Connect with us

Others

‘Ang sarap maging normal’: Kris, Mel sa fast food naganap ang first date

Published

on

kris mel first date

Instant first date sa isang fast food restaurant ang naganap sa soon-to-be married couple na sina Queen of All Media Kris Aquino at former Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento matapos dumalo sa isang kasalan nitong Linggo, Nobyembre 7.

kris mel first date
Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Sa isang Instagram post, masayang ikunuwento ni Kris kung paano naganap ang “first date” nila ni Mel sa isang fast food restaurant na suot pa rin ang formal attire na ginamit nila sa pag-iisang dibdib nina Sheryl at Kit Dichaves. Aniya, hindi maganda ang daloy ng trapiko noong araw na iyon kaya huminto muna sila sa McDo Silang para kumain.

“Congratulations, Sheryl and Kit Dichaves. Sheryl, you and @59.flowercafe have been a major part of our love story so it was really my honor to be your ninang during your very special day. Love talaga kita because in order for us to get home parang na tour ko na 1/4 of Cavite,” saad niya.

“It was more than three hours to get back kaya nag-stop sa fast food and it’s been years since I’ve entered that particular brand and after the pandemic. Naaliw sa’kin everyone with me, especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person. Sinira ni @rbchanco because sabi nya wala raw nagda-dine in naka gown and nagpapa-picture lahat ng crew. I said walang basagan ng trip,” pagpapatuloy niya.

At dahil ito raw ang unang beses nilang kumain sa labas, memorable daw ito dahil ito na ang matatawag na first date nila.

“I just want to say thank you to the service crew at McDo Silang for having been so gracious and opening up an area for us. First time Mel and I ever ate out so you can say it was our first date. We won’t forget you,” wika ni Kris.

kris mel first date
Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres sa pamamagitan ng isang lengthy post ang tungkol sa engagement nila ng dating DILG chief.

“To my best friend and the man I said yes to spending the rest of my life with, thank you for—as Bimb said—loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm and peaceful I feel now that you’re here,” aniya. “We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma-share. Except, I guess, to say as much as I am proud to be an Aquino, looking forward na ‘kong maging Sarmiento.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

beauty

‘Kaya ko naman pala, Di ako nag iisa’: Solo parent na crochet artist nakatagpo ng oportunidad sa paggagantsilyo

Published

on

By

img_61a8d31cb0111

Marami ang nawalan ng pagkakakitaan at trabaho sa panahon ng pandemya. Pero dahil tuloy ang buhay sa kabila ng mga pagsubok sa gitna ng pananalasa ng covid, sige lang ang karamihan sa atin. ‘Ika nga, laban lang.
Ganyan ang kinaharap ng isang solo parent na si Mia. Determinasyon at pananampalataya ang pinanghawakan ng nanay na may dalawang anak.

Kamakailan lang ay nagpaskil siya ng isang ‘grateful post’ na naghahatid ng inspirasyon, sa atin.

Aniya, “Ang lakas ko po sa Inyo (emojis) Di man ako pala simba at araw araw na nagpi-pray. Pero kapag lumapit ako sa inyo. Hindi Mo kami pinawawalang mag-iina.”

Dagdag pa niya, unang araw pa lang ng Disyembre ay bumuhos na ang blessings. Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa Diyos. “Lord salamat po talaga. Wala man tulog at pahinga okay lang basta mga needs ng mga anak ko kumpleto. Kaya ko naman pala, Di ako nag iisa kasama Kita.”

Sa kanyang FB friends ay mayroon din siyang mensahe na magpapalakas sa mga pinanghihinaan ng loob.

“Ps. Kung unemployed ka man, tingin ka sa paligid mo mamaya nasa malapit lang pala yung sagot sa Financial problem mo, di mo lang napapansin kasi nakatuon ka sa mga bagay na hindi naman laan para sa ‘yo.”

Paglalahad niya, dati raw ay awang-awa siya sa kanyang sarili dahil sa kawalan ng trabaho tapos isa pa siyang single mom at walang suporta mula sa ama ng kanyang mga anak. Ngunit noong nagpandemic, bigla na lang niya umanong naisipang mag-crochet, at sinimulan niya ito sa paggawa ng earsavers na naging in-demand.

Sinubukan niya ang iba pang magagawa sa paggagantsilyo at ayan na nga…lumawak na ang kanyang imahinasyon, kaalaman at kahusayan.

Nakabuo siya ng mga creative pieces at nagawa niyang makapagsimula ng negosyong CJLA’s Crochet Atbp. na hango sa pangalan ng kanyang mga anak.

“Until now. Crochet pa rin ang source of income ko, TAKE NOTE, ENOUGH siya, minsan sobra sobra pa (emojis) Pasalamat tayo sa skills and talent na meron tayo. Di yun ibibigay sa ‘tin kung walang dahilan. God will always provide. ALWAYS.”

Sino ba naman ang hindi bibilib sa kanyang talento?

Bukod sa mga Disney princesses at mga sikat na characters, gumagawa rin siya ng mga made-to-order na Minime Dolls na more or less ay 11 inches ang laki. Ilan sa kanyang mga obra ay naipa-courier na niya sa iba-ibang bansa ayon sa request ng mga nag-order.

