Connect with us

Food

Lakas makapogi: Delivery rider agaw-pansin sa paggamit ng kabayo sa pagde-deliver ng pizza

Published

on

Image from Chopstick Restobar Facebook page


Agaw-pansin sa mga kalsada ng Oroquieta City sa Misamis Occidental ang isang delivery rider dahil nagmistula siyang si Zorro habang sakay ng humahagibis na kabayo upang dalhin sa mga customers ang order nilang pizza.

Tuwang-tuwa ang mga kliyente na madalas ay nagpapa-selfie pa sa horse-riding delivery man dahil talaga raw kakaiba ang gimik ng food establishment na Chopstick Restobar.

Screenshot from KMJS video

Kwento ng delivery rider na si Jomar Hatague, nakakapogi raw sa pakiramdam ang pagde-deliver gamit ang kabayong si Happy dahil sa rami ng napapatingin sa kanya.

“Pakiramdam ko ‘pag si Happy ‘yung ginagamit ko mag-deliver nakakapogi kasi marami ‘yung tumitingin sa akin,” aniya.

Screenshot from KMJS video


Ang paggamit ng kabayo sa pagde-deliver ay ideya  ng mag-asawang John at Katrina Hatague, ang may-ari ng restobar. Bunsod daw iyon ng pagsirit ng presyo ng gasolina sa merkado.

Kuwento ni John sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nakatitipid sila ng P100 a day sa gasolina kapag kabayo ang ginagamit sa delivery.

“Sa ngayon, we spend like P100 per day sa isang motor. Since nandito na si Happy sa amin, maka-save kami ng P100 per day, in a month P3,000 na ‘yun,” paliwanag ni John.

Nabili umano nila si Happy sa halagang P16,000. Ang pinsan ni John na si Jomar ang kinuha nilang delivery rider dahil bata pa ito ay marunong nang mangabayo.

Bukod sa tipid sa gasolina, environment friendly rin ang paggamit kay Happy.

Screenshot from KMJS video

Nilinaw ng mag-asawa na pawang mga “dry food” orders lang ang ginagamitan ng horseback delivery upang hindi masira ang mga pagkain.

Para hindi agad napapagod at matiyak ang kaligtasan ni Happy, hindi ito pinatatakbo nang mabilisan at pang-malapitan lang na lugar puwede mag-deliver. Hapon na nagsisimulang tumakbo ang kabayo kapag hindi na mainit ang sikat ng araw.

Sa ngayon ay gumagamit pa rin ng motorsiklo para sa delivery service ang restobar dahil hindi kayang i-accommodate ang lahat ng nagre-request na si Happy ang mag-deliver ng mga orders nila.

Screenshot from KMJS video


Dahil pumatok sa publiko ang gimik, sinabi ni Katrina na may plano silang bumili pa ng karagdagang mga kabayo upang hindi mahirapan si Happy.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Food

Amazing! Baker gumawa ng hyperrealistic cake na kanyang kawangis

Published

on

hyperrealistic cake

Lahat tayo gustong gawing espesyal ang araw kung kailan tayo isinilang—mula sa mga kakainin at ihahanda, sa mga planong gawin, sa mga pupuntahan, hanggang sa mga taong nais makasama sa araw na ‘yun. Katulad ng marami, ginawa ring espesyal ng isang baker ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang hyperrealistic birthday cake na siya mismo ang lumikha.

hyperrealistic cake

Sa Instagram, ibinahagi sa page ni Natalie Sideserf na @sideserfcakes ang isa na namang naiibang hyperrealistic sculpted cake na ngayon ay mas naging espesyal pa dahil para ito sa kaniyang kaarawan. Aniya, dahil nagdiriwang siya ng espesyal na araw, naisipan niyang gumawa ng cake para sa sarili niya.

“It’s my birthday, so I made myself a cake!” saad ni Natalie sa caption ng kanyang post.

