Connect with us

trends

Kris Aquino may Bagong Fiancé, Kilalanin Siya Dito

Published

on

 

Isang malaking rebelasyon ang ibinahagi ng Queen of all Media na si Kris Aquino nong October 24, Sabado nang ipinakilala niya ang kanyang fiance sa publiko. 

Ilang taon din ang nakalipas na hindi ito naging bukas sa kanyang buhay pag-ibig. 

Ibinahagi ni Kris sa publiko ang kanyang bagong pag-ibig sa kanyang Instagram post. 

Ang kanyang fiance ay ang dating DILG secretary na si Mel Sarmiento. 

“We discussed this post and I thought about it carefully… marami kasi sa followers ko ang nagtatanong kung kamusta na ko because matagal na kong nawala”

Inamin ni Kris na marami ang mga nangyayari sa kanya mula nang nagsimula ang pandemic at maraming mga stressful events nung kalagitnaan ng Agusto na siyang dahilan ng pagbaba ng kanyang timbang. 

“And it’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si “bunso” na walang magbabantay at mag-aalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.


Somehow i believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- i can almost hear his voice telling me, “kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.” And finally, “bunso”has learned to obey.”

Taos puso naman ang pasasalamat ni Kris kay Mel na kumumpleto sa kanyang buhay sa kabila ng pagkawala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Noy. 

“To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here.”

Sa kanyang post, ikinuwento naman niya ang naging papel ni Noynoy sa kanilang relasyon ni Mel at nagbigay din ng kanyang mensahe sa yumaong dating pangulo. 

“We would never have met nor reconnected had it not been for Noy. Thank you to my kuya, kahit wala na sya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga sya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano nya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.”


Si Mel Sarmiento ay nagsilbing secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong 2015 hanggang 2016.


Siya ay pumalit sa posisyon ni Mar Roxas nang ito ay magdesisyon na tumakbo bilang pangulo nung 2016.

Nagsimula si Mel bilang Vice Mayor ng Calbayog City sa Samar noong 1992 hanggang 1995. 

Tumakbo ito bilang alkalde sa lungsod ngunit siya ay natalo, mula noon ay nagpahinga muna siya sa politika ng anim na taon. 

Matapos ang ilang taong pananahimik sa politika, nagwagi na siya sa pagiging alkalde at nanungkulan sa lungsod nung 2001 hanggang 2010. 

Nahalal din siya bilang isang representative ng first district ng Western Samar.  

“We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma share. Except i guess to say as much as i am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento,” dagdag ni Aquino.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social News

From money cake to ‘Manny Cake’: Surpresa ng mga kaibigan, hindi pera kundi mga litrato ni Pacman ang laman

Published

on

manny cake

Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag nakatanggap ng money cake sa espesyal na araw niya? May cake ka na, may bonus na pera ka pa. Ngunit paano kung sa paghila mo ng inaakala mong paper bills ay mga photo card ng Pambansang Kamao at politician na si Manny “Pacman” Pacquiao ang makukuha mo mula sa birthday cake na ipinagawa ng iyong mga kaibigan o kapamilya?

manny cake

Ganitong-ganito ang eksenang makikita sa TikTok video na ibinahagi ni Jerz Libosada sa Facebook, kung saan kitang-kita ang galak ng birthday celebrant nang mahugot ang P20 bill mula sa Sponge Bob-themed cake na kanilang iniregalo rito. Naglululundag pa ito at talaga namang kilig na kilig habang unti-unting binubunot ang pera. Ngunit bigla na lamang nagulat ang may kaarawan nang matuklasan na hindi pala paper bills ang kasunod ng P20 na nakuha niya kung hindi mga larawan ni Sen. Manny!

