Connect with us

current events

Bong Go inaming nasa ‘state of shock’ pa: “Nabigla po ako sa aking pagtakbo”

Published

on

Inamin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi pa rin siya makapaniwalang isa na siya ngayon sa mga kandidato sa pagkapangulo sa darating na halalan sa 2022.

Si Go ay unang nag-file ng kaniyang certificate of candidacy (COC) bilang pambato na bise presidente ng partidong PDP-Laban subalit ginulat ang lahat matapos itong mag-withdraw at muling mag-file ng COC bilang pangulo subalit sa ilalim na ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.

Ito ay halos kasabay ng pagdeklara ni Davao City Mayor Sara Duterte na tatakbo siya bilang vice president.

Noon pa man ay sinabi na ni Go na ayaw niyang makatunggali sa pulitika sa susunod na eleksyon ang babaeng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kilalang malapit sa kaniya.

Imahe via Facebook

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 24, sinabi ni Go na nasa ‘state of shock’ pa rin siya matapos mapiling standard-bearer ng PDDS base na rin sa payo ng pangulo.

“Sa totoo lang po, to be honest with you, nasa ‘state of shock’ pa rin po ako. Hindi ko po alam kung bakit ako nandidito na kandidato bilang pangulo. All set na po ako bilang vice president for 40 days,” ani Go.

Dahil dito, nalulungkot umano siya para sa kaniyang mga supporters na nagpagawa at nagsabit na ng mga tarpaulins sa iba’t-ibang probinsiya.

“Nagre-resist po talaga ang aking utak, puso, at aking katawan. Nabigla po ako sa aking pagtakbo, napakahirap po ng aking sitwasyon,” pag-amin ng senador.

Gayunpaman, desisyon umano ito ni Pangulong Duterte at ng kanilang partido na dapat ay may tumakbong presidente mula sa kanilang kampo.

“May partido kami, desisyon ito ng partido, desisyon po ito ni Pangulong Duterte na mayroong tatakbo bilang pangulo kaysa naman wala nang tatakbo sa amin,” wika ni Go.

Imahe mula sa Instagram

Ibinahagi rin ng mambabatas na wala siyang ibang dadalhing bise president kung hindi si Mayor Sara mismo dahil na rin sa anak ito ng kaniyang ‘boss’ maliban pa sa marami na silang common supporters.

Subalit kahit pa umano nahihirapan siya ngayon sa kaniyang sitwasyon, iginiit ni Go na nananatiling buo ang kaniyang loob para magsilbi sa kapwa.

Makakaharap ni Go sa 2022 presidential election sina VP Leni Robredo, dating senador Bongbong Marcos, Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao at labor leader Leody De Guzman.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

current events

Estudyanteng binigyan ng laptop ni VP Leni Robredo, registered nurse na; nag-volunteer sa mga nasalanta ni ‘Odette’

Published

on

By

Bilang pagpapasalamat sa tulong na natanggap noon mula kay Vice President Leni Robredo, isang registered nurse ang nag-volunteer para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Imahe mula sa Facebook | Abbygale Mitzi Traya

Sa kaniyang Facebook post, labis ang pasasalamat ng 6th placer sa November 2021 nursing board exam na si Abbygale Mitzi Traya sa  tulong at pagtitiwala na natanggap mula kay VP Robredo noong siya ay reviewee pa lamang.

“Naalala ko pa noong June 30, 2020 nang maipaabot n’yo ang isang napakalaking biyaya na ibinigay n’yo po sa akin. Ni hindi ko inaakala na mapapansin n’yo po ang isang tulad ko na galing sa Siari, Sindangan, Zamboanga del Norte. Sino ba naman po ako noon?” panimula ni Abbygale.

Sa kabila nito ay nagtiwala raw sa kaniya si VP Robredo at pinadalhan siya ng laptop na nakatulong sa kaniyang online review.

“Ngunit nagtiwala po kayo sa akin at sana po ay nagawa ko pong suklian ang kabutihang loob na ibinigay n’yo po sa akin,” aniya pa.

