Connect with us

trends

Raymond Gutierrez inamin ang tunay na pagkatao na kabilang siya sa LGBTQ community

Published

on

 


Isang napakalaking desisyon ni Raymond Gutierrez ang pag amin na siya ay isang bakla. Ang pag amin na iyan ay nagpapalaya sa pagkatao ni Mond lalong-lalo na sa showbiz industry. 

Sa kanyang rebelasyon ay isinilaysay niya kung gaano kahirap ang paglabas ng kanyang tunay na pagkatao lalong-lalo na ito ay hindi madaling matanggap ng karamihan ngunit nagpapasalamat siya sa kanyang mga kaibigan na naging supportado sa kanyang desisyon at tanggap siya kung ano man siya. 

“Growing up, it took a while for me to face my true identity, and figuring it out wasn’t easy. I went through a long period of time hating myself because society taught me that being different wasn’t the right path, especially for someone growing up in the public eye.”

Isinaad din ni Raymond na isa sa naging dahilan ng matagal niyang pag-amin sa kanyang tunay na pagkatao ay ang pagkakaroon niya ng kapatid na nasa showbiz din. 

“I had my brother who was so similar to me but so different in so many ways. But he never had to explain his sexuality, so why should I? And that was my thinking growing up.”

Ayon din kay Mond,  ang pagpasok niya sa showbiz nung bata siya at naging host siya sa edad na 19 taong gulang, dun niya nasabi na ang pagiging bakla ay hindi tanggap sa maraming komunidad. 



“Back then, being the new person on TV, I was bullied by a lot of the older people in the studios. Being gay now is not the same as being gay back then. 10 years ago, it was totally different. You feel like a mutant? You walk in to backstage and people will say, ‘Ah, ‘ di ba ‘yun ‘yung baklang kapatid ni Richard?’ Like, I can literally hear them. And because of those moments where people really wanted to put me in a corner and really label me and kind of diminish my skills and diminish what I can bring to the table because of my sexual preference (that I didn’t even realize—I didn’t even know at that time?) I was still going through so many emotions at that time that I had no idea. Like, ‘Can I go through this first before you label me anything?’



“I went through a dark phase of self destruction – creating unhealthy habits to have some sort of escape so I didn’t have to face my reality. I kept things to myself because I was scared to bring shame to my family, and didn’t know how others would treat me.”

Naging mahirap ang kanyang pag-amin dahil ayon sa kanya nakasisira umano ito sa imahe ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez. 

“So, that kind of became—why I got depressed and why I gained so much weight. I really became self-destructive. I turned to alcohol, I turned to drinking, partying, and to food unhealthy habits—just because I had no way else to express myself. And nu’ng time na ‘yun, siyempre, being part of a family that is in the public space—we’re all entertainers for many generations already—I wasn’t deciding on things just on my own? Things that I do will not only affect me, but will also affect my family. So, that was kind of like the burden that I was carrying? Like, I can’t be gay because my brother is a superhero, right? So, that was… 



Malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya at mga kaibigan na malapit sa kanya na sinusuportahan siya at hindi din siya hinuhusgaan sa kanyang tunay na pagkatao. 

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Mond nung hindi pa niya mailabas ang kanyang tunay ng pagkatao. Ganun pa man, umabot na rin ang panahon na isinapubliko na niya kung ano siya at gusto din niyang eempower ang mga taong katulad nya. 



“Sexuality shouldn’t define who you are and it should never hinder your greatness. For me personally, being in touch with my masculine and feminine side allowed me to push boundaries creatively and create magic with the projects I do. So to those saying “we knew”, you never knew my story and my struggles. And if you’re reading this and you feel like you’re alone, I want to let you know that I went through the same things – you will be loved, your feelings are valid, and those who truly love you will stick around,”


Source: Mega Entertainment

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

From money cake to ‘Manny Cake’: Surpresa ng mga kaibigan, hindi pera kundi mga litrato ni Pacman ang laman

Published

on

manny cake

Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag nakatanggap ng money cake sa espesyal na araw niya? May cake ka na, may bonus na pera ka pa. Ngunit paano kung sa paghila mo ng inaakala mong paper bills ay mga photo card ng Pambansang Kamao at politician na si Manny “Pacman” Pacquiao ang makukuha mo mula sa birthday cake na ipinagawa ng iyong mga kaibigan o kapamilya?

manny cake

Ganitong-ganito ang eksenang makikita sa TikTok video na ibinahagi ni Jerz Libosada sa Facebook, kung saan kitang-kita ang galak ng birthday celebrant nang mahugot ang P20 bill mula sa Sponge Bob-themed cake na kanilang iniregalo rito. Naglululundag pa ito at talaga namang kilig na kilig habang unti-unting binubunot ang pera. Ngunit bigla na lamang nagulat ang may kaarawan nang matuklasan na hindi pala paper bills ang kasunod ng P20 na nakuha niya kung hindi mga larawan ni Sen. Manny!