“Sabi mo kasi Manny Cake wala man sad gi-emphasize na money cake,” saad ni Jerz kasunod ng pagbati ng, “Happy birthday, Yot!”

manny cake

Kinaaliwan ng marami ang video na nakakuha na ng libo-libong reactions at shares. Marami rin ang nag-iwan ng komento rito at aliw na aliw sa naiiba at kuwelang surpresa na ito. May mga nagsabi na nakakuha sila ng ideya sa susunod na magpapagawa sila ng cake para sa nagdiriwang ng kaarawan. Mayroon din namang mga nanghinayang dahil kapapagawa pa lamang daw nila ng money cake at maganda raw sana kung gagamit din sila ng nakaaaliw na paraan na katulad nito.

May mga nang-tag din sa Pambansang Kamao para makita nito ang Manny Cake. Anila, nais nilang malaman kung ano ba ang magiging reaksyon ng Pacman kapag nalaman niya na mayroon na palang cake na siya ang ginawang inspirasyon.

manny cake

Ikaw, gusto mo rin ba ang surpresang ito? Kung papipiliin ka, mga larawan nino ang gusto mong mailagay sa cake na para sa iyo?

Continue Reading

relationship

Gamer, nag-propose sa nobya sa pamamagitan ng larong ‘Genshin Impact’

Published

on

By

Marami na ang gumagawa ng kakaibang engagement proposal na talagang todo ang effort upang mapasagot at marinig nila ang matamis na ‘oo’ ng kanilang minamahal.

Sino ang nagsabi na ang mga gamer ay hindi maaaring maging romantiko?

Naisipan ng isang gamer na surpresahin ang kanyang girlfriend na isa ring gamer sa pamamagitan ng isang kakaibang proposal.

Ibinahagi naman ni GF Ronica Pilar Mejica Cabansag sa kanyang Facebook ang kakaibang proposal ng kanyang nobyo na si Jerome Javillonar sa pamamagitan ng kanilang paboritong online game na Genshin Impact.

Hindi niya inaasahan na isusurpresa siya nito dahil introvert daw talaga ang kanyang nobyo.

Aniya sa kanyang post “My EX BOYFRIEND is AN EXTREME INTROVERT. So i’ll give you some background. Every time it’s his birthday he shuts down everything. He’ll Turn off his phone, delete or untag some comments. So ganun Ka extreme.” 

Alam naman ni Ronica na may surpresa ang kanyang boyfriend sapagkat sinabi naman daw sa kanya ito pero hindi niya inaasahan na may ganoon pa palang mangyayari.

Kaya nang imbitahan siya nito na magtungo sa kanilang bahay, bagaman at may kutob na si Ronica ay hindi pa rin niya lubos maisip ang posibleng gagawin ng nobyo para sa kanya. “So I’m actually quite excited how an introvert will do a surprise,” saad ni Ronica.

Nagulat na lamang ang nobya sa mga pa-balloon at pa-ilaw effects ng introvert nitong nobyo at sa isang laptop na nakahanda upang malaro. Oh ‘di ba minsan kakaiba rin talaga magpakilig ang mga introvert!

“So ayun na nga. Pagkaopen ko Ng kwarto niya may sumilip na lights and balloons. I got mixed emotions. Umiiyak and tumatawa at the same time and takot ituloy buksan Yung pinto. When I decided finally buksan pintuan ayun na nabungad Yong GENSHIN IMPACT which is our favorite online game. So he let me play it,” paglalahad niya.

Pagpasok niya sa kuwarto, pinalaro siya agad ni Jerome sa paborito nilang laro.

“He created some obstacles and maze sa game then doon niya sinulat Yong gusto nyang sabihin,” sabi niya.

Habang nilalaro na at nilalakbay ang quest ay makikita ang mga pakulong tula sa  loob ng laro na “Roses are Red”…

“Violets are blue”…

Sa pagpapatuloy ng laro ay sunod niyang nadaanan ang “Forever is real with you.”  Natutuwang kinikilig umano ang dalaga nang makita ito.

Inamin naman ni Jerome na inabot siya ng mahigit isang buwan bago magplano at matapos ang inihandang proposal para sa kanyang nobya.