Imahe mula sa Facebook | Abbygale Mitzi Traya

“Ang sabi n’yo po ay di na po dapat ipagkalat ngunit ngayon, gusto ko pong malaman nila na nagsilbi ko po kayong inspirasyon upang maging isang mabuting mamamayan, ‘yong tumutulong sa kapwa at may takot sa Diyos.”

Bilang pagpapasalamat, kabilang ngayon sa mga volunteer para sa mga nasalanta ng bagyong Odette si Abbygale.

“Gusto ko po sanang mag-volunteer. Siguro po sa pagdistribute po or ano po. Wala pa po kasi akong mai-donate. ‘Yong serbisyo ko po sana ang iaalay ko po,” ani Abbygale sa mensahe sa Robredo People’s Council.

Imahe mula sa Facebook | Abbygale Mitzi Traya

Ngayong isa nang ganap na nurse, nais daw niyang masuklian ang kabutihang loob na natanggap noon.

“Hindi ko po alam kung paano ko po masusuklian ang inyong kabutihang loob, ngunit ngayon na isa na po akong ganap na REGISTERED NURSE, sasabihin ko po sa inyo na VP Leni, ako naman. Hayaan nyo po akong makabawi sa inyo po,” sabi ni Abbygale.

“Maraming salamat po sa inyong kabutihang loob at sana po ay naging proud po kayo sa akin.”

Ibinahagi naman ni VP Robredo ang post ni Abbygale at sinabing proud siya rito. “We are so proud of you,” sabi ng pangalawang pangulo.

Continue Reading

current events

Sino-sino nga ba ang 15 presidential bets na aprubado ng Comelec?

Published

on

By

(L-R) Abella, Lihaylihay.Andes, Gonzales

Inilabas na ng Commision on Election (Comelec) ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagkapangulo na naaprubahan ng ahensiya para sa 2022 election.

Mula sa dating 97 na nag-sumite ng kanilang certificate of candidacy (COC) para tumakbong presidente, nasa labinlima (15) na lamang ngayon ang pagpipilian ng mga tao.

Screesnhot mula sa Comelec

Ang 15 pangalang ito ay siyang makakasama sa paglimbag ng official ballots para darating na halalan.

Maliban sa mga presidential aspirants tulad nina Bongbong Marcos, VP Leni Robredo, Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson at Leody De Guzman, nakabilang din ang ilang indibidwal na maaaring ngayon lang nalaman ng madla na kumakandidato rin pala.

Imahe mula sa Facebook

Ang opisyal na listahan ay kinabibilangan nina:

  • Ernesto Abella (Ind.)
  • Hilario Andes (Ind.)
  • Gerald Arcega (Ind.)
  • Leody de Guzman (Lakas ng Masa)
  • Manila Mayor Isko Moreno Domagoso (Aksyon Demokratiko)
  • Norberto Gonzales (Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas)

Imahe mula sa Facebook

  • Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson (Partido para sa Demokratikong Reporma)
  • Danilo Lihaylihay (Ind.)
  • Faisal Mangondato (Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi)0523.
  • Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (Partido Pederal ng Pilipinas)
  • Maria Aurora Marcos (Ind.)
  • Jose Montemayor Jr. (Democratic Party of the Philippines)
  • Edgar Niez (Ind.)
  • Senador Manny Pacquiao (Abag Promdi)
  • Vice President Leni Robredo (Ind.)

Si Ernesto Abella ay ang dating spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging undersecretary rin ng DFA, habang si Norberto Gonzales naman ay naging defense chief at national security adviser sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Si Danilo Lihalihay naman ay dating nang naideklarang nuisance candidate noong 2016 election subalit nakapasok pa rin sa listahan ngayon ng Comelec.

Kapansin-pansin ding wala sa listahan ang pangalan ng kontrobersiyal at dating NTF-ELCAC spokesperson Gen. Antonio Parlade. Si Parlade ay papalit sana kay Antonio Valez, subalit ang huli ay napag-alamang isang independent candidate pala.

Faisal Mangondato| Imahe mula sa Facebook

Tinanggal na rin sa listahan ang pangalan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na opisyal nang nag-withdraw noong isang linggo.

