Connect with us

trends

Kilalanin ang mga lalaking naging boyfriend ni Ellen Adarna

Published

on

 

Kilala si Ellen Adarna bilang happy go lucky na babae pati na rin sa kanyang love life. Inamin niya na sa kanyang love life isa rin siya sa “love them all and leave them” na girlfriend.  Malakas ang kanyang sex appeal kaya naman ang mga lalaki ang sigurado namang mapapatingin at mapapamangha sa kanyang kagandahan at aura. Sa dinadaming nagkakahanga kay Ellen Adarna, ito ang mga lalaking dumaan sa kanyang buhay at naging boyfriend ni Ellen. 

1. Jc Intal

Nagkatagpo ang landas ni JC at si Ellen ng si Ellen ay bago pa lang sa showbiz.   Ayon kay Ellen ang kanilang relasyon ni JC ay hindi klaro dahil wala silang saktong komunikasyon.  Nag text laman sila ng tatlong araw at simula nun ay hindi na ito seryoso. Nasa anim na buwan lamang ang kanilang pagkamabutihang loob. 

2. Filo Cueco

Nagkarelasyon si Ellen at ang businessman na si Filo ng isang taon. Kilala ang dalawa sa pagiging close nito sa isa’t-isa. Nagkarelasyon sila nung Setyembre 2010 nung si Ellen ay parte pa ng GMA 7 gag show Bubble Gang. Ang mga solid kapuso ay natuklasan ang kanilang relasyon ng silang dalawa ay sumali sila sa Survivors Philippines Celebrity Double Showdown nung 2011. Inalok ni Ellen si Filo para sumali sa survivors PH pero hindi naman sila nagpatuloy. 

3. Raoul Olbes

Naging open sa publiko si Ellen nang nagkarelasyon sila sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Raoul Olbes. Naging close sila na magkaibigan bago sila nagka relasyon. Sila ay nagsasama na sa iisang bahay. Nagtagal ang kanilang relasyon ng mahigit isang taon.  Tinuldukan naman ang kanilang relasyon at ayon sa aktress siya mismo ang naghiwalay sa binata. Walang third party ang involve sa kanilang hiwalayan. 

4.  Raymund Romualdez 

Ang relasyon ni Raymund Romualdez at Ellen ay hindi klaro  at hindi umano ito tumagal. Nag desisyon ang dalawa na manatili lamang bilang magkaibigan. 

5. EJ Falcon

 
Si Ellen at EJ ay naging love team sa ABS-CBN primetime series na Passion de Amor . Binansagan silang ibon na loveteam dahil sa kanilang ibon na apelyido, Falcon at Adarna. Sa kanilang TV show na nag tagal ng siyam na buwan malapit na malapit ang dalawa dahil sa kanilang matinding love scene. Naging honest naman si Ellen na nag dadate silang dalawa ni EJ pero sinabihan niya ang aktor na hindi muna siya ligawan dahil bago pa lang sila nag hiwalay sa kanyang boyfriend at hindi pa siya handang pumasok sa bagong relasyon. 

6. Paulo Avelino 
Ang tambalang Ellen at Paulo ay isang chismis lamang dahil sa insidente na naganap sa Star Magic Ball nung 2015 na kung saan na escort ni Ellen si Ej Falcon sa red carpet pero iniwan niya ito buong gabi at doon sumama ni Paulo Avelino. Ayon naman kay Ellen, wala namang katotohanan ang balita na magkarelasyon sila. 

7. Baste Duterte
Bali-balita ang relasyon ni  Ellen at ni Baste na anak ng pangulong Rodrigo Duterte nung May 2016 nang nagkalat ang maraming larawan ni Ellen kasama si Baste sa Siargao. Ayon naman kay Ellen, sila ay close na magkaibigan at may ibang karelasyon si Baste. 

