Connect with us

celebrities

Gary V at asawang si Angeli patuloy na ipinagdarasal si Pangulong Duterte

Published

on

Ikinagulat ng nag-i-interview kay Gary Valenciano at sa asawang nitong si Angeli Pangilinan-Valenciano ang isinagot ng huli sa isang tanong sa segment ng radio program.

Ayon sa beteranong broadcaster-writer-producer at talent manager na si Noel Ferrer, sa isang segment ng programa ay may pa-fill in the blank doon na “I’d love to talk to ______” na sasagutin ng kanilang guests.

Walang kaabog-abog umano na sinambit ni Mrs. Valenciano na “I would love to talk to President Duterte.” Sinang-ayunan naman daw iyon ni Gary V.

Ipinaliwanag naman ni Angeli ang sagot niya.

Screenshot from PH Showbiz List video

Hindi raw niya malilimutan noon nang nagtungo silang mag-asawa sa Davao City upang bisitahin ang Davao Children’s Jail. Personal daw silang kinausap ng noon ay si Mayor Rodrigo Duterte at pinasalamatan sa pagdalaw sa nabanggit na pasilidad.

“I’ll never forget, because my grandma was from Davao. Mayor Duterte then went to see me and Gary to thank us because we went to the Davao Children’s Jail, ayon sa misis ng singer.

Sinabi raw sa kanya ni mayor na kaibigan nito ang kapatid ni Angeli na ang tinutukoy ay si Senator Kiko Pangilinan.

“Mayor Duterte told me then, ‘You know that your brother is my good friend and you have a very good man for a brother,’ kuwento pa ni Angeli.

Image from Senator Kiko Psngilinan

 

Sa kasagsagan ng pandemya ay tila naiba na ang opinyon ni Pangulong Duterte tungkol kay Senator Kiko Pangilinan kaya nais umanong malaman ni Angeli kung ano ang nangyari.

So when all these things happened, it really just broke my heart because I became his fan. Whatever mistakes he has done, and I know he’s made a lot. I’ll never forget how he said my brother was a good man, and I know that deep inside I know he knows that. So that’s what I want to talk to him about and I wanna ask him, ‘What made you change your opinion?’” sabi pa niya.

Dugtong pa niya, halos araw-araw niyang ipinagdarasal si President Duterte dahil siya pa rin ang kanyang pangulo kahit na hindi niya nagugustuhan ang ibang sinasabi at ginagawa nito.

Image from PCOO

 

“He probably doesn’t know this, but I pray for him almost everyday because he is my president even if I don’t like some of the things he says and does. Since he is the ordained president, it’s our responsibility not to hate him but to pray for him.” 

celebrities

Sen. Bong Revilla, dasal din ang hiling para kay Kris Aquino

Published

on

By

Panalangin din ang hiling at alay ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla para sa kumare niyang si Kris Aquino na dumaraan sa matinding pagsubok ngayon dahil sa estado ng kaniyang kalusugan.

Ani Bong, sana ay huwag nating hayaang mamayani ang ‘negativity’ ngayong nahaharap lahat sa matinding hamon ng pandemya.

“Sa panahong ito na dumaranas tayo ng ating kanya-kanyang pagsubok, napakahalaga po ng pakikipagkapwa-tao at pagmamalasakit sa isa’t isa,” wika ni Bong na abala ngayon sa pagpo-promote ng ‘Agimat ng Agila: Season 2’

BASAHIN: Bong Revilla, muling lilipad sa Agimat ng Agila Book 2

“We should not allow negativity to dictate our actions. We must let our compassion and humanity prevail,” dagdag pa ng senador.

Kung magugunita, si Bong Revilla ay nakulong dahil sa alegasyon ng kurapsyon na may kinalaman sa kaniyang ‘pork barrel’ noong panahon ng adminstrasyon ni Noynoy Aquino, ang kapatid ni Kris.

Subalit mistulang isinasantabi naman ng actor-politician ang usaping may kinalaman sa pulitika.

“Kaya naman nananawagan po ako sa lahat na ipagdasal po ang kalagayan ng aking kumare na si Kris Aquino, na nagdadaan ngayon sa matinding pagsubok sa kanyang kalusugan – huwag na bilang isang celebrity; o isang political figure; kundi bilang isang kapwa tao na nakikipaglaban sa karamdaman,” anito.