“Ang very creative Kasi I know ang hirap gawin non. And he even said it took him more than 1 month Kasi he needs to buy the things or supplies in the shop ng game,” ani Ronica.

Sa huli ng maze, may tanong si Jerome para kay Ronica.

“Will you be may waifu? (Will you be my wife?)”

Sinagot naman ni Ronica ang kanyang nobyo.

Aniya, “So that’s how an extreme introvert nag propose — not flashy. Not crowded. Hindi nakakapressure. Nag-plan ng solo. Nag-execute ng solo. All by himself.”

“So kahit introvert pa Yan if he loves you quiet Lang sila but nakikinig he’ll do anything that can make you happy if they can. I guarantee you,” dagdag pa niya.

 

Para sa kanya, sobrang na-appreciate niya ang effort at paraan ng kanyang nobyo.

“So finally I’m engaged to my ex boyfriend who is now my Fiance,” masayang pagbabahagi ni Ronica.

Congratulations, love birds!

Ikaw, ano’ng kakaibang proposal ang naiisip mo para sa iyong “the one”?

Continue Reading

Social News

Handa na si kuya! Vaccination card details inimprenta sa t-shirt para hindi na mapapagod magpresenta

Published

on

By

Pagod ka na bang maglabas ng iyong vaccination card sa tuwing hahanapin ito sa ‘yo sa mga establisimyento o sa public transport? Kung oo, eto na ang solusyon sa problema mo!

Nag-viral sa social media and isang print shop owner na si Jojo Pasia mula sa Lipa City, Batangas. Ito ay dahil sa isinuot niyang “vaccination t-shirt” na nagpapakita ng harap at likurang bahagi ng kanyang vaccination card upang hindi na daw niya kailanganing ilabas ito kapag papasok sa mga establisimyento.

Yes, inimprenta niya sa kanyang puting tshirt ang vax card niya. Naisip niya raw ito matapos nilang mamili ng kanyang asawa sa Quiapo, Divisoria, at Baclaran. Sa lahat na lang daw kasi ng pintuan na pinapasukan nila ay  kailangan ipresenta ang vax card. Ito ang naisip niyang solusyon para mapadali ang proseso sa mga pinupuntahan nila.

 

 

“Naisip ko lang po ’yung idea kasi kahapon. Galing kami ni misis sa Quiapo, Divisoria, at Baclaran. Sinamahan ko siya bumili ng mga pang online business niya. Lahat na lang ng pintuan na pinapasukan namin kailangan ipakita ang vaxx card. So pag-uwi ko naisip ko scan ko nga ID ko tas i-print ko sa damit,” ani Jojo.

Matapos mag-viral sa social media, marami na raw ngayon ang mga nais magpagawa ng vax card t-shirt, pati na rin ang kanilang barangay kapitan.

“Nag-pm (private message) ’yung iba magpapagawa daw. Pati barangay captain namin kinontact ako, nagpagawa,” dagdag pa niya.

Kumalat na rin ito sa kung saan-saang social media platforms at FB pages at humakot na ng mahigit 79k reacts at 5.2k komento sa Philippine Star pa lang.

Maraming netizen ang nagkomento sa kanyang viral post.

“Maganda yan lalo na pag sa mga makakalimuting tao lagi nakalimutan dalhin mga importanteng ID pati vaccination card hahha”
“Yan na lang lagi ang suotin kada lalabas ng bahay. At saka dapat laminated para hindi mabura o kumupas,” ani A. Jaena.

“Oo nga naman babasahin na lang di na mapapagod ka labas masok ng vacc.card”

“Vaccine card no moreeeeee sm malls is shaking”

Mayroon din naman nagpahayag ng agam-agam dito. “And expose your informations to the public?! Anu bang nakakapagod sa paglabas ng ID dika naman aakyat ng bundok at tatawid ng dagat kung lagi mo ng dala. Be responsible po. Masanay na tayo kasi this is the New Normal na.”

Continue Reading

Trending