Ngayong community quarantine, marami ang mga nahihilig sa panananim sa kani kanilang mga tahanan. Pero alam ba ninyo na may mga pananim na p...
Ngayong community quarantine, marami ang mga nahihilig sa panananim sa kani kanilang mga tahanan. Pero alam ba ninyo na may mga pananim na pwedeng makatutulong para maiwasan natin ang mga insekto gaya ng lamok, langaw, mga gagamba at marami pang iba.
Ang mga tanim na ito ay hindi nakaaalis ng insekto pero ang kakaibang katangian ng mga ito ay nakatutulong upang ang insekto ay pumunta sa ibang direksyon.
Para makaiwas sa mga insekto pwede ka namang gumamit ng mga pesticides pero mas mabuti na yong may mga mas natural na solusyon.
Ano ano nga ba ang mga halamang nakatutulong para maitaboy ang mga insekto?
1. Citronella Grass
Marami ang gumagamit ng citronella candles para maitaboy ang mga lamok dahil sa amoy nito. Pero ang amoy nito ay galing sa halaman na tinatawag na Cymbopogon nardus. Ang oil umano ng Citronella grass ang nakatutulong para maitaboy ang mga insekto. Para maging katulad ng citronella candle ay kailangan ng maraming Citronella grass para mas maging epektibo ito.Ito ay may malaking pagkakahawig ng citronella grass at ang katangian din nito ay kaya nyang maka alis ng lamok. Ayon sa mga siyentipiko, ang langis ng tanglad ay nagbibigay ng 95% na proteksyon laban sa iba't-ibang uri ng lamok sa loob ng 2.5 na oras. Natuklasan din sa isa pang pag-aaral na ito rin ay nakapag aalis din ng mga langaw. Gayunpaman, langis ng halamang ito ang pinag aralan at hindi ang mismong halaman. Ngunit kung gusto mong magtanim ng mga ito sa iyong bakuran upang makita kung totoo bang nakatutulong ito, ito ay magandang lugar para ito'y simulan.
3. Mint
Maraming mga komersyal tungkol sa mga bug repellants na naglalaman ng mga langis ng mga halaman at ang langis ng peppermint na nagmula sa halamang peppermint ay isa sa mga pinakaepektibo pagdating ng pag-alis ng lamok. Ayon din sa mga pananaliksik, nakatutulong din ito sa pag alis ng mga gagamba.
COMMENTS