Connect with us

entertainment

Gusto mo ba ng bouquet of dried flowers na may 30 P1000 bills?

Published

on

 


Madalas nating sabihin na “it’s the thought that counts”, pero paano kung bigla na lamang may magbigay sa iyo ng isang bouquet na may kasamang tatlumpung piraso ng tig-P1000 bills?

Sa Facebook, ibinahagi ng isang page ang isang asul na bouquet ng dried flowers at P1000 bills, kung saan ito nakakuha ng maraming atensyon mula sa mga social media user.

“Ganito talaga gusto kong bulaklak,” saad ng page na Note. sa caption ng mga litratong ibinahagi nito.

Maraming netizens ang natawa at nag-iwan ng mga nakaaaliw na kumento sa post na nakakuha na ng lampas 58,000 reactions at mahigit 193,000 shares, as of posting. Mayroon ding mga napa-“sana all” at humiling na sana ay makatanggap din sila ng katulad nito.

Samantala, ang Facebook user naman na si J. Nicomedez ay nagbiro na malamang sa malamang ay seasonal ang mga “espesyal na bulaklak” na nasa bouquet na ito at namumukadkad lamang sa buwan ng Disyembre kung kailan kabi-kabilang bonuses at incentives ang natatanggap ng mga tao (aba, malapit-lapit na rin naman), o hindi kaya’y tuwing araw ng suweldo.

“Ahhh, ‘sensya na po. Seasonal lang po kasi ‘yan. Kadalasang namumulaklak ang mga iyan tuwing: December, 13th month pay, kinsenas (15th), at katapusan (30th),” aniya.

Ang Bloom Artisan ay isang flower store na ang specialty ay ang pag-aayos ng dried flowers sa pinakamalikhaing paraan para maging kaaya-aya ito sa bibili o sa pagbibigyan. Ang mga dried flowers na ginagamit nila sa bawat likha ay tumatagal daw sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon at ang pinakalayunin daw talaga nila ay mapreserba ang magagandang alaala na kakabit ng mga ito.
Ayon sa shop, ang bouquet na naglalaman ng 30 blue bills ang kanilang “first-ever grand money bouquet”.

“Know their favorite color but can’t think of what to give for the special occasion? Let them shop to their heart’s desires. P30,000 cash with dried flowers that could last for years! Our first-ever grand money bouquet! Thank you so much to our dear client for trusting us to be part of your surprise!” saad nila sa caption ng Instagram post kung saan nila ibinahagi ang espesyal na bouquet na ito.


Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

entertainment

Zia Dantes, kinagigiliwan ng mga netizens sa pagtulong sa gawaing-bahay

Published

on

By

Sabi nga ng mga matatanda habang bata pa ay turuan na ang mga anak sa gawaing-bahay upang sa paglaki nila ay madali na ito para sa kanila.

Sino ba naman ang hindi matutuwa sa mga batang maliliit pa lang ay natuturuan na ng mga house chores?

Katulad na lamang ng panganay na anak ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na marunong na palang maghugas ng plato.

Isang malakas na bulong ang maririnig sa camera, na parang sinusubukang makuha ang atensyon ng bata. Nang nakita na nagre-record ang nasa likod ay agad naman itong nagbigay ng isang magandang ngiti.

Sa ibinahaging video clip ng thedongyanatics sa Intagram, makikitang naghuhugas si Zia ng mga kubyertos. “Ang sipag naman!” saad sa caption.

Kaya naman maraming followers ang kinagigiliwan si Zia at nagkomento sa video clip nito.

“Wow marunong siya maghugas.”

“I salute to your parents ate Zia anak ng mayaman pero tinuturuan sa gawaing bahay.”

“Sipag naman ni Ate Z!”

“Nakakatuwa ka Maria Letizia, malinis, matalino, masipag, maganda, Manang mana sa MaMa Marian, Very good.”

“Nice! Good training, proud parents.”

Kinagigiliwan ng mga netizens ang celebrity kid dahil hindi lamang maganda ang bata kundi matalino at masipag pa! Talagang alagang mommy Marian ah!

Napakaresponsable at napakasipag ni Zia sa edad na 6 na taong gulang. Makikita talaga na maayos ang pagpapalaki ng mag-asawa.

Hindi lamang iyon; isa ring mapagmahal  na ate si Zia sa kanyang kapatid na si Ziggy.

Si Zia ay isa ring bibong bata at may talento rin ito!

Samantala, kinagiliwan rin si Zia sa bonding video nila ng kanyang amang si Dingdong.

Habang inaawit ang “Can’t Help Falling In Love”, mapapansin na pumipikit pa si Zia habang feel na feel nito ang pagkanta sabay sa pag-strum ng gitarang tinitipa ng kanyang ama..

