Connect with us

Health

Mga Dapat Gawin Bago at Pagkatapos Bakunahan ng COVID-19 Vaccine

Published

on

 

Marahil marami kayong naririnig na negatibo sa pagpapabakuna kaya naman ang iba ay takot mabakunahan ng COVID-19 vaccine.  Ang pinakamabisang paraan para protektahan ang ating katawan sa COVID ay ang pagbabakuna kaya naman hinihikayat ng WHO at DOH na lahat ay mabakunahan at hindi dapat matakot. 

May mga paraan para maiwasan ang side effects ng bakuna na dapat malaman ng lahat. Iba-iba ang tao ng epekto matapos mabakunahan. Ang iba ay hindi makakaranas ng side effect at ang iba naman ay makakaranas ng minor side effects.  

Ang pinaka makaraniwang side effects na mararanasan ay ang pagkakaroon ng lagnat, panginginig, sakit ng ulo,pagkahilo, sakit ng katawan at pamamaga sa braso kung saan tinuturukan. Ang mga ito ay normal lamang na side effect sa ating katawan matapos mabakunahan. 

Ito ang mga paraan kung paano ihanda ang sarili bago at matapos mabakunahan: 

1. Uminom ng 8 basong tubig araw-araw. Kailangan na ang ating katawan ay magiging hydrated araw-araw. Maari ding uminom ng lemon water, tsaa at fruit juices. 

2. Kumain ng wastong at balanseng pagkain bago magpabakuna. Kapag hindi ka kumain ng almusal ay maaaring magdulot ito ng pagkahilo at low blood sugar.  Nang dahil naman sa takot, may iba ay hinihimatay matapos mabakunahan kaya naman ay siguraduhin na kumain ng tama para may lakas ang katawan sa buong araw. 

3. Inumin ang maintenance na gamot gaya ng antihypertensives at mga gamot sa sakit sa puso. Bago at matapos bakunahan ay kukunan tayo ng blood pressure. Maaring tumaas ang BP dahil sa stress at takot sa bakuna kaya naman dapat na lang tayo ay mag relax at dalhin ang gamot para sa highblood kung sakaling ito ay kailangan. 

4. Magdala ng pagkain at tubig sa araw ng bakuna. Pwede kang magdala ng biscuit, saging at tubig kung sakaling tamaan ka ng gutom  at uhaw sa araw ng pagbabakuna. 

5. Bumili agad ng paracetamol pagkatapos ng bakuna dahil maaring maramdaman ang lagnat at panghihina ng katawan sa mga susunod na araw pagkatapo mabakunahan. At mas mas mabuti na mag day-off muna sa trabaho pagkatapos magbakuna para maiwasan ang stress at ma focus ang iyong katawan sa pag recover.

Uminom ng gamot at kumain ng masustansyang pagkain kung magkakaroon ng lagnat. 

6. Mag stock ng mga masustansyang pagkain sa bahay bago magpabakuna dahil mahirap ng lumabas sa bahay kapag mararamdaman na ang minor side effects pagkapos bakunahan. 

Kapag mararamdaman mo na ang side effects, kumain ng mga easy to digest foods tulad ng sopas, saging o tinapay.

7. Iwasan muna ang pag inom ng alak dahil ang sobrang pag inom ng alak ay nag bibigay ng stress sa ating katawan at maaring ito ay magdulot ng dehydration. 

8. Iwasan muna ang mga mabibigat na trabaho sa mga susunod na araw matapos mabakunahan para maayos ang recovery ng katawan. 

9. Kahit ikaw ay nabakunahan na, panatilihin pa rin ang pagiging mapanuri sa mga kinakain. Bihira lang ang pagkakaroon ng allergy matapos mabakunahan pero kapag ito maranasan, agad na magpa konsulta sa doctor. 

Ikaw ba ay nabakunahan na? Kung hindi pa, sundin ang mga tips para maiwasan ang mga hindi kaaya-ayang mang yari sa araw na iyong bakuna. 

Food

Kamote mainam sa ating kalusugan

Published

on

By

Bahagi ba ng inyong hapag kainan ang kamote?

Ang kamote, na sweet yam o sweet potato sa Ingles (Ipomoea batatas), ay isang pangkaraniwang halamang-ugat sa Pilipinas na maaaring kainin. Ang mga mura at malambot na mga dahon nito na talbos kung ating tawagin ay maaaring pakuluan o i-steam at isahog sa mga lutuin.

Isa ang kamote sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy. Kaaniwang may matamis na lasa ang pagkaing-ugat na ito.  Manipis ang balat nito at may iba ibang uri; may kulay lila, may puti, may kulay kahel at dilaw.

