Connect with us

celebrities

Kuya Kim hindi ‘nagparinig’ sa ‘It’s Showtime’: “Will never say anything bad about them”

Published

on

Nilinaw ni Kuya Kim Atienza na hindi niya pinaringgan ang ‘It’s Showtime’ sa kaniyang komento sa isang Facebook post ni Camille Prats noong isang araw.

Matatandaang na-bash ng mga netizens ang dating Kapamilya host matapos itong magbigay ng komento sa post ni Camille hinggil sa pagiging bagong direktor ng ‘Ang Probinsyano’ ng kaniyang kapatid na si John Prats.

Ang post ni Camille ay bilang pagsuporta sa kaniyang kapatid at nasasaad dito ang caption na “Kuya ko yaaaan!!!” na patungkol sa Instagram story ni John na nagpapasalamat sa kaniyang bagong directorial job.


Imahe mula sa Facebook ni Kuya Kim


Dito ay nagkomento si Kuya Kim ng, “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”

Makaraan ang ilang oras ay makikitang edited na ang komento ng host at tinanggal ang mga katagang “Iniwas siya sa sakit ng ulo”.

Subalit maraming netizens ang hindi natuwa sa komento ni Kuya Kim dahil mistulang patungkol umano ito sa ‘It’s Showtime’ na naging bahagi rin siya ng ilang taon sa ABS-CBN bago lumipat sa GMA.


Screenshot mula sa You Tube


May mga nagsabi pang magkaibigan daw kasi sina Kuya Kim, Direk Bobet Vidanes at Billy Crawford na pawang bahagi ng ‘It’s Showtime’ subalit lumipat na rin ng bakuran.

Sa isang Twitter post noong isang araw, nilinaw ni Kuya Kim, na mapapanood na ngayon sa ilang Kapuso programs, na wala siyang intensiyong makasakit sa kaniyang naging komento.

Aniya, “I didn’t mean anything negative w/ my comment. Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show. Masakit talaga sa ulo, multitasking w/ a skeleton crew etc.”

Screenshot mula sa Twitter

“I love my showtime family and will never say anything bad about them. Be safe everyone,” dagdag pa nito.

Bagama’t nagsimula ng kaniyang broadcasting career sa radio noong 1990s, higit na nakilala si Kuya Kim matapos itong maging bahagi ng TV Patrol kapalit noon ni Ernie Baron.

Kinalaunan ay binigyan na rin siya ng ibang programa ng ABS-CBN tulad ng Umagang Kay Ganda, Its’ Showtime at Matanglawin.

 

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

‘Napadpad na tayo kung saan’: Angelica nagbahagi ng 2002 photo nila ng kaibigang si Glaiza

Published

on

angelica glaiza

Sa kabila ng pagiging artista sa magkaibang network, isa sa pinakamatitibay na samahan sa mundo ng showbiz ang pagkakaibigan nina Angelica Panganiban at Glaiza De Castro.

angelica glaiza

Imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

At nito lamang nakaraan, sinariwa ni Angelica ang isa sa mga masasayang araw nila ni Glaiza noon sa pamamagitan ng litratong ini-upload niya para sa kaarawan ng kaibigan. Sa Instagram, binalikan ng Kapamilya star ang pagsisimula nila ng Kapuso actress.

“Mula sa surprise birthday party sa Bulacan, napadpad na tayo kung saan-saan,” saad ni Angelica sa caption ng larawang ibinahagi niya. Mula umano ito sa taong 2002.

“Panalangin kong malayong-malayo pa ang marating mo patungo sa mga pangarap mo sa buhay. Huwag mo lang kalimutang lumingon at kumaway sa aming mga nagmamahal sayo. Palagi akong nandito para sa’yo, Amigah. Happy birthday diyan, bata! Hipbamp to the moon and back!” pagpapatuloy niya.

angelica glaiza

Pinasalamat naman siya ni Glaiza na halatang naantig sa post niya. Wika nito, “Grabe naman ‘tong message na ito, ‘tsaka ‘yong tagal ng litratong ito! Haha salamat, amigah! Sa lahat lahat! Mahal kita.”

Unang nagkatrabaho sina Angelica at Glaiza sa teen-oriented TV series na Berks, na umere mula 2002 to 2004. Simula nito, itinuring na nilang mabuting kaibigan ang isa’t isa. Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Angelica kung gaano kaganda at katibay ang pagkakaibigan nila ni Glaiza.

angelica glaiza

 

“Maglaban man ang network, sabihin na hindi kami puwedeng makipagkaibigan kasi sa ibang network siya nagtatrabaho, nando’n po kami sa level na, ‘Ay, sorry po. Eh, ‘di huwag na lang akong mag-work,’” wika niya.

