Connect with us

Others

Lola, muntik ng mamatay nang iniwan sa loob ng sasakyan sa dalawa niyang kasama

Published

on

 Isang napakalaking responsibilidad ang pag-aaruga ng mga nakakatanda. May ibang mga matatanda ay nasa tamang pag-iisip pa ngunit may iba naman ay wala na sa tamang pag-iisip. Kaya ang pag-aalaga sa kanila ay hindi biro at kailangan ng pag-unawa. 

Tawag pansin ang isang post ng isang netizen na si Grace Samillano-Lacusong a kanyang personal facebook account nang makita niya ang isang matanda na nasa loob ng sasakyan na muntik ng hindi makahinga at tumawag ng tulong. Ayon sa matanda, mayroon siyang kasama ngunit iniwan lamang siya sa loob ng sasakyan para pumunta ng palengke. 

Nasa parking area ng S&R Alabang si Grace ng makita niya ang matanda dahil magkatabi lang umano ang kanilang sasakyan. Nang tanungin niya ang matanda kung nasaan ang kanyang kasama, sinagot naman siya na nasa palengke. Ayon kay grace, uhaw na uhaw ang matanda at pinagpawisan. 

Aniya, “Nakakapanggigil ng laman!!! Di na makahinga ng maayos si Nanay sa sasakyan, pawis na pawis na rin sya. Nakita ko na agad sya from afar. Nung papalapit na ko, nagmamakaawa na sya palabasin. I was parked beside their vehicle.”


Dagdag pa nya, wala raw paging system ang nasabing establishment kung kaya hindi madali ang naging paghahanap sa mga kasama ng naiwang matanda. I called the guards and other staff to page the owner of the vehicle sa loob ng SnR Alabang, sad to say they dont have a paging system.. Kung meron lang sana, napadali pag hanap sa may ari ng sasakyan.”, pagbabahagi ng netizen. 

Ito ang kabuohan sa kanyang post:


Sorry but I had to post this!!! Nakakapanggigil ng laman!!! Di na makahinga ng maayos si Nanay sa sasakyan, pawis na pawis na rin sya. Nakita ko na agad sya from afar. Nung papalapit na ko, nagmamakaawa na sya palabasin. I was parked beside their vehicle. I called the guards and other staff to page the owner of the vehicle sa loob ng SnR Alabang, sad to say they dont have a paging system.. Kung meron lang sana, napadali pag hanap sa may ari ng sasakyan. 


Hello to the management of SnR!!! Paki tulungan si Mommy, yung managers nyo jan. Nauuhaw na sya, nagugutom na rin daw sya… tssskk.. ending, I bought her water and food. Tssskk.


— Naintay ko yung may-ari.  Babae rin pala. At dalawa sila! Salamat daw sa concern, wala rin daw akong alam, may alzheimers daw si lola.. 


All the while andun ako for an hour. Dapat kanina pa ko nakauwi. Pero dahil hindi kaya ng puso ko na iwan si lola na ganun yung state, inantay ko nalang. Tell me, mabilis lang sila??? 


May alzheimers? Bakit iniwan nyo mag isa? I dont care about her past. What I care is her well being at the moment! Hindi na makahinga ng maayos at pawis na pawis na si Lola sa loob ng sasakyan. Gutom na rin daw sya. 


Tinanong ko kung kaano ano nya, kasama daw sa bahay, anu? Lola? Mama? Katulong? Hindi raw. Kasama lang daw sa bahay. 


Masakit sakin yung nangyari na parang nagagalit pa sya na pinalabas ko nang sasakyan. Oo pinalabas ko, but i asked the guards and staff to assist me, bantayan si lola habang nabili ako food for her. Oo, ako nagbukas ng door nya. Kasi di sya marunong. Nag alarm pa nga ng bongga sasakyan nya eh. 


I didnt felt her sincerity about sa concern namen sa Lola na iniwan nya. 


Next time, kung di mo rin naman kaya isama sa loob ng establishment, dahil dalawa naman kayo, sana naiwan isa na ksama nya sa sasakyan. 


#SnRAlabang


Sana magkaron kayo ng public paging system. And sa roving guards, sana alert din kayo.


