Connect with us

celebrities

Birthday message ni Karla Estrada kay Robin Padilla usap-usapan

Published

on

Naging usap-usapan sa social media ang birthday message ni Karla Estrada para kay Robin Padilla na nagdiwang ng kanyang 52nd birthday; Martes, ika-23 ng Nobyembre.

Si Karla Estrada, isa sa mga hosts ng morning talk show na Magandang Buhay ng ABS-CBN at ina ni Daniel Padilla, ay dating partner ni Rommel Padilla na nakatatandang kapatid ni Robin.

Si Rommel ang ama ni Daniel Padilla.

Sa birthday message niya na ginawa sa pamamagitan ng isang Instagram post, sinabi ni Karla na siya ay isang buhay na saksi sa kabutihan ni Robin. 

Image from Karla Estrada’s Instagram account

 

Ito raw kasi ang kumupkop sa kanila ni Daniel noong panahon na walang-wala sila at hindi pa nagtatamasa ng kasaganahan na  mayroon sila ngayon. Ginawa raw nito ang pagtulong sa kanila sa tahimik na paraan.

Ipinagpasalamat din ni Karla na itinuring siya ni Robin bilang isang tunay na kapatid.

Maligayang kaarawan sa iyo ‘tol! Ako ay isang buhay na saksi ng kabutihan ng puso mo. Salamat sa pagmamahal mo sa aming mag ina. Salamat sa pagturing mo sakin bilang isang tunay na kapatid. Salamat sa pagsalba ng tahimik sa aming mag-ina noong mga panahon na wala pa ang mga karangyaang ito. Dalangin ko ang katuparan at tagumpay ng mga minimithi ng puso mo,” bati ni Karla kay Robin

Samantala, biniro naman ni Mariel Padilla ang mister na tinawag niyang “ang taong walang pakialam sa sariling birthday.”

Image from Mariel Padilla’s Instagram account

“Happiest birthday, my babe, ang taong walang pakialam sa birthday niya hehe.we love you so much!!! We are so so so so so proud of you,” aniya.

Isang surprise party ang ginawa ni Mariel at mga anak para kay Robin. Ipinagluto niya ito ng spaghetti at cupcakes naman ang handog ng dalawa nilang anak na lubos na ikinalugod ng action star.

Alhamdulillah. Ang pinakamasayang surprise bday na handog ng aking pamilya .Home baked spaghetti ni cooking ina @marieltpadilla at ang home baked cup cake ni @mariaisabelladepadilla at siempre ni @gabrieladepadilla52 na ako Ma shaa Allah. maraming maraming salamat babe, ani Robin.

Image from Robin Padilla’s Instagram account

Si Robin Padilla ay kandidato sa pagka-senador para sa halalan sa susunod na taon. Ayon sa mga survey, kung hindi magbabago ang trend ay tiyak na maipapanalo ng aktor ang kanyang kandidatura.

 

celebrities

‘Napadpad na tayo kung saan’: Angelica nagbahagi ng 2002 photo nila ng kaibigang si Glaiza

Published

on

angelica glaiza

Sa kabila ng pagiging artista sa magkaibang network, isa sa pinakamatitibay na samahan sa mundo ng showbiz ang pagkakaibigan nina Angelica Panganiban at Glaiza De Castro.

angelica glaiza

Imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

At nito lamang nakaraan, sinariwa ni Angelica ang isa sa mga masasayang araw nila ni Glaiza noon sa pamamagitan ng litratong ini-upload niya para sa kaarawan ng kaibigan. Sa Instagram, binalikan ng Kapamilya star ang pagsisimula nila ng Kapuso actress.

“Mula sa surprise birthday party sa Bulacan, napadpad na tayo kung saan-saan,” saad ni Angelica sa caption ng larawang ibinahagi niya. Mula umano ito sa taong 2002.

“Panalangin kong malayong-malayo pa ang marating mo patungo sa mga pangarap mo sa buhay. Huwag mo lang kalimutang lumingon at kumaway sa aming mga nagmamahal sayo. Palagi akong nandito para sa’yo, Amigah. Happy birthday diyan, bata! Hipbamp to the moon and back!” pagpapatuloy niya.

angelica glaiza

Pinasalamat naman siya ni Glaiza na halatang naantig sa post niya. Wika nito, “Grabe naman ‘tong message na ito, ‘tsaka ‘yong tagal ng litratong ito! Haha salamat, amigah! Sa lahat lahat! Mahal kita.”