Maaari mo itong kainin nang nilaga lamang o gamitan ng ulang na parang inihaw. Maaaring balatan o ipito nang may balat matapos linising maigi. Kamote cue ang pinaka-karaniwang pamamaraan sa pagluto ng kamote. Ang kanyang dahon ay puwedeng kainin din, at may maraming paraan sa pagluto nito.

Ano-ano naman kaya ang mga benepisyo ng pagkain ng kamote sa ating kalusugan?

1. Ang kamote ay mainam na source ng potassium.

Ang kamote ay isang magandang regulator sa tibok ng puso (heartbeat) at nerve signals. Ang mataas na lebel ng potassium ay makikita dito. Ang klase ng electrolyte na nasa kamote ay hindi lang nagre-regulate ng pagtibok ng puso kundi pinipigilan din nito ang muscle cramps at nagbibigay proteksyon din sa ating mga bato (kidneys).

2. Ang kamote ay masustansiya at nagbibigay ng karagdagang tubig at fiber 

Ito ay mainam na source ng fiber, vitamins, at minerals. Mayaman din ito sa antioxidants na nangangalaga sa ating katawan mula sa mga radical damage at mga chronic disease.

Tandaan din na ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na tubig para maging malusog. Malaking tulong ang kamote para diyan. Ang fiber na matatagpuan sa kamote ay tumutulong sa pagpapanatili ng tubig sa ating katawan. Pinapanatili itong balanse at pinapanatili tayong hydrated.

3. Ang kamote ay nakatutulong sa may hika (asthma)

Bukod sa pagiging masustansiya, mainam na isama sa diet ang kamote kung ikaw ay may hika. Ang kamote kasi ay isa sa mga pagkain na bihirang nagdudulot ng allergic reactions sa katawan. Di nga ba’t ang hika ay kadalasang kinakabit sa mga allergy?

Kapaki-pakinabang para sa mga may hika ang talbos o dahon ng kamote dahil sa pamamagitan ng aroma nito, nakatutulong ito na ma-decongest ang ilong at baga, kaya ang paghinga ay hindi stressful para sa may hika.

4. Ang kamote o sweet potato ay magandang source ng iron.

Hindi lamang karne ang magandang mapagkukunan ng iron. Ang kamote ay nakatutulong din sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng paggawa ng mga white blood cells at pinapabuti ang pangkalahatang pagpapalakas ng ating immune system dahil sa iron na matatagpuan dito. Di nga ba’t noon pa man ay sinasabi na kumain tayo ng talbos ng kamote lalo na kung maputla tayo o anemic?

5. Nakatutulong ang kamote upang makaiwas sa cancer.

Ang kamote ay may antioxidants na maaaring makatulong upang maprotektahan tayo laban sa ilang uri ng cancer.

Ang anthocyanins — isang grupo ng antioxidants na karaniwang  tinataglay ng kulay lilang kamot – ay nakapagpapabagal umano sa paglaki ng ilang uri ng cancer cells sa pantog,  bituka, tiyan at dede.

Ang matingkad na kulay kahel na kamote ay mayaman naman sa carotenoids na nagsisilbing antioxidants at tumutulong upang mapigilan ang paglaki ng cells. Napabababa nito ang risk na magka-cancer tayo.

Kailangang malakas ang ating immune system lalo na sa panahon ngayon na maraming virus. Kumain tayo ng maraming kamote dahil ito ay nakatutulong para hindi makapasok ang virus sa ating katawan.

Maraming paraan ng pagluluto ng kamote bukod sa simpleng paglalaga o pag-steam nito. Gawing bahagi ng inyong menu para sa buong pamilya.

Alalahanin ang ating mga ninuno noon at mga taga-probinsiya nating lolo at lola na naging malakas at mahaba ang buhay; marahil ay dahil sa kamoteng regular nilang kinakain!

Continue Reading

government

Kiko, may ibinidang uri ng saging; nanawagan ukol sa ‘Batas Sagip Saka’

Published

on

By

Ibinida ni outgoing Senator Kiko Pangilinan ang klase ng saging na hindi umano gaanong kilala o pamilyar sa karamihan, subalit masusumpungan naman sa kanilang bukirin sa Alfonso, Cavite.

Ipinakita ni Sen. Kiko ang litrato ng mga saging sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hunyo 10. Aniya, tinatawag umano itong “arnibal” at maaari itong kainin kahit hilaw kagaya ng manggang isinasawsaw sa bagoong. Kapag hinog naman at ipinrito ay saksakan ng tamis.

