Connect with us

trends

Paano nga ba nagsimula ang love story ni Yen Santos at Paolo Contis?

Published

on

 

Naging trending sa social media ang hiwalayan ni Paolo Contis at LJ Reyes ng kinumperma ni LJ ang kanilang hiwalayan sa interview ng programang Boy Abunda. Ilang araw lang matapos ang konpirmasyon ay kumalat naman ang larawan at video ni Paolo at Yen na magkasama sa Baguio kaya naman napag alaman na si Yen ang dahilan sa kanilang hiwalayan. Ayon naman sa netizen na nag upload sa larawan nila ni Yen at Paolo, nakiusap siya sa dalawa kung maari bang magpalitrato, pumayag naman ang aktor subalit nagpakiusap ito na hindi sila pwedeng kunan ng magkasama. 

Paano nga ba nagsimula ang pagkakamabutihang loob ni Paolo at Yen? 

Si Paolo na isang half -pinoy at half-Italian ay produkto ng ABS-CBN at nagsimula bilang isang child star na napapanood sa isang comedy show na “Ang TV”. Marami pa siyang ginampanan na mga TV shows gaya ng Mara Clara, Okidokidok, Tabing-Ilog at marami pang iba.  


Noong 2004 ay nag desisyon ang aktor na mas palawakin pa ang kanyang talento at lumipat sa GMA 7. Sa paglipat niyang ito, nawala ang kanyang imahe sa pagiging child aktor at lumabas ang kanyang natural na sarili sa pag-arte. Sa taong 2008, nakamit niya ang Best Aktor award para sa pelikulang Banal. Nakailang best aktor awards naman ang nakuha nito sa kanyang mga ginampanan na roles sa Maalaala Mo Kaya. Noong nakaraang taon naman ay dalawang pelikula ng aktor ang nakapasok sa Most Viewed movie sa Netflix na Ang Pangarap kong Holdap at Through Night and Day. 


Si Yen Santos naman ay unang nakita sa publiko nang sumali ito sa isang reality show sa ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen-Clash of 2010. Siya ay tubong Cabanatuan na parehong Pilipino ang mga magulang. Kumuha siya ng kursong Hotel and Restaurant Management subalit hindi niya ito natapos dahil siya ay pumasok sa PBB. Matapos siyang ma evit sa bahay ni Kuya ay marami din siyang TV shows gaya ng Good Vibes, Growing-Up, Ikaw ang Pag-ibig at mas lalong nahasa at nakilala siya ng mapasali siya sa isang Korean Series na Pure Love. 


Naging matunog din ang pangalan ni Yen ng mapabilang siya sa cast ng Halik na kakaibang role ang kanyang ginampanan. Taong 2011 naman ay napabilang siya sa Top 100 Most Beautiful Stars List ng isang kilalang magazine. 


Ang pelikulang A Far Away Land ang kauna-unahang pelikula na pinagsamahan nina Yen Santos at Paolo Contis. Ang principal photography nito ay kinuha noong Nov-December 2020 sa gitna ng pandemya. Naganap ang pelikulang ito sa Faroe Islands na matatagpuan 320 kilometres (200 mi) north-northwest of Scotland, at nasa pagitan ng Norway at Iceland. Masaya ang aktor ng makatrabaho niya si Yen sa nasabing pelikula. Marami siyang mga magagandang salita sa kanyang co-star na kung saan napakadali umano itong makatrabaho sa pagiging professional nito. 



Ayon ky Paolo, napakamasayahing tao daw itong si Yen at inamin niya na nakakahawa ang tawa nito.  Ang paglipad nila sa Faroes Island upang e shoot ang pelikula ay nabigay ng daan upang makilala nilang dalawa ang isa’t-isa.  Sa pamamagitan ng pelikulang ito ay naipakita sa mga manonood ang kagandahan ng naturang lugar at ang buhay ng mga OFWs na piniling mapangasawa ang mga banyaga. Ang pagsasama nila sa isang lugar ay siya ring naging dahilan kung bakit nag-iiba ang pagtitinginan nila sa isa’t-isa.  Ang lalim ng ginampanang roles nila sa pelikula ay nakita na rin sa tunay na buhay.