“Sobra galing naman baby. Woooo cute!”

“Feel na feel ang pag sing ni ate Z very good!”

“Oh my God!! … you are so beautiful!! Just keep on singing!!”

“Very good ate Z,so smart and talented.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

Continue Reading

celebrities

‘Nakaraan’ nina Ryan Bang at Yeng Constantino, naungkat sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Nasurpresa ang mga hosts at manonood ng ‘It’s Showtime’ nitong Biyernes, Enero 28, nang biglang maungkat ni Yeng Constantino ang ‘nakaraan’ nila ni Ryan Bang.

Nagsimula ito sa komento ni Yeng  sa isang contestang ng ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan isa sa mga hurado.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga,” panimula ng singer, sabay hirit “‘Di ba, Ryan?”

Dahil sa pambubuking ni Yeng, napilitan tuloy si Ryan na umaming nanligaw siya dati sa singer matapos usisain ni Vice Ganda tungkol dito.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng South Korean actor-host.

Kaagad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

“Pero, hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” paglilinaw nito sa host.

Inamin rin ni Yeng na nakikilig siya noon nang nililigawan pa siya ni Ryan. Nalungkot din daw siya nang bigla na lamang itong tumigil sa panunuyo sa kaniya.

“Oo na-sad ako nun,” ani Yeng.

Nang usisain ni Vice kung bakit bigla na lang siyang tumigil at hindi na nagparamdam kay Yeng, napilitan na ring magpaliwanag si Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” kuwento nito.

Maliban dito, akala rin daw niya noon ay nanliligaw din kay Yeng si Richard Poon, na pinabulaan naman ng ‘Chinito’ singer.

Humingi rin ng pasensiya si Ryan kay Yeng matapos siyang ‘pagsabihan’ ni Vice Ganda.

Anito, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.”

Panoorin ang kanilang nakatutuwang pag-amin:

Continue Reading

celebrities

Angeline Quinto, Erik Santos kinakiligan ng mga fans dahil sa kanilang kulitan

Published

on

By

Nitong nagdaang Disyembre 2021 ay nagbahagi si Angeline sa kanyang Instagram ng kanyang pregnancy test result at ito ay nagpapakitang siya ay nagdadalantao na.

“Merry Christmas. Dahil Pasko ngayon, ito ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko. Ito ang pinakamagandang positive result sa buhay ko. Baby on the way, Yahooo,” aniya. Bumuhos ang pagbati sa singer-aktres mula sa mga followers at mga kaibigan sa industriya.

Ngayon naman ay kinakikiligan ng maraming fans nina Angeline Quinto at Erik Santos sa social media ang dalawa nang makita ang mga larawang magkasama sila.

Sa Instagram account ni Erik nitong Huwebes ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ng actress-singer habang nagkukulitan sila sa labas ng studio ng “ASAP Natin ‘To!”

Makikitang idinikit ni Erik ang kanyang tainga sa tiyan ni Angeline.

“Ge, narinig ko sabi nya… Mommy, patuloy ang pangarap,” pagbibiro ni Erik.

Hindi naman nagpatalo si Angeline kaya humirit ito sa comments section.

“Hahahaha. Pogs umalis kana kasi, may sinabi pa si Baby, THIS IS THE MOMENT MAMA.”

Pansinin na hango sa kanta ni Angeline ang sinabi ni Erik, sa kantang “Patuloy Ang Pangarap,” habang ang kay Angeline naman ay mula sa awitin ni Erik na “This Is The Moment.”

Matatandaang sa naging panayam kay Angeline ni Karen Davila noong Oktubre 2021, ay sinabi nitong sinubukan naman daw nila ni Erik na magkaroon ng romantic relationship, ngunit hindi talaga lumapat.

“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” ani Angeline.

“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo, kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” dagdag pa niya.

 

Nagbahagi naman ang isang netizen ng kanyang saloobin sa dalawa.

“AND IN THIS MOMENT, THE WHOLE FANDOM LOST THEIR SHITS . Omg Im cryingggg rn, I loveyouu both my AngErik. Ps. Grabee yung love mo Kuya kay Ate na kahit sa mga mahalagang pangyayari sa buhay niya di mo pa den siya pinapabayan. Get a man like Erik Santos na iche- cheer ka at hindi ka iiwan sa lahat ng ganap mo sa life.” 

“Sana kayu na lang,” saad ng isa pang netizen, at may tugon dito ang isa pang follower nila. “Pinagtagpo pero di tinadhana.”

Sa ngayon ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa. At sa darating na Mayo naman ang nakatakdang pagsilang ni Angeline sa kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz partner.

Continue Reading

Trending