Connect with us

celebrities

Naalala mo pa ang dating childstar na si Angeli Gonzales? Ito na pala siya ngayon.

Published

on



Nagsimula sa pagiging childstar si Kaye Angeli Gonzales na makikita sa Home Along the Riles. Sa edad na 7 ay gumanap siya bilang isang batang Kristine Hermosa sa Kapamilya noontime show na Magandang Tanghali Bayan. 

Si Kaye Angeli Gonzales ay kasali rin sa sitcom na  Luv U . Kasama niya dito ang iba pang cast na si Miles Ocampo, Marco Gumabao at Cj Navato pero nag simula pa lang ang kanilang kasikatan mula sila ay bata pa. Mula noon ay tila hindi na siya napanood sa telebisyon ngunit nagbunga naman ang kanyang pinaghirapan hindi lang sa pagiging artista. 






Sa kasalukuyan si Angeli ay isa ng Registered Medical Technologist. 

Nung 2019 ay nagtapos naman siya ng Medisina with special awards na Outstanding Clinical Clerk, Family and Community Medicine Special Citation for Academic Excellence sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute. 

Nung 2020 naman ay pumasa ito sa Physician Licensure Examination. Ibinahagi niya ang kanyang tagumpay sa examinasyon sa kanyang Instagram account na may sabing “Finally #LicencedtoHeal To God be the Glory!”




Ayon sa pot ng aktress sa kanyang social media account, marami umano ang nagtatanong kung bakit siya nag-Doktor sa kabila ng maayos naman ang trabaho nito bilang isang aktres. 



Pabiro naman ang isinasagot ng aktres, “Hindi ko nga po alam. Mali-mali ata desisyon ko sa buhay! Minsan joke, minsan totoo. Mahirap din kasing mag-aral ng med. Minsan gusto kong sabihin, hoy! mahirap ding mag artista ha! So bakit nga ba ako nag-doctor? Hindi ko talaga alam. Kaya ako naging doctor para sa mga pasyente ko. I wanted to become a doctor for my future patients. And I consider myself lucky because I am able to pursue a dream that maybe key for other people to be able to pursue their own.”



Nawala man siya sa limelight ng limang taon, nakamit naman niya ang kanyang pangarap na maging isang doctor. Amazing, ‘di ba?

Ano ang masasabi mo dito? 


celebrities

Sylvia Sanchez sa photos ni Maine at ng asawang si Arturo; ‘Nakahanap sila ng katapat sa isa’t-isa’

Published

on

By

Ipinapakita ng aktres na si Maine Mendoza na close talaga sila ng pamilya ni Arjo Atayde na makikita sa mga larawan na naglolokohan kasama ang kaniyang magiging biyenan.

Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Sylvia Sanchez kung paano napupuno ng tawanan nina Maine at Arturo ang kanilang tahanan sa tuwing nagkikita sila.

“Sila po ang laging nagbu-bullyhan ’pag nagkikita-kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa’t-isa,” wika ni Sylvia sa kaniyang post.

“Ang saya saya sa tuwing nagbu-bullyhan sila,” dagdag pa ng aktres..

“Walang humpay na tawanan, sarap nilang panoorin, tatawa ka na lang nang tatawa. Positive vibes kumbaga. Love you both,” aniya na tinag si Maine at ang asawang si Arturo.

Idinagdag ng beteranang aktres ang hashtags na #B1B2, #BullyMeetsBully, #MasayangPuso, #MasayangTahanan, at #MasayangPamilya.

Natuwa ang mga netizen sa mga larawan na in-upload ni Sylvia at sinabing;

“I am not surprised, since Maine came from a very strong family foundation background just like yours. You both are blessed to have each other.”

“Ang suwerte ni Maine sa mga biyenan, thank you po at love n love n’yo si Maine”

“Nakahanap ng katapat si tito art hahaha”

“Comfortable si Maine sa maging daddy n’ya soon, bait ni Maine talaga walang arte-arte go go kuya art mayroon kang new daughter in-law na mabait”

Basahin: Sylvia Sanchez tells Maine Mendoza: ‘I will take care and love you as my own daughter’

Kamakailan ay sumulat ang 51-anyos ng isang nakaaantig na mensahe sa nobya ng kanyang anak pagkatapos ng kanilang engagement kamakailan.

“He asked He and She said, YES!!! Finally!! Welcome to the family, Maine. Thank you for loving my son. Love you Nak,” sabi ni Sylvia sa isang Instagram post.