“Sabi mo kasi Manny Cake wala man sad gi-emphasize na money cake,” saad ni Jerz kasunod ng pagbati ng, “Happy birthday, Yot!”

manny cake

Kinaaliwan ng marami ang video na nakakuha na ng libo-libong reactions at shares. Marami rin ang nag-iwan ng komento rito at aliw na aliw sa naiiba at kuwelang surpresa na ito. May mga nagsabi na nakakuha sila ng ideya sa susunod na magpapagawa sila ng cake para sa nagdiriwang ng kaarawan. Mayroon din namang mga nanghinayang dahil kapapagawa pa lamang daw nila ng money cake at maganda raw sana kung gagamit din sila ng nakaaaliw na paraan na katulad nito.

May mga nang-tag din sa Pambansang Kamao para makita nito ang Manny Cake. Anila, nais nilang malaman kung ano ba ang magiging reaksyon ng Pacman kapag nalaman niya na mayroon na palang cake na siya ang ginawang inspirasyon.

manny cake

Ikaw, gusto mo rin ba ang surpresang ito? Kung papipiliin ka, mga larawan nino ang gusto mong mailagay sa cake na para sa iyo?

Continue Reading

relationship

Gamer, nag-propose sa nobya sa pamamagitan ng larong ‘Genshin Impact’

Published

on

By

Marami na ang gumagawa ng kakaibang engagement proposal na talagang todo ang effort upang mapasagot at marinig nila ang matamis na ‘oo’ ng kanilang minamahal.

Sino ang nagsabi na ang mga gamer ay hindi maaaring maging romantiko?

Naisipan ng isang gamer na surpresahin ang kanyang girlfriend na isa ring gamer sa pamamagitan ng isang kakaibang proposal.

Ibinahagi naman ni GF Ronica Pilar Mejica Cabansag sa kanyang Facebook ang kakaibang proposal ng kanyang nobyo na si Jerome Javillonar sa pamamagitan ng kanilang paboritong online game na Genshin Impact.

Hindi niya inaasahan na isusurpresa siya nito dahil introvert daw talaga ang kanyang nobyo.

Aniya sa kanyang post “My EX BOYFRIEND is AN EXTREME INTROVERT. So i’ll give you some background. Every time it’s his birthday he shuts down everything. He’ll Turn off his phone, delete or untag some comments. So ganun Ka extreme.” 

Alam naman ni Ronica na may surpresa ang kanyang boyfriend sapagkat sinabi naman daw sa kanya ito pero hindi niya inaasahan na may ganoon pa palang mangyayari.

Kaya nang imbitahan siya nito na magtungo sa kanilang bahay, bagaman at may kutob na si Ronica ay hindi pa rin niya lubos maisip ang posibleng gagawin ng nobyo para sa kanya. “So I’m actually quite excited how an introvert will do a surprise,” saad ni Ronica.

Nagulat na lamang ang nobya sa mga pa-balloon at pa-ilaw effects ng introvert nitong nobyo at sa isang laptop na nakahanda upang malaro. Oh ‘di ba minsan kakaiba rin talaga magpakilig ang mga introvert!

“So ayun na nga. Pagkaopen ko Ng kwarto niya may sumilip na lights and balloons. I got mixed emotions. Umiiyak and tumatawa at the same time and takot ituloy buksan Yung pinto. When I decided finally buksan pintuan ayun na nabungad Yong GENSHIN IMPACT which is our favorite online game. So he let me play it,” paglalahad niya.

Pagpasok niya sa kuwarto, pinalaro siya agad ni Jerome sa paborito nilang laro.

“He created some obstacles and maze sa game then doon niya sinulat Yong gusto nyang sabihin,” sabi niya.

