Isa pinaka karaniwan na sakit ng mga babae ay ang PCOS. Ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay isang hormonal disorder na kung saan nagkaka...
Isa pinaka karaniwan na sakit ng mga babae ay ang PCOS. Ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay isang hormonal disorder na kung saan nagkakaroon ang babae ng mga maliliit na cyst sa kanyang obaryo. Ang hormonal imbalance na ito ay nagdadala ng iba't-ibang sintomas at epekto sa katawan. Ayon sa mga eksperto, ito ay karaniwang mararanasan ng mga kababaihan na nasa reproductive age. Nasa 6%-10% ng mga kababaihan na may edad na 20-40 taong gulang ay may PCOS.
Ang mga babeng may PCOS ay may irregular menstruation kaya hindi madali sa kanila ang pagbubuntis kaya naman ang pagkain ng mga masusustansyang mga pagkain ay napaka importante sa mga babaeng mayroong PCOS.
Ang PCOS ay pwedeng ma control kung maging balanse ang hormone at insulin levels sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wastong nutrisyon.
Narito ang mga maaaring esalin sa iyong diet upang maagapan ang PCOS. Ito ay mga pagkaing may antioxidants tulad ng:
1.Dark Chocolate
2. Oats
3. Brown Rice
4. Almonds
5. Walnuts
6. Pistachios
7. Avocado
8. Strawberries
9. Spinach
10. Lettuce
11. Broccoli
12. Cauliflower
13. Grapes
14. Sardines
15. Mackerel
Heto naman ang mga pagkain na mabuti para maging balanse ang insulin levels at mabawasan ang sintomas ng PCOS. Mga pagkaing may lean protein gaya ng:
1. Beans
2. Peas
3. Tofu
4. Salmon
5. Shrimp
6. Tuna
Mga pagkaing dapat limitahang kainin upang maibsan ang sintomas ng PCOS:
1. Pritong pagkain
2. Pagkaing de lata
3. Puting tinapay
4. Pizza
5. Regular Pasta
6. Hamburger
7. Keso
8. Matatamis na inumin gaya ng soft drinks at juice
9. Matatamis na mga pagkain gaya ng ice cream, cake at cookies.
Importante din sa mga may PCOS ay pagkakaroon ng regular na ehersisyo, na aabot ng 2-3 beses sa bawat linggo. Ang pag eehersisyo ay nakatutulong upang mabawasan ang timbang at para makontrol ang PCOS.
COMMENTS