Connect with us

entertainment

Family Story: Ang Nanay na Ayaw Masanay sa Sustento

Published

on

Matagal niyang hawak ang ilang lilibuhing pera sa kanyang kamay. Mataman niya itong tinitignan. Hati ang damdamin. Natutuwa ba siya o nalulungkot?

Ilang buwan pa lamang siyang nawalan ng trabaho ngunit eto at nagsimula nang bumagsak sa kanyang palad ang mga perang hindi niya kinita. Ayuda ni bunso. Sinundan ni tersera hijo at kanina ay mula kay panganay. Kalakip ng kanilang mga ibinigay ang mga salitang “may susunod pa riyan, Nay.”

Ang kapisan niya ngayong anak na may sarili nang pamilya ang siyang namili ng dalawang sakong bigas at sumagot sa bills nila nitong buwang kasalukuyan. Hinayaan siya nitong mamili ng mga nais niyang mabili sa pamilihan. Panay pa nga ang kanyang tanong “kung puwede ba kumuha nito” sa ilang aytem. Natatawa si anak. Hindi kasi siya sanay na hindi siya ang gumagastos. Nakakapanibago.

Hindi naman siya nanghihingi. Nakararaos pa naman bagama’t kaunti lamang ang kanyang naitatabi. Ngunit sa mga ginagawa ng kanyang mga anak, hindi ba dapat ay isantabi na niya ang lungkot? 

Naroon pa rin kasi ang kanyang pagnanais na manatiling head of the family. O baka naman sadyang“ayaw niyang maging pabigat…?”

Nasanay na kasi siyang siya ang breadwinner ng pamilya. Iginapang niya ang pag-aaral at ang pagbuhay sa mga ito. Kabi-kabilaan ang kanyang raket at loans makaraos lamang sila. Kahit nang makapagtapos at magkatrabaho na ang kanyang mga anak ay mas pinili niyang siya ang sandigan ng kanyang mga anak. 

“I-enjoy n’yo ang pinaghirapan n’yo. Mag-ipon, bumili ng nais basta’t hindi makasasama, Paghandaan n’yo ang inyong future dahil wala naman akong maipapamana.”

At ganoon nga ang ginawa ng kanyang mga anak na mga single pa noon. Dahil galing sila sa buhay na maiksi ang kumot, ‘ika nga, lalo na noong nagsisipag-aral pa sila at nagsikap na makakuha ng trabahong pandugtong sa kanilang mga pangangailangan, sinimulan nilang bilhin ang mga bagay na dati ay pangarap lamang. Mga gadgets, mga damit, kagamitan sa bahay, computers, at masasarap na pagkain — time to enjoy nga naman! Maging siya ay nabiyayaan na rin ng mga cellphones, computer at kung anu-ano pa. Hindi naman kasi siya palabili para sa sarili?

Nang nagkapamilya ang dalawa niyang anak na lalaki, nagsikap silang magkaroon ng sariling bahay katuwang ang kanilang maybahay. Hindi man masasabing sila’y naging mayaman, komportableng buhay ang tinatamasa nila ngayon kapiling ang kanilang mga anak. Ang bunso ay nagsimula na ring gumawa ng sariling buhay at patungo na sa pag-iipon para sa sariling bahay.

Sa kabuuan, isa na siyang masayang ina at lola sa tatlong apo. Palipat-lipat siya sa tatlong bahay pagkat nag-aagawan ang kanyang mga anak sa kanya. Kung alam lang nila, labis ang tuwa sa puso ng kanilang ina na ang turing sa kanila ay ang kanyang mga tunay na yaman. “My treasures” nga kung tawagin niya ang kanyang mga anak at mga apo.

Dumating ang pandemya. Maraming nagsarang kompanya. Kasama si nanay sa mga nawalan ng pagkakakitaan.

“Magpahinga ka na kasi, Nay…”

“Kami na pong bahala sa ‘yo…mag-relax ka na lang…”

“Labis-labis na ang tinrabaho mo sa buhay mo, Nay, noon ka pa namin pinapatigil, ang tigas ng ulo mo…”

Buntong-hininga… parang labag sa kanyang kalooban ang tumigil sa paghahanapbuhay. Nakasanayan na kasi? O baka naman ayaw lang niyang masanay sa sustento? Malayo pa naman kasi ang lalakbayin ng kanyang mga anak sa kanilang tinatahak na landas habang siya naman ay nasa dapithapon na ng kanyang buhay.

Ilang araw siyang tahimik na nagdasal…panahon na nga bang tumigil, Ama? 

May dumapong ibon sa kanyang tabi habang nakaupo siya sa beranda ng kanilang bahay. Malaya na nga pala siyang lumipad at gawin ang mga nais niya para sa sarili. “Me time…”  ang sariling hobbies nga naman ay puwede na niyang balikan. Mga simpleng bagay lang naman ay nagpapasaya na sa kanya gaya ng pagbabasa at pananahi. Isali na riyan ang paglilibang sa cellphone games!  hahaha

Ang Pagtanggap

“Salamat, Ama, sa mga mabubuting anak na ipinagkatiwala mo sa akin.”

Panahon na nga siguro ng pahinga at magpakananay na lamang siya…at lola sa kanyang mga apo.

Panahon na nga siguro para masanay na siya sa “sustento ng pagmamahal”  na kusang ibinibigay ng mga anak na nagpapasalamat sa pagkakaroon ng mga magulang na minahal sila at inihanda para sa mas magandang kinabukasan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrity

Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Published

on

By

Muling humingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon hinggil raw sa ‘maingay na pusa’.

