan bago matapos ang 2021. Dapat ding bayaran ang mga utang.

Dapat daw na masaya ang buong pamilya sa pagsalubong ng bagong taon at maghasik ng good vibes sa social media.

Narito ang buong listahan ni Master Hans para sa masaganang 2022:

Image from Master Hanz Cua

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

 

Continue Reading

business

Nilagang kamote na tinirikan ng kandila iniregalo sa birthday ng 2nd richest man sa Pilipinas

Published

on

By

Bonggang party ang inaasahan ng marami sa birthday ng multi-billionaire (in US dollars) na si Manny Villar, pero ninais niyang idaos nang simple ang espesyal na araw na iyon.

Sa halip na lavish party na angkop para sa pangalawa sa pinakamayaman sa Pilipinas, kasunod ng Sy siblings na mga anak ni Henry Sy ng SM empire, minabuti ni Manny Villar na enjoy-in ang pagsalubong sa morning sunrise sa rooftop ng Crossing Cafe, ang pinakabago nilang cafe business.

Imagre from Manny Villar

Habang minamasdan ang pagsikat ng araw ay dinalhan siya ng anak niyang si Camille, na nagsisilbi ngayong Deputy House Speaker sa House of Representatives, ng paborito niyang Kamote Cake.

Hindi iyon cake na may kamote flavor kundi ilang piraso ng nilagang kamote na hindi pa natatalupan na tinirikan ng isang birthday candle.

“I welcomed my birthday catching the sunrise at the rooftop of our newest cafe, The Crossing Cafe, located in the 2,500-hectare Villar City. My daughter Camille joined me and brought one of my faves, camote. Thank you, darling, for the camote cake,” saad ng Facebook post ng real estate tycoon na dati ring nagsilbi bilang senador.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng bumati sa kanya.

“To everyone who greeted and sent me warm wishes, thank you very much. I am very happy and I couldn’t think of a better way to celebrate my special day,” aniya.

Si Manny Villar ay ay nagdiwang ng kanyang ika-72 taong kaarawan noong Lunes, December 13.

Imagre from Manny Villar

Tulad ng nabanggit niya, ang bagong negosyo nilang Crossing Cafe ay matatagpuan sa Villar City, ang 2,500-hectare property na gagawing bagong central business district,

Ayon kay Manny Villar, ang Villar City ay ang pinakahuling development project na gagawin niya sa buhay niya. Sabi niya, dahil sa sobrang laki ng proyekto “it will take more than the rest of my life to develop because of its size. There is no other property near this size this close to Metro Manila.

Imagre from Manny Villar

Continue Reading

Trending