Isa sa pinaka importanteng organ sa ating katawan ay ang ating puso. Ito ang nag bobomba ng ating dugo para magamit ito sa kakaibang parte...
Isa sa pinaka importanteng organ sa ating katawan ay ang ating puso. Ito ang nag bobomba ng ating dugo para magamit ito sa kakaibang parte ng ating katawan. Ngunit maraming mga tao ang nagkakaroon ng baradong ugat sa puso sa marami na ring dahilan. Isa sa mga dahilan nito ay pagkakaroon ng mataas na kolesterol sa katawan.
Pwede itong maagapan sa natural na mga pamamaraan at ito ay napakasimple lamang kaya nararapat lang na ito'y gawin kung mahal mo ang iyong puso..
Ano nga mga ang mga kakailanganin upang matulungan ang baradong ugat sa puso?
Maghanda lamang ng malinis na tubig, apple cider vinegar, honey, lemon, bawang at luya.
Papaano ito gawin?
1. Hugasang mabuti ang lemon at luya.
2. Hatiin sa gitna ang lemon at pigaing mabuti hanggang sa lumabas ang katas nito.
3. Durugin ang 4 cloves ng bawang gamit ang mortar at pestle.
4. Balatan ang luya at hatiin ito sa manipis na piraso.
5. Maglagay ng 2 basong tubig sa malinis na kaldero.
6. Ihalo ang hinati at dinurog na bawang, luya at katas ng lemon.
7. Lagyan ito ng dalawang kutsarang apple cider vinegar.
8. Pakuluan ito sa loob ng limang minuto.
9. Kapag ito'y kumukulo na, patayin ang apoy at hayaan itong lumamig.
10. Ilipat sa baso at maglagay ng 2 kutsarang honey at ilagay sa ref.
Uminom ng dalawang kutsara nito bago kumain ng almusal araw-araw. Inomin ito ng tuloy-tuloy sa loob ng 20 days at pagkatapos ay huminto ng isang linggo sa pag-inom bago muling ituloy ito.
Hindi lang ang mga taong may sakit sa puso ang pwedeng matulungan nito kundi pati na rin ang mga taong may constipation at ulcer. Makatutulong din ito upang maiwasan ang stroke at iba pang sakit sa puso.
COMMENTS