Connect with us

beauty

Maine Mendoza nagpaalala, pilikmata niya naging semi-kalbo

Published

on

Nagbigay si Maine Mendoza ng paalala sa mga kababaihan na gumagamit ng eyelash curler kung ayaw nilang maging semi-kalbo ang kanilang pilikmata.

Sa Instagram ay ipinakita ng tinaguriang Phenomenal Star” ang litrato niya na kapansin-pansing wala ang kalahati ng pilikmata sa kaliwa niyang mata. Dahil daw iyon sa ginamit niyang eyelash curler.

Sa isa pang litrato, ipinakita niya ang isang eyelash curler kung saan makikitang nakaipit pa ang pikmata niyang natanggal.

“Eyelash curler nightmare!!!” sabi ni Maine.

Aniya, masyado raw naging madiin ang paggamit niya sa eyelash curler na walang hawakan o finger rings.

Image from Maine Mendoza’s Instagram account

 

Swipe left to see what happens when you put too much pressure on an eyelash curler (without finger rings)… You get a chunk of your lashes ripped out in a flash,” pagbabahagi niya sa nangyari. 

Ibinahagi niya ang karanasan upang paalalahanan ang mga kababaihan na maging maingat sa paggamit ng beauty tool.

Girls, go easy when curling if you don’t want a semi-kalbo lid,” sabi niya.

Image from Maine Mendoza’s Instagram account

 

Napuno ng mga komento ng pakikisimpatiya ang post niya mula sa mga followers niya at celebrity friends kabilang sina Iza Calzado, Janine Gutierrez, Alessandra De Rossi, MJ Lastimosa, Maggie Wilson, Julia Clarete at marami pang iba.

Oh my… Hope they grow back fast!

“OMG noooo. Use agad castor oil soulmeyt. It will help them grow faster.”  

 “OMG. Hope You are OK.”

 Aww Meng sayang. Ingat next time and don’t make medyo pressure. Sayang ‘yung natanggal.”   

 Pakwela naman ang komentong ginawa ni Paolo Ballesteros.

 “Eto pala yung nahuli kong pumoposing ka.#walakongkasalananjanha.”

Image from Maine Mendoza’s Instagram account

Si Maine Mendoza ay tinaguriang Phenomenal Star dahil pambihira ang naging kasikatan niya na nagsimula noong 2015 sa Eat Bulaga kung saan ipinakilala siya bilang si “Yaya Dub” na personal assistant ni Lola Nidora na ginampanan ni Wally Bayola sa “Juan For All, All For Juan” segment ng noontime show.

Ang karakter niya ay ipinarehas sa Eat Bulaga co-host na si Alden Richards at doon na nagsimula ang “AlDub” loveteam na lalong nagpataas ng TV ratings ng noontime show at nagpasikat kay Maine at Alden.

Image from GlobalVoices



Bukod sa pag-aartista, negosyante  rin si Maine na may tatlong McDonald’s outlets. Isa rin siyang book author, Sa loob lang ng apat na oras matapos inanunsyo ng isang bookstore ang paglabas ng isinulat niyang “Yup, I am that Girl” noong October 26, 22017 ay sold out agad iyon.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

beauty

Hairstylist na may eye-catching flower braids hinahangaan ngayon sa social media

Published

on

flower braid hairstyle

Hanggang saan aabot ang pag-aayos mo ng buhok? Ikaw ba iyung simple at maayos na suklay lang ay kuntento na o talaga bang gumugugol ka ng ilang oras para maging mas presentable pa ang iyong “crowning glory”? Kung nasa pangalawa ka, tiyak na matutuwa ka sa hinahangaan ng marami ngayon na isang hairstylist mula sa Vietnam dahil sa mga naiiba at eye-catching flower braids na ginagawa nito.

Sa kanyang Facebook, Instagram, at TikTok accounts, pinahahanga ni Nguyen Phat Tri sa kasalukuyan ang maraming social media users sa simpleng pagpo-post niya ng photos at videos ng kanyang mga naiibang obra.

flower braid hairstyle

At masayang-masaya ito dahil noon pa man ay pangarap na niyang maibahagi ang kanyang kakayahan at ipakita sa mundo ang husay ng mga Vietnamese pagdating sa hairstyling.

“I want to inspire creativity in people who share my passion, and I hope to help Vietnam’s hair industry grow and reach the world,” saad niya.

Malayong-malayo sa unang kurso ni Nguyen ang pag-aayos ng buhok. Nagtapos siya ng pag-aaral sa An Giang University, kung saan siya nakakuha ng degree sa Biotechnology noong 2015. Ngunit dahil sa pangarap niya bilang isang hairstylist, nagdesisyon siyang tumungo sa Ho Chi Minh City para pag-aralan ang makeup at hairdressing.

