Connect with us

News

DOH, inaming napag-uusapan ang pagsusuot ng goggles pamalit sa face shield

Published

on


Naging mainit na usapin ngayon ang pag-aalis ng polisiya hinggil sa pagsusuot ng face shield sa publiko.

Maaalalang naglabas ng isang executive order ang lokal na pamahalaan ng Maynila na nagsasabing non-mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar maliban na lang sa mga pagamutan.

Kaugnay niyon ay naglabas si Presidential Spokesperson Harry Roque ng isang pahayag na nagsasabing walang bisa ang executive order ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso dahil labag daw iyon sa umiiral na executive policy na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Null and void siya for being in violation of an existing executive policy decreed by the President himself in the exercise of police powers,” ani Roque.

Hindi pa man malinaw kung aalisin na ang polisiya sa pagsusuot ng face shield, isa na namang bagong patakaran ang diumano ay pinag-aaralan ng Department of Health na ipatupad. Ito ay ang pagsusuot ng goggles kapalit ng pagsusuot ng face shield.

Sa isang media briefing, tinanong si Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire kung kinukonsidera ng Department of Health (DOH) na irekomenda ang pagsusuot ng goggles at double face masks kapalit ng face shield.

Sagot ni Usec. Vergeire, bahagi raw sa mga napag-uusapan ng DOH at mga health experts ang goggles. Aniya, pinoprotektahan ng goggles ang ating mga mata mula sa droplets at aerosols.


Iyan talaga ang direction ng paguusap. Primarily, kaya natin minandate na ang face shields ay gamitin natin for us to protect our eyes because there are evidence to state na ang COVID-19 can also penetrate ang eyes natin at pwede tayo maimpeksyon. Pinag-uusapan lahat ito, the possibility of these goggles and the others, nandyan po iyan, aniya.

Kinontra naman ni Mayor Isko Moreno ang posibleng paggamit ng goggles kapalit ng face shield.

“Really? Naghahanap na naman sila ng gastusin sa tao? You cannot ask people to continue to spend on something that is not viable, that is not feasible and that is not helpful… Hirap na hirap na ang tao. Mas mahal yung goggles,”  reklamo ng alkalade.



Ang rekomendasyon ng DOH hinggil sa kahihinatnan ng face shield policy ay isusumite nito sa Inter-Agency Task Force for the Management ofg Emerging Infectious Diseases sa Huwebes, ika-11 ng Nobyembre.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

News

Mayor Vico sinagot ang ‘pahaging’ ni Eusebio na ‘di raw ramdam ang Pasko sa Pasig

Published

on

By

Imahe mula sa Facebook

Sinagot ni Mayor Vico Sotto ang pahaging ng kaniyang karibal sa pulitika na si dating Mayor Bobby Eusebio tungkol sa diumano’y hindi masyadong ramdam ang Pasko ngayon sa Pasig City.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi kasi ni Eusebio noong nakaraang araw na tila kulang ang diwa ng Pasko sa lungsod ngayon dahil walang masyadong pailaw at mga parol sa lansangan.

“Parating na siya. si Hesukristo ang ating manunubos. Pasig, Ano na ang nangyari? Walang parol? Walang kumukutitap sa kalsada? Hindi maramdaman ang diwa ng Pasko,” ani Eusebio.

Screenshot mula sa Facebook| Bobby Eusebio

“Saludo kami sa mga LGUs, Barangays, na patuloy sa paggunita ng Kapaskuhan sa kabila ng pandemic ay hindi ito naging hadlang upang ibahagi ang diwa ng Pasko sa kani-kanilang mga nasasakupan,” dagdag pa ng dating alklade na tinalo ni Sotto noong nakaraang eleksiyon.

Pinabulaanan naman ito ni Mayor Vico sa isang panayam ng ABS-CBN News. Aniya, mayroon namang mga ilaw at parol subalit hindi talaga ito ganun karami tulad ng mga nagdaang Pasko.

Mayor Vico Sotto| Imahe mula sa Facebook

Wika pa ng nakaupong alkalde, mas binigyan nila ngayon ng atensiyon ang pamamahagi ng ‘Paskong Handog’ kesa sa mga dekorasyon dahil naniniwala siyang mas kailangan ito ng kaniyang nasasakupan ngayong panahon ng pandemya.

“Mayroon naman, hindi lang siguro siya nakakaikot, hindi lang ganoon karami…Halimbawa, ang nabibigyan lang dati ng Pamaskong Handog, kung sino lang yung malapit sa nakaupo,” paliwanag ni Sotto.

“Ngayon binibigyan natin lahat ng bahay dito. ‘Yun ‘yung hinahanap ng tao. Ako, bilang mayor, kung ano ‘yung gusto ng tao, ‘yun ‘yung binibigay natin using their funds,” wika pa nito.

Screenshot mula sa Twitter| Vico Sotto

Ibinahagi rin ni Mayor Vico sa kaniyang social media posts na gumastos ang pamahalaang lungsod ng Pasig ng nasa P236.4-M para ipambili ng ‘Pamaskong Handog’.

Para umano sa kaniya, parang hindi tama na sobrang magarbo ang gastos ngayong panahon ng pandemya at kailangan talaga nilang i-prioritize ang paggastos ng pondo ng lungsod.

“May ilaw naman, hindi lang ganun ka bongga, but mayroon pa rin naman,” paliwanag nito.