Habang nilalaro na at nilalakbay ang quest ay makikita ang mga pakulong tula sa  loob ng laro na “Roses are Red”…

“Violets are blue”…

Sa pagpapatuloy ng laro ay sunod niyang nadaanan ang “Forever is real with you.”  Natutuwang kinikilig umano ang dalaga nang makita ito.

Inamin naman ni Jerome na inabot siya ng mahigit isang buwan bago magplano at matapos ang inihandang proposal para sa kanyang nobya.

“Ang very creative Kasi I know ang hirap gawin non. And he even said it took him more than 1 month Kasi he needs to buy the things or supplies in the shop ng game,” ani Ronica.

Sa huli ng maze, may tanong si Jerome para kay Ronica.

“Will you be may waifu? (Will you be my wife?)”

Sinagot naman ni Ronica ang kanyang nobyo.

Aniya, “So that’s how an extreme introvert nag propose — not flashy. Not crowded. Hindi nakakapressure. Nag-plan ng solo. Nag-execute ng solo. All by himself.”

“So kahit introvert pa Yan if he loves you quiet Lang sila but nakikinig he’ll do anything that can make you happy if they can. I guarantee you,” dagdag pa niya.

 

Para sa kanya, sobrang na-appreciate niya ang effort at paraan ng kanyang nobyo.

“So finally I’m engaged to my ex boyfriend who is now my Fiance,” masayang pagbabahagi ni Ronica.

Congratulations, love birds!

Ikaw, ano’ng kakaibang proposal ang naiisip mo para sa iyong “the one”?

Continue Reading

Social News

Handa na si kuya! Vaccination card details inimprenta sa t-shirt para hindi na mapapagod magpresenta

Published

on

By

Pagod ka na bang maglabas ng iyong vaccination card sa tuwing hahanapin ito sa ‘yo sa mga establisimyento o sa public transport? Kung oo, eto na ang solusyon sa problema mo!

Nag-viral sa social media and isang print shop owner na si Jojo Pasia mula sa Lipa City, Batangas. Ito ay dahil sa isinuot niyang “vaccination t-shirt” na nagpapakita ng harap at likurang bahagi ng kanyang vaccination card upang hindi na daw niya kailanganing ilabas ito kapag papasok sa mga establisimyento.

Yes, inimprenta niya sa kanyang puting tshirt ang vax card niya. Naisip niya raw ito matapos nilang mamili ng kanyang asawa sa Quiapo, Divisoria, at Baclaran. Sa lahat na lang daw kasi ng pintuan na pinapasukan nila ay  kailangan ipresenta ang vax card. Ito ang naisip niyang solusyon para mapadali ang proseso sa mga pinupuntahan nila.

 

 

“Naisip ko lang po ’yung idea kasi kahapon. Galing kami ni misis sa Quiapo, Divisoria, at Baclaran. Sinamahan ko siya bumili ng mga pang online business niya. Lahat na lang ng pintuan na pinapasukan namin kailangan ipakita ang vaxx card. So pag-uwi ko naisip ko scan ko nga ID ko tas i-print ko sa damit,” ani Jojo.

Matapos mag-viral sa social media, marami na raw ngayon ang mga nais magpagawa ng vax card t-shirt, pati na rin ang kanilang barangay kapitan.

“Nag-pm (private message) ’yung iba magpapagawa daw. Pati barangay captain namin kinontact ako, nagpagawa,” dagdag pa niya.

Kumalat na rin ito sa kung saan-saang social media platforms at FB pages at humakot na ng mahigit 79k reacts at 5.2k komento sa Philippine Star pa lang.

Maraming netizen ang nagkomento sa kanyang viral post.

“Maganda yan lalo na pag sa mga makakalimuting tao lagi nakalimutan dalhin mga importanteng ID pati vaccination card hahha”
“Yan na lang lagi ang suotin kada lalabas ng bahay. At saka dapat laminated para hindi mabura o kumupas,” ani A. Jaena.

“Oo nga naman babasahin na lang di na mapapagod ka labas masok ng vacc.card”

“Vaccine card no moreeeeee sm malls is shaking”

Mayroon din naman nagpahayag ng agam-agam dito. “And expose your informations to the public?! Anu bang nakakapagod sa paglabas ng ID dika naman aakyat ng bundok at tatawid ng dagat kung lagi mo ng dala. Be responsible po. Masanay na tayo kasi this is the New Normal na.”

Continue Reading

Trending