Connect with us

celebrities

John Prats, isa na sa mga direktor ng “FPJ’s Ang Probinsyano”

Published

on


Isa na rin  pala si John Prats sa mga direktor ng longest-running action-drama series sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ang pagiging isa sa mga direktor niya ng serye ay inanunsyo kasabay ng big reveal na ginawa sa pagpasok ng megastar na si Sharon Cuneta sa naturang programa noong November 9, 2021.

Ibinahagi ng Dreamscape Entertainment, isang TV production company at entertainment division ng ABS-CBN Corporation, sa social media ang isang larawan sa ginawang story conference. Makikita roon ang megastar at ang iba pang cast ng “Ang Probinsyano.”

Ganito ang caption sa larawan:


“Sharon, kaaway o kakampi sa “FPJ’s Ang Probinsyano? Nakasama ni Megastar Sharon Cuneta sa story conference ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sina Coco Martin at mga direktor nito na sina John Prats, Albert Langitan,  Kevin de Vela, at Malu Sevilla para pag-usapan ang ang magiging papel niya sa serye. Siya ba ay magiging kaibigan o kalaban ni Cardo?”

Sa sariling social media account, ibinahagi ni John Prats ang sayang naramdaman ngayong isa na siya sa mga direktor ng serye. Habang buhay raw niyang ipagpapasalamat ang malaking oportunidad na ibinigay sa kanya.

This is big! Never ko na-imagine sa tanang buhay ko na mapabilang kasama ang mga mahuhusay na director ng ABS-CBN. Thank you Lord God. Salamat Direk CM sa tiwala at sa pag-gabay. Thank you Tita Cory, Direk Lauren and Sir Deo and sa @dreamscapeph family for this opportunity na habang buhay kong ipagpapasalamat,” aniya.


“Napakalaki ng cast! Nakakalula, ngayon lang ata ako naka-experience na maging bahagi ng isang programa na napakaraming bituin! Enjoy mga Kapamilya,” dagdag ng aktor na dati ring direktor ng noontime variety show na “It’s Showtime.”

Nagbahagi rin si John ng ilang larawan na kuha sa serye. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong tumutulong at sumusuporta sa programa.



I want to thank also the people behind the camera na tumulong and sumoporta sa amin. Sa mga cameramen na malulupit at sa mga crew at sa lahat ng staff and producers! Salamat. Salamat din sa mga co-actors ko na sumuporta. Love you all,” aniya. 

 

  

 

 

 

 

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Kris sa mga nagpapakalat na wala na siya: ‘Sorry pero ilalaban pa na mapahaba ang oras ko’

Published

on

kris

Kamakailan lamang ay nagsimulang umugong ang mga bali-balita na wala na ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Magkakaiba ang lugar pero halos iisa ang tinatakbo ng mga istoryang ito na naglalabas ng maling impormasyon.

Para linawin na walang katotohanan ito, nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account, kung saan sinabi niya na pipilitin niyang kayanin pa ang lahat para sa kanyang mga anak.

kris

“It’s been disturbing that, since Friday, so many have been spreading fake news about me being either in St. Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that I’m in the intensive and in critical condition. None of that is true,” saad niya.

Saad ni Kris, nakalulungkot isipin na para bang may mga taong nakaabang pa na sundan niya ang kapatid niya, ang late president Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, sa kabilang buhay.

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited ‘yong mga troll na within one year both Noy and me would pass away. Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh and Bimb still need me,” wika ng aktres.

kris

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino | Instagram

Samantala, pinasalamatan naman ni Kris ang mga kaibigan na patuloy na nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal.

“To all my real friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons, and just so much na nahihiya na ko-because they want to make me feel their love and affection-you have my lifelong loyalty and gratitude,” aniya.

Dagdag na mensahe niya para sa mga tao na makababasa ng kanyang post, “Good night but definitely it’s not yet goodbye.” Nilakipan niya ito ng yellow heart emoji bilang pagtatapos sa kanyang post.

kris

Continue Reading

celebrities

Seth Fedelin sa mga fans: ‘SethDrea will conquer the world’

Published

on

By

Nitong Linggo, Enero 23, 2021 ay nakasama si Seth Fedelin sa isinagawang digital benefit program ng “Isang Daan sa Pagtutulungan” na  para sa mga biktima ng bagyong Odette.   Doon ay natanong siya kung paano ang relasyon nila ni Andrea. Sinagot naman ito ni Seth at sinabing ”SethDrea will conquer the world”.