Ang pangalang Yen Santos ay naging matunog sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes. 

Ano ang masasabi ninyo sa isyung ito? 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

Handa na si kuya! Vaccination card details inimprenta sa t-shirt para hindi na mapapagod magpresenta

Published

on

By

Pagod ka na bang maglabas ng iyong vaccination card sa tuwing hahanapin ito sa ‘yo sa mga establisimyento o sa public transport? Kung oo, eto na ang solusyon sa problema mo!

Nag-viral sa social media and isang print shop owner na si Jojo Pasia mula sa Lipa City, Batangas. Ito ay dahil sa isinuot niyang “vaccination t-shirt” na nagpapakita ng harap at likurang bahagi ng kanyang vaccination card upang hindi na daw niya kailanganing ilabas ito kapag papasok sa mga establisimyento.

Yes, inimprenta niya sa kanyang puting tshirt ang vax card niya. Naisip niya raw ito matapos nilang mamili ng kanyang asawa sa Quiapo, Divisoria, at Baclaran. Sa lahat na lang daw kasi ng pintuan na pinapasukan nila ay  kailangan ipresenta ang vax card. Ito ang naisip niyang solusyon para mapadali ang proseso sa mga pinupuntahan nila.

 

 

“Naisip ko lang po ’yung idea kasi kahapon. Galing kami ni misis sa Quiapo, Divisoria, at Baclaran. Sinamahan ko siya bumili ng mga pang online business niya. Lahat na lang ng pintuan na pinapasukan namin kailangan ipakita ang vaxx card. So pag-uwi ko naisip ko scan ko nga ID ko tas i-print ko sa damit,” ani Jojo.

Matapos mag-viral sa social media, marami na raw ngayon ang mga nais magpagawa ng vax card t-shirt, pati na rin ang kanilang barangay kapitan.

“Nag-pm (private message) ’yung iba magpapagawa daw. Pati barangay captain namin kinontact ako, nagpagawa,” dagdag pa niya.

Kumalat na rin ito sa kung saan-saang social media platforms at FB pages at humakot na ng mahigit 79k reacts at 5.2k komento sa Philippine Star pa lang.

Maraming netizen ang nagkomento sa kanyang viral post.

“Maganda yan lalo na pag sa mga makakalimuting tao lagi nakalimutan dalhin mga importanteng ID pati vaccination card hahha”
“Yan na lang lagi ang suotin kada lalabas ng bahay. At saka dapat laminated para hindi mabura o kumupas,” ani A. Jaena.

“Oo nga naman babasahin na lang di na mapapagod ka labas masok ng vacc.card”

“Vaccine card no moreeeeee sm malls is shaking”

Mayroon din naman nagpahayag ng agam-agam dito. “And expose your informations to the public?! Anu bang nakakapagod sa paglabas ng ID dika naman aakyat ng bundok at tatawid ng dagat kung lagi mo ng dala. Be responsible po. Masanay na tayo kasi this is the New Normal na.”

