Connect with us

Inspiring

Mister, nagparamdam sa panaginip sa naulilang misis para ituro ang naiwang P3 million

Published

on

Naniniwala ba kayo na ang isang tao na nasa kabilang buhay na ay makapagpaparamdam pa sa kanyang mga naulila upang magbigay ng isang mahalagang mensahe?

Sa maniwala kayo’t sa hindi ay ganito ang nangyari sa isang lalaki na kinilalang si Manuel Canilao na taga-Masantol, Pampanga.

Ayon sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ilang linggo na umanong binabagabag si Nanay Mercedes sa kanyang pagtulog dahil madalas magparamdam sa kanyang panaginip ang mister na si Tatay Manuel na may paulit-ulit na mensahe.

Noong buwan ng Agosto ng taong kasalukuyan lang pumanaw si Tatay Manuel na pangingisda ang dating ikinabubuhay.

Dahil laki sa hirap ay naging masinop umano si Tatay Manuel sa pera. Nakabili siya ng sariling bangka na nagkakahalaga ng isang milyong piso at iba pang mga gamit sa pamamalakaya na itinago niya sa bodegang ipinagawa.

Screenshot from KMJS video

Nakabili rin sila ng malaking bahay. Subalit ang mga naipundar niya ay nanganib na maubos dahil sa laki ng binayaran sa pagpapa-ospital at pagpapalibing sa kanya.

Matapos maubos ang pera na natagpuan sa ilalim ng unan at sa pitaka ni Tatay Manuel na umabot sa P300,000 ay naibenta ng pamilya niya ang ilan niyang gamit sa pamamalakaya. Maging ang bahay na naipundar ay plano na ring ibenta.

Subalit tila may tumututol sa kanilang plano na dili iba’t si Tatay Manuel na ilang linggong nagparamdam sa asawang si Nanay Mercedes sa pamamagitan ng panaginip.

Screenshot from KMJS video

Ang mensahe ni Tatay Manuel ay ipagiba sa mga anak ang bodega.

Nanghihinayang ang mga anak niya na gibain ang bodega dahil bagong gawa lang iyon kaya hinalughog na lang nila ang loob niyon.

Napansin nila sa isang sulok ng bodega ang isang compartment na sementado. Mukhang bago pa lang daw ang pagkakasemento niyon kaya iyon ang kanilang binakbak.

Nasurpresa sila sa natagpuan sa compartment – tatlong plastik na galon na punung-puno ng perang tig-iisang libo ang denominasyon. Nang bilangin ay umabot iyon sa tatlong milyong piso.

Screenshot from KMJS video

Ayon kay Nanay Mercedes, binigyan niya ng tig-P100,000 ang bawat isa sa labing-isa nilang anak at ang iba ay itinabi sa bangko.

Bagama’t nagluluksa pa rin ay abut-abot ang pasasalamat ng pamilya kay Tatay Manuel na hindi na inalintana ang karamdaman para lang may perang maitabi para sa mga minamahal.

 

Screenshot from Lovely Canilao Manansala’s video

 

  

 

Inspiring

Unli suki: Mag-asawang nag-wedding reception sa Mang Inasal, doon na rin nagdaos ng selebrasyon ng binyag

Published

on

By

Sa kabila ng pandemya, sinisikap pa rin ng marami na ipagdiwang ang mga milestones sa kanilang buhay tulad ng kasal, kaarawan at binyag ng anak, kahit sa simpleng paraan.

Kaakibat na talaga ng panahon ngayon ang pagsisikap na maging wais at organisado lalo na sa usaping budget para hayahay lang ang buhay. Mahirap kasing mawalan ng trabaho o mapagkakakitaan, ‘di ba?

Ngunit pangkaraniwan na sa ating mga Pinoy ang pinaghahandaan ang mga espesyal na okasyon lalo na’t may kasabihang ‘once in a lifetime’ lang naman ito mangyari. No problemo kung maayos naman ang iyong pamumuhay at kaya ng bulsa.  Bakit nga ba hindi pa gawing bongga ang mga selebrasyon, ‘di ba, kung ito ang inyong nais?