Kung matatandaan, mga ilang buwan na ang nakararaan nang mag-viral ang naging pahayag ng Kapamilya aktres sa ‘It’s Showtime’ na ikinagalit ng ilang netizens.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,”  ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Kaagad namang nag-sorry ang aktres at ipinaliwanag na hindi naman talaga seryoso ang kaniyang sinabi.

Subalit isang netizen ang muling umungkat nito matapos sumulpot ulit isa internet ang video ni Kim tungkol sa kaniyang sinabi. Pinayuhan ng netizen si Kim na mag-apologize bago pa lumala ang sitwasyon.

Sa kaniyang Twitter post, ipinaliwanag ni Kim na nais na sana niyang manahimik dahil mga ilang buwan na rin ang nakararaan nang mangyari ito.

“I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, putol ang video na kumakalat ngayon dahil hindi rito isinama ang kaniyang paliwanag at paghingi ng paumanhin.

“Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin,” aniya.

Nakalulungkot lang daw na kahit wala ka pa namang ginawa ay naging masama ka na agad sa mata ng iba, samantala hindi umano napapansin ang ‘magaganda’ mong nagawa.

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Kim Chiu sa ikalawang pagkakataon.

Aniya, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.”

Nakiusap rin ang ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang mga haters at detractors na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil wala naman talagang nasaktan.

Continue Reading

entertainment

Vice Ganda, ‘di dapat nagbabalat-sibuyas kung kasingkapal ng repolyo ang mukha – Cristy Fermin

Published

on

By

May panibagong banat ang kolumnista at show host na si Cristy Fermin sa komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa isyu ng pagiging “marites.”

Magugunitang hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang pahayag ni Lolit Solis na naaalarma siya sa mga balitang nagpa-power tripping ang komedyante sa “It’s Showtime” noontime vairety show…na ang komedyante umano ang nasusunod sa lahat ng galaw ng programa.

May bwelta naman si Vice kay Lolit na binanggit pa niya ang pangalan sa noontime show. Sinabi niya na kasunod daw ng mga magnanakaw ay ang mga marites.

“Kaya ang daming nagpapaka-Marites kasi akala nila ay pag Marites, cute ka. No. Ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, kriminal, Marites,” ganting banat ni Vice sa pahayag ni Lolit, na ipinagtanggol naman ng katoto niyang si Cristy Fermin.

Sabi ni Cristy Fermin, totoong may mga katrabaho si Vice Ganda na masama ang loob dito, subalit hindi lang makapagsalita nang diretsahan.

“Maraming nakakarating na kwento kay Manay Lolit na gusto nga niyang isipin na hindi totoo pero ang daming nagpaparating sa kanya na marami na rin daw po ang masama ang loob kay Vice Ganda sa Showtime at hindi lamang po makapagsalita dahil alam n’yo na this,” ani Crity Fermin.

At sa latest episode nga ng “Cristy Ferminute,” muling may banat si Nay Cristy kay Vice Ganda.

Hindi raw dapat nagbabalat-sibuyas si Vice kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha.

“Huwag kang nagiging balat-sibuyas kung kasingkapal na ng repolyo ang mukha mo. Kasi nagbabalat-sibuyas ka pa, nagagalit ka pa kapag ang marites pinagpipistahan ka ,” ani Nay Cristy.

Bakit daw ba nagagalit si Vice sa mga marites samantalang ang mga isyu na pinag-uusapan ay galing din naman sa mga posts ng komedyante.

“Ano’ng malay ng publiko sa buhay n’yo. Sa iyo ‘yan nanggagaling. Kaya huwag nagbabalat-sibuyas kung kasingkapal ng kung anu-anong gulay ang mga mukha. Tigilan mo ang pagpo-post tungkol sa sarili mo at kay Ion at sa kung ano ang kayamanang nasa iyo, wala ka ring matitikman na kahit ano mula sa mga marites.”

Continue Reading

entertainment

Kris, nasaktan sa pagbabalewala ni Mel Sarmiento sa damdamin ni Bimby

Published

on

By

Excited ang mga nagmamahal kay Kris Aquino nang mabalitaan na posibleng magkabalikan sila ng ex-fiance na si Mel Sarmiento.

Isinulat kasi ng entertainment columnist na si manay Lolit Solis na may mga senyales daw na babalikan ni Mel si Kris dahil talagang mahal daw niya ito. Pero sinabi mismo ni Kris na walang balikang magaganap.

Image from Kris Aquino

Halos wala na raw respetong natitira si Kris para sa dating nobyo dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Napagtanto raw niya na ginamit lang siya ni Mel at hindi naman talaga minahal.

Ang lalo pang ikinasasama ng loob ni Kris ay ang pagbabalewala ng dating kasintahan sa naramdaman ng anak na si Bimby tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

Ni minsan daw ay hindi kinumusta ni Mel ang kalagayan ni Bimby.

“It became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him… let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” lahad ni Kris.

Nalaman din umano ni Kris na ilang beses nagmensahe kay Mel ang ate niya sa pagbabakasakaling maayos pa ang kanilang relasyon.

Subalit hindi man lang umano pinansin ni Mel ang ate ni Kris.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him and hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” sabi pa ni Kris.

At ang pinakasukdulan daw ay nang malaman niya na nag-imbento si Mel ng maraming kuwento para lang masabi na close ito sa yumaong si Pres. Noynoy Aquino.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag-imbento ng napakaraming kwento bilang “patunay” na close talaga sila ni Noy,’ ani Kris.

Continue Reading

Trending