“I promise that I will take care and love you as my own Daughter.”

Samantala, tumugon naman si Maine at nagpasalamat kay Sylvia sa pagiging supportive nito. “Thank you so much po, tita. You have been so kind, understanding, and supportive from the beginning and for that I am thankful. Kay Tito Art, saks lang. Char lang po, love you boooth!” komento ng aktres.

Basahin: Maine Mendoza, Arjo Atayde engaged na

Continue Reading

celebrities

Doug at Cheska Kramer masaya sa muling pagbabalik sa paaralan ni Kendra

Published

on

By

Tila hindi napigilan ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia ang kanilang pananabik nang pumasok ang kanilang panganay na anak na babae na si Kendra, sa kanyang unang araw ng klase sa isang regular na paaralan pagkatapos ng apat na taon.

Nagpost si Doug sa social media at nag-upload ng mga larawan ng kanilang bonding moment ng pamilya bago pumasok si Kendra, noong Agosto 8.

“After 4 yrs of homeschooling, our baby @kramer.kendra will finally go to grade 8 regular school! Before deciding to bring her back in, @chekakramer and I felt she was ready in all aspects,” saad ng dating basketball player.

Aniya pa, “Last week, I took Kendra out on a date. Told her how proud I am of her and how excited we all are for her to experience regular school again. Told her lots of advice, and reminded her of her convictions and anchors.”

Ayon pa sa ama, ipinagmamalaki niya ang kanyang 13-anyos na anak, at idinagdag na si Kendra ay nagpakita ng magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid na sina Scarlett at Gavin.

“She’s now at middle school, 13 yrs old. A new surrounding. I’m sure she’ll flourish and show everyone how different and amazing she is,” sabi niya.

Inamin naman ni Garcia na magiging iba ang kanilang home classroom kung wala si Kendra, ngunit iginiit ng aktres na tuwang-tuwa siyang makita ang kanyang anak na magbu-bloom at makadidiskubre ng marami pa sa kanyang sarili.

“You’ve created good habits, established a study system and you’ve got your convictions set on stone,” sabi ni Garcia. “There is so much to look forward to and we will always be here to support you in this new journey.”

Basahin: Kendra Kramer turns 13, Dad Doug reminds her to enjoy teenage years

Continue Reading

celebrities

Marlou Arizala a.k.a Xander Ford magiging tatay na, ibinuking ni Xian Gaza

Published

on

By

Magiging ama na ang dating miyembro ng Hasht5 na si Marlou Arizala na mas kilala na ngayong Xander Ford. Ito ang ibinunyag ng Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza.

Sa Facebook page ni Xian ay kanyang in-upload ang screenshot ang PM o Private message ni Xander sa kanya na tatay na nga ito at huwag munang ipagkalat sa socmed, “Sige, hinding-hindi makakalabas. Secret lang natin.”

“Boss Ninong kita ah.”

“Pero sana wag mo muna natin ilalabas sa sosmed gusto ko lang mag-confest sa’yo,” mensahe ng dating Hasht5 kay Xian.

Ngunit ito ang isang malaking pagkakamali ni Marlou dahil walang off-the record kay Xian, pati nga personal niyang buhay ay iwinawagayway niya sa buong mundo sa pamamagitan ng social media.

“SANA LANG TALAGA EH HUWAG MAGING KAMUKHA JUSKO POR SANTO IN JESUS NAME,” pabirong saad nni Xian Gaza sa comment section.

“Sabi ko wag maingay eh,” sabi ni Xander.

“Ako tigil-tigilan mo at baka hindi ko matantsa ‘yung mukha mo,” sagot ni Xian.

“Kasi naman boss inunahan muna kami mag Revail eh nawala na ‘yung Karapatang pang tao namin. Ay ng GF ko pala Moral suport ako. Dipala ako tao,” hirit pa nito.

Sa halip na itama ay lalong minali ni Xian ang “revail” ni Xander at ginawa ito ng “revel”.

May advice naman ang Pambansang Marites na mag-masquerade na lamang si Xander sa araw ng gender reveal ng kanilang anak.

Hindi rin nakatiis ang soon-to-be-dad at nagpost na rin sa kanyang FB na ama na nga siya, “Im A Dad na.”

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at ibang neizens.

“Congrats! Isang malaking inspiration ang dumating sa buhay mo ngayon, kaya wag ka sumuko and ipagpatuloy mo lahat ng laban mo”

“Congratulations welcome to the world of love and happiness stay safe and be happy always.”

Continue Reading

Trending