Connect with us

entertainment

Cristy Fermin imbiyerna kay Billy Crawford

Published

on

Sa latest episode ng “Take It…Per Minute, Me Ganun!” ay napag-usapan ang tungkol sa Lunch Out Loud (LOL), ang noontime show na ipinalalabas sa TV5 mula Lunes hanggang Sabado, kung saan ang lead host ay si Billy Crawford.

Ang “Take It…Per Minute, Me Ganun!” ay ang tagapaghatid ng mga latest showbiz balita at blind items na ang hosts ay ang mga alamat ng showbiz intriga at mga reyna ng marites na sina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu.

Nabuksan ang usapan tungkol kay Billy Crawford nang magtanong si Mr. Fu kung patuloy pa rin ba ang LOL noontime show. Ang show ay isa sa anim na TV shows na produced ng dating congressman na si Albee Benitez, na ang iba ay hindi na umeere.

Image from LOL Facebook page

“Ay naku wala na akong pakialam d’yan,” naiimbyernang sagot ni Cristy Fermin sa tanong ni Mr. Fu.

“Sino ba ang pinaka-ulo…ang pinaka-lider na host d’yan…si Billy Crawford, ‘di ba?” tanong ulit ni Mr. Fu.

“Si Bully Crawford,” singit ni Cristy Fermin na ikinagulat ni Fu na nagtanong kung bakit ganoon ang bansag niya sa host.

“Mambubully ‘yan, eh” ani Nay Cristy na nagkuwento na kung ano ang ginawa ni Billy.

Aniya, naospital daw ang co-host nilang si Jeffrey Tam dahil sa ginawa ni Billy.

Image from Jeffrey Tam’s Instagram account

Sinipa raw ng lead host ang karton na inuupuan ni Jeffrey Tam; dahilan para malaglag ito sa stage at napasama ang bagsak. Napagamot naman daw ang komedyante at maayos na ang lagay nito.

Hindi umano nagustuhan ni Nay Cristy ang katwiran ni Billy na biro lang daw iyon. Paliwanag raw nito ay ang co-host nilang si Bayani Agbayani ang nagsabi na kanya na biruin si Jeffrey Tam.

Sabat naman ni Lolit Solis, bakit daw tila nagbago na si Billy samantalang maganda naman ang image nito noon.

Screenshot from Take It…Per Minute Me Ganon video

Bukod kay Billy Crawford, napag-usapan din ng tatlo ang dahilan ng pag-alis ng singer na si Ariel Rivera sa nasabing noontime show bilang isa sa mga hosts.

entertainment

Kris, nasaktan sa pagbabalewala ni Mel Sarmiento sa damdamin ni Bimby

Published

on

By

Excited ang mga nagmamahal kay Kris Aquino nang mabalitaan na posibleng magkabalikan sila ng ex-fiance na si Mel Sarmiento.

Isinulat kasi ng entertainment columnist na si manay Lolit Solis na may mga senyales daw na babalikan ni Mel si Kris dahil talagang mahal daw niya ito. Pero sinabi mismo ni Kris na walang balikang magaganap.

Image from Kris Aquino

Halos wala na raw respetong natitira si Kris para sa dating nobyo dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Napagtanto raw niya na ginamit lang siya ni Mel at hindi naman talaga minahal.

Ang lalo pang ikinasasama ng loob ni Kris ay ang pagbabalewala ng dating kasintahan sa naramdaman ng anak na si Bimby tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

Ni minsan daw ay hindi kinumusta ni Mel ang kalagayan ni Bimby.

“It became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him… let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” lahad ni Kris.

Nalaman din umano ni Kris na ilang beses nagmensahe kay Mel ang ate niya sa pagbabakasakaling maayos pa ang kanilang relasyon.

Subalit hindi man lang umano pinansin ni Mel ang ate ni Kris.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him and hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” sabi pa ni Kris.

At ang pinakasukdulan daw ay nang malaman niya na nag-imbento si Mel ng maraming kuwento para lang masabi na close ito sa yumaong si Pres. Noynoy Aquino.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag-imbento ng napakaraming kwento bilang “patunay” na close talaga sila ni Noy,’ ani Kris.

Continue Reading

entertainment

Kris Aquino, nagsabing ginamit lang siya at hindi tunay na minahal ni Mel Sarmiento

Published

on

By

Walang balikan na mangyayari kay Kris Aquino at ex-fiance nitong si Mel Sarmiento.