Sa Facebook page ng CJLA’s Crochet atbp ay matatagpuan ang kanyang mga nagawa na.

Mayroon na rin siyang Shopee store.

Nais mong makabili o magpasadya ng gawa? Order na!

 

Continue Reading

celebrities

Pasko na! Mariel Padilla namili ng mga laruan upang ipamahagi sa mga bata sa Pasko

Published

on

By

“Omgggg!!!! After almost 2 years!!!!!! We went back to the mall!!!!”

Labis ang excitement ng  host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla base sa kanyang ibinahaging Instagram post kamakailan. Sa wakas kasi ay nakagala na silang mag-iina sa mall matapos ang halos  dalawang taon sa bahay bilang pag-iingat laban sa Covid-19 virus at iba pa.

Hindi rin napigilan ang tuwa ng 37-anyos na maybahay ng aktor na si Robin Padilla kaugnay sa kanilang bunsong si Gabriela na first time umanong makalabas at makapasyal sa mall. Dalawang taong gulang na ang kapatid ng 5-year-old namang si Maria Isabella. at naka-twinning pink ang dalawa nang mamasyal.

Image via Instagram / Mariel Padilla

Tinawag ni Mariel na ‘fun experience’ ang makasama ang dalawa niyang anak lalo pa sa panahon ng kapaskuhan. Namili sila ng mga laruan kaya’t tiyak ang saya ng mga bata.

Hiningi rin niya sa kanyang post ang tulong ng mga IG followers para sa mga pipiliing recipient ng mga pinamili nilang laruan. Para kasi kay Mariel, ang Pasko ay para talaga sa mga bata kaya’t namili sila ng maraming laruan para makapagpasaya ng ilang bata. Umani ng pasasalamat at papuri ang kaniyang ginawa.

Aniya sa kanyang ibinahaging post, “Such a fun experience (heart emojis) also can you guys help us… because for me Christmas is really for kids so we bought toys to donate. We are looking for a kids charity. Any suggestions?”

Image via Instagram / Mariel Padilla

Maraming tumugon sa kanyang panawagan kabilang na ang ilang personal requests:

“Gentle Hands Orphanage po Ms @marieltpadilla .. May Allah bless your Family ”

“Can my little preemie warrior have one ms @marieltpadilla”

“@marieltpadilla white cross childrens home san juan city”

“Hi maam @marieltpadilla pwede po ba ako makahinge ng toys para sa aking tatlo anak.. eto po ang first time ko mag Christmas na wala sa kanla..7 months here in oman pero di pa din makaraos sa hirap ng buhay.. gusto ko lang sana maparamdam sa mga anak ko ang pasko kahit magkalayo kame. salamat po.. More blessings to u, to idol robin and to ur baby”

Image via Instagram / Mariel Padilla

Continue Reading

current events

PDP-Laban posibleng mag-adopt na lamang ng kandidato matapos ang pag-atras ni Bong Go

Published

on

By

Dahil hindi na maaari ang substitution, wala umanong natitirang option ang PDP-Laban Cusi Wing kung hindi ang mag-adopt na lamang ng isang kandidato sa pagkapangulo para sa darating na halalan sa 2022.

Ganito ang naging paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring executive vice president ng faction ng PDP-Laban na pinamumunuan ni nergy Secretary Alfonso Cusi.

“Wala nang substitution number 1 so technically speaking dahil wala pong substitution, ang option namin is to adopt,” ani Nograles sa naging panayam ng Headstart.

Sec. Karlo Nograles| Screenshot mula sa Headstart video

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ang partido ng ‘series of meetings’ upang pag-usapan ang kanilang susunod na hakbang sa mga darating na araw.

Tumanggi naman si Nograles na kumpirmahin kung ang tandem nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanila nang susuporthan dahil na rin sa pag-atras ni Senador Bong Go na standard-bearer sana ng kanilang partido.

“Let’s wait for the statement ng PDP-Laban and the decision ng partido because we have not yet made that decision… kasi kailangan dumaan din sa proseso iyan,” ayon sa kalihim.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcso for 2022

BASAHIN: Hindi pa niya panahon: Sen. Bong Go umatras sa presidential race

“Napakahirap kung pasan-pasan mo habang nangangampanya ka ay nagre-resist ang pamilya mo, ang puso mo, ang isipan mo, paano ka makakapagkampanya nang mabuti? Kaya ang sabi ko marahil po ay hindi ko pa po panahon,” ayon sa senador.

Imahe mula sa Facebook| Bong Go

Sa ngayon, pinag-uusapan pa umano nila ng Pangulo kung sino ang kandidatong susuportahan nila basta umano ito ay iyong magpapatuloy ng mga programang nasimulan ng kasalukuyang administrasyon.Paliwanag pa ni Go, na inamin ding wala naman talaga siyang ambsiyong mag-presidente, ayaw niyang mahirapan pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangangampanya para sa kaniya lalo pa’t ito ay may edad na at mahina na rin ang katawan.

Continue Reading

Trending