Sa simula ng kanyang video, tinakpan muna ni Natalie ang mukha gamit ang hyperrealistic cake na mayroon nang isang slice sa platong pinaglalagyan nito.

hyperrealistic birthday cake

Screenshot from @sideserfcakes | Instagram

Kasunod nito, sa wakas ay inalis na rin niya ang cake sa pagkakatabing nito sa kanyang mukha at doon ay makikita na kuhang-kuha nito ang hitsura niya; ang sukat ng ulo, ang ayos ng mukha at buhok niya nang araw na iyon, at maging ang itim na damit na kasalukuyan niyang suot.

hyperrealistic birthday cake

Screenshot from @sideserfcakes | Instagram

Manghang-mangha ang mga social media users sa cake na ginawa ni Natalie. Gayunman, sa comments section ng post ay sinabi niya na nagbibiro lamang siya at matagal na niyang ginawa ang cake na ito, “This is just jokes, friends! I made this cake a little while ago. No birthday cake for me this year. I’m taking a cake break today.”

Sa kabila nito, pinasalamatan pa rin siya ng mga taong napahanga niya. Anila, wala naman kaso kung kailan niya ginawa ang cake na ito dahil kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo ay kamangha-mangha ang ginawa niya rito.

hyperrealistic cake

Continue Reading

Food

Meet ‘NUMBER 1′: Dunkin’ naglunsad ng unang service bot sa Pilipinas

Published

on

By

Ang Dunkin’ ay naglunsad nitong buwan ng Enero ng kanilang unang robot server na ang pangalan ay ‘Number 1’. Mayroon na nito sa mga branches nila sa Aurora, SM North EDSA, at Robinsons Nova upang magbigay serbisyo sa kanilang mga giliw na customers.

Siguro ay curious ka kung paano gumagana ang Number 1 service bot ng multinational coffee at doughnut company.

Una,  kailangan mong umorder at bayaran ito sa cashier.  Pagkatapos ng step 1 ay ay magtungo na sa table number na ipo-provide ng service crew sa iyo.

Kapag naihanda na ang iyong mga order ay dito ka na aasikasuhin ng service bot. Dadalhin nito ang mga inorder mo at kapag nakuha mo na ay babalik na ito sa area niyang pinanggalingan.

May mga natutuwa naman sa ‘Number 1’ launch, pero mixed emotions ang ilang netizens pagdating sa kanilang opinyon dito.

“I think they do this para iwas sa covid mga staff. Take note nakaremote control siya. I hope matapos na covid para ‘di na need ng mga ganitong robot kasi mahirap mawalan ng work,” ani ng isang netizen.

 

Ilan din namang netizen ang nalungkot dahil mas bababa daw ang bilang ng trabahador kapag dumani ang ganitong robot pang-serbisyo.

Bunsod nga sa pagdami ng kaso ng COVID sa ating bansa ay ramdam ng isang netizen na kaya daw ginawa ang service bot ay para na rin sa ikabubuti ng staff ng Dunkin’.

“Dapat hindi ito magtuloy-tuloy mababawasan ng employment sa bansa natin dami na nga yung employed, lalong mawawalan ng trabaho.”

“Isa naman ang mawawalan ng work dahil sa ganyan siguro mapapadali yung trabaho sa Pilipinas pero isipin mo kapag ganyan mas lalo lang dadami yung mga taong mawawalan ng work at magugutom. Syempre magugutom sila tpos ang ending nga naman eh kakapit sa patalim yung iba. Di naman masama na umunlad ung tech. natin kaso isipin naman yung mga taong need yung trabaho ayan na lang napapasukan ng ibang tao mawawalan pa dahil sa ganyan.”

Samantala, panoorin ang video na ibinahagi ng Dunkin.