8. John Lloyd Cruz
Sa lahat ng mga karelasyon ni Ellen, ang relasyon nila ni John Lloyd ang pinakakontrobesyal. Matagal ng magkakilala ang dalawa. Magkasama ang dalawa sa ABS-CBN sitcom “Home Sweetie Home”. Nung 2016, nagulat ang lahat ng mag post ng larawan si Ellen na nasa restaurant sila.  Nag ka anak ang dalawan nung 2018.

9. Derek Ramsay
 
Sa pagpapahinga ni Ellen sa showbiz ng tatlong taon ang bumalik siya sa TV 5 sitcom na kasama niya si John Estrada at dun niya nakilala si Derek Ramsay. Si Derek at Ellen ngayon ay engaged na. 

celebrities

Yeng Constantino, Rivermaya naglabas ng bagong bersyon ng ‘Liwanag sa Dilim’

Published

on

By

Nagtulungan sina Yeng Constantino at ang OPM band na Rivermaya sa pagpapalabas ng bagong bersyon ng hit song na “Liwanag sa Dilim.”

Ang tune ay kasalukuyang ginagamit sa kampanya para sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo sa Mayo 9.

Ang rendition ni Yeng ng kanta ay opisyal na inilabas noong Abril 17; kasama ang isang bagong music video na nagtatampok ng mga ordinaryong tao na sumusuporta sa kandidatura ni Leni.

Kinunan ang performance nila sa rooftop ng isang gusali. Ang music video ay kapansin-pansing nakakuha ng magandang pagsikat ng araw pati na rin ang mga aerial shot mula sa mga nakaraang campaign rally ni Leni at ng kaniyang running-mate na si Sen. Kiko Pangilinan.

Nanguna ito kaagad sa trending list ng Twitter Philippines matapos itong ilabas.

Bukod kay Yeng at mga miyembro ng Rivermaya, lumabas din sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa music video kung saan ipinahayag nila kung bakit nila iboboto si Leni.

Ibinahagi naman ni Yeng ang music video sa kaniyang Facebook.

“Isang malupet na pagkakataon. Kasama ang mga hinahangaan. Para sa bayan at sa pinaniniwalaan. Liwanag sa Dilim. Sa pagkakaisa nating mga Pilipino, mapagtatagumpayan natin ang anumang pagsubok na dumating. Sa ilalim ng isang mahusay at matapat na pinuno, lahat tayo magsisilbing Liwanag Sa Dilim,” ani Yeng sa kaniyang caption post.

Bukod kina Yeng, Rivermaya, Piolo at Angel, marami pang celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Leni, kabilang ang aktor na si Daniel Padilla.

Sa viral photo niya, kasali raw ang Kapamilya actor sa pagpipinta ng mural para sa incumbent Vice President.

Samantala, ibinahagi naman ni Piolo sa kaniyang twitter account ang music video ng ‘Liwanag sa Dilim.’

Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa mga volunteers na gumawa ng music video. “Maraming salamat sa ating mga Volunteer Film Workers, Artists, and supporters from different communities na naging kabahagi natin sa paglikha ng music video na ito!”

Panoorin ang video na ibinahagi ni Yeng:

Continue Reading

Social News

Robi Domingo naglabas ng saloobin dahil sa nag-trending na PBB quiz: “Let’s battle #MaJoHa”

Published

on

By

Naglabas ng kaniyang saloobin si Pinoy Big Brother (PBB) host Robi Domingo dahil sa ‘nakahihiyang’ kakulangan ng kaalaman sa ating kasaysayan na ipinakita ng mga housemates sa ginanap quiz noong isang gabi.

Bagama’t inaming nakatatawa umano ang naging sagot ng mga housemates, hindi na rin daw ito nakatutuwa kinalaunan dahil lumalabas dito ang pagkukulang ng ating kasalukuyang sistema ng edukasyon.

“Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa,” ani Robi sa kaniyang tweet, na ang tinutukoy ay ang sagot ng isang housemate sa tanong na kung sa anong pangalan kilala ang tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jacinto Zamora at Jose Burgos.

