Connect with us

Health

Labanan ang Ubo at Lagnat Gamit Lamang Ang Katas ng Kamias

Published

on

 

Ang pagkakaroon ng ubo at lagnat ay sobrang nakakapagbabagal sa ating productivity. Heto rin ay napaka karaniwan lalong lalo na sa panahon ngayon na tag ulan. 

Marami sa botika ang nagbebenta ng kahit anong klase ng mga medisina para matulungan tayo sa ating ubo at lagnat. 

Alam ba ninyo na maaaring labanan ang ubo at lagnat gamit lang ang isang prutas na napakakaraniwan dito sa ating bansa. Ito ay ang prutas na Kamias.

Paano nga ba gawin ang kamias para matulungan tayo sa ating lagnat at ubo? 

1.Maghanda ng Mortar at Pestle, tatlong piraso ng kamias,isang baso/tasa at asukal na pula.

2. Tanggalin ang dulo ng kamias.

3. Ilagay ito sa mortar at katasin ito gamit ang pestle. Maari ding gumamit ng blender para pang durog at pangkatas ng kamias.

4. Kapag nailabas na ang katas nito, ilagay ang katas nito sa isang tasa/baso. Gumamit ng strainer para hindi mahalo ang laman sa tasa. 

5. Lagyan ng kunting tubig para hindi maasim sa panglasa. Pwede ang maligamgam na tubig. 

6. Para ito ay sumarap, maaaring lagyan ng isa hanggang dalawang kutsaritang asukal na pula. Kung ikaw ay may diabetes , e limit lang ang paglagay ng isang kutsaritang asukal. 

7. Haluing mabuti at inumin.

Maaari itong inumin dalawang beses sa isang araw. Isa sa umaga at isa sa hapon. Napakaraming benepisyo ng kamias hindi lang ang sipon at ubo ang natutulungan nito. Maging ang mga taong may highblood, hemorrhoids at sakit sa buto ay maaari ring matulungan nito.

government

Kiko, may ibinidang uri ng saging; nanawagan ukol sa ‘Batas Sagip Saka’

Published

on

By

Ibinida ni outgoing Senator Kiko Pangilinan ang klase ng saging na hindi umano gaanong kilala o pamilyar sa karamihan, subalit masusumpungan naman sa kanilang bukirin sa Alfonso, Cavite.

Ipinakita ni Sen. Kiko ang litrato ng mga saging sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hunyo 10. Aniya, tinatawag umano itong “arnibal” at maaari itong kainin kahit hilaw kagaya ng manggang isinasawsaw sa bagoong. Kapag hinog naman at ipinrito ay saksakan ng tamis.

“Heto ang saging na arnibal na tawag sa Alfonso. Hindi siya kilala masyado tulad ng saba, señorita, lakatan o latundan pero isa ito sa pinakamabenta naming produkto dahil sa sobrang tamis kapag piniprito. Kapag hilaw naman sinasawsaw sa bagoong tulad ng manggang hilaw,” aniya.

Batas Sagip Saka

Samantala, nanawagan naman siya sa pamamagitan ng isa Facebook post na patuparin nang buo at agaran ang “Batas Sagip Saka” upang may pagkain umano ang mga Pilipino.

“PATUPARIN NANG BUO AT AGAD ANG BATAS SAGIP SAKA PARA MAY PAGKAIN ANG MGA PINOY,” panawagan niya.

“Napipinto ang food crisis bunga ng giyera ng Ukraine at Russia, at ang pagputol ng global food supply chain sa trigo, at sa langis na siya namang nagpapataas din ng presyo ng abono at kung ano-ano pa.”

“Minumungkahi natin ang agaran at buong pagpapatupad ng Batas Sagip Saka para mabuo ang food eco-system at mapatibay ang food supply chain na nakatutok sa kapakanan at kagalingan ng mga magsasaka at mangingisda.

“Kailangan maitatag ang food eco-system sa Pinas na nakasandig sa sariling mga magsasaka at mangingisda, hindi lang sa dayuhan,” pagtatapos niya sa panawagan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Maraming salamat po Sen. Kiko sa tulong sa ating mga magsasaka, kailangang-kailangan nila kayo ngayon at kailangan ng bansa ang mga magsasaka na tulad nila. Taimtim na panalangin ang alay ko sa kanilang lahat at sa mga tumutulong sa kanila,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Maraming salamat Sen. Kiko sa pagtindig para sa mga magsasaka!”

“Si Sen. Kiko lang talaga ang may malasakit sa mahihirap at magsasaka. Salamat po Sen. Kiko,” wika naman ng isa.

