Connect with us

current events

Bagong commemorative P100 coin ng BSP, nagkakahalaga ng P350

Published

on

Naglabas ang Bangko Sentral Pilipinas (BSP) ng tatlong commemorative coins upang gunitain ang taon ng kapanganakan ng tatlong personalidad na nakilala sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon sa post ng Facebook page ng BSP nitong Martes, ika-16 ng Nobyembre, ang mga nabanggit na P100 commemorative coins ay itinampok ang mga bayaning sina Teresa Magbanua, Mariano Ponce at Emilio Aguinaldo.

Ibinenta ito sa online store ng BSP sa halagang P350 bawat isa subalit kaagad umanong naubos dahil na rin sa malakas na demand nito.

Imahe mula sa Facebook ng BSP

“The latest commemorative coins issued by the BSP feature Filipino heroes Teresa Magbanua, Mariano Ponce, and General Emilio Aguinaldo. These 100-Piso coins were sold online through the BSP Store at Php350.00 each but were immediately sold out due to high demand,” ayon sa pahayag ng BSP.

Mahigit sa triple ang presyo ng nasabing commemorative coins kumpara sa tunay na halaga nito dahil na rin sa limitadong produksiyon at minted ito ng mga mamamahaling metal tulad ng ginto at pilak.

“These make the coins special, attracting great interest from numismatists and the public,” wika ng BSP.

 

Screenshot mula sa Facebook post ng BSP

Nilinaw din ng BSP na ang mga commemorative coins na inilalabas ng BSP ay nananatiling legal tender maliban na lamang kapag i-demonitize na ito ng ahensiya.

Si Teresa Magbanua ay isang matapang na guro na kasapi ng Katipunan na nakipaglaban sa mga mananakop na Kastila at Amerikano at tinaguriang “Joan of Arc ng Visayas”.

Imahe mula sa Facebook ng BSP

Si Mariano Ponce ay isa sa mga bumuo ng grupong ‘La Solidaridad’ kabilang sa tinaguriang ‘Propagandista’ sa Madrid kasama sina Marcelo H. del Pilar, Graciano López Jaena at si José Rizal.

Si Emilio Aguinaldo naman ang itinuturing na pinakaunang pangulo ng Republika ng Pilipinas at kabilang sa mga nakipaglaban noon sa mga Kastila at Amerikano.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

current events

Estudyanteng binigyan ng laptop ni VP Leni Robredo, registered nurse na; nag-volunteer sa mga nasalanta ni ‘Odette’

Published

on

By

Bilang pagpapasalamat sa tulong na natanggap noon mula kay Vice President Leni Robredo, isang registered nurse ang nag-volunteer para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Imahe mula sa Facebook | Abbygale Mitzi Traya

Sa kaniyang Facebook post, labis ang pasasalamat ng 6th placer sa November 2021 nursing board exam na si Abbygale Mitzi Traya sa  tulong at pagtitiwala na natanggap mula kay VP Robredo noong siya ay reviewee pa lamang.

“Naalala ko pa noong June 30, 2020 nang maipaabot n’yo ang isang napakalaking biyaya na ibinigay n’yo po sa akin. Ni hindi ko inaakala na mapapansin n’yo po ang isang tulad ko na galing sa Siari, Sindangan, Zamboanga del Norte. Sino ba naman po ako noon?” panimula ni Abbygale.

Sa kabila nito ay nagtiwala raw sa kaniya si VP Robredo at pinadalhan siya ng laptop na nakatulong sa kaniyang online review.

“Ngunit nagtiwala po kayo sa akin at sana po ay nagawa ko pong suklian ang kabutihang loob na ibinigay n’yo po sa akin,” aniya pa.

Imahe mula sa Facebook | Abbygale Mitzi Traya

“Ang sabi n’yo po ay di na po dapat ipagkalat ngunit ngayon, gusto ko pong malaman nila na nagsilbi ko po kayong inspirasyon upang maging isang mabuting mamamayan, ‘yong tumutulong sa kapwa at may takot sa Diyos.”