Mapapansin ding dalawa ang may apelyidong Marcos sa listahan, kaya malaking hamon ito kay Bongbong Marcos na sa kasalukuyan ay nahaharap sa ilang disqualification case.

Maria Aurora Marcos| Imahe mula sa Twitter

Samantala, ang opisyal namang kandidato sa pagka-bise presidente ay sina:

  1. Lito Atienza (Abag Promdi)
  2. Walden Bello (Partido Lakas ng Masa)
  3. Rizalito David (Democratic Party of the Philippines)
  4. Davao City Mayor Sara Duterte (Lakas Christian Muslim Democrats)
  5. Manny Lopez (Workers and Peasants Party)
  6. Willie Ong (Aksyon Demokratiko)
  7. Francis “Kiko” Pangilinan (Liberal Party)
  8. Carlos Serapio (Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi
  9. Senate President Tito Sotto (Nationalist People’s Coalition)

Edgar Niez| Imahe mula sa Manila Bulletin

Bukod dito, 70 pangalan din ang nakapasok sa opisyal na listahan ng Comelec ng mga kumakandidato sa pagka-senador naman.

Tunghayan ang buong listahan ng Comelec DITO.

Continue Reading

current events

Cayetano, Tulfo nanguna sa pinakabagong senatorial survey ng Pulse Asia

Published

on

By

Nanguna sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at broadcaster Raffy Tulfo sa pinakabagong senatorial survey na inilabas ng Pulse Asia nitong Miyerkules, Disyembre 22.

Top choice ng mga respondents ang nagbabalik sa Senado na si Cayetano na mayroong 64.1 %. Sinundan siya ni Tulfo sa pangalawang puwesto na mayroon namang 60 %.

Imahe mula sa PNA

Ang survey ay isinagawa ng Pulse Asia sa pagitan ng petsang Disyembre 1 hangga Disyembre 6.

Pasok din sa Top 5 ang mga dating senador na sina Loren Legarda (58.7%) at Francis ‘Chiz’ Escudero (53.9%) at si dating Public Works Sec. Mark Villar (51.3%).

Pareho ring nagbabalik sa Senado sina Legarda, na kasalukuyang kinatawan ng Antique, at si Escudero na nakaupo bilang gobernador ng Sorsogon. Si Villar naman ay dating miyembro ng gabinete ng administrasyong Duterte bago ito nag-resign upang sundan ang yapak ng kaniyang mga magulang sa Mataas na Kapulungan.

Imahe mula sa Pulse Asia

Maliban sa naunang lima, preferred candidates din ng mga respondents sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri (49.4 %); dating Vice President Jejomar Binay (44.7%; Sen. Joel Villanueva (41.6%); Sen. Sherwin Gatchalian (40.1%); Pres. Rodrigo Duterte (35.8%); Robin Padilla (35.6%); Sen. Risa Hontiveros (35.5%) dating senador Jinggoy Estrada (34.4%); at dating senador JV Ejercito (32.1 percent).

Humahabol din sa 14th to 16th na puwesto si dating senador Gregorio Honasan (30.5%); at si Senador Antonio Trillanes III (27%) sa pang-15th hanggang 16th na puwesto.

Bongbong, Inday Sara nanguna rin

Nanguna rin sa kaparehong survey sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio.

Malayo ang naging agwat ni Marcos (53%) kay Vice President Leni Robredo na pumangalawa at mayroon lamang 20%.

Imahe mula sa Pulse Asia

Kapwa nakatanggap naman ng 8% sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao, habang 6% naman ang nakuha ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Samantala, pinangunahan naman ni Inday Sara ang vice presidential survey na mayroong 45%. Siya ay sinundan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nakatanggap ng 31%.

Imahe mula sa Pulse Asia

Pumangatlo naman si Senador Kiko Pangilinan na mayroon lamang 12%; habang nasa pang-apat na puwesto si Doc Willie Ong (6%) at pang-lima si Rep. Lito Atienza (1%).

Ang naturang survey ay isinagawa sa 2,400 respondents na edad 18 anyos pataas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at may +/- 2% margin of error.

Continue Reading

Trending