Connect with us

Inspiring

Kilalanin ang Coach at Boyfriend ni Hidilyn na tumulong sa kanya sa kanyang paghahanda sa Olympics

Published

on

Isang malaking karangalan para sa ating bansa ang pagkakuha ng gold medal ng pinay weight-lifter na si Hidilyn Diaz. Siya ang kauna unahang pinay na nakakuha ng gold medal sa olympics matapos ang 97 na taon. Kaya naman sa tagumpay na nakuha ni Diaz ay parang naging artista na rin ang kanyang personal na buhay. 

Usap-usapan sa social media ang naging coach ni Hidilyn Diaz sa kanyang weight-lifting career na naging isa sa mga dahilan sa kanyang tagumpay. Siya si Julius Naranjo na isang Japanese-Filipino Guamanian. Giit sa kaalaman ng karamihan, si Julius ay boyfriend din ni Hidilyn. 

Gaya ni Hidilyn, si Julius ay isa ring weight-lifter. Nagtagpo ang landas ng dalawa noong 2017 sa isang weigh-lifting championship na event. Maagang nag retiro si Julius sa pagsali ng weight-lifting kompetisyon dahil nagkaroon siya ng back-injury kaya naman sa kasalukuyan ay naka focus na siya sa coaching. 

Hindi biro ang pinagdaanan ni Hidilyn bago pa ang kompetisyon. Lubos niya itong pinaghandaan. Ginamit ni Hidilyn ang kanyang oras nung nag lock-down sa Malaysia sa pag-iinsayo. Kasama ni Hidilyn ang kanyang strength and conditioning coach at kasintahan sa kanyang training camp.

Ayon kay Hidilyn, napakaswerte niya dahil si Julius ang kanyang naging coach. Ngunit aminado din si Hidilyn na mahirap ito para sa kanyang boyfriend dahil hindi daw madaling turuan ang mga elite athlete na kagaya niya. 

“Sa totoo lang ayaw namin pag-usapan na ganun. Swerte ako na yung coach ko ay boyfriend ko din. Pero mahirap din. Sa part niya kasi mahirap turuan ang elite athlete, lalong lalo na ako. Hindi ako basta basta nakikinig, kinukwestiyon ko lahat at hindi ako basta basta sumusunod”, kwento ni Hidilyn.

“Pero as a coach, kailangan we have to prove na magaling ka. Kasi elite athlete ako eh… Pero right now, swerte ako na magaling yung coach ko, magaling siya. At magaling din yung image na pinapalakas nila ako. So kung kumusta ako, swerte ako na nandito sila, na nandito din yung coach ko, na nandito siya, si coach Julius. Nung time na ayoko na, ayoko na.. Syempre nasa pand3mic tayo. May mga time na ayaw ko na, nandyan sila para i-lift ako.”, dagdag pa niya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Inspiring

Talentado! Baguhang artist iginuhit sa resibo ang mga karakter ng pelikulang ‘Encanto’

Published

on

By

Wow! Umani ng paghanga ang isang baguhang artist dahil sa pagkakalikha niya ng work of art sa isang resibo.

Mas nakilala ang young artist na si Eldo Caspillo ng Maragondon, Cavite nang ibahagi ang kanyang likha ng Bayan mo, ipatrol mo; kung saan ay itinanghal nila ang pagguhit nito sa imahe nina Mirabel, Isabel at Luisa Madrigal ng pelikulang ‘Encanto’ gamit ang graphite at charcoal powder.

Ayon sa Bayan mo, ipatrol mo, unang beses pa lamang ni Eldo na gumuhit sa resibo at limang oras niyang nilikha si Mirabel. Pagkatapos ay sinunod na niya ang  dalawa pang kapatid nito sa kuwento na sina Isabela at Luisa.

“The Madrigal Sister | Encanto Luisa, Isabela and Mirabel Lapis sa resibo Skl po, hope y’all like it,” pagbabahagi naman niya sa kanyang Facebook wall.

