Connect with us

trends

James Reid ibinenta ang kanyang bahay, Jadine fans naging emosyonal

Published

on

 


Marami ang humahanga sa tambalang JaDine -James Reid at Nadine Lustre. Nang napabalita ang kanilang hiwalayan, marami ang naging emosyonal. 

Ang Jadine fans ay mas naging emosyonal nang nag-post ang aktor na ang kanyang bahay ay for sale na. 

Ito and post ni James sa kanyang Instagram account :

My house is for sale!
Loyola Grand Villas, Katipunan.
Slide for more pics.
Contact my assistant Penelope for more details on +63 927 836 9466.



Ang tatlong palapag na bahay ay may pitong kwarto at suite, dalawang malaking kusina, isang recording studio, swimming pool, fully equipped gym, may CCTV system at may anim na garahe ng mga sasakyan. 

Ang property na ibinebenta ng aktor ay nagkakahalaga ng P80M. Marami sa mga netizen ang nagkomento na kung meron lang sila ng ganun na halaga ay bibilhin nila ito.

“Kung milyonarya lang ako, ako na bibili agad agad,” at “Your house is P80 million James, I only have P80 hahahahaha.” 

 Marami ang mga memories na naiwan ng Jadine dito.

Ito lamang ang mga reaksyon ng mga netizen.





Unang napabalita na ang propert ay for sale noong February 2020 na nagkakahalaga ng P82-P85M.

Ito ay isa lamang sa larawan si Nadine na nandun sa bahay. 

 Ang anggulo na ito ng bahay ang nasa larawan ni Nadine kung saan ay kita rito sa kanyang likuran ang malaking chandelier. 

Ang dating magkasintahan ay bali-balitang tumitira na sa isang bubong noong 2017. Nakumpirma naman ito ni Nadine sa kanyang linya sa kanyang interview. Aniya, “Come on guys, it’s 2017.” At dalawang taon ang nakalipas, kinumpirma ito ni James sa Gandang Gabi Vice. 

Kahit na naghiwalay na ang Jadine nung November 2020, ang dalawa ay nananatili pa ring mabuting magkaibigan. 



“I don’t think anyone in that situation is really excited to see their ex with someone else, but you know, that’s not my choice,” pahayag ni James nung Agusto nang tanungin ito kung handa na ba siya na makita si Nadine na may ibang lalaki

“I’m not her husband, neither am I her father, so she can do whatever makes her the happiest,”  dagdag pa nya. 

Maraming pagkakataon na nakita si Nadine na kasama niya ang kanyang diumano’y bagong boyfriend na si Christophe Bariou. 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

animals

Bookstore na nagsisilbi ring tahanan ng mga pusa, bentang-benta sa cat lovers

Published

on

By

Halos kalahating buwan pa lamang simula nang ito ay binuksan ngunit naging paboritong tambayan at atraksyon na para sa mga cat lovers ang isang bookstore na matatagpuan sa Aix-en-Provence, France. Bukod kasi sa puno ito ng magagandang klase ng aklat, ang Mon Chat Pitre ay isa ring tahanan para sa anim na magagandang pusa.
Ayon sa Oddity Central, simula nang buksan ang bookstores nitong nakaraang Hunyo ay kinawilihan na ito ng mga mahihilig sa pusa. Sa bawat sulok ng shop, makakakita ka ng mga pusa na may iba’t ibang ginagawa. May natutulog sa mga libro. May naglalaro. May nagmamasid sa mga tao. May mga agad ding  “nag-e-entertain” ng mga customer na pumapasok dito.
At ito ang talagang nasa isipan ng mga nasa likod ng bookstore na sina Solène Chavanne at Jean-Philippe Doux, mga television journalist na nangarap magkaroon ng isang espesyal na tindahan ng aklat kung saan payapang makapamimili ang mga bookworm habang nasa paligid ang mga magaganda at mababait na pusang mas magpapaganda pa ng araw nila.
Anim na pusa raw ang matatagpuan sa nasabing bookstores at lahat sila ay in-adopt mula sa isang local shelter. Sa kasalukuyan, ang mga pusa raw ay kinokonsidera rin ng mga nagmamay-ari ng shop bilang  ambassadors ng mga napabayaang pusa. 
Kapag may customer daw na interesadong mag-alaga ng mga pusa, maaari rin sa kanilang humingi ng tulong kung paano makapagsisimula, lalo na at marami pang mga katulad nila sa mga local shelter na kalapit ng bookstore.

Samantala, para naman hindi mapagod ang mga pusa sa dami ng mga bisitang nakikipaglaro at kumakarga sa kanila, naglaan ang may-ari ng isang lugar sa likod ng shop na nagsisilbi nilang “retreat area”. 
Sa lugar na ito, hindi raw maaaring pumasok ang mga bisita at ang matatagpuan lamang ay ang kanilang mga laruan at higaan. Kapag ayaw muna nila sa loob ng tindahan, pumupunta sila sa nasabing lugar. Cats’ haven!