Continue Reading

Food

Business owner naglabas ng hinaing kaugnay sa matagal na pagre-remit ng isang food delivery service sa kanilang sales

Published

on

By

Naglabas ng hinaing sa pamamagitan ng isang Facebook post ang isang business owner, ang ‘Mama Dith’s’, isang Filipino restaurant sa Antipolo City sa kanyang kasosyo kaugnay sa matagal na pagre-remit ng pinakamalaking food at grocery delivery platform sa Asya na Foodpanda sa kanilang sales.

Screenshot mula sa Facebook | Mama Dith’s

Napansin n’yo siguro na simula noong Disyembre 2021 ay lagi silang naka-close sa app na Foodpanda.

“Dahil ‘yan sa hindi nila PAGREMIT NG SALES ko nung NOVEMBER,” ani ng business owner sa post.

Kuwento pa ng may-ari ng restaurant, ‘yung dalawang linggo bago nila makuha ang kanilang pinaghirapang kinita ay umabot pa ng dalawang buwan.

“Hindi na nga kami nagrereklamo sa 2-week payment scheme (yes, dalawang linggo pa bago namin makuha yung kita ng pinaghirapan naming i-prepare at lutuin para sa inyo), aba, naging 2 months pa!” aniya.

Nagtataka ang may-ari, pagkat kumpara umano sa Grab na araw-araw namang nagre-remit sa kanila, ang Foodpanda ay inaabot pa ng matagalang pag-remit sa kanila.

“Grabe, ‘no? Sa GRAB, araw-araw sila nagreremit samin (Go Grab!). Bakit niyo nga ba tinatabi nang 2 weeks pera namin. Bangko yarn?” dagdag pa niya.

 

Imahe mula sa Facebook | Mama Dith’s

Halos kainin na umano ng Foodpanda ang profit margin sa sales ng restaurant.

“Para sa small business na tulad ko, pumayag ako sa 27% commission nila before pandemic (kahit na halos kainin na ang profit margin namin!), pero starting June 2021, nagsimula na rin sila maningil ng additional 12% para daw sa tax nila plus P1K++ AGENCY FEES (???) daw na wala naman sa original contract! SO, ANO NA LANG NATIRA SAMIN?” aniya.

“Di ba nga, “partners” daw kami? Eh bakit pag kaming mga vendors ang may problema sa app or remittance nila, through email or chat lang sila pwede i-contact? Pero pag sila may problema sa amin, aba, kung makatawag at demand, grabe! At kapag nadetect pa na nakaclose store mo, talagang kukulitin ka sa mga automated calls,” dagdag pa niya.

“Ilang beses namin sila in-email at chinat sa chat support platform for almost two months. Laging sagot “iimbestigahan” daw nila. Buti na lang recently naisipan ko isama sa email yung DTI. Ayun, binigay agad nila! Akalain mo yun!? Takot sila sa DTI pero sa vendors WALA SILANG PAKE!”

Dahil sa ganitong sistema ng Foodpanda ay itinigil na umano ng business owner ng Mama Dith’s ang pakikipagsosyo at pagtangggap ng orders sa kanilang app noong Disyembre 2021.

“Kaya tuluyan na rin namin ititigil ang ONE-SIDED “partnership” kuno sa FOODPANDA. Kawawa ang small business owners,” aniya.

“Kung nais niyong mas masuportahan ang mga small business owners tulad namin, through DINE-IN, GRAB, or for pickup na lang ha!” paalala ng may-ari ng restaurant.

Sa isa pang post ay nagpahayag lalo ng sama ng loob ang may-ari: “Tapos after kami pagkakitaan… tatawagin kaming ZOMBIE!!! ABAY!!!”

Sa comments section ay may screenshots ng iba pang businessed na nagpahayag din ng pagbitaw sa naturang delivery service. Mayroon ding mga hinaing na lumabas kaugnay sa delivery riders.

Umabot na sa mahigit 10K ang mga komen to at 24K naman sa shares.

Imahe mula sa Facebook | Mama Dith’s

Continue Reading

Trending