Bilang pagpapasalamat, kabilang ngayon sa mga volunteer para sa mga nasalanta ng bagyong Odette si Abbygale.

“Gusto ko po sanang mag-volunteer. Siguro po sa pagdistribute po or ano po. Wala pa po kasi akong mai-donate. ‘Yong serbisyo ko po sana ang iaalay ko po,” ani Abbygale sa mensahe sa Robredo People’s Council.

Imahe mula sa Facebook | Abbygale Mitzi Traya

Ngayong isa nang ganap na nurse, nais daw niyang masuklian ang kabutihang loob na natanggap noon.

“Hindi ko po alam kung paano ko po masusuklian ang inyong kabutihang loob, ngunit ngayon na isa na po akong ganap na REGISTERED NURSE, sasabihin ko po sa inyo na VP Leni, ako naman. Hayaan nyo po akong makabawi sa inyo po,” sabi ni Abbygale.

“Maraming salamat po sa inyong kabutihang loob at sana po ay naging proud po kayo sa akin.”

Ibinahagi naman ni VP Robredo ang post ni Abbygale at sinabing proud siya rito. “We are so proud of you,” sabi ng pangalawang pangulo.

Continue Reading

current events

Sino-sino nga ba ang 15 presidential bets na aprubado ng Comelec?

Published

on

By

(L-R) Abella, Lihaylihay.Andes, Gonzales

Inilabas na ng Commision on Election (Comelec) ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagkapangulo na naaprubahan ng ahensiya para sa 2022 election.

Mula sa dating 97 na nag-sumite ng kanilang certificate of candidacy (COC) para tumakbong presidente, nasa labinlima (15) na lamang ngayon ang pagpipilian ng mga tao.

Screesnhot mula sa Comelec

Ang 15 pangalang ito ay siyang makakasama sa paglimbag ng official ballots para darating na halalan.

Maliban sa mga presidential aspirants tulad nina Bongbong Marcos, VP Leni Robredo, Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson at Leody De Guzman, nakabilang din ang ilang indibidwal na maaaring ngayon lang nalaman ng madla na kumakandidato rin pala.

Imahe mula sa Facebook

Ang opisyal na listahan ay kinabibilangan nina:

  • Ernesto Abella (Ind.)
  • Hilario Andes (Ind.)
  • Gerald Arcega (Ind.)
  • Leody de Guzman (Lakas ng Masa)
  • Manila Mayor Isko Moreno Domagoso (Aksyon Demokratiko)
  • Norberto Gonzales (Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas)

Imahe mula sa Facebook

  • Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson (Partido para sa Demokratikong Reporma)
  • Danilo Lihaylihay (Ind.)
  • Faisal Mangondato (Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi)0523.
  • Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (Partido Pederal ng Pilipinas)
  • Maria Aurora Marcos (Ind.)
  • Jose Montemayor Jr. (Democratic Party of the Philippines)
  • Edgar Niez (Ind.)
  • Senador Manny Pacquiao (Abag Promdi)
  • Vice President Leni Robredo (Ind.)

Si Ernesto Abella ay ang dating spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging undersecretary rin ng DFA, habang si Norberto Gonzales naman ay naging defense chief at national security adviser sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Si Danilo Lihalihay naman ay dating nang naideklarang nuisance candidate noong 2016 election subalit nakapasok pa rin sa listahan ngayon ng Comelec.

Kapansin-pansin ding wala sa listahan ang pangalan ng kontrobersiyal at dating NTF-ELCAC spokesperson Gen. Antonio Parlade. Si Parlade ay papalit sana kay Antonio Valez, subalit ang huli ay napag-alamang isang independent candidate pala.

Faisal Mangondato| Imahe mula sa Facebook

Tinanggal na rin sa listahan ang pangalan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na opisyal nang nag-withdraw noong isang linggo.

Mapapansin ding dalawa ang may apelyidong Marcos sa listahan, kaya malaking hamon ito kay Bongbong Marcos na sa kasalukuyan ay nahaharap sa ilang disqualification case.