Continue Reading

animals

Bookstore na nagsisilbi ring tahanan ng mga pusa, bentang-benta sa cat lovers

Published

on

Halos kalahating buwan pa lamang simula nang ito ay binuksan ngunit naging paboritong tambayan at atraksyon na para sa mga cat lovers ang isang bookstore na matatagpuan sa Aix-en-Provence, France. Bukod kasi sa puno ito ng magagandang klase ng aklat, ang Mon Chat Pitre ay isa ring tahanan para sa anim na magagandang pusa.
Ayon sa Oddity Central, simula nang buksan ang bookstores nitong nakaraang Hunyo ay kinawilihan na ito ng mga mahihilig sa pusa. Sa bawat sulok ng shop, makakakita ka ng mga pusa na may iba’t ibang ginagawa. May natutulog sa mga libro. May naglalaro. May nagmamasid sa mga tao. May mga agad ding  “nag-e-entertain” ng mga customer na pumapasok dito.
At ito ang talagang nasa isipan ng mga nasa likod ng bookstore na sina Solène Chavanne at Jean-Philippe Doux, mga television journalist na nangarap magkaroon ng isang espesyal na tindahan ng aklat kung saan payapang makapamimili ang mga bookworm habang nasa paligid ang mga magaganda at mababait na pusang mas magpapaganda pa ng araw nila.
Anim na pusa raw ang matatagpuan sa nasabing bookstores at lahat sila ay in-adopt mula sa isang local shelter. Sa kasalukuyan, ang mga pusa raw ay kinokonsidera rin ng mga nagmamay-ari ng shop bilang  ambassadors ng mga napabayaang pusa.
Kapag may customer daw na interesadong mag-alaga ng mga pusa, maaari rin sa kanilang humingi ng tulong kung paano makapagsisimula, lalo na at marami pang mga katulad nila sa mga local shelter na kalapit ng bookstore.

Samantala, para naman hindi mapagod ang mga pusa sa dami ng mga bisitang nakikipaglaro at kumakarga sa kanila, naglaan ang may-ari ng isang lugar sa likod ng shop na nagsisilbi nilang “retreat area”.

Sa lugar na ito, hindi raw maaaring pumasok ang mga bisita at ang matatagpuan lamang ay ang kanilang mga laruan at higaan. Kapag ayaw muna nila sa loob ng tindahan, pumupunta sila sa nasabing lugar. Cats’ haven!

Continue Reading

social media

Buyer laking gulat nang matanggap nang nakarolyo ang stuffed toy na inorder

Published

on

Isa ka ba sa mga nahilig na sa online shopping? Naging buyer ka na rin ba ng stuffed toy online?

Para mabawasan ang paglabas-labas ngayong pandemya, mas dumami pa ang tumangkilik ng iba’t ibang online shopping apps, at hindi maitatanggi kung gaano kalaki ang naiambag nito sa gitna ng ganitong situwasyon. Gayunman, hindi rin maitatanggi ang mga disadvantage na kaakibat nito, lalo na at hindi nakikita ng bibili ang aktwal na produkto.

 

Kamakailan lamang, ikinagulat ng isang buyer nang dumating ang inorder niyang Pokemon stuffed toy sa isang online shop. Sa halip kasi na ang inaasahang may kalakihang package, isang maliit na supot na para bang nakarolyong face towel ang na-deliver sa kanya.

 

Image via Pokedex and Extras | Facebook

 

Sa pamamagitan ng Facebook page na Pokedex and Extras, ikinuwento niya na nagduda pa siya noong una kung sa kanya ba talaga ang dumating na package. 

Ngunit nang buksan niya, laking gulat niya nang makitang ang nakarolyo pala ay talagang ang stuffed toy na inorder niya.

“For a second there, I thought I got the wrong package. LOL, how did they fit you in there, Snorlax?” saad sa caption ng post.

 

 

Libo-libong social media users ang nag-react at nag-iwan ng kumento sa nasabing post. 

May mga natawa sa nangyari at sa hitsura ng karakter na parang naging nakakatawa dahil sa epekto ng pagkakarolyo. Biro pa ng ilan, malamang daw sa malamang ay magkakasya ito sa maliit na supot dahil ang mga Pokemon o “pocket monsters” ay nagkakasya sa maliliit na Pokeball.

“We all catch it with Pokeball, you know, and it fits! And you’re asking how it’s fit in the parcel?” ani H. Ibrahim.

“Now, you know how Pokemon fit into a Pokeball,” wika ni G. Chow.

“He even fits inside a Pokeball,” sabi naman ni F. Ho.

Mayroon din namang mga nabahala sa kalidad ng produkto ng stuffed toy na dumating at nais alamin kung saang shop nabili ito.

Continue Reading

Trending