Ngunit para sa mag-asawang kinasal sa Cebu, hindi n akailangang garbuhan pa. Pinili nilang sa fastfood na lang gawin ang reception “kasi mas tipid at hindi na kami mag-iisip ng mga utang utang pa,” paliwanag ng napaka-praktikal na bride.

Yes, sa kilalang fastfood chain na ang Mang Inasal ginanap ang kanilang wedding reception. Sa budget na P3,044 ay nabusog ang labinlimang katao kasama na ang bagong kasal sa handang masarap na chicken, unli rice at unli sabaw. May kasama na rin iyong dessert na halo-halo.

Basahin: Unli kilig: Wedding reception sa fastfood may pa-unli rice at unli sabaw sa budget na P3k

 

Kamakailan ay ibinahagi ng naging cameraman ng kasal na si Babse Dondon ang ilang larawan kaugnay sa nag-viral na newly weds. Ngunit sa pagkakataong ito, iba na ang ganap niya sa okasyon ng mag-asawa. From cameraman ay nauwi na sa pagiging isa sa mga ninong ng kanilang anak ang naging ganap nito. Kumpare na siya ng mag-asawa.

“I considered it an honor covering a wedding of any couple; but becoming one of their daughter’s “Ninong” is something else. It speaks highly of what you are to them now and after. Salamat kaau kumpare ug kumare Rian Eran Baynosa ug Rhaqueza Vicente Mosende!” ani Babse.

 

Matapos ang viral reception sa isang sikat na fastfood resto, binyagan naman ang sunod nilang ipinagdiwang. Saan pa? Sa kanilang suking Mang Inasal pa rin na may pa-unli rice at unli sabaw!

Katulad noong kasal ay kaunti lamang din ang kanilang bisita sa binyagan. Marahil ay kaugnay na rin sa protocol na dapat nating sundin.

“Our viral Mang Inasal couple has returned to the same Mang Inasal outlet. This time for the (again) simple celebration of their baby Raynisha’s christening on the same church they were wed. Nuot sa ihaw sarap jud kay super paborito nilang Rian ug King ang Mang Inasal. Kuya Kim ano na? Pit Senyor!” saad ng photographer.

 

O saan ka pa? Kung sa bahay lang gagawin ay mag-iisip ka pa ng mga lulutin, maraming hugasin at kung anu-ano pa. Sa Mang inasal may party venue ka na, may unli rice at may mga crew ka pa.

Hinangaan ang pagiging praktikal ng mag-asawang Mosende. Simple man ang selebrasyon, masaya at memorable naman.

Narito ang ilang mga nagkomento at nagpahayag na gusto ring sa Mang Inasal magdaos ng selebrasyon.

“Wow yan na din balak ko sa binyag ng anak ko po.”

“Mas praktikal naman talaga sa mang inasal.”

“Mang Inasal kc unli rice, yummy halo halo nila, sa ngayon dapat maging practical congrats!”

“Tama lang yan!! at least nakaraos nang wlang hassle kesa nman mabongga k ng gastos tapos wlang ipon panimula…praktikal n ngaun tau hirap ng buhay ah.”

Continue Reading

Inspiring

Basketball player, iniwan ang career sa PBA para maging truck driver sa Canada

Published

on

By

Isang dekadang inalagaan ni Tristan Perez ang pangarap niyang makapaglaro bilang professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Natupad ang pangarap na iyon ni Tristan nang kunin siya ng Blackwater Elite team noong 2016, subalit sa loob lang ng isang taon bilang professional basketball player ay nagdesisyon siyang iwan ang PBA career niya upang makapiling ang asawa sa Canada.

“Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” paglalahad ni Tristan.