Makikita na mahusay sa pagguhit si Eldo bagama’t ayon sa kanya ay one year pa lamang siya sa pagguhit.  Tunay na talentado!

Para kay Eldo, paborito niya ang karakter ng magkakapatid dahil maganda silang mga halimbawa sa mga manonood.

Samantala, siya ay sumali kamakailan sa isang paligsahan sa pagguhit at napabilang siya sa top 5. Masaya niya itong ibinahagi sa kanyang Facebook post at makikita rin sa page ng MangguGuhit.

“Top 5 “TRACES OF LIFE” Charcoal and graphite on vellum paper One Reference Challenge | Pro Category All Glory to God! Salamat po sa Group Page ng MangguGuhit sa opportunity na ito po,” saad niya sa kanyang caption

Ipinalabas ang Encanto ng Disney Studios noong Nobyember 2021.

Ang movie na encanto ay tungkol sa magkakapatid na Madrigal. Ang mga Madrigal ay isang pambihirang pamilya na nakatira sa mga bundok ng Colombia sa isang kaakit-akit na lugar na tinatawag na Encanto. Ang mahika ng Encanto ay biniyayaan ng kakaibang regalo ang bawat bata sa isang pamilya — bawat bata maliban kay Mirabel. Gayunpaman, maaaring siya na ang huling pag-asa ng mga Madrigal kapag nalaman niyang nasa panganib na ngayon ang mahika na nakapaligid sa Encanto.

Ang “Encanto” ay matagumpay na tinangkilik ng mga manonood na may iba’t ibang edad.

Panoorin ang Encanto trailer:

Continue Reading

celebrity

Ken Chan, may malalaking negosyo dahil sa pagsunod sa payo ng mga magulang

Published

on

By

Sampung taon na rin ang showbiz career ng aktor na si Ken Chan.

Nagsimula siya bilang isa sa mga co-hosts sa “Walang Tulugan” ng yumaong German Moreno at ngayon ay isa na siya sa mga bankable male actors sa local showbiz industry.

Bukod sa pagiging mahusay na artista, nalilinya na rin ang aktor sa pagnenegosyo. Sa ngayon ay mayroon na siyang tatlong businesses na inaatupag. Filipino-Chinese si Ken kaya naman nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugo ng pagiging negosyante.

Noong November 2020 ay ibinida ng aktor ang ipinagagawang branches niya ng iFuel gasoline stations na umabot na sa lima.

“Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches in Baliuag, Bulacan and San Fernando, Pampanga and I couldn’t be happier with the progress coming along. Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which cities!” pagbibida ni Ken noong 2020.

Co-founder din siya sa negosyong Aromagicare, na ang produkto ay affordable wellness massage chair at therapy oils.

At kamakailan lang ay inilunsad niya ang Cafe Claus, ang cafe-bakery na nagse-serve ng American at Pinoy dishes bukod pa sa cake at pastries.

Wika ni Ken, bata pa lang siya ay pangarap na raw talaga niya ang magkaroon ng sariling negosyo at ngayon nga ay natupad na iyon dahil sa kanyang pagsusumikap.

Malaking factor daw ang payo ng  kanyang mga magulang noon sa pagkakaroon niya ng puhunan sa negosyo. Mula noon hanggang ngayong may matagumpay na siyang showbiz career ay ina-apply pa rin daw niya sa buhay ang pagtitipid na natutuhan mula sa mga magulang.

“Ang turo ng mga magulang ko, kapag kumita ako ng sampung piso, ’yung gagastusin ko ’yung piso at ’yung siyam na piso, itatago ko. Ini-apply ko ’yun sa buhay ko simula pa nang mag-artista ako at hanggang ngayon po,” lahad niya.

Napatunayan raw niya na kapag may mga pangarap ka at pinaniwalaan ang iyongsarili ay matutupad ang mga iyon.

Continue Reading

Inspiring

Unli suki: Mag-asawang nag-wedding reception sa Mang Inasal, doon na rin nagdaos ng selebrasyon ng binyag

Published

on

By

Sa kabila ng pandemya, sinisikap pa rin ng marami na ipagdiwang ang mga milestones sa kanilang buhay tulad ng kasal, kaarawan at binyag ng anak, kahit sa simpleng paraan.