“SethDrea will conquer the world at siguro naman sa sinabi kong ‘yun nasagot ko na ‘yung tanong niyo. SethDrea is forever,” aniya.

Nagpahayag din si Fedelin ng mensahe sa kaniyang ‘mahal’.

“Kakarating ko lang ng bahay, kakatapos ko lang kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom. Gusto ko lang ulit ipaalala sa’yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay,” sabi niya.

“Let’s conquer the world. I miss you,” dagdag pa niya.

Naging mainit na paksa sa social media kamakailan sina Andrea Brillantes at Francine Diaz, dahil usap-usapan ng mga fans ang tungkol sa status ng kanilang pagkakaibigan.

Napansin ng mga tagahanga nila na tila hindi na naka-follow ang mga young actress sa isa’t isa sa Instagram, na humantong sa mga haka-haka kaya’t nag-trend sila sa Twitter.

Ang maliwanag na pagkaputol ng ugnayan nila sa social media ay nangyari nang mag-upload ang aktres na si Francine ng kanyang family picture kasama si Seth na kilalang screen partner ni Andrea.

Si Seth Yancy Fronda Fedelin ay isang aktor, modelo, mang-aawit at mananayaw. Unang lumabas sa telebisyon si Seth bilang housemate sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso. Mula noon ay lumabas na siya sa iba’t ibang pelikula at serye sa telebisyon, tulad ng ‘Kadenang Ginto’ at ‘Huwag Kang Mangamba’.

Sina Andrea at Francine, kasama sina Seth at Kyle Echarri, ay mga orihinal na miyembro ng The Gold Squad, na nabuo sa panahon ng kanilang drama na “Kadenang Ginto” noong 2018. Ang tambalan nina Andrea at Seth ay kilala bilang “SethDrea” habang ang loveteam nina Francine at Kyle ay tinaguriang “KyCine.”

Nagkasamang muli ang apat sa primetime series na “Huwag Kang Mangamba” noong 2021.

Continue Reading

celebrities

‘A photo that can never happen again’: Sharon binalikan ang pagiging leading lady ng 4 popular PH action stars

Published

on

sharon action stars

Isa sa pinakapopular na aktres ng kanyang panahon, itinuturing din ng tinaguriang Megastar na si Sharon Cuneta ang pagkakataong nakakatrabaho niya ang mga haligi at icon ng showbiz industry sa bansa. Kabilang sa mga pinakaikinatutuwa niya ay ang maging leading lady ng apat na popular action stars sa Philippine movie industry: ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) at ang iba pang icon na sina Robin Padilla, Rudy Fernandez, at Bong Revilla.

Sa Instagram, ini-upload ni Sharon ang litrato kasama ang apat na action stars at binalikan ang mga sandaling nakakatrabaho pa niya ang mga ito. Hindi naiwasan ng aktres na malungkot nang maisip na hindi na mauulit muli ang pagkakaroon nila ng litrato dahil wala na ang late action stars na sina FPJ at Daboy.

sharon action stars

“A photo that can never happen again. I miss you, Klatput and Daboy. What a privilege it is to have been these superstars’ leading lady,” saad ng Megastar sa caption ng litrato.

Katulad niya, bagama’t masayang makita ang lumang litrato ay ikinalungkot din ito ng ilang social media users na nahilig sa panonood ng action movies noong namamayagpag pa ang mga kasama ni Sharon sa larawan.

“Aww. Very grateful to be part of a generation where we enjoy real Pinoy action, comedy, and romance movies. Thank you for posting this amazing photo. God bless you, Megastar,” saad ng Instagram user na si @dmlarios.

sharon action stars

“Wow, mga artistang hinahangaan ko,” ani @aflora562.

“Ang ganda naman. Jesus loves you and I love you with the love of Jesus.”

“The legends!” kumento ni @dheeeycee.

“Mga idol ko lahat ‘to, e. Nakaka-miss ‘yong mga movie nila.”sharon action stars

Sabi naman ng ilan, mapalad sila na makita ang limang Philippine movie legends sa isang litrato.

Nakaka-miss nga namang mapanood sila! Ikaw, anong naramdaman mo nang makita ang larawan?

Continue Reading

Trending