Screenshot mula sa Twitter| Vico Sotto

Si Mayor Vico ay muling tumatakbo bilang alkalde ng Pasig City at kaniyang makakalaban ang nakaupong Vice Mayor na si Iyo Caruncho-Bernardo.

Ang 32-anyos na alkalde rin ang tumapos sa halos tatlong dekadang paghahari ng mga Eusebio sa Pasig City nang talunin niya ang nakaupong mayor noong na si Bobby Eusebio.

Continue Reading

Health

DOH nagsagawa na ng contact tracing para sa 182 biyahero pa mula sa South Africa

Published

on

By

NAIA| Imahe mula sa Gulf News

Hinahanap na ngayon ng Department of Health (DOH) ang nasa 182 pasahero pang dumating sa bansa sa South Africa sa gitna ng pangambang dulot ng Omicron variant ng COVID-19.

Kinumpirma ng DOH nitong Biyernes, Disyembre 3, na nagsasagawa na sila ng contact tracing upang matunton ang mga nasabing pasahero na lumapag sa Pilipinas mula noong Nobyembre 15 hanggang Nobyembre 29.

Umabot sa 253 na pasahero, 249 na Pinoy at 4 na banyaga, ang dumating sa bansa sa pagitan ng mga nabanggit na petsa; nasa 71 sa mga ito ay natunton na.

Nasa 67 naman ang isasailalim pa lamang sa testing habang 3 na ang nagnegatibo sa COVID na pawang bumiyahe patungong Negros Occidental.

“The 3 South Africans who arrived in Negros Occidental last Nov. 25 and 26 are all fully vaccinated and are all currently asymptomatic. They are undergoing home quarantine in a rented house and underwent reswabbing on Dec. 1 with pending test results,” bahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ang tatlong South African expats ay nagtatrabaho bilang consultant sa isang kompanya sa Negros at sa kasalukuyan ay naka-isolate pa rin sa magkakahiwalay na bahay sa Calatrava at La Carlota City.

Samantala, mayroon ding minomonitor ngayon ang DOH na nasa 64 na Pinoy travellers na nagmula sa tinaguriang ‘red list’ na bansa. Lahat sila ay naka-isolate sa isang quarantine facility sa Metro Manila.

Isinailalim ng Pilipinas sa ‘red list countries’ ang mga bansang Botswana, Eswatini, Lesotho, Mozambique, Namibia, South Africa, Zimbabwe, Belgium, Italy, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, at Switzerland at magiging epektibo ito simula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15.

Samantala, nilinaw naman ni Vergeire na wala pang nade-detect na kaso ng Omicron variant sa bansa.

“Just to be clear, no detection yet of Omicron, we are still processing the next batch of whole genome sequences,” ayon sa opisyal.

Bumaba na rin sa 1.7% na lamang ang positivity rate sa Pilipinas matapos makapagtala ng 564 na bagong kaso ng COVID ang DOH nitong nagdaang Huwebes.  Bahagyang kumunti rin ang active cases na nasa 15,188 na lamang kumpara sa 15,327 noong Miyerkules.

Continue Reading

News

Roque inaming sumama ang loob matapos hindi i-adopt ng isang presidentiable

Published

on

By

Screenshot mula sa Facebook video| Harry Roque

Inamin ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na sumama ang kaniyang loob sa isang presidential candidate matapos siyang ‘isnabin’ nito at hindi isama sa kanilang senatorial lineup.

Si Roque ay tumatakbo ngayon sa pagkasenador at sinusuportahan ang kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos dahil ito lang umano ang nag-alok sa kaniyang maisali sa kanilang Senate slate.

“Wala namang ibang partido na nag-offer na i-adopt ako. Tanging sila lang ang nag-offer na mag-adopt,” bahagi ni Roque sa panayam ng OneNews PH.

Ayon pa sa dating Malacanang official, hindi siya inimbitahan ng isang presidentiable dahil sa pangamba ng epekto ng kaniyang pagiging dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“In fact, mayroon nga akong sama ng loob diyan sa ilang mga presidentiable, akala ko ia-adopt nila ako pero ang sabi nila, ‘presidential spokesperson ka kasi kaya mahirap kang i-adopt’,” ani Roque.

Hindi na itinago ng dating human rights lawyer na nasaktan siya dahil hindi siya inalok ng naturang presidentiable gayung itinuturing niya itong isang malapit na kaibigan.

“Actually masama ang loob ko talaga doon sa isa kasi noong panahon na siya ay mahirap ang kalagayan, ako lang ang nagsalita para depensyahan siya. Ganyan ako talaga maging loyal sa ating mga kaibigan. Maski nag-iisa akong nagsasalita at lahat ng tao ay iniiwasan siya, ginawa ko yun,” kuwento pa ng abogado.

Tumanggi naman ito na pangalanan ang kaniyang tinutukoy na kandidato sa pagka-pangulo. Aniya, sabihin na lang na sa lahat ng presidentiables, ito ang itinuturing niyang pinakamalapit sa kaniya.

“Kaya nga po nagulat ako na wala man lang offer to adopt me. Masakit po yun,” dagdag pa ni Roque.

Nang tanungin kung ang tinutukoy niya ay si Senador Manny Pacquiao, na kandidato ng PDP-Laban Pimentel wing, hindi umano ang Pambansang Kamao ang kaniyang sinasabi.

Ang isa pang kandidatong malapit sa Malakanyang ay si Senador Bong Go subalit nagdeklara na itong aatras na bilang kandidato sa pagkapresidente.

Continue Reading

Trending