Isa rin si Glaiza sa mga nakakasama ni Angelica pagdating sa #travelgoals. Matatandaang minsan ding pumunta ng Bhutan ang magkaibigan.

“Naging perfect ‘yong lugar doon sa nararamdaman ko. Parang ang laki ng mundo. Isipin mo, ‘yung Bhutan ang liit-liit lang niya, eh country na ‘yon, so paano pa ako? Tao lang ako, eh ilan tayong tao? Magma-matter ba ‘yong problema ko?”

Continue Reading

celebrities

‘Puwede ba natin ulitin?’ Ice binalikan ang huling pagkikita nila ni Coney 10 taon pabalik

Published

on

ice coney

Sa dami ng mga proyektong pinagsamahan nilang dalawa, hindi na nakagugulat na mayroong nabuong espesyal na samahan sa pagitan nina Aiza “Ice” Seguerra at Coney Reyes. At dahil matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita, hangad ni Ice na muli niyang makasama ito.

ice coney

Imahe mula sa Instagram account ni Ice Seguerra

Sa Instagram, ibinahagi ni Ice ang isang litrato nila ni Coney na kuha noong 2012. Aniya, ito raw ang huling beses na nakasama nila ang isa’t isa.

“Nahalungkat sa baul,” saad niya sa caption ng larawan na ibinahagi niya. “This was in 2012, the last time we had dinner together. Sampung taon na ang nakakalipas.”

Hirit niya sa beteranang aktres, “Puwede ba natin ulitin, Tita @coneyreyes? I miss you so much. Hope to see you soon. I love you!”

ice coney

Agad namang tumugon si Coney at sinabing hangad niya ring makasama muli ang dating child star.

“Love you always, dear Icing!” wika nito. “Kita tayo ‘pag safe na talaga. Ingat lagi. God bless you and take good care of you always [sic].”

ice coney

Ikinatuwa ng marami ang pagbabalik-tanaw ni Ice. Anila, masaya silang makitang magkasama sa isang larawan ang dalawang artista na madalas nilang napapanood noon sa mga palabas sa telebisyon at pelikula. Hiling nila, sana ay magkaroon muli ng palabas ang mga ito nang magkasama.

“Mother and daughter tandem Coney and Aiza from Eat Bulaga days,” pagbabalik-tanaw ng Instagram user na si @marygracesiasonpanizales.

“I remember how she used to be your second mom sa Eat Bulaga noon,” pag-aalaala ni @missyricat. “She loved you like her own!”

“Miss ko na rin na makita kayo together. Sana soon may project ulit kayo,” saad ni @carines_rs.

Hiling naman ni @mimimagsajo, “Sana kahit sa teleserye lang magkasama kayo ulit, Coney and Aiza. You are both talented.”

Ikaw, na-miss mo rin ba silang makitang magkasama sa isang proyekto?

Continue Reading

celebrities

Kris sa mga nagpapakalat na wala na siya: ‘Sorry pero ilalaban pa na mapahaba ang oras ko’

Published

on

kris

Kamakailan lamang ay nagsimulang umugong ang mga bali-balita na wala na ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Magkakaiba ang lugar pero halos iisa ang tinatakbo ng mga istoryang ito na naglalabas ng maling impormasyon.

Para linawin na walang katotohanan ito, nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account, kung saan sinabi niya na pipilitin niyang kayanin pa ang lahat para sa kanyang mga anak.

kris

“It’s been disturbing that, since Friday, so many have been spreading fake news about me being either in St. Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that I’m in the intensive and in critical condition. None of that is true,” saad niya.

Saad ni Kris, nakalulungkot isipin na para bang may mga taong nakaabang pa na sundan niya ang kapatid niya, ang late president Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, sa kabilang buhay.

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited ‘yong mga troll na within one year both Noy and me would pass away. Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh and Bimb still need me,” wika ng aktres.

kris

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino | Instagram

Samantala, pinasalamatan naman ni Kris ang mga kaibigan na patuloy na nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal.

“To all my real friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons, and just so much na nahihiya na ko-because they want to make me feel their love and affection-you have my lifelong loyalty and gratitude,” aniya.

Dagdag na mensahe niya para sa mga tao na makababasa ng kanyang post, “Good night but definitely it’s not yet goodbye.” Nilakipan niya ito ng yellow heart emoji bilang pagtatapos sa kanyang post.

kris

Continue Reading

Trending