Unang nagkatrabaho sina Angelica at Glaiza sa teen-oriented TV series na Berks, na umere mula 2002 to 2004. Simula nito, itinuring na nilang mabuting kaibigan ang isa’t isa. Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Angelica kung gaano kaganda at katibay ang pagkakaibigan nila ni Glaiza.

angelica glaiza

 

“Maglaban man ang network, sabihin na hindi kami puwedeng makipagkaibigan kasi sa ibang network siya nagtatrabaho, nando’n po kami sa level na, ‘Ay, sorry po. Eh, ‘di huwag na lang akong mag-work,’” wika niya.

Isa rin si Glaiza sa mga nakakasama ni Angelica pagdating sa #travelgoals. Matatandaang minsan ding pumunta ng Bhutan ang magkaibigan.

“Naging perfect ‘yong lugar doon sa nararamdaman ko. Parang ang laki ng mundo. Isipin mo, ‘yung Bhutan ang liit-liit lang niya, eh country na ‘yon, so paano pa ako? Tao lang ako, eh ilan tayong tao? Magma-matter ba ‘yong problema ko?”

Continue Reading

celebrities

‘Puwede ba natin ulitin?’ Ice binalikan ang huling pagkikita nila ni Coney 10 taon pabalik

Published

on

ice coney

Sa dami ng mga proyektong pinagsamahan nilang dalawa, hindi na nakagugulat na mayroong nabuong espesyal na samahan sa pagitan nina Aiza “Ice” Seguerra at Coney Reyes. At dahil matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita, hangad ni Ice na muli niyang makasama ito.

ice coney

Imahe mula sa Instagram account ni Ice Seguerra

Sa Instagram, ibinahagi ni Ice ang isang litrato nila ni Coney na kuha noong 2012. Aniya, ito raw ang huling beses na nakasama nila ang isa’t isa.

“Nahalungkat sa baul,” saad niya sa caption ng larawan na ibinahagi niya. “This was in 2012, the last time we had dinner together. Sampung taon na ang nakakalipas.”

Hirit niya sa beteranang aktres, “Puwede ba natin ulitin, Tita @coneyreyes? I miss you so much. Hope to see you soon. I love you!”

ice coney

Agad namang tumugon si Coney at sinabing hangad niya ring makasama muli ang dating child star.

“Love you always, dear Icing!” wika nito. “Kita tayo ‘pag safe na talaga. Ingat lagi. God bless you and take good care of you always [sic].”

ice coney

Ikinatuwa ng marami ang pagbabalik-tanaw ni Ice. Anila, masaya silang makitang magkasama sa isang larawan ang dalawang artista na madalas nilang napapanood noon sa mga palabas sa telebisyon at pelikula. Hiling nila, sana ay magkaroon muli ng palabas ang mga ito nang magkasama.

“Mother and daughter tandem Coney and Aiza from Eat Bulaga days,” pagbabalik-tanaw ng Instagram user na si @marygracesiasonpanizales.

“I remember how she used to be your second mom sa Eat Bulaga noon,” pag-aalaala ni @missyricat. “She loved you like her own!”

“Miss ko na rin na makita kayo together. Sana soon may project ulit kayo,” saad ni @carines_rs.

Hiling naman ni @mimimagsajo, “Sana kahit sa teleserye lang magkasama kayo ulit, Coney and Aiza. You are both talented.”

Ikaw, na-miss mo rin ba silang makitang magkasama sa isang proyekto?

Continue Reading

celebrities

Kris sa mga nagpapakalat na wala na siya: ‘Sorry pero ilalaban pa na mapahaba ang oras ko’

Published

on

kris

Kamakailan lamang ay nagsimulang umugong ang mga bali-balita na wala na ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Magkakaiba ang lugar pero halos iisa ang tinatakbo ng mga istoryang ito na naglalabas ng maling impormasyon.

Para linawin na walang katotohanan ito, nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account, kung saan sinabi niya na pipilitin niyang kayanin pa ang lahat para sa kanyang mga anak.

kris

“It’s been disturbing that, since Friday, so many have been spreading fake news about me being either in St. Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that I’m in the intensive and in critical condition. None of that is true,” saad niya.

Saad ni Kris, nakalulungkot isipin na para bang may mga taong nakaabang pa na sundan niya ang kapatid niya, ang late president Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, sa kabilang buhay.

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited ‘yong mga troll na within one year both Noy and me would pass away. Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh and Bimb still need me,” wika ng aktres.

kris

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino | Instagram

Samantala, pinasalamatan naman ni Kris ang mga kaibigan na patuloy na nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal.

“To all my real friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons, and just so much na nahihiya na ko-because they want to make me feel their love and affection-you have my lifelong loyalty and gratitude,” aniya.

Dagdag na mensahe niya para sa mga tao na makababasa ng kanyang post, “Good night but definitely it’s not yet goodbye.” Nilakipan niya ito ng yellow heart emoji bilang pagtatapos sa kanyang post.

kris

Continue Reading

Trending