“Get well soon Kris. Our prayers are with you,” ayon pa sa mambabatas.

kris

Maliban kay Bong, marami pang celebrities at kilalang personalidad ang nagpaabot ng kanilang suporta sa tinaguriang ‘Queen of all Media’ dahil sa pinagdaraanan nitong hamon sa kaniyang kalusugan at personal na buhay.

Kabilang na rito sina Pokwang, Senador Kiko Pangilinan, Melai Cantiveros, at Robin Padilla.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Continue Reading

celebrities

Mariel inaming nagselos noon sa ‘bath tub scene’ nina Robin at Kris

Published

on

By

Inamin ni Mariel Padilla na nagselos siya noon sa isang eksena ng kaniyang mister na si Robin at ni Kris Aquino.

Ito ay matapos usisain ng netizens ang TV host-actress kung sino sa mga dating leading lady ni Robin ang kaniyang pinagseselosan.

“Not Ate Kris but the scene!!!” paglilinaw ni Mariel sa kaniyang Instagram stories na may kalakip pang larawan na magkasama ang kaniyang asawa at si Kris.

Pag-amin ni Mariel, immature pa siya noon kaya nahihiya siya sa kaniyang naging reaksyon.

“Kasi may love scene tapos may mga bath tub scene… tapos naka-diet ako tapos immature ako. Tapos nakakahiya kasi nag-react ako,” dugtong nito.

Sa tanong naman kung nagsisisi ba siya sa kaniyang pagseselos noon sa naturang eksena, sagot ni Mariel ay oo daw.

Aniya, “Do I regret it? Yes! Btw, love ate Kris to the max!!!”

Ayon sa Bandera, ang tinutukoy marahil na eksena ni Mariel ay sa Kapamilya teleserye na “Kailangan Ko’y Ikaw” kung saan nakasama ng dalawa si Anne Curtis.

Bago pa ang pag-aming ito ni Mariel, nag-alay ng panalangin si Robin para sa paggaling ni Kris Aquino.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel si Kris bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng binansagang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Continue Reading

celebrities

Vice Ganda may ‘power’ na magdesisyon para sa ‘It’s Showtime’?

Published

on

By

May ‘say’ umano si Vice Ganda sa mga desisyong ginagawa sa kanilang noontime show na ‘It’s Showtime’, ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz.

Ani Ogie, may nakapagsabi sa kaniyang isang source na isa si Vice Ganda sa kinukonsulta o pinagkukunan ng desisyon kapag may bagong programa o segment silang ipapasok sa ‘It’s Showtime’.

“Actually ang alam ko, e, binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show or magkonsulta sa kanya ang mga staff,” kuwento ng talent manager sa kaniyang co-host na si Mama Loi sa kanilang ‘Ogie Diaz Showbiz Update’.

Pakli naman ni Mama Loi, lumalabas na parang ‘creative consultant’ ng programa si Vice Ganda. Subalit ayon naman kay Ogie, BUH o ‘business unit head’ ang dating nito sa kaniya.

Sang-ayon naman dito si Ogie. Aniya, mas nakakahiya umano kapag ang kukunsultahin ay isang wala pa namang napatunayan sa showbiz.

“Nakakahiya naman kung kukunsulta ka sa hindi naman panalo sa show, so, siyempre doon ka kokonsulta sa tao na una tinitingala sa show, pangalawa, ‘yung source of energy ng show pinaghuhugutan nila,” paliwanag ng showbiz writer.

“Kasi sa totoo lang matalino naman ‘yang baklang ‘yan! In fairness to him kapag sa meeting-meeting ang dami niyang baon, doon niya naibubuhos,” dagdag pa ni Ogie.

Napag-usapan nina Ogie at Mama Loi si Vice Ganda matapos sabihin ni Lolit Solis na nagpa-power tripping umano ang sikat na komedyante sa ‘It’s Showtime’. Dahil dito nagparinig si Vice tungkol sa hindi magandang ginagawa raw ng mga ‘Marites’ na tila ang pinatatamaan ay si Lolit.

BASAHIN: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’

Subalit para kina Ogie, maaaring concerned lamang si Vice sa kanilang show kaya nasaktan ito sa sinabi ni Lolit. Wika pa ng dalawa, nagmamalasakit lamang ang comedian-host kaya iniisip nito ang lahat ng makabubuti sa kanilang programa.

Panoorin ang buong talakayan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ vlog:

Continue Reading

Trending