Connect with us

lifestyle

Hidilyn Diaz binigyan ng House and Lot sa Tagaytay at Condominium sa Eastwood Pagkatapos Manalo ng Gold Medal sa Olympics

Published

on

 

Isang napakalaking karangalan sa bansa ang naabot ng woman weight-lifter na si Hidilyn Diaz nang makamit niya ang gold medal sa 2020 Tokyo Olympics. Siya ang kauna-unahang nanalo ng gold medal sa Pilipinas sa larangan ng weight-lifting.

Bukod sa cash na napanalonan niya sa Olympics na P35.5 million ay binigyan pa siya ng House and Lot sa Tagaytay na galing kay Congressman Abraham Tolentino na siya ring Presidente ng Philippine Olympic Commitee. Nangako si Tolentino bago pa nag simula ang olympics na magbibigay siya nito sa kung sino man ang magiging gold medalist na pinoy sa olympics. 

Ang cash prize na 35.5 million ay galing sa ilang foundations na nangako din na magbigay ng pera kung sino ang manalo ng gold medal. Ang 10 million ay galing sa San Miguel CEO Ramon S. Ang, 10 million naman ay galing sa Manny V. Pangilinan Sports Foundation, 10 million galing sa Philippine Sports Commission. 3 million naman ang binigay ni Congressman Mikee Romero at 2.5 million din ng Zamboanga na probinsya ni Diaz.

Hindi lang din cash at house and lot ang kanyang matatanggap na regalo sa kanyang pagkapanalo kundi matatanggap din niya ang condominium unit sa Eastwood City na galing sa Chairman of Megaworld Corporation na si Andrew Tan na nagkakahalaga ng P14 million.

“This epic moment is about 97 years in the making, and this is our way of saying thanks to Hidilyn for making us all proud. We believe that it’s just right to give our first-ever Olympic gold medalist a home in our first-ever township, Eastwood City, where she can enjoy the township lifestyle with her family and loved ones” pahayag ng anak ni Andrew Tan na si Kevin Tan na Ceo ng Megaworld. 

entertainment

Beatrice Luigi Gomez nakapagtapos na sa kolehiyo, may mensahe bilang ‘Most Outstanding Graduate’

Published

on

By

Si Miss Universe 2021  Beatrice Luigi Gomez ay nagtapos na sa Unibersidad ng San Jose-Recoletos!

Nagbigay ng talumpati ang beauty queen, na nakakuha ng mass communication degree, bilang Most Outstanding Graduate.

Sinabi  niya na hinamon siya ng panahon at napahinto sa kanyang pag-aaral hindi lamang isang beses, ngunit dalawang beses.

“I took the regular program hoping that I would finish my studies along with my batchmates but God had me take a different path,” saad ni Beatrice.

“There were life lessons I had to learn first in order for me to value and earn where I am today. I was already in my last year of college when I had to leave school because of an opportunity that I had to take,” pagpapatuloy pa niya.

Ayon pa sa 27-anyos na pumasok siya sa public service at hindi nagpatuloy ng kanyang pag-aaral. Gayunpaman, nanatiling mahalaga sa kanya ang pagtatapos ng kanyang degree.

“Had I ever been discouraged? Many times. It was a constant struggle because I only had onee more year left to finish college,” aniya. “It was like my degree was so close yet so far at hand.”

Sinabi ni Beatrice na ang pandemya ay nagbigay sa kanyang ng daan upang muling mag-focus sa pag-aaral, ngunit napalaban naman siya sa Miss Universe Philippines.

“Even as I was in that competition, I had that urge of wanting my degree done. So the moment I got back from that competition, I focused on what needs to be prioritized and now I am finally here with all of you.”

Sa Instagram, ibinahagi rin ni Beatrice ang larawan niya sa campus at nagpasalamat sa USJ-R at ngayon ay matagumpay na nakapagtapos ng kolehiyo.

“This is where I learned to break barriers and empower lives. I owe most of my successes to the people who taught me the values that I needed in order to not just withstand but outstand life,” aniya.

Congratulations, Beatrice!

Continue Reading

celebrity

Carla Abellana ibinebenta ang kanyang condo sa ‘The Grove by Rockwell’

Published

on

By

Nag-post sa Instagram si Carla Abellana kaugnay sa pagpo-promote niya ng kanyang condo unit na matatagpuan sa ‘The Grove by Rockwell’ sa Pasig.

