Connect with us

social media

JV Ejercito, sumemplang na tinawanan pa ng ilang netizens

Published

on

Image from JV Ejercito’s Twitter account

 

Ikinalungkot ng dating senador na si JV Ejercito ang ginawa ng ilang netizens na panlilibak sa kanya matapos niyang madisgrasya habang nagbibisikleta.

Ang tanong niya ay ano na ba ang nangyayari sa mga Pinoy at tila bumaba na ang mga pagkatao sa social media? Hindi naman daw dapat ganito ang mga Pilipino na isa sa itinuturing na ‘friendliest people in the world.”

“Have some people gone this low in socmed? Some even making fun of my accident and injuries in a page of a major daily. What is happening to some Pinoys? We are not like this. Supposedly we are one of the friendliest people in the world. Sa halip na magpagalingan sa talino, tila sa iba pagalingan sa pabastusan ang gusto,” post niya sa Facebook.

Image from JV Ejercito’s Facebook account



Ang himutok ni JV Ejercito ay nag-ugat nang ipaskil niya sa social media account niya ang nangyari sa kanya habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.

Aniya, nalubak daw siya at nawalan ng kontrol sa manibela kaya sumemplang. Ibinahagi rin niya ang ilang larawan na nagpapakita ng mga galos na tinamo. Mapapansin sa larawan na nabukulan siya sa noo.

Isang UV express driver ang maagap na tumulong sa kanya. Aniya, tunay daw na matulungin ang driver dahil nakilala lang siya nang ihatid siya nito hanggang sa bahay niya.

Image from JV Ejercito’s Facebook aacount

 

Ouch. I hit a small pothole while doing a solo ride and sprinting along the stretch of Roxas Boulevard. I lost control as my front wheel wobbled, then fell hard on my bike.Hopefully I’ve no internal hemorrhage, will have CT Scan later to be sure. Thank you to Manong UV Express who rescued me. Ride safe everyone! Ingat tayo sa kalye,” aniya.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na ayon kay JV Ejercito ay mula sa isang Faceboiok page: 

“’Yung wagas na kaengotan kailangan pang i-post JV Ejercito Estrada, Ano yan paawa effect? iboto niyo daw na Senathieve.

“Iba talaga ‘pag mayaman, nagkabukol lang sa noo CT scan agad, samantalang tayo ilang beses na semplang ice lang katapat hahaha.”

Image from JV Ejercito’s Facebook account

 

Mayroon din namang iba na nakisimpatiya sa dating senador.

“God bless you hijo. Next time be careful. Stay safe.”

“If you think this is funny, there’s something wrong with you,”

 

 
 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrity

Joshua Garcia nilinaw sa publiko na wala siyang Facebook account

Published

on

By

Nilinaw ng aktor na si Joshua Garcia na wala siyang Facebook account at hindi sa kaniya nagmula ang kamakailan lamang ay nag-viral na larawan.

Kumalat kasi sa social media ang litrato ng binata kasama ang aktres na si Ria Atayde at may caption na “Ikaw ang aking liwanag”.

Kinilig naman ang mga netizens at fans ni Joshua sa pag-aakalang nakahanap na ng bagong mamahalin ang young actor.

Subalit pinabatid ni Joshua sa kaniyang mga fans na hindi kaniya ang Facebook account na nagbahagi ng viral na larawan kahit ito ay nakapangalan sa kaniya.

“Hello! This is not mine! I don’t have Facebook page! Thank you,” paglilinaw ng aktor sa Instagram.

“Rii look @ria. Thank you @kyleechari bro!” dagdag pa nito.

Naka-tag sa nasabing Instagram story ni Joshua si Ria Atayde na agad namang nagkomento.

“Liwanag?! Bakit? Hahaha. So funny but also, another reminder to always check your sources. Hahahaha,” anang aktres. “Fake News”.

Ayon sa Bandera, nagmula ang kumalat na larawan sa Instagram ni Kyle Echarri at kuha ito noong mag-bonding ang magkakaibigan kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Noon pa man ay na-link na rin sa isa’t-isa sina Joshua at Ria subalit kapwa nila ito pinabulaanan. Ayon pa kay Ria, si Joshua ay itinuturing niya lamang na isang malapit na kaibigan.

