Ang guyabano o "soursop" ay isang karaniwang prutas na makikita sa mga tropikal na rehiyon. Ito rin ay tinuturing na isa sa mga pi...
Hindi lang ang prutas ng guyabano may benepisyo tayong makukuha, kundi pati na rin ang mga dahon nito. Nakatutulong ito upang maagapan ang rayuma, myoma at highblood. Napaka simple lang itong gawin at ang mga sangkap nito ay napakamura lang.
Paano nga ba ito gawin?
1. Maghanda ng 15 na piraso ng dahon ng guyabano, malinis na tubig at honey.
2. Hugasang mabuti ang dahon ng guyabano.
3. Maglagay ng tatlong basong tubig sa kaldero at pakuluin ito.
4. Ilagay ang dahon ng guyabano kapag ang tubig ay kumukulo na.
5. Pakuluan muli ito sa loob ng tatlong minuto.
6. Pagkatapos pakuluan ng tatlong minuto, ihiwalay ang dahon ng guyabano sa tubig.
7. Ilipat ang napakuluang tubig sa isang baso .
8. Para may masarap na lasa ay lagyan ito ng isang kutsaritang honey.
9. Haluing mabuti at inumin ito isang besas sa isang araw.
10. Maaaring ilagay ang natirang tubig sa refrigerator at inumin muli ito sa susunod na araw.
Hindi lang rayuma, mayoma at highblood ang matutulungan sa dahon at prutas ng guyabano. Nakakatulong din ito sa mga taong may diabetes at maging kanser.
Napakasimple lang itong gawin. Maaari mong ihikayat ang mga taong iyong kilala na kahit wala pa silang sakit ay gawin na nila itong routine araw-araw.
COMMENTS