Isang napakalaking bagay na tinitingnan natin sa isang tao ay ang buhok. Pero ikaw ba ay nakakaranas ng maraming dandruff sa iyong buhok? An...
Isang napakalaking bagay na tinitingnan natin sa isang tao ay ang buhok. Pero ikaw ba ay nakakaranas ng maraming dandruff sa iyong buhok? Ang pagkakaroon ng dandruff ay nakakababa ng self-esteem ng isang tao. Ang pagkakaroon nito ay nagdudulot ng pangangati ng ulo.
Ikaw ba ay sumusubok ng iba-ibang anti-dandruff shampoo ngunit hindi pa rin nawawala ang iyong dandruff? Kung nahahalata mong hindi na epektibo ang medicated shampoo, maaari kang sumubok sa ilang mga natural na lunas para mawala ang iyong dandruff at ang mga sangkap na ito ay kadalasang makikita lang sa iyong kusina.
Heto ang ilan sa mga alternatives na makakatulong sa pagwala ng iyong dandruff.
1. Baking Soda
Pagkatapos basain ang iyong buhok, maglagay ng baking soda at e kuskus ito sa scalp. Banlawan itong maigi. Ang baking soda ay tumutulong upang hindi dumami ang fungi na siyang maging dahilan sa pagkakaroon ng dandruff. Matapos ang ilang linggo sa pag gamit ng baking soda,ang iyong scalp ay maglalabas ng natural oil na makatutulong para maging malambot ang iyong buhok.
2. Apple Cider Vinegar
Hindi lang nakakatutulong ang apple cider para mabawasan ang iyong timbang, nakatutulong din ito sa paglunas ng dandruff. Ang acidity ng apple cider vinegar ay nakatutulong sa pagsugpo ng yeast growth sa iyong scalp.
Ihalo ang 1/4cup na apple cider vinegar sa 1/4cup na tubig at ilagay ito sa bottle spay. E spray ang mixture na ito sa iyong scalp. Balutin ng tualya ang iyong ulo ng 15minuto hanggang sa isang oras. Banlawang maigi pagkatapos. Gawin ito ng dalawang beses sa isang linggo.
3. Aspirin
Ang aspirin ay may active ingredient na salicylic acid na kadalasang makikita sa anti-dandruff shampoo.
Durugin ang dalawang tableta ng aspirin at ihalo ito sa iyong shampoo. Maghintay ng isa hanggang dalawang minuto bago ito banlawan. Pagkatapos ay gumamit ka ng plain shampoo.
4. Tea tree oil
Gaya ng aspirin, maglagay ng kakaunting tea tree oil sa iyong regular shampoo. Pagkatapos ay banlawang mabuti ang buhok.
5. Mouthwash
Gumamit ng regular shampoo sa iyong pagkaligo at banlawan ang iyong buhok ng alcohol based mouthwash. Ang antifungal property ng mouthwash ay nakakatutulong upang masugpo ang yeast growth.
6. Coconut Oil
Maglagay lamang ng 3-5 tablespoon na coconut oil at emasahe ito sa iyong scalp. Hayaan ito sa iyong ulo sa loob ng isang oras. Pagkatapos ay banlawan ito at gumamit ng regular shampoo.
7. Asin
COMMENTS