Connect with us

social media

Buyer laking gulat nang matanggap nang nakarolyo ang stuffed toy na inorder

Published

on

Isa ka ba sa mga nahilig na sa online shopping? Naging buyer ka na rin ba ng stuffed toy online?

Para mabawasan ang paglabas-labas ngayong pandemya, mas dumami pa ang tumangkilik ng iba’t ibang online shopping apps, at hindi maitatanggi kung gaano kalaki ang naiambag nito sa gitna ng ganitong situwasyon. Gayunman, hindi rin maitatanggi ang mga disadvantage na kaakibat nito, lalo na at hindi nakikita ng bibili ang aktwal na produkto.

 

Kamakailan lamang, ikinagulat ng isang buyer nang dumating ang inorder niyang Pokemon stuffed toy sa isang online shop. Sa halip kasi na ang inaasahang may kalakihang package, isang maliit na supot na para bang nakarolyong face towel ang na-deliver sa kanya.

 

Image via Pokedex and Extras | Facebook

 

Sa pamamagitan ng Facebook page na Pokedex and Extras, ikinuwento niya na nagduda pa siya noong una kung sa kanya ba talaga ang dumating na package. 

Ngunit nang buksan niya, laking gulat niya nang makitang ang nakarolyo pala ay talagang ang stuffed toy na inorder niya.

“For a second there, I thought I got the wrong package. LOL, how did they fit you in there, Snorlax?” saad sa caption ng post.

 

 

Libo-libong social media users ang nag-react at nag-iwan ng kumento sa nasabing post. 

May mga natawa sa nangyari at sa hitsura ng karakter na parang naging nakakatawa dahil sa epekto ng pagkakarolyo. Biro pa ng ilan, malamang daw sa malamang ay magkakasya ito sa maliit na supot dahil ang mga Pokemon o “pocket monsters” ay nagkakasya sa maliliit na Pokeball.

“We all catch it with Pokeball, you know, and it fits! And you’re asking how it’s fit in the parcel?” ani H. Ibrahim.

“Now, you know how Pokemon fit into a Pokeball,” wika ni G. Chow.

“He even fits inside a Pokeball,” sabi naman ni F. Ho.

Mayroon din namang mga nabahala sa kalidad ng produkto ng stuffed toy na dumating at nais alamin kung saang shop nabili ito.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrity

Madam Inutz hinirang bilang ‘Outstanding Social Media Influencer’

Published

on

By

Ginawaran ang dating online seller at ngayon ay sikat na ring showbiz personality na si Daisy Lopez aka Madam Inutz ng award bilang ‘Outstanding Social Media Influencer’ para sa taong ito.

 

Ang parangal ay iginawad ng Gawad Amerika, isang non-profit organization na nakabase sa California, USA.

Ibinahagi rin ni Madam Inutz sa isang Facebook post ang kaniyang pasasalamat sa pagkakatanggap ng naturang award.

“Sa dami ng kaganapan sa buhay ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari pala talaga ‘to,” ani Madam Inutz. “Sa simpleng pagtitinda ng damit kahit papano magbigay ng good vibe sa  ating mga kababayan p’wede ka palang parangalan.”

Kung matatandaan, si Madam Inutz ay sumikat matapos maging patok sa mga netizens ang kaniyang kakaiba at nakatutuwang istilo ng pagla-live selling sa Facebook.

 

Kinagiliwan ng kaniyang followers ang pagtawag niya ng ‘mga inutil’ at pagmumura sa mga nanonood sa kaniya online. Dito rin nanggaling ang kaniyang pangalan na Madam Inutz.

Kabilang sa kaniyang pinasalamatan ang mga OFWs na patuloy na sumusuporta sa kaniya at ang kaniyang manager na si Wilbert Tolentino.

“Nawa’y ‘wag kayong mapagod sumuporta sa ‘kin at lalo ko pang pagbubutihin ang magbigay ng kasiyahan sa inyo sa paraang alam ko,” anito.

“Salamat sa buong pusong tiwala mo sakin Sir (Wilbert), asahan mong mamahalin at pahahalagahan ko ang mga nabuo nating Samahan,” dagdag pa niya.

Kalalabas lamang ni Madam Inutz sa katatapos lamang n aPinoy Big Brother Kumunity Season 10 kung saan nakapasok ito sa Top 5.

Continue Reading

social media

Viral: Customer na nanapak ng Grab rider, tinapon raw ang pagkain; nagalit dahil ‘walang panukli’

Published

on

By

Screenshot mula sa Facebook| Mike Motovlog PH

Viral ngayon sa social media ang video ng komprontasyon ng isang customer sa Taguig City at isang Grab rider na nag-deliver ng pagkain.

Ang naturang video ay ibinahagi ng Facebook page na Mike Motovlog PH at humakot na ng mahigit 6 milyong views, 122K reactions at 61K comments. Mayroon na rin itong halos 100K shares sa Facebook.

Mapapanood sa video ang galit na galit na customer na ilang beses inambahan at sinigawan ang kawawang rider.

‘Walang panukli’

Kuwento ng rider sa isang hiwalay na video, kalalabas lamang niya noong araw na iyon at ang nasabing customer ang kaniyang unang delivery.

