Connect with us

celebrities

Derek Ramsay at Ellen Adarna ikinasal na

Published

on


Ikinasal na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. 

Simple pero elegante ang pag-iisang dibdib ng dalawang celebrities na ginanap sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort, sa Bagac, Bataan noong Huwebes, Ika-11 ng Nobyembre, na pinaging mas romantiko dahil dapithapon iyon sinimulan kung saan ang sunset ang naging backdrop ng garden wedding ceremony na tanging malalapit na mga kaanak at malalapit na kaibigan ng bride at groom ang imbitado.

Kabilang sa mga naroroon ang anak ni Ellen na si Elias Modesto, na nagsilbing ring bearer, at ang anak ni Derek na si Austin.


Base sa mga larawan ng kasalan na ibinahagi ng PEP at ng ilang video uploaders, mababanaag sa mga mata ng bride at groom ang pagmamahal na nararamdaman nila sa isa’t isa.

Habang nasa ilalim ng arko na napapalamutian ng sari-saring mga bulaklak bago simulan ang paglakad niya sa wedding aisle patungo sa altar, pinahiran ni Ellen ang mga luha ng kaligayahan na namumuo sa kanyang mga mata.

Napakagandang masdan ng akres sa suot niyang strapless wedding gown na may mataas na slit. Obra iyon ni Marc Rancy.


Mataman naman siyang tinititigan ni Derek, na napakakisig sa suot niyang pormal na suit na obra ni Bianca Cordero,  na naluha rin habang naghihintay malapit sa altar.

Sinelyuhan ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng isang matamis na halik.

Matapos niyon ay nagyakap sila nang mahigpit na tila ayaw na nilang pakawalan ang isa’t isa. Parang isang eksena naman sa pelikula ang nasaksihan ng mga naroroon nang marahang hagkan ni Derek si Ellen sa noo.


Ang wedding reception ay ginawa sa pinakamataas na lugar sa Batac doon din sa loob ng Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort.

Samantala, marami ang nagulat sa kasal nina Derek at Ellen dahil hindi naman napaulat ang petsa ng seremonya bagama’t may pahiwatig naman ang aktres na nag-post sa kanyang social media accounts ng isusuot niyang wedding dress isang araw bago ang kasalan.

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

P500K buwanang sustento ni Gretchen kay Claudine naudlot? “‘Di nasunod ang gusto ni Gretchen” – Ogie

Published

on

By

Nanghihinayang sina Ogie Diaz at ang kaniyang co-host na si Mama Loi sa sustento umano dapat ni Gretchen Barretto sa kaniyang kapatid na s Claudine na hindi na raw natuloy.

Sa kuwentuhan ng dalawang host  sa “Ogie Diaz Showbiz Update” nitong Miyerkules, Enero 19, napag-usapan nila ang tungkol sa magkapatid na Barretto.

Kabilang na rito ang  naging ‘hugot’ ni Claudine tungkol sa umano’y ‘panloloko at pandaraya’ sa kaniya ng mga taong itinuring niyang kaibigan at pinagkatiwalaan pa.

Napag-usapan rin nina Ogie at Mama Loi ang pagkandidato ng aktres bilang konsehal sa Olongapo City. Subalit ang mas naging interesting sa mga nanonood ay ang ‘tsika’ hinggil sa naudlot na sustento ni Gretchen sa kaniyang bunsong kapatid.

“Pangalawa mayroong nagtsika sa akin. Dapat pala itong si Claudine ay sinusuportahan na dapat ni Gretchen Barretto. Kaya lang medyo hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen na para rin kay Claudine,” paglalahad ni Ogie.

“Kaya lang parang hindi yata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya. So sayang ‘yung supposedly P500 thousand a month na supporta ni Gretchen kay Claudine,” patuloy pa ng talent manager.

Nilinaw rin ni Ogie na wala itong kinalaman sa pagiging magkasama nina Claudine at Marjorie noong New Year. Sa unang bahagi pa lamang raw ng 2021 niya narinig ang isyung binabanggit niya.

BASAHIN: Claudine at Marjorie, present sa New Year celebration ng Barretto family, nagkabati na nga ba?

“Kung hindi siguro tumakbo si Claudine, eh malamang nasuportahan siya ni Gretchen ng P500,000 a month,” ayon pa sa showbiz writer/host.

‘’Yung ‘diretso’ lang ang buhay… ‘yun ang narinig natin, ha?” dagdag pa ni Ogie.

Iginiit din ni Ogie Diaz na maaayos pa rin naman ang relasyon ng magkapatid at ‘love’ naman nila ang isa’t-isa.

Kaya lang daw sa ‘checklist’ ni Gretchen na gustong mangyari kay Claudine, mayroong hindi raw nagawa ang huli.

Hindi naman na isiniwalat ni Ogie ang ‘kondisyong’ hinihingi ni Gretchen.

