Connect with us

clothing

Babaing nakasuot ng ‘maikling shorts’ tiniketan ng pulis sa Caloocan

Published

on

Natiketan ng pulis ang isang babaing nakasuot ng ‘maikling shorts’ at naglalakad sa lansangan sa Caloocan City kamakailan.

Batay sa ulat ng GMA News, hinuli ng pulis ang babaing naka-shorts na magdadala lamang sana ng mga inorder na produkto sa kaniya. Ang suot ng babae umano ay isang paglabag sa ‘dress code’ base na rin sa ordinansa ng lungsod.


Screenshot mula sa GMA News video


Kuwento ng babae sa GMA News, akala raw niya ay hinuli siya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask dahil hawak lamang niya ito sa kaniyang kamay.

Subalit laking gulat niya nang malamang ang tiket ay para pala sa ‘maikling shorts’ na suot niya noon.

“Ang sabi niya (pulis) po ‘yung maikling short daw titiketan daw po niya ako. Tapos sabi ko paano po yun sir hindi ko po alam na bawal ang maiksing short,” bahagi ng babaeng itinago lamang sa pangalang ‘Carmina’.


Screenshot mula sa GMA News video


Nagtataka umano siya dahil halos lahat naman ngayon ay naka-shorts na. Maging ang mga matatanda umano na kasama niya ay nagulat at nag-aalalang baka pati sila ay mahuli kapag nagsuot ng shorts gayung matanda na sila.

Mabuti na lamang at warning muna ang naging tiket sa kaniya at wala pa itong kaakibat na multa dahil first offense pa lamang.


Imahe mula sa Google Maps


Ang Lungsod ng Caloocan ay mayroong umiiral na ordinansa na ipinasa taong 2007 na nagtatakda ng ‘dress code’ o pagsusuot ng disenteng damit sa mga pampublikong lugar.

Nangako naman si Mayor Oscar Malapitan na kaniyang paiimbestigahan ang pangyayari.

Panoorin ang buong ulat sa video sa You Tube.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

clothing

22-year-old entrepreneur gumagawa ng sneakers na yari sa recycled plastic

Published

on

By



Nakagawa ng sneakers na gawa sa mga recycled plastic bags at bottles ang 22-anyos na entrepreneur sa India.

Tinawag ni Ashay Bhave na “Thaely Y2K Pro Sneakers” ang brand ng ginawa niyang sapatos. Ang kahulugan ng thaely sa kanilang lenggwahe ay plastic bag.

Ayon kay Ashay, na sa Mumbai isinilang at kasalukuyang sa Dubai naninirahan, sinimulan niya ang proyekto nang malaman niya ang single-use plastic ban na ipinatutupad sa India.

Sabi niya, ikinatuwa ng marami ang batas, pero hindi raw iyon naipatutupad nang maayos sa maraming lugar.

Nalaman din daw ni Ashay na tinatayang 100 billion plastic bags kada taon ang ginagamit sa buong mundo at 14% ng mga ito ay napupunta sa mga karagatan na siyang bumubuo sa malaking bahagi ng marine plastic waste.


Na-motivate umano siya na tumulong sa paghahanap ng solusyon sa naturang problema. Ang bunga niyon ay ang ThaelyTex, isang tela na parang leather sa itsura at hipo pero gawa mula sa recycled plastic.

Nakipag-partner si Ashya sa isang waste removal company – ang TrioTap Technologies – upang maging mabilis ang pangangalap ng plastic wastes,

Doon na rin sa naturang kumpanya nililinis ang mga plastic wastes gamit lang ang mainit na tubig na walang halong kemikal.


 Mga imahe ay mula sa Thaely.com

Ang mga nakolektang plastic wastes ay pinoproseso para maging ThaelyTex fabric at pagkatapos ay dadalhin sa isang shoe factory upang bumuo ng sneakers.

Sampung plastic bags at labindalawang plastic bottles ang nagagamit upang makagawa ng isang pares ng sneakers.

Ang sintas ng Thaely sneakers ay yari sa recycled plastic bottles, ang mga pandikit na ginamit ay 100% na galing sa mga halaman at ang swelas ay recycled rubber.



Ang packaging na ginagamit sa mga sapatos ay recycled din. Ang tote bag ay gawa sa apat na plastic bottles at ang shoe box ay yari sa recycled na papel na maaaring itanim dahil may halo iyon na basil seed. Gupitin lang nang maliliit ang shoe box at pwede nang itanim.

Sabi ni Ashay, nagpaplano na rin siya na maglunsad ng mga damit na yari sa ThaelyTex fabric.


 

 


Continue Reading

celebrities

Kalulunsad lang na Clothing Line ni Marian Rivera sold out agad

Published

on

By

Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang buksan ni Marian Rivera-Dantes ang Clothing Line sa ilalim ng kanyang lifestyle brand na Flora Vida noong November 5, 2021 pero sold out na lahat ang kanyang paninda.

Ang Flora Vida, kung inyong natatandaan, ay unang inilunsad bilang online flower shop na ang espesyalidad ay preserved flower arrangements na ang aktres mismo ang gumagawa ng disenyo at nagpe-prepare.

Ayon kay Marian, ilang buwan ang inabot ng preparasyon ng paglulunsad ng Flora Vida Clothing Line kaya naman todo ang pasalamat niya nang sa wakas ay natuloy na ang lanching niyon.

“After months of planning and preparations, I’m happy to announce that our latest @floravidabymarian collection will be up on our website tomorrow! Thank you for all your continued support,” anang aktres sa kanyang social media account. 

Makikita sa website ng Flora Vida By Marian na sold out na ang lahat ng stocks niya ng mga damit na kanyang idinesenyo.

May anim na designs ang clothing line ng aktres na may tatlong kulay na mapagpipilian – Black, White, at Woodrose. Nagkakahalaga ng P10,000 ang bawat isa.

Ang lahat ng mga damit ay yari mula sa OEKO-TEX Certified Linen. Na ang ibig sabihin ay ligtas itong isuot dahil walang mga nakasasamang kemikal ang ginamit sa paggawa ng tela tulad ng allergenic dyes, pesticides, heavy metals at iba pa.



All Flora Vida Clothing line products are made from OEKO-TEX certified linen. The certification ensures the human-ecological safety of textile products in all stages of production (raw materials and fibers, yarns, fabrics, end products). Products that are OEKO-TEX certified are absent of allergenic dyes, pesticides, heavy metals and other harmful substances,” saad sa Flora Vida clothing line website.

Ang kanyang hilig sa magaganda at komportableng mga kasuotan raw ang inspirasyon ng paglulunsad niya ng kanyang bagong negosyo.



“Inspired by my love for dressing up and comfortable classic silhouettes that Flora Vida clothing was born. I hope you enjoy this collection as much as I enjoyed doing it and I look forward to seeing how you will style your Flora Vida clothing pieces, aniya.

 

Continue Reading

Trending