Ang pagkakaroon ng ubo at lagnat ay sobrang nakakapagbabagal sa ating productivity. Heto rin ay napaka karaniwan lalong lalo na sa panahon...
Ang pagkakaroon ng ubo at lagnat ay sobrang nakakapagbabagal sa ating productivity. Heto rin ay napaka karaniwan lalong lalo na sa panahon ngayon na tag ulan.
Marami sa botika ang nagbebenta ng kahit anong klase ng mga medisina para matulungan tayo sa ating ubo at lagnat.
Alam ba ninyo na maaaring labanan ang ubo at lagnat gamit lang ang isang prutas na napakakaraniwan dito sa ating bansa. Ito ay ang prutas na Kamias.
Paano nga ba gawin ang kamias para matulungan tayo sa ating lagnat at ubo?
1.Maghanda ng Mortar at Pestle, tatlong piraso ng kamias,isang baso/tasa at asukal na pula.
2. Tanggalin ang dulo ng kamias.
3. Ilagay ito sa mortar at katasin ito gamit ang pestle. Maari ding gumamit ng blender para pang durog at pangkatas ng kamias.
4. Kapag nailabas na ang katas nito, ilagay ang katas nito sa isang tasa/baso. Gumamit ng strainer para hindi mahalo ang laman sa tasa.
5. Lagyan ng kunting tubig para hindi maasim sa panglasa. Pwede ang maligamgam na tubig.
6. Para ito ay sumarap, maaaring lagyan ng isa hanggang dalawang kutsaritang asukal na pula. Kung ikaw ay may diabetes , e limit lang ang paglagay ng isang kutsaritang asukal.
7. Haluing mabuti at inumin.
Maaari itong inumin dalawang beses sa isang araw. Isa sa umaga at isa sa hapon. Napakaraming benepisyo ng kamias hindi lang ang sipon at ubo ang natutulungan nito. Maging ang mga taong may highblood, hemorrhoids at sakit sa buto ay maaari ring matulungan nito.
COMMENTS