Posting for awareness.. BE RESPONSIBLE!


celebrities

Caridad Sanchez’s daughter Cathy shares ‘do’s and don’ts’ on writing a eulogy

Published

on

By

The daughter of veteran actress Caridad Sanchez shared on social media some reminders for those who want to honor or give a eulogy to a dearly departed person.

Cathy Sanchez Babao enumerated some ‘do’s and donts’ on giving a eulogy; this after she listened to some eulogies. as disclosed on her Facebook post.

“Listening to some eulogies this afternoon, and taking notes about what was done correctly and not, ” she began her FB post on Mayo 23.

She made no mention of names pertaining to the eulogies she listened to, nor did she give any detail on whoever it was who went ‘out of range’ in honoring someone who had moved on to the next life.

“Here are some thoughts on writing a eulogy,” she continued; enumerating helpful reminders to those preparing a speech or a piece of writing for someone who had passed away.

“1. A eulogy must NEVER be about yourself. Insert yourself only in the context of sharing a story or something said to you by the deceased loved one.”

“2. Eulogize the person who died, NOT their late spouse, their parent, their dog, or their best friend.”

“3. Share happy stories. It’s a chance to remember and share stories of their life with friends and family members.”

“4. NEVER imply anything negative about the deceased. That includes implying that she or he told you secrets that no one else knew about. It’s disrespectful and in bad taste.”

“5. Keep your eulogy to a reasonable length. There is no specific time limit on a eulogy, but keep in mind that this is just one part of the service or gathering. Shorter is usually better for everyone. Personally, a maximum of 10 minutes would be sufficient.”

“6. Most important, mean what you say. If you can’t be sincere, don’t go up there for the heck of it or just because you want to be included para sabihin close kayo. In today’s world, may resibo ngayon ang lahat ng eulogies — it’s out there for the world to see and check just how sincere you are.”

“7. End your eulogy with a fond memory and a positive outlook. The end of a eulogy is not the time to make pangaral or to gloat. The ending is a great time to either repeat a favorite memory you’ve already shared, or to add one final memory to leave your audience with. It is also comforting for the family and the audience to hear some words of encouragement or inspiration you may have gleaned from the life of your loved one.”

The Broadway Diva Lea Salonga expressed her gratitude for this piece and gave her two cents, too.

“Thanks for this. It’s in such poor taste when someone hijacks the opportunity to speak in order to make it about themselves and only themselves,”  Lea commented on Cathy’s post.

A known personality, Bibeth Orteza, also remarked on the said post, “How very well said.”

Others also shared their thoughts on Cathy’s list; grateful for the guidelines she has provided.

“Yes. Short, sweet, happy wholesome memories. Everyone leaves with warm thoughts and feelings after listening to the eulogy. Many thanks for pointing these out.”

“I want a copy of your post spread, printed, and posted in every chapel that holds a memorial service.”

“#1 Applies also to birthday tributes or video testimonials. Sometimes the person being given the tribute is reduced to an incidental character in the life and perception of the speaker 🙂 (“I met her in a party and several times in my career (specify his career climb and how he met common friends), and her work inspired me to become this person…”

“These are good guidelines Cathy, thank you for summarizing.”

Prior to her posting of the reminders, Cathy shared her own farewell visit to the Queen of Philippine Movies.

“A burst of white phaelanopsis, dendrobiums, and anthuriums. Simplicity and elegance for a well loved queen. Farewell, Tita Susan.”

Cathy Sanchez-Babao, the only daughter of Caridad Sanchez (86),  is a Mental Health Advocate. Grief Coach, Certified Grief Recovery Method©️ Specialist, Award Winning Author and Communications Professional, as per Linked In.

She has a YouTube channel “Conversations with Cathy” where she shares ‘Positive Pivots’ with special guests.

Continue Reading

Others

Empleyado ng airport sa CDO isinauli ang mahigit P280,000 cash na naiwan ng isang OFW

Published

on

By

Isang tapat at may mabuting puso na empleyado ng airport sa Cagayan de Oro City ang pinapurihan ng mga awtoridad dahil sa pagsauli nito ng perang natagpuan sa loob ng isang palikuran.

Kinilala ang empleyado na si Ms. Merraflor Simbre, isang personnel ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at nagtatrabaho bilang facility cleaner sa Laguindingan airport.