Ang Sagip Saka Act ay ganap na naging batas na kaniyang naisulong noong 2019 para sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, nitong ika-11 ng Hunyo ay dumaan si Sen Kiko sa International Farmer’s Summit sa SMX MoA na naaataong last day na para makita ang mga exhibits doon. Aniya, “Ok naman siya. Medyo mas maganda sana kung mas maraming farmers at fishers cooperatives, groups at organizations ang mga participants o exhibitors na binigyan ng support mula sa organizers para makadalo sila. Siguro sa next Summit.”

 

Continue Reading

Health

Inday Sara, ikinalulungkot ang masyadong ‘slow’ na pagpapatupad ng batas sa Universal Health Care

Published

on

By

Ikinalungkot umano ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang ‘mabagal’ na pagpapatupad ng Universal Healthcare (UHC) Law.

Sa harap ng mga nars at medical frontliners sa Batangas City, sinabi ni Duterte-Carpio na bagama’t ang UHC ay isang kapaki-pakinabang na hakbang, ito ay isang “very big challenge” para sa mga local government units na dalhin ito sa kanilang mga nasasakupan.

“Ang laki din ng dapat gawin pa ng government, unang una na ang Universal Healthcare Act. It is already a law, but ang bagal ng implementation ng batas,” saad ni Duterte-Carpio.

“Ang daming mga reforms na supposedly dapat nandoon, but it’s either mabagal o hindi pa nasisimulan,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Davao City Mayor, ang mga isyu sa pagpapatupad ng UHC Law ay nararanasan din sa Davao City, kung saan siya ay kasalukuyang nagsisilbing alkalde.

“Even in our city, the local government of Davao City, hirap kami [on] how to operationalize the UHC and hindi namin alam kung saan kami magsisimula,” pag-amin niya.

“We are trying our best na ma-implement yung Universal Healthcare Act. Napakaganda nung batas, and it is a very big challenge for local government units na aming ibaba ‘yung mga puwedeng gawin at puwedeng makatulong sa ating mga kababayan,” aniya pa.

Sinabi ni Duterte-Carpio na sinimulan na ng Davao City government ang pakikipag-usap sa Department of Health at mga government hospitals para sa operationalization ng UHC Law sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Universal Health Care Law na naglalayong bigyan ang lahat ng Pilipino ng coverage at benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan noong Pebrero 2019.

Sa ilalim ng batas, awtomatikong mapapatala ang mga Pilipino sa panukalang National Health Insurance Program (NHIP), bilang direktang kontribyutor o hindi direktang kontribyutor.

Continue Reading

celebrities

Alex Gonzaga na-diagnose na may ‘vocal chord nodules’, ayon kay Toni

Published

on

By

Nag-aalala man, bilib pa rin si Toni Gonzaga sa kaniyang nakababatang kapatid na si Alex matapos makitaan ang huli ng bukol sa kaniyang lalamunan.

Ibinahagi ni Toni na na-diagnose si Alex na mayroong vocal chord nodules bago pa man sila tumulak papuntang Dubai.

Kabilang ang magkapatid na Gonzaga sa mga celebrities na naimbitahang magtanghal sa ginanap na Expo 2020 Dubai noong Marso 3. Idinaos ang naturang event sa Jubilee Stage sa Dubai na dinaluhan ng maraming Pinoy OFWs sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay Toni, nagawa pa ring makapagtanghal ng kaniyang kapatid sa kabila ng problema nito sa lalamunan.

“Proud of you sissily @cathygonzaga. She was diagnosed with vocal cord nodules before flying to Dubai but she still pulled it off for the show,” ani Toni sa kaniyang Instagram story.

Ayon sa Healthline, ang vocal chord nodules “are hard, rough, noncancerous growths on your vocal cords. They can be as small as a pinhead or as large as a pea.”

Ito umano ay sanhi ng sobrang pagka-strain ng boses ng isang tao dahil sa labis-labis na pagkanta, pagsigaw o pagsasalita nang mahabang oras.

Kadalasang nakikitaan nito ay mga singers, cheerleaders, radio hosts, preachers, coaches, sales people at mga teachers.

Subalit maaari ring dahilan ito ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, side effects mula sa gamot, o kaya dahil sa pagkakaroon ng sinusitis at allergies.

Samantala, maliban kina Toni at Alex, nagtanghal din sa Expo 2020 Dubai si Juan Karlos Labajo kung saan kinanta nito ang kaniyang monster hit na ‘Buwan’.

Ibinahagi pa ni Mommy Pinty Gonzaga na dinumog umano ng mahigit 16,000 spectators ang naturang event.

“Thank you to 16k pinoys who watched last night. Biggest crowd in one of the biggest stages in the expo. So proud to witness it. Maraming salamat Dubai!” ani Mommy Pinty sa kaniyang Instagram post.

Sa darating na Marso 18, ang bandang Parokya ni Edgar naman ang nakatakdang lumipad patungong UAE para rin sa Expo 2020 Dubai.

Continue Reading

Trending