Continue Reading

social media

Buyer laking gulat nang matanggap nang nakarolyo ang stuffed toy na inorder

Published

on

By

Isa ka ba sa mga nahilig na sa online shopping?

Para mabawasan ang paglabas-labas ngayong pandemya, mas dumami pa ang tumangkilik ng iba’t ibang online shopping apps, at hindi maitatanggi kung gaano kalaki ang naiambag nito sa gitna ng ganitong situwasyon. Gayunman, hindi rin maitatanggi ang mga disadvantage na kaakibat nito, lalo na at hindi nakikita ng bibili ang aktwal na produkto.



Kamakailan lamang, ikinagulat ng isang buyer nang dumating ang inorder niyang Pokemon stuffed toy sa isang online shop. Sa halip kasi na ang inaasahang may kalakihang package, isang maliit na supot na para bang nakarolyong face towel ang na-deliver sa kanya.



Image via Pokedex and Extras | Facebook


Sa pamamagitan ng Facebook page na Pokedex and Extras, ikinuwento niya na nagduda pa siya noong una kung sa kanya ba talaga ang dumating na package. 

Ngunit nang buksan niya, laking gulat niya nang makitang ang nakarolyo pala ay talagang ang stuffed toy na inorder niya.

“For a second there, I thought I got the wrong package. LOL, how did they fit you in there, Snorlax?” saad sa caption ng post.



Libo-libong social media users ang nag-react at nag-iwan ng kumento sa nasabing post. 

May mga natawa sa nangyari at sa hitsura ng karakter na parang naging nakakatawa dahil sa epekto ng pagkakarolyo. Biro pa ng ilan, malamang daw sa malamang ay magkakasya ito sa maliit na supot dahil ang mga Pokemon o “pocket monsters” ay nagkakasya sa maliliit na Pokeball.

“We all catch it with Pokeball, you know, and it fits! And you’re asking how it’s fit in the parcel?” ani H. Ibrahim.

“Now, you know how Pokemon fit into a Pokeball,” wika ni G. Chow.

“He even fits inside a Pokeball,” sabi naman ni F. Ho.

Mayroon din namang mga nabahala sa kalidad ng produkto ng stuffed toy na dumating at nais alamin kung saang shop nabili ito.

Continue Reading

entertainment

Weather reporter nag-trending dahil sa nasabing “sama ng loob” sa halip na “sama ng panahon”

Published

on

By

Screenshot mula sa UNTV network video


Nag-trending sa social media ang isang reporter ng UNTV network dahil sa pagkakamali niya sa pagbabalita tungkol sa lagay ng panahon sa bansa.

Sa halip kasi na “sama ng panahon” ang sabihin ay “sama ng loob” ang kanyang nabigkas.

Natawa rin ang reporter na si Mon Jocson sa pangyayari pero itinuloy pa rin niya ang pagbibigay ng weather update.

Sa kasalukuyan po ayon sa PAGASA wala po silang namo-monitor na sama ng loob (natawa siya sa parteng ito)..ng low pressure area po dito po  sa loob ng Philippine area of responsibility,” sabi niya.

Ngayon po sa labas, wala pong nakikita na ano mang sama ng panahon… labas po ‘yan ng ating bansa,” patuloy pa ni Jocson sa kanyang weather update.

In-upload niya sa Twitter ang blooper at nilagyan niya ng caption na “Walang tatawa, ang tatawa hindi ko na bati.”

Screenshot of Mon JOcson’s tweet


Ang tweet ni Jocson ay humakot na ng mahigit 598,000 views, higit 56,000 likes, 7,818 quote tweets at mahigit 10,000 retweets.

Natawa ang mga kapwa niya mamamahayag na nagkomento sa  tweet niya.

“Hahahaha! I miss you Kuya Mon,” sabi ng news correspondent na si JC Cosico ng News5 at One News.

 “Hahahahahaha Sorry Mon Can’t  help it mwah,” ayon naman sa radio correspondent na si Rowena Salvacion ng DZBB Super Radyo.

 “Hindi ako tumawa,” komento naman ni Lian Buan ng Rappler.

 “Totoo pong wala kaming binabantayang sama ng loob,” sabi naman ng PAGASA weather forecaster na si Ariel Rojas.

 Sinundan ito ni Rojas ng seryosong weather forecast:

 “For now, mababa ang tsansa nitong maging bagyo. Lalapit at magpapaulan ito sa Eastern Visayas at Bicol Friday and Saturday. Posibleng kumabit ito sa Shear Line o tumawid papuntang West Philippine Sea.

Dahil sa pagkakamali ni Jocson ay sinariwa naman ng ibang twitter users ang iba pang insidente sa pamamagitan ng pag-tweet ng mga bloopers ng weather forecasters na sina Mang Tani at Kuya Kim Atienza.

Continue Reading

Trending