“Joshua is a very good friend. He’s one of the… See? That’s the thing, e. It’s so hard to… I’m sure you also have guys friends that you are super comfortable with,” bahagi ng young actress sa isang panayam noong isang taon.

Noong isang araw lamang ay inamin ni Joshua na sa lahat ng kaniyang naging leading ladies, kay Janella Salvador siya nagkaroon talaga ng crush.

BASAHIN: Xian Gaza, sinabihan si Joshua Garcia na jowain na si Ivana bago pa maunahan ni Gerald

Continue Reading

social media

Messenger may bagong end-to-end encryption feature

Published

on

By

May bagong end-to-end encryption (E2EE) feature ang Messenger kung saan makatatanggap ng notification ang user kapag ang kaniyang kausap ay kumuha ng screenshot sa isang disappearing message.

Mismong si Facebook founder at CEO Mark Zuckerberg ang nagbahagi nito sa kaniyang Facebook post.

Bukod dito, magdaragdag rin ng mga GIFs, sticker at reactions sa encrypted chats.

 

“New update for end-to-end encrypted Messenger chats so you get a notification if someone screenshots a disappearing message. We’re also adding GIFs, stickers, and reactions to encrypted chats too,” ani Zuckerberg.

Ang feature na ito ay matagal na ring ginagamit sa Snapchat.

Ang mga encrypted chats naman ay supported na rin ang verified badges kung saan maaari nang malaman kung authentic ang account ng kausap.

Taong 2016 nang unang i-roll out ng Messenger ang E2EE sa chatting bagama’t ito ay optional pa lamang sa mga users kung nais i-encrypt ang kanilang text messages pati na group chat at call.

Sa kasalukuyan, may dalawang option ang Messenger upang gawing secure ang usapan.

Una ay sa pamamagitan ng vanishing mode; ito ay nagagawa kapag i-swipe up ang isang existing chat upang automatic na nawawala ang mga messages kapag naka-close na ang window.

Ang pangalawa naman ay sa pamamagitan ng pagpasok sa ‘Secret Conversation’, na siyang original na ni-roll out noong 2016.

Samantala, plano ng Meta (dating Facebook) na gawing fully encrypted na ang lahat ng chat pagdating ng taong 2023 kung saan pagsasamahin na ang conversations ng Instagram at Messenger.

Continue Reading

social media

Twitter account ni Jam Magno tuluyan nang sinuspinde

Published

on

By

Tuluyan nang sinuspinde ang Twitter account ng sikat at kontrobersiyal na social media personality na si Jam Magno.

Ibinahagi pa ni Magno ang screenshot ng kaniyang suspendidong Twitter account sa isang Facebook post na kinalaunan ay tinanggal niya rin.

Nakasaad sa screenshot na nilabag umano ni Magno ang rules sa Twitter, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

“Your account is permanently in read-only mode, which means you can’t Tweet, Retweet, or Like content. You won’t be able to create new accounts,” nasasaad dito.

Hindi naman daw malaman ng popular na vlogger kung ano ang tunay na dahilan sa pagkakasuspinde ng kaniyang Twitter account.

“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” wika nito.

Subalit sa kaniyang pinakahuling Facebook post, tila may bago na siyang Twitter account gamit ang ibang pangalan.

Si Magno ay kilalang masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon at ni Pangulong Duterte.

BASAHIN: Video ng pagsuporta ni Jam Magno kay Robin Padilla, usap-usapan

Mahigpit din siyang kritiko ng mga ‘dilawan’ at oposisyon, at ni Vice President Leni Robredo.

Noong nakaraang taon ay sinuspinde rin ng Tiktok ang account ni Magno sa popular na video sharing platform.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang vlogger at sinabing mapapanood pa rin siya ng kaniyang mga followers sa Tiktok Live version.

“Let me remind you that being banned on Tiktok is NOT new to me and I came back from it before. I am still going to [go] Live regardless and being declared PNG {persona non grata) even more so,” matapang na hamon nito.

Nitong Martes, ibinahagi rin ni Magno na magbabalik na siya sa Tiktok.

Aniya,” I loved not being on Tiktok. I realized Social Media does not dictate my Life because I use my platform to share what I like and I am passionate about and also it connects me to the best people. Also, it will never stop me from being who I am in real life just because you think it’s right to ban me. But if you think I am giving up despite all that you do to my profiles. NEVER.”

Continue Reading

Trending