Connect with us

celebrities

Kitchie Nadal ‘di makapaniwala sa manyikang iniwangis sa kanya

Published

on


Isa ang mang-aawit na si Kitchie Nadal sa mga pinakapopular na singer ng kanyang panahon kaya naman hindi na nakapagtataka kung makakita ng iba’t ibang bagay na siya ang ginawang inspirasyon, gaya na lamang ng notebook, T-shirt, at iba pa. Ngunit namataan mo na ba ang manyikang iniwangis sa kanya at tinawag na “Kitchie Na Doll”?

Sa Facebook, dalawang beses ibinahagi ni Kitchie ang litrato ng nakaaaliw na manyika na naka-credit sa isang nangangalang Jhunly Lazaro.

Ang tanong niya: seryoso?

At katulad niya, maraming social media users din ang namangha at naaliw sa nasabing laruan. Ang ilan sa kanila, nag-iwan din ng mga nakakatawang kumento sa comments section ng mga post ng mang-aawit.

“Katakot ‘yan, baka sa madaling araw kumanta ng Kitchie Nadal Medley,” kumento ng Facebook user na si Keith Bariso.

“Opo, secret lang po ‘yan kasi para sa’yo daw po talaga ‘yang doll na ‘yan. Huwag na huwag mo raw pong sasabihin. Hahahaha!” ani Alvin Y Jamilla na ginamit pa ang isa sa mga sikat na kanta ni Kitchie.

“Congrats, Madam, ang ganda. Sana, Madam, mabigyan mo ako niyan para sa pamangkin ko. Hehehe!” hiling ni James Michael Vladimir Laya-og.

Ayon naman kay Anne Jing, “Good vibes, Ms. Kitchie Nadal. Matagal na ‘yan nag-e-exist. Tawang-tawa rin ako nang una kong makita ‘yan. I have been a fan since ‘yong first albums na cassette tapes pa lang. I miss your voice, Ms. Kitchie.”


Samantala, may suggestion naman ang isa pang Filipina singer na si Barbie Almalbis. Aniya, dapat sa susunod may gitara nang hawak ang “Kitchie Na Doll”. Wika naman ng ibang netizens, dapat mayroon ding Barbie Almalbis Doll, na kapag nagkataon ay magiging malapit ang pangalan sa iconic Barbie dolls.


Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Kris sa mga nagpapakalat na wala na siya: ‘Sorry pero ilalaban pa na mapahaba ang oras ko’

Published

on

kris

Kamakailan lamang ay nagsimulang umugong ang mga bali-balita na wala na ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Magkakaiba ang lugar pero halos iisa ang tinatakbo ng mga istoryang ito na naglalabas ng maling impormasyon.

Para linawin na walang katotohanan ito, nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account, kung saan sinabi niya na pipilitin niyang kayanin pa ang lahat para sa kanyang mga anak.

kris

“It’s been disturbing that, since Friday, so many have been spreading fake news about me being either in St. Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that I’m in the intensive and in critical condition. None of that is true,” saad niya.

Saad ni Kris, nakalulungkot isipin na para bang may mga taong nakaabang pa na sundan niya ang kapatid niya, ang late president Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, sa kabilang buhay.

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited ‘yong mga troll na within one year both Noy and me would pass away. Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh and Bimb still need me,” wika ng aktres.

kris

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino | Instagram

Samantala, pinasalamatan naman ni Kris ang mga kaibigan na patuloy na nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal.

“To all my real friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons, and just so much na nahihiya na ko-because they want to make me feel their love and affection-you have my lifelong loyalty and gratitude,” aniya.

Dagdag na mensahe niya para sa mga tao na makababasa ng kanyang post, “Good night but definitely it’s not yet goodbye.” Nilakipan niya ito ng yellow heart emoji bilang pagtatapos sa kanyang post.

kris

Continue Reading

celebrities

Seth Fedelin sa mga fans: ‘SethDrea will conquer the world’

Published

on

By

Nitong Linggo, Enero 23, 2021 ay nakasama si Seth Fedelin sa isinagawang digital benefit program ng “Isang Daan sa Pagtutulungan” na  para sa mga biktima ng bagyong Odette.   Doon ay natanong siya kung paano ang relasyon nila ni Andrea. Sinagot naman ito ni Seth at sinabing ”SethDrea will conquer the world”.

