Naalala ba ninyo ang viral video ni Buboy noong 2018 na kung saan ay bumati siya ng maligayang kaarawan sa Barangay Kagawad ng Sta. Ana Mani...
Naalala ba ninyo ang viral video ni Buboy noong 2018 na kung saan ay bumati siya ng maligayang kaarawan sa Barangay Kagawad ng Sta. Ana Manila na si Chris Morales? Sa kanyang viral video ay may isang babaeng nakahubad sa background habang si Buboy ay nag vivideo.
"Happy Birthday Kagawad Chris Morales of Sta. Ana. More power to you. Don't forget na merong Cesar Montano na nagsu-support sa iyo, si Buboy. Love you, men. Happy Birthday. God bless."
Marami ang nabigla sa video ng aktor. Kaya naman ang mga netizen ay nag reenact sa video na may hashtag #CesarMontanoChallenge.
Nang naging trending ang video na iyon ay hindi binunyag ng aktor kung sino ang babaeng nakahubad na kanyang kasama. Hanggang ngayong 2020, na kung saan ay mayroon naman siyang video na ginawa para bumati sa entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal.
Pinost ni Dolly Anne ang video greeting ng aktor sa kanyang facebook page na kung saan doon na ito ibinunyag kung sino ang babaeng nakahubad sa video ng aktor noong 2018.
"BFF, Happy, happy birthday to you!"
"Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health,'yan! I love you, BFF Dolly."
Tinawag ni Buboy ang isang babae na may puting t-shirt at naka pants.
"BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah? Siyempre wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you! Next time, yung isa kong talent, available na. 'Yon talaga, daring 'yon. Next time na lang 'yon."
Ito umano ang konpirmasyon na siya ang babaeng nakahubad noong 2018 . Ayon sa PEP, siya umano si Maria Socorro at siya ay ang matagal ng kinakasama ng aktor.
Ang dalawa ay mayroon ng anak na babae na kung saan nagdiriwang pa ito ng kaarawan na pinagdaluhan ng kanilang malalapit na pamilya at mga kaibigan.
COMMENTS