Sabi niya, tinimbang niyang mabuti ang kanyang mga options  bago nagdesisyon na sundan sa Alberta, Canada ang asawang si Princess Jhameel, kung saan ito nagtatrabaho. Pinag-isipan daw niya iyon nang ilang ulit.

“I weighed my options well. I thought it many times over. My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA – assuming I play long in the league,” aniya.

Mas pinili raw niya ang Canada kaysa sa PBA dahil ang magbebenepisyo ay ang future ng kanilang mga anak.

“Mas pinilli naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future. Buo na ang desisyon ko, eh. Hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan eh,” paliwanag niya.

Tatlong taon na rin si Tristan bilang truck driver sa Canada. Napamahal na raw sa kanya ang trabaho dahil exciting daw ang pagmamaneho ng malalaking truck sa Canada.

“Napamahal na ako sa trabahong ito. ‘Yung trabaho ko parang hindi siya nakakainip, parang ang dami niyang challenge. Risky siya, pero doon ako nag-e-enjoy, eh, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba’t ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo,” ani Tristan.

Kuwento niya, ang misis niya ay school driver naman.

Aniya, malayo man ang pagiging truck driver sa dati niyang propesyon bilang professional basketball player sa PBA, kakaiba raw ang feeling niya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

Continue Reading

Inspiring

Apo Whang-Od nagpa-tattoo sa isang tattoo artist

Published

on

By

Walang pagsidlan ng tuwa ang isang tattoo artist nang hinilingan siya ng napakapopular na  mambabatok na si Apo Whang-Od na magpa-tattoo sa kanya.

Ikinuwento ng tattoo artist na si Diegz Madrona nito lang Nobyembre ng nakaraang taon siya nagpa-tattoo kay Apo Whang-Od. Dahil sa sobrang saya na ang maalamat na mambabatok ang nagta-tattoo sa kanya ay wala raw siyang sakit na naramdaman.

“Noong tinatatuan niya ako hindi ko naramdaman ‘yung sakit kasi sobrang saya ko po eh,” pagbabahagi ng tattoo artist.

Nang matapos ang pag-tattoo sa kanya ng oldest at  world-renowned traditional tattoo artist ay nagulat na lang daw si Diegz nang humiling si Apo Whang-Od na magpa-tattoo sa kanya.

Nakita raw kasi nito ang dala niyang “machine” na ginagamit sa pag-tattoo. Nagandahan daw si Apo Whang-Od.

“Nag-picture-picture na po kami, tapos nakita ‘yung machine ko, ang sabi ang ganda raw doon sa word po nila. Tapos, baka puwede ko raw po siyang tatuan. Tapos sabi ko ‘Sige po.’ Tapos may dala raw po ba akong gamit? Sabi ko ‘Wala po eh pero puwede po ‘yung ink niyo po na traditional,” ani Diegz.

Ang maalamat na mambabatok na rin ang pumili ng disenyo na ita-tattoo sa kanya ni Diegz.

Kahit may nararamdamang kaba ay pinilit ni Diegz na maayos na matatuan si Apo Whang-Od. Sabi niya, pumapaling-paling daw ang “machine” niya habang tinatatuan ang matanda pero nagawa raw niya nang maayos.

Once in a lifetime lang daw mangyayari na matatuan niya ang pamosong si Apo Whang-Od kaya sinunggaban na niya ang pambihirang pagkakataon.

“Sobrang pumapaling pero pilit kong nilalabanan ‘yung pagpaling niya. Tapos nararamdaman din nila o nakikita ng mga nanonood sa amin, ‘Uy sir nanginginig ka ah, pumapaling ah.’ Ako, parang hindi ko pinapakinggan. Moment ko na ito, gagawin ko na ito kahit ano man ang mangyari. Halatang halata, sobra. ‘Yung kaharap mo talagang respetado eh,” aniya.

Ang karanasan ni Diegz ay habambuhay nang nakaukit hindi lang sa kanyang balat kundi maging sa kanyang puso.

Continue Reading

Trending