“SethDrea will conquer the world at siguro naman sa sinabi kong ‘yun nasagot ko na ‘yung tanong niyo. SethDrea is forever,” aniya.

Nagpahayag din si Fedelin ng mensahe sa kaniyang ‘mahal’.

“Kakarating ko lang ng bahay, kakatapos ko lang kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom. Gusto ko lang ulit ipaalala sa’yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay,” sabi niya.

“Let’s conquer the world. I miss you,” dagdag pa niya.

Naging mainit na paksa sa social media kamakailan sina Andrea Brillantes at Francine Diaz, dahil usap-usapan ng mga fans ang tungkol sa status ng kanilang pagkakaibigan.

Napansin ng mga tagahanga nila na tila hindi na naka-follow ang mga young actress sa isa’t isa sa Instagram, na humantong sa mga haka-haka kaya’t nag-trend sila sa Twitter.

Ang maliwanag na pagkaputol ng ugnayan nila sa social media ay nangyari nang mag-upload ang aktres na si Francine ng kanyang family picture kasama si Seth na kilalang screen partner ni Andrea.

Si Seth Yancy Fronda Fedelin ay isang aktor, modelo, mang-aawit at mananayaw. Unang lumabas sa telebisyon si Seth bilang housemate sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso. Mula noon ay lumabas na siya sa iba’t ibang pelikula at serye sa telebisyon, tulad ng ‘Kadenang Ginto’ at ‘Huwag Kang Mangamba’.

Sina Andrea at Francine, kasama sina Seth at Kyle Echarri, ay mga orihinal na miyembro ng The Gold Squad, na nabuo sa panahon ng kanilang drama na “Kadenang Ginto” noong 2018. Ang tambalan nina Andrea at Seth ay kilala bilang “SethDrea” habang ang loveteam nina Francine at Kyle ay tinaguriang “KyCine.”

Nagkasamang muli ang apat sa primetime series na “Huwag Kang Mangamba” noong 2021.

Continue Reading

celebrities

‘A photo that can never happen again’: Sharon binalikan ang pagiging leading lady ng 4 popular PH action stars

Published

on

sharon action stars

Isa sa pinakapopular na aktres ng kanyang panahon, itinuturing din ng tinaguriang Megastar na si Sharon Cuneta ang pagkakataong nakakatrabaho niya ang mga haligi at icon ng showbiz industry sa bansa. Kabilang sa mga pinakaikinatutuwa niya ay ang maging leading lady ng apat na popular action stars sa Philippine movie industry: ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) at ang iba pang icon na sina Robin Padilla, Rudy Fernandez, at Bong Revilla.

Sa Instagram, ini-upload ni Sharon ang litrato kasama ang apat na action stars at binalikan ang mga sandaling nakakatrabaho pa niya ang mga ito. Hindi naiwasan ng aktres na malungkot nang maisip na hindi na mauulit muli ang pagkakaroon nila ng litrato dahil wala na ang late action stars na sina FPJ at Daboy.

sharon action stars

“A photo that can never happen again. I miss you, Klatput and Daboy. What a privilege it is to have been these superstars’ leading lady,” saad ng Megastar sa caption ng litrato.

Katulad niya, bagama’t masayang makita ang lumang litrato ay ikinalungkot din ito ng ilang social media users na nahilig sa panonood ng action movies noong namamayagpag pa ang mga kasama ni Sharon sa larawan.

“Aww. Very grateful to be part of a generation where we enjoy real Pinoy action, comedy, and romance movies. Thank you for posting this amazing photo. God bless you, Megastar,” saad ng Instagram user na si @dmlarios.

sharon action stars

“Wow, mga artistang hinahangaan ko,” ani @aflora562.

“Ang ganda naman. Jesus loves you and I love you with the love of Jesus.”

“The legends!” kumento ni @dheeeycee.

“Mga idol ko lahat ‘to, e. Nakaka-miss ‘yong mga movie nila.”sharon action stars

Sabi naman ng ilan, mapalad sila na makita ang limang Philippine movie legends sa isang litrato.

Nakaka-miss nga namang mapanood sila! Ikaw, anong naramdaman mo nang makita ang larawan?

Continue Reading

Trending