Nanggaling ang pahayag na ito kay Kris Aquino mismo bilang reaksyon niya sa isinulat ng entertainment columnist na si Lolit Solis kamakailan lang tungkol sa diumano ay posibilidad na magkabalikan ang dalawa.

Image from Kris Aquino

“Balitang baka magkabalikan sila Kris Aquino at papa Mel Sarmiento, Salve. May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang pag minahal ka niya all out siya para sa iyo,” bahagi ng post ni Manay Lolit sa Instagram.

Maaari raw na naramdaman ni Mel Sarmiento na sayang naman kung hindi bibigyan ng second chance ang pagmamahalan nila.

Hinikayat pa niya si Kris at Mel na magbalikan na dahil daw love is lovelier the second time around.

Pero nawindang si Manay Lolit sa sagot ni Kris Aquino sa kanyang isinulat.

Sinabi kasi ni Kris na hindi sila personal na magkaharap ng dating boyfriend nang nakipag-break ito sa kanya. Ginawa raw iyon ni Mel sa text lang.

“Iniwan niya ko Nay, when I was at my lowest and ginawa niya ‘yun via text… Matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation?” lahad ni Kris.

Image from Kris Aquino

Nagkaroon daw ng kasagutan ang kanyang mga katanungan nang magkausap sila ni Mel sa pamamagitan ng FaceTime audio.

At batay umano sa huling conversation nila ay napagtanto ni Kris kung ano ang totoong nararamdaman sa kanya ni Mel. Napagtanto rin daw niya kung gaaano na lang kaliit ang respeto niya sa dating nobyo.

“I found my answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago… basing it on that final conversation it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him…So paano magbabalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang?” aniya.

Ikinalungkot ni Manay Lolit ang mga isiniwalat ni Kris.

“How gross na sa text lang niya break si Kris Aquino. Sayang talaga dahil nga akala ng lahat ito na ang hinihintay na matagal ni Kris, at inakala pang kasundo ng mga anak niya, pero hindi pala. How sad.”

Image from Kris Aquino

Continue Reading

celebrities

Vice inalok raw na tumakbo sa eleksyon subalit tinangggihan ito: “Ano, ipapahamak ko ang Pilipinas?”

Published

on

By

Inamin ni Vice Ganda na inalok siya dati na tumakbo para sa darating na eleksyon subalit tinanggihan niya umano ito.

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo noong isang araw, sinagot ni Vice ang tanong ng kaniyang kapwa celebrities at isa nga sa napag-usapan ay ang politika.

Si Derek Ramsay ang nagbato ng tanong sa comedian-host kung may plano ba itong pasukin ang mundo ng politika.

“Politics… sa ngayon, ha? Siyempre, I cannot sabihin never, baka lamunin ko… hindi ko alam. Pero sa ngayon, no,” pag-amin ni Vice.

Nang muling tanungin kung mayroon bang nag-alok sa kaniya para tumakbo sa 2022 elections, hindi naman ito itinanggi ng ‘It’s Showtime’ host.

Bagama’t hindi na idinetalye ng komedyante ang nasabing offer, ibinahagi naman nitong mataas ang posisyong inaalok sa kaniya para takbuhan.

Ipinaliwanag rin nito kung bakit hindi niya tinanggap ang alok kahit naniniwala siyang mananalo.

“Pwede akong manalo, feeling ko pwede akong manalo kasi marami akong followers, marami akong fans — baka maraming bumoto sa ‘kin, maraming natutuwa sa akin,” anito.

“Pero ako, sa sarili ko, ngayon, hindi ako magaling doon. So bakit ako pupunta doon? Ano, ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run,” dagdag na paliwanag ni Vice Ganda.

Sang-ayon naman dito si Dra. Vicki Bello dahil marami naman umanong natutulungan ang komedyante sa pamamagitan ng pagpapatawa.

“You help Filipinos a lot by making us laugh in times of hardships, by inspiring us with words of wisdom,” anang celebrity doctor.

Bukod dito, nagsilbing inspirasyon naman daw sa iba ang naging buhay nito mula noong nagsisimula pa lamang sa showbiz hanggang sa sumikat na nga at yumaman.

Panoorin ang buong vlog:

Continue Reading

Trending