Ayon sa Facebook post ng CAAP, natagpuan ni Simbre ang apatnapu (40) na pirasong 500 Saudi Riyal habang nililinis ang isang CR sa Passenger Terminal Building Arrival Area.

Umabot ang halaga ng napulot na pera sa mahigit P280,000 at kaagad itong ibinigay ni Simbre sa tanggapan ng CAAP sa nabanggit na airport.

Naibalik naman ang nasabing cash sa may-ari nito na si Evangeline Maghanoy, isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang domestic worker sa Riyadh, Saudi Arabia.

Si Maghanoy ay dumating umano sa Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Airlines (PAL) – OWWA flight noong Abril 17.

Dahil sa katapatan at kabutihang-loob na ipinakita ni Simbre, nakatanggap siya ng papuri mula sa CAAP at ipinagbigay-alam din ang kaniyang ginawa sa pamunuan ng ahensiya.

“Expecting nothing in return, Ms. Simbre showcased CAAP’s core values of integrity and honesty in the course of their service to the public,” ayon sa pahayag ng CAAP.

 

“The incident was reported by Laguindingan Airport Manager Engr. Job De Jesus to the Office of the Director General in CAAP Pasay Central Office,” dagdag pa ng ahensya.

Ang Laguindingan International Airport (IATA Code: CGY) ay nagsisilbi sa mga pasahero na nagmumula at papunta sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iligan, at Marawi, at maging sa kalapit-probinsiya ng Misamis Oriental, Lanao del Norte at Bukidnon.

Continue Reading

clothing

22-year-old entrepreneur gumagawa ng sneakers na yari sa recycled plastic

Published

on

By

Nakagawa ng sneakers na yari mula sa mga recycled plastic bags at bottles ang 22-anyos na entrepreneur sa India.

Tinawag ni Ashay Bhave na “Thaely Y2K Pro Sneakers” ang brand ng ginawa niyang sapatos. Ang kahulugan ng thaely sa kanilang lenggwahe ay plastic bag.

Ayon kay Ashay, na sa Mumbai isinilang at kasalukuyang sa Dubai naninirahan, sinimulan niya ang proyekto nang malaman niya ang single-use plastic ban na ipinatutupad sa India.

Sabi niya, ikinatuwa ng marami ang batas, pero hindi raw iyon naipatutupad nang maayos sa maraming lugar.

Nalaman din daw ni Ashay na tinatayang 100 billion plastic bags kada taon ang ginagamit sa buong mundo at 14% ng mga ito ay napupunta sa mga karagatan na siyang bumubuo sa malaking bahagi ng marine plastic waste.

Na-motivate umano siya na tumulong sa paghahanap ng solusyon sa naturang problema. Ang bunga niyon ay ang ThaelyTex, isang tela na parang leather sa itsura at hipo pero gawa mula sa recycled plastic.

Nakipag-partner si Ashya sa isang waste removal company – ang TrioTap Technologies – upang maging mabilis ang pangangalap ng plastic wastes,

Doon na rin sa naturang kumpanya nililinis ang mga plastic wastes gamit lang ang mainit na tubig na walang halong kemikal.

Ang mga nakolektang plastic wastes ay pinoproseso para maging ThaelyTex fabric at pagkatapos ay dadalhin sa isang shoe factory upang bumuo ng sneakers.

Sampung plastic bags at labindalawang plastic bottles ang nagagamit upang makagawa ng isang pares ng sneakers.

Ang sintas ng Thaely sneakers ay yari sa recycled plastic bottles, ang mga pandikit na ginamit ay 100% na galing sa mga halaman at ang swelas ay recycled rubber.

Ang packaging na ginagamit sa mga sapatos ay recycled din. Ang tote bag ay gawa sa apat na plastic bottles at ang shoe box ay yari sa recycled na papel na maaaring itanim dahil may halo iyon na basil seed. Gupitin lang nang maliliit ang shoe box at pwede nang itanim.

Sabi ni Ashay, nagpaplano na rin siya na maglunsad ng mga damit na yari sa ThaelyTex fabric.

Update:

Nitong Abril ay naglabas na sila ng fiber suit!

Sundan ang progreso sa kanilang Facebook page.

Continue Reading

Trending