Panoorin ang buong episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update”:

Continue Reading

celebrities

‘Nahirapan din kaming maghanap’: Neri at Chito sa Lazada pa nakabili ng meds at vitamins para sa kanilang staff

Published

on

neri chito lazada

Katulad ng maraming Pilipino na nahirapang bumili ng gamot sa unang buwan ng 2022, hindi rin naging madali para sa celebrity couple na sina Neri Naig at Chito Miranda ang paghahanap nito kaya naman naisipan na nilang umorder sa online shopping platform na Lazada.

Sa Instagram, ibinahagi ni Neri na naghanap din sila ng mga gamot at vitamins para sa kanilang staff ngunit nabigo silang makabili dahil out of stock sa mga malapit na botika. Dahil dito, umorder na lamang sila sa Lazada at matiyagang naghintay sa pagdating nito.

neri chito lazada

“Finally! Dumating na ang meds at vitamins na inorder ko sa Lazada for our staff. Because health is wealth!” saad niya sa caption ng litrato ng mga parcel na dumating sa kanila.

Ikinatuwa ng maraming social media users ang post ni Neri dahil patunay lamang daw ito na mayroon silang pagpapahalaga sa mga empleyado nila, na kahit gaano kahirap maghanap ng supply ng gamot at vitamins ay nagawan nila ito ng paraan.

neri chito lazada

Samantala, dahil daw sa naranasan nilang hirap sa pagbili ng gamot, naisip tuloy ni Neri na baka panahon na upang muli silang magtayo ni Chito ng botika; na siyang unang negosyong itinayo nila noong magkasintahan pa lamang silang dalawa.

“Since nahirapan din kaming maghanap ng meds, buhayin ba ulit namin ang Miranda Pharmacy? ‘Yan ang unang negosyo namin ni Chito noong mag-BF/GF pa lang kami. Walang alam sa negosyo, ayon lugi!” aniya.

neri chito lazada

Matatandaang ilang business na rin ang sinimulan ni Neri at ng kanyang asawang si Chito at karamihan sa mga ito ay talagang kumikita at lumalago. Kilala rin ang aktres sa pagiging maabilidad at maalam pagdating sa investments, kaya naman maraming mga ilaw ng tahanan ang sumusubaybay sa kanya at binigyan pa siya ng bansag na “Wais na Misis”.

Continue Reading

celebrities

Partner ni Romnick inirereklamo raw ng mga customers sa online selling – Ogie

Published

on

By

Inirereklamo umano ng mga customers niya sa online selling ang partner ng aktor na si Romnick Sarmenta na si Barbara Ruaro.

Si Barbara ay nagtitinda ng mga designer bags at damay na rin umano sa isyu si Romnick.

Sa pinakahuling vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi, ibinahagi ng huli na inaakusahan si Ms. Barbie ng kaniyang mga kustomer na nangunguha ng bayad subalit hindi umano ipinapadala ang mga items.

Minsan naman daw ay peke ang mga bag na ipinadadala kaya marami ang nagalit at humihiling ng refund.

Ayon naman kay Ogie, nilinaw niya ito kay Romnick dahil friends sila sa Facebook. Tinanong raw niya kung nagbebenta ng bags si Ms. Barbie na kinumpirma naman ng aktor.

“Nagbebenta siya ng bags at mga pinabenta nung supplier niya. Pero napapagod na eh, ang daming scammers at bullies na bumibili. So bakit daw? Kasi nga, may nagtimbre sa akin, o may nag-message sa akin na humihingi ng tulong. Baka raw pwedeng ma-recover yung binayad niya,” ito umano ang message sa kaniya ni Romnick.

“Eh parang pinangakuan ata sila ni Barbie na huhulug-hulugan sa ATM. So sinend ko kay Romnick, sabi naman ni Romnick, na-encounter na raw niya ‘yung person na ‘yun, ‘yung nag-send sa ‘kin ng message, at minessage din daw siya nito. Ito’y last May 25, 2021,” patuloy ni Ogie.

Iginiit pa raw ng aktor sa kaniya na marami na silang na-refund at ipinaliwanag naman nila na may limit ang ATM transactions.

Naipadala na rin umano nila ang ibang bags sa mga willing maghintay.

Kinausap na rin daw ni Romnick ang kaniyang partner na tigilan na ang pag-o-online selling dahil marami ring nambubudol sa kanila.

“Ang style, naipadala na namin ‘yung bag, authenticated, tapos ipipilit na fake at manghihingi ng refund pero hindi isasauli ‘yung bags. Hindi sa ipinagtatanggol ko, pero nakikita ko kasi at gumagastos kami sa authentication at dumarating ‘yung slip through delivery services. Meron lang talagang mga pushy, ‘yung nagpipilit,” kuwento nito.

Dahil sa nangyari, ipinasa na nila sa isang abogado ang usapin para ito ang kumausap sa ibang kliyente.

Tiniyak din ni Romnick na hindi nila sisirain ang kanilang pangalan sa halagang P40,000 lamang.

Panoorin ang buong episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update”:

Continue Reading

Trending