Ang naging sagot kasi rito ni Kai Espinido ay MarJo, habang ang kay Gab Skribikin ay MarJoHa, na parehong sablay.

Alam naman kasi ng maraming estudyante na ang tamang sagot sa nasabing ay ‘GomBurZa’ na kinuha sa mga unang letra ng apelyido ng tatlong pari.

Dahil dito, nanawagan si Robi na sana ay pag-ukulan ng pansin ng mga kinauukulan ang mistulang pagkukulang na ito sa ating sistema ng edukasyon.

“Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon,” wika ng PBB host.

“Sa lahat ng content creators, let’s battle #MaJoHa,” dagdag na panawagan ni Robi.

Bukod sa ‘MaJoHa’, na kaagad nag-trending sa Twitter, napansin din ng mga netizens ang maling sagot ni Gab sa tanong na kung anong pinakamahabang tulay sa bansa ang nagdudugtong sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

‘Slex’ ang sagot dito ni Gab habang nakuha naman ni Kai ang tamang sagot na ‘San Juanico Bridge’.

Dismayado naman ang maraming netizens sa kinalabasan ng quiz subalit hindi rin daw dapat sisihin lamang ang dalawang kabataan; bagkus ay ang buong sistema ng edukasyon sa bansa.

“GomBurZa is literally the easiest thing u would know in Phil history. Nakaka disappoint. Pero kung k-drama yan or oppa, memorize pa pati full name. It feels like our history is in crisis. It makes me horrified that this generation. could easily forget our history,” ayon sa isang Twitter user.

Panawagan ng marami, sana raw ay maging hudyat na ito upang repasuhin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pinaiiral na kurikulum lalo na sa paksa ng pag-aaral ng ating sariling kasaysayan.

Panoorin ang buong episode ng PBB:

Continue Reading

trends

‘Kosk’: Bagong face mask sa South Korea ilong lamang ang natatakpan

Published

on

kosk

Sa pagpapatuloy ng pandemya, iba’t iba ang paraan ng mga tao habang nagpapatuloy sa “new normal”; may magaganda, may mga kakaiba, at mayroon ding mga hindi nakatutuwa. Isa ang “kosk” sa mga bagong imbensyon na unti-unti nang pinag-uusapan ngayon.

Ayon sa The Guardian, ang kosk ay isang bagong type ng face mask na nagsimula sa South Korea at sa kasalukuyan ay nakakakuha ng maraming atensiyon dahil sa pagiging iba nito sa mga tipikal na mask. Hindi kagaya ng karaniwan na natatakpan nang buo ang ibabang bahagi ng mukha, tanging ilong lamang ang natatakpan at nakalitaw ang bibig ng may suot nito.

kosk

“It probably makes a marginal difference,” saad ni Professor Catherine Bennett; kasalukuyang chairperson ng epidemiology sa Deakin’s Institute for Health Transformation.

Akmang-akma sa produkto ang ipinangalan dito ng South Korean company na Atman. Ang salitang “kosk” ay kombinasyon ng “ko” na Korean word na nangangahulugang “nose” at “mask”.

koskBagama’t idinisenyo umano para magbigay pa rin ng proteksyon habang kumakain sa pampublikong lugar ang isang tao, isinusuot na rin ang kosk bilang nose-only mode at marami ang natutuwa sa bagong klase ng mask. Ngunit marami rin ang bumabatikos sa produkto.

kosk

“Kosk makes no sense; reasons being: 1. Doesn’t stop the virus entering/exiting the wearer, 2. Smell and taste are closely linked. If the ability to smell is reduced, food may seem tasteless!” wika ng isang Twitter user.

“Forget sticking your nose out of your mask–now you can stick your mouth out instead with the kosk,” tweet naman ng isa.

Ikaw, anong masasabi mo sa bagong klase ng mask na ito? Isa ka ba sa mga bibili at gagamit ng kosk? Ibahagi sa amin ang iyong opinyon!

Continue Reading

Trending