May pera naman daw siya talaga subalit  naipasok na niya sa GCash para sa Grab. Ang natira na lang daw sa kaniyang wallet ay P300 cash.

Pagkadeliver daw niya, tinanong niya ang customer kung may ‘smaller bill’ ito dahil wala siyang panukli sa P1,000, subalit mayroon sa P500. Pinakita pa raw niya ang bag na P300 na lamang ang hawak niyang cash.

Doon daw nagalit ang customer at lalo pa itong nag-init nang tanungin niya kung mayroon itong ‘smaller bill’.

Sa pagkakataong iyon din umano ay tinapon ng lalaki ang pagkain kaya nainis na rin siya.

Tanong pa raw sa kaniya ng customer, “Anong gusto mo, ako pa ang magpabarya?”

Subalit nagpaliwanag naman daw siya na hindi ganun ang ibig niyang mangyari dahil may panukli naman siya kaya lang sa P500.

Sa video, makikitang ilang beses hinablot, sinigawan at kinalmot pa ng customer ang rider hanggang sa mamagitan na ang asawa ng galit na galit na lalaki.

Iginiit naman ng rider na wala siyang planong patulan ang customer kahit pa sinaktan na siya nito.

Grab iimbestigahan ang insidente

Nangako naman ang Grab na iimbestigahan nila ang pangyayari matapos makarating sa kanila ang video na itinag ng isang netizen.

“Thank you for bringing this to our attention. Rest assured that this consumer behavior is not tolerated on our platform and investigation is already underway,” anang Grab sa isang pahayag.

“Consumer behavior is not tolerated on our platform. Our teams are already looking into it and are coordinating with the parties involved,” dagdag na komento nito sa kanilang Facebook page.

Maraming netizen din ang nagalit sa lalaki dahil sa pananakit nito sa kawawang rider. Turan pa ng ilan, matapang lang daw ang lalaki dahil nasa lugar nila ito.

Samantala, may kumakalat namang larawan kung saan makikita ang isang lalaking hawig ng naturang customer na nakaposas at may pinanood sa cellphone. Ito umano ang lalaking nanakit sa rider at nahuli.

Subalit wala pang kumpirmasyon ang awtoridad kung totoo nga na nadakip na ang lalaki sa video.

I-Click ang imahe sa ibaba upang mapanood ang buong video:

Continue Reading

social media

‘Masayahing pustiso’ nabili ng netizen online, naghatid ng kaaliwan sa social media

Published

on

By

Nasubukan mo na bang bumili ng pustiso online? Ito ang huwag na huwag mong gagawin kung ayaw mong magaya sa isang netizen na bumili umano sa isang online store ng isang upper set na pustiso.

Tulad ng dapat asahan, hindi ito naging akma sa kanyang bibig.

Hindi umano napigilan ang magkahalong emosyon – tuwa ba  at pagkadismaya – ng isang netizen nang matanggap nito ang pustiso na binili raw niya sa isang online shop.

Ayon sa nag-post sa Facebook ng mga litrato na si Weng Barbadillo Formentera, ang pustiso ay nabili sa online application na Shopee, ngunit hindi naman tiyak kung sa Shopee nga ba.

“Salamat shoppe Naabot ndaw iyang gi order na pustiso haha,” ani Weng.

Halatang-halata na hindi ito akma sa kaniyang bunganga matapos niya itong isukat at magposing ng kaniyang mahiwagang smile. Sa lahat ng larawan ay makikitang tila hindi na niya maitikom ang kanyang bibig – dahil sa sobrang laki ng pustiso?

Gayunpaman ay marami pa ring mga netizens ang naaliw dahil sa hatid nitong katatawanan – may kalakihan kasi at tila tabingi ang pustiso nang ito’y isuot. Tinawag pa itong ‘masayahing’ pustiso ng ilang social media users — “Masayahin yung pustiso ah.. Naka smile kahit nasa kamay lang.”

Bagama’t mas lamang ang ‘nakihalakhak’ sa panig ng netizens, mayroon din namang seryosong nagbigay ng paalala na ang denture ay hindi dapat binibili sa online shops kundi sa mga dentista mismo. Made to order kasi ang dentures at kailangang ilapat sa bibig at gilagid ng magsusuot nito.  Magkaaberya man ay nagagawan pa ito ng paraan.

Samantala, bagamat 2020 pa nang ito ay unang naibahagi sa social media, muling kumalat ang kwelang post sa maraming Facebook pages.  Humakot na ng 24k shares at mahigit isandaang komento ang post ni Formentera.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“Pirmi nang nakangisi hahaha”

“Hightech na talaga ngayon pati pustiso sa online na bibilhin, ayan tuloy mas malaki pa ata ang inorder mong pustiso kaysa baba mo.”

“Sa dentista kc kahit medyo me problema nagagawan ng paraan, e jan sa online wala pati pera mo ndi nila isosoli ayan tuloy nangyari sau.”

“Mawalang galang na po dapat po sa dentist ang pustiso Di po inoorder baka ho used na yan.”

Continue Reading

Trending