“Heto ang saging na arnibal na tawag sa Alfonso. Hindi siya kilala masyado tulad ng saba, señorita, lakatan o latundan pero isa ito sa pinakamabenta naming produkto dahil sa sobrang tamis kapag piniprito. Kapag hilaw naman sinasawsaw sa bagoong tulad ng manggang hilaw,” aniya.

Batas Sagip Saka

Samantala, nanawagan naman siya sa pamamagitan ng isa Facebook post na patuparin nang buo at agaran ang “Batas Sagip Saka” upang may pagkain umano ang mga Pilipino.

“PATUPARIN NANG BUO AT AGAD ANG BATAS SAGIP SAKA PARA MAY PAGKAIN ANG MGA PINOY,” panawagan niya.

“Napipinto ang food crisis bunga ng giyera ng Ukraine at Russia, at ang pagputol ng global food supply chain sa trigo, at sa langis na siya namang nagpapataas din ng presyo ng abono at kung ano-ano pa.”

“Minumungkahi natin ang agaran at buong pagpapatupad ng Batas Sagip Saka para mabuo ang food eco-system at mapatibay ang food supply chain na nakatutok sa kapakanan at kagalingan ng mga magsasaka at mangingisda.

“Kailangan maitatag ang food eco-system sa Pinas na nakasandig sa sariling mga magsasaka at mangingisda, hindi lang sa dayuhan,” pagtatapos niya sa panawagan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Maraming salamat po Sen. Kiko sa tulong sa ating mga magsasaka, kailangang-kailangan nila kayo ngayon at kailangan ng bansa ang mga magsasaka na tulad nila. Taimtim na panalangin ang alay ko sa kanilang lahat at sa mga tumutulong sa kanila,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Maraming salamat Sen. Kiko sa pagtindig para sa mga magsasaka!”

“Si Sen. Kiko lang talaga ang may malasakit sa mahihirap at magsasaka. Salamat po Sen. Kiko,” wika naman ng isa.

Ang Sagip Saka Act ay ganap na naging batas na kaniyang naisulong noong 2019 para sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, nitong ika-11 ng Hunyo ay dumaan si Sen Kiko sa International Farmer’s Summit sa SMX MoA na naaataong last day na para makita ang mga exhibits doon. Aniya, “Ok naman siya. Medyo mas maganda sana kung mas maraming farmers at fishers cooperatives, groups at organizations ang mga participants o exhibitors na binigyan ng support mula sa organizers para makadalo sila. Siguro sa next Summit.”

 

Continue Reading

Health

Inday Sara, ikinalulungkot ang masyadong ‘slow’ na pagpapatupad ng batas sa Universal Health Care

Published

on

By

Ikinalungkot umano ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang ‘mabagal’ na pagpapatupad ng Universal Healthcare (UHC) Law.

Sa harap ng mga nars at medical frontliners sa Batangas City, sinabi ni Duterte-Carpio na bagama’t ang UHC ay isang kapaki-pakinabang na hakbang, ito ay isang “very big challenge” para sa mga local government units na dalhin ito sa kanilang mga nasasakupan.

“Ang laki din ng dapat gawin pa ng government, unang una na ang Universal Healthcare Act. It is already a law, but ang bagal ng implementation ng batas,” saad ni Duterte-Carpio.

“Ang daming mga reforms na supposedly dapat nandoon, but it’s either mabagal o hindi pa nasisimulan,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Davao City Mayor, ang mga isyu sa pagpapatupad ng UHC Law ay nararanasan din sa Davao City, kung saan siya ay kasalukuyang nagsisilbing alkalde.

“Even in our city, the local government of Davao City, hirap kami [on] how to operationalize the UHC and hindi namin alam kung saan kami magsisimula,” pag-amin niya.

“We are trying our best na ma-implement yung Universal Healthcare Act. Napakaganda nung batas, and it is a very big challenge for local government units na aming ibaba ‘yung mga puwedeng gawin at puwedeng makatulong sa ating mga kababayan,” aniya pa.

Sinabi ni Duterte-Carpio na sinimulan na ng Davao City government ang pakikipag-usap sa Department of Health at mga government hospitals para sa operationalization ng UHC Law sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Universal Health Care Law na naglalayong bigyan ang lahat ng Pilipino ng coverage at benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan noong Pebrero 2019.

Sa ilalim ng batas, awtomatikong mapapatala ang mga Pilipino sa panukalang National Health Insurance Program (NHIP), bilang direktang kontribyutor o hindi direktang kontribyutor.

Continue Reading

Trending