Maria Aurora Marcos| Imahe mula sa Twitter

Samantala, ang opisyal namang kandidato sa pagka-bise presidente ay sina:

  1. Lito Atienza (Abag Promdi)
  2. Walden Bello (Partido Lakas ng Masa)
  3. Rizalito David (Democratic Party of the Philippines)
  4. Davao City Mayor Sara Duterte (Lakas Christian Muslim Democrats)
  5. Manny Lopez (Workers and Peasants Party)
  6. Willie Ong (Aksyon Demokratiko)
  7. Francis “Kiko” Pangilinan (Liberal Party)
  8. Carlos Serapio (Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi
  9. Senate President Tito Sotto (Nationalist People’s Coalition)

Edgar Niez| Imahe mula sa Manila Bulletin

Bukod dito, 70 pangalan din ang nakapasok sa opisyal na listahan ng Comelec ng mga kumakandidato sa pagka-senador naman.

Tunghayan ang buong listahan ng Comelec DITO.

Continue Reading

current events

Cayetano, Tulfo nanguna sa pinakabagong senatorial survey ng Pulse Asia

Published

on

By

Nanguna sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at broadcaster Raffy Tulfo sa pinakabagong senatorial survey na inilabas ng Pulse Asia nitong Miyerkules, Disyembre 22.

Top choice ng mga respondents ang nagbabalik sa Senado na si Cayetano na mayroong 64.1 %. Sinundan siya ni Tulfo sa pangalawang puwesto na mayroon namang 60 %.

Imahe mula sa PNA

Ang survey ay isinagawa ng Pulse Asia sa pagitan ng petsang Disyembre 1 hangga Disyembre 6.

Pasok din sa Top 5 ang mga dating senador na sina Loren Legarda (58.7%) at Francis ‘Chiz’ Escudero (53.9%) at si dating Public Works Sec. Mark Villar (51.3%).

Pareho ring nagbabalik sa Senado sina Legarda, na kasalukuyang kinatawan ng Antique, at si Escudero na nakaupo bilang gobernador ng Sorsogon. Si Villar naman ay dating miyembro ng gabinete ng administrasyong Duterte bago ito nag-resign upang sundan ang yapak ng kaniyang mga magulang sa Mataas na Kapulungan.

Imahe mula sa Pulse Asia

Maliban sa naunang lima, preferred candidates din ng mga respondents sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri (49.4 %); dating Vice President Jejomar Binay (44.7%; Sen. Joel Villanueva (41.6%); Sen. Sherwin Gatchalian (40.1%); Pres. Rodrigo Duterte (35.8%); Robin Padilla (35.6%); Sen. Risa Hontiveros (35.5%) dating senador Jinggoy Estrada (34.4%); at dating senador JV Ejercito (32.1 percent).

Humahabol din sa 14th to 16th na puwesto si dating senador Gregorio Honasan (30.5%); at si Senador Antonio Trillanes III (27%) sa pang-15th hanggang 16th na puwesto.

Bongbong, Inday Sara nanguna rin

Nanguna rin sa kaparehong survey sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio.

Malayo ang naging agwat ni Marcos (53%) kay Vice President Leni Robredo na pumangalawa at mayroon lamang 20%.

Imahe mula sa Pulse Asia

Kapwa nakatanggap naman ng 8% sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao, habang 6% naman ang nakuha ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Samantala, pinangunahan naman ni Inday Sara ang vice presidential survey na mayroong 45%. Siya ay sinundan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nakatanggap ng 31%.

Imahe mula sa Pulse Asia

Pumangatlo naman si Senador Kiko Pangilinan na mayroon lamang 12%; habang nasa pang-apat na puwesto si Doc Willie Ong (6%) at pang-lima si Rep. Lito Atienza (1%).

Ang naturang survey ay isinagawa sa 2,400 respondents na edad 18 anyos pataas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at may +/- 2% margin of error.

Continue Reading

Trending