“My condo unit at The Grove by Rockwell is still available for sale/lease! It is now below market value!” aniya.

Sinabi niya na ang presyo ng condo ay binawasan niya, kaya ang asking price sa unit ay nabawasan na ng P2M.

Sa video clip at sa mga larawang ipinost niya, makikita na talagang furnished ang unit. Masuwerte ang makabibili nito dahil lahat ng nasa loob ay kasama sa presyo. Tinawag pa niya ito bilang excessively furnished.

“And yes, everything you see inside the condo unit comes inclusive. It’s fully (and excessively) furnished! If they’re not your type, then go ahead and sell them to make money! It’s totally up to you.”

Dahil napakahalaga ng parking space, wala nang magiging problema ang bibili ng kanyang unit, dahil kasama na rito ang parking, na mahigit P1M ang halaga.

“Of course parking (which alone costs more than 1M!) is included in the asking price already.”

Kung interesado ka, mayroong mga contact persons at contact numbers siyang ibinigay.

Matatandaang binasag ng aktres ang kaniyang katahimikan tungkol sa pag-‘unfollow’ nila ng asawang si Tom Rodriguez sa isa’t isa sa Instagram.

Sa kanyang Instagram, ito ang naging ugat ng usapang maaaring nagkaroon ng problema ang bagong kasal.

“Oh, and while we’re at it I might as well remind everyone to be more mindful about DISTRACTIONS and DIVERSIONS especially on social media.”

“Hello, everyone! I just needed to inform you all about a feature on Instagram so that you’re all enlightened. If you go to a person’s IG account and click the 3 black dots on the upper right, IG actually gives you the option to “Remove follower,” paliwanag niya sa kaniyang Instagram story.

“On the other hand, it may actually be a skillful move if you’re playing a spiteful game. Thanks for your time, everyone! And always BE CAREFUL,” aniya.

Basahin: Carla Abellana: ‘I find it very grade school to unfollow-follow important persons

Continue Reading

lifestyle

Payatas weavers nag-react kaugnay sa mga likha ng American designers na parang basahan

Published

on

By

Ibinahagi ng mga manghahabi sa Payatas ang kanilang saloobin sa mga likhang ginawa ng mga Amerikanong designer na mukhang door mat o tinatawag ng mga Pilipino na “basahan” o “sala-sala.”

Ang mga furniture at textile designers na sina Franny Capone at Elise McMahon, na ang obra ay itinampok ng Vogue, ay nakatanggap ng batikos dahil sa hindi pagkilala na ang mga Pilipino ay matagal nang gumagawa ng mga produktong ito, ayon sa ulat ng “24 Oras” ni Oscar Oida noong Huwebes, Pebrero 17.

Sinabi ni McMahon na sinusubukan nilang matuto nang higit pa kaugnay sa kanilang mga pagsisikap na magbigay-liwanag sa pandaigdigang basura sa fast fashion sa United States.

“Through these comments last night and today, I learned about this amazing weaving style, ‘basahan,’ using T-shirt material that has long been happening in the Philippines and have been rushing to educate myself since,” wika ng taga-disenyo.

“This project we just announced is intended to motivate and share info about global fast fashion waste with the American public as we have a huge habitual waste problem.”

Sinabi ng mga manghahabi na natutuwa silang makita ang mga disenyo na kilala sa ibang bahagi ng mundo, ngunit umaasa rin silang ang kanilang trabaho ay magkakaroon ng parehong pagkilala at halaga.

Ayon sa sala-sala maker na si Regina Balili, bultuhan nilang ibinebenta ang kanilang door mat at basahan sa halagang 15 pesos kada piraso.

Ani Regina, “Diyan namin kinukuha ’yung pangkain namin, bigas, ulam, pambili ng diaper.”

“Maganda nga sana kung may mamimili ng medyo mahal kasi para lumuwag kunti man lang ’yung hanapbuhay namin.”

Si Mycah Gudoy, isa ring maghahabi, ay nagpahayag din ng pag-asa na sana ang kanilang mga produkto ay makakuha ng suporta mula sa gobyerno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vogue Runway (@voguerunway)

Continue Reading

Trending