Kaakibat na talaga ng panahon ngayon ang pagsisikap na maging wais at organisado lalo na sa usaping budget para hayahay lang ang buhay. Mahirap kasing mawalan ng trabaho o mapagkakakitaan, ‘di ba?

Ngunit pangkaraniwan na sa ating mga Pinoy ang pinaghahandaan ang mga espesyal na okasyon lalo na’t may kasabihang ‘once in a lifetime’ lang naman ito mangyari. No problemo kung maayos naman ang iyong pamumuhay at kaya ng bulsa.  Bakit nga ba hindi pa gawing bongga ang mga selebrasyon, ‘di ba, kung ito ang inyong nais?

Ngunit para sa mag-asawang kinasal sa Cebu, hindi n akailangang garbuhan pa. Pinili nilang sa fastfood na lang gawin ang reception “kasi mas tipid at hindi na kami mag-iisip ng mga utang utang pa,” paliwanag ng napaka-praktikal na bride.

Yes, sa kilalang fastfood chain na ang Mang Inasal ginanap ang kanilang wedding reception. Sa budget na P3,044 ay nabusog ang labinlimang katao kasama na ang bagong kasal sa handang masarap na chicken, unli rice at unli sabaw. May kasama na rin iyong dessert na halo-halo.

Basahin: Unli kilig: Wedding reception sa fastfood may pa-unli rice at unli sabaw sa budget na P3k

 

Kamakailan ay ibinahagi ng naging cameraman ng kasal na si Babse Dondon ang ilang larawan kaugnay sa nag-viral na newly weds. Ngunit sa pagkakataong ito, iba na ang ganap niya sa okasyon ng mag-asawa. From cameraman ay nauwi na sa pagiging isa sa mga ninong ng kanilang anak ang naging ganap nito. Kumpare na siya ng mag-asawa.

“I considered it an honor covering a wedding of any couple; but becoming one of their daughter’s “Ninong” is something else. It speaks highly of what you are to them now and after. Salamat kaau kumpare ug kumare Rian Eran Baynosa ug Rhaqueza Vicente Mosende!” ani Babse.

 

Matapos ang viral reception sa isang sikat na fastfood resto, binyagan naman ang sunod nilang ipinagdiwang. Saan pa? Sa kanilang suking Mang Inasal pa rin na may pa-unli rice at unli sabaw!

Katulad noong kasal ay kaunti lamang din ang kanilang bisita sa binyagan. Marahil ay kaugnay na rin sa protocol na dapat nating sundin.

“Our viral Mang Inasal couple has returned to the same Mang Inasal outlet. This time for the (again) simple celebration of their baby Raynisha’s christening on the same church they were wed. Nuot sa ihaw sarap jud kay super paborito nilang Rian ug King ang Mang Inasal. Kuya Kim ano na? Pit Senyor!” saad ng photographer.

 

O saan ka pa? Kung sa bahay lang gagawin ay mag-iisip ka pa ng mga lulutin, maraming hugasin at kung anu-ano pa. Sa Mang inasal may party venue ka na, may unli rice at may mga crew ka pa.

Hinangaan ang pagiging praktikal ng mag-asawang Mosende. Simple man ang selebrasyon, masaya at memorable naman.

Narito ang ilang mga nagkomento at nagpahayag na gusto ring sa Mang Inasal magdaos ng selebrasyon.

“Wow yan na din balak ko sa binyag ng anak ko po.”

“Mas praktikal naman talaga sa mang inasal.”

“Mang Inasal kc unli rice, yummy halo halo nila, sa ngayon dapat maging practical congrats!”

“Tama lang yan!! at least nakaraos nang wlang hassle kesa nman mabongga k ng gastos tapos wlang ipon panimula…praktikal n ngaun tau hirap ng buhay ah.”

Continue Reading

Trending