Hindi naman siya binigo ng kanyang pangarap at naging maganda ang resulta ng kanyang mga flower braid.

flower braid hairstyle

Ang mga disenyo ni Nguyen at nakapag-generate ng libo-libong views sa social media. Ang pinakasimple niyang disenyo ay inaabot ng isa hanggang dalawang araw, habang ang iba naman na talagang mabusisi ay matiyagang ginagawa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa kasalukuyan ay mayroon umanong high demand sa mga disenyong ginagawa ni Nguyen, kahit pa may kamahalan din ang ilan sa mga ito. Sa katunayan, ilan sa mga bridal design na ginagawa niya ay nagkakahalaga ng $130 hanggang $218, habang ang iba na mas mahirap gawin ay nasa $218 hanggang $305 naman.

flower braid hairstyle

Continue Reading

beauty

Ian Veneracion, naglunsad ng sariling skin care products para sa mga kalalakihan

Published

on

By

Naglunsad ang multi-talented actor na si Ian Veneracion ng sariling skin care products na para sa mga kalalakihang tulad niya ay may active lifestyle.

Timeless by Ian Veneracion ang brand ng produkto. Kabilang dito ang  facial wash, toner, serum, at sunscreen — na ang mga sangkap ay glycerin, salicylic acid, tea tree oil, at niacinamide.

Image from Ian Veneracion

Tagumpay ang launching ng mga produkto na eksklusibong idi-distribute ng I AM Worldwide Corporation, ayon sa business partner ng aktor na si Maricor Flores, na siya ring ka-partner ni Jinkee Pacquiao sa sariling skin care line.

“Grateful that the launch of Timeless was a resounding success yesterday. IAM Worldwide Corporation for the opportunity to work with you. Hi @ianveneracion1 and Paolo Bustamante, Just want to thank you for the effort you render in our venture. Yesterday’s launch was indeed a dream come true and would have not been a success if not for your cooperation and love poured into our partnership. Looking forward for greater things ahead,”  saad ni Ms. Flores sa Instagram post niya.

Sabi ni Ian Veneracion, hindi niya ilalagay sa isang produkto ang kanyang pangalang matagal na inalagan at iningatan kung hindi isya siguradao na mahusay iyon.

Image from Maricor Flores

“Hindi ko ilalagay ang pangalan ko naman sa isang produkto na hindi ako naniniwala or alam kong… you know, hindi ako sigurado. Kasi ang tagal kong inalagaan ‘yung pangalan ko so hindi ko basta ilalagay ‘yun sa produkto na hindi ako bilib,” anang aktor.

Sabi niya, matagal ang naging proseso bago ilabas ang produkto. Neg-eksperimento muna raw sila at sinubukan ang produkto bago ang ginawang launching.

“We started from zero, we came up with the product. Kaya andiyan talaga ‘yung ‘Timeless by Ian Veneracion’ because amin talaga ‘yan. Ineksperimentuhan at sinubukan. Dumalaw ako sa planta, nakita ko ‘yung operations. Iba siya sa endorsement eh. Hindi ko naman ilalagay ang pangalan ko sa produkto nang hindi ako naniniwala,” aniya.

Gumawa raw siya ng research at marami umano siyang inputs sa pagbuo ng produkto, ayon kay Ian.

Image from Ian Veneracion

Continue Reading

beauty

Ivana Alawi, pang-apat sa “100 Most Beautiful Faces of 2021”

Published

on

By

Sa ikalawang pagkakataon ay muling napasama ang pangalan ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa listahan ng “100 Most Beautiful Faces of 2021” na inilabas ng TC Chandler at Independent Critics noong Martes, December 28.

Mula sa 130,000 celebrities mula sa iba’t ibang bansa ay isandaan lang ang pinili ng mga hurado.

Image from Ivana Alawi

Sa isandaang celebrities na napili ay pumang-apat si Ivana Alawi sa ikalawang taon niyang mapasama sa listahan. Noong nakarang taon ay nasa 11th spot siya.

Bukod kay Ivana, dalawa pang Pinay actresses ang napabilang sa listahan – si Liza Soberano at Janine Gutierrez.

Number 18 ang ranking ngayon ni Liza Soberano na isa nang hall of famer sa naturang listahan dahil ito na ang ikapitong taon niyang mapabilang sa 100 Most Beautiful Faces.

Si Janine naman ay nasa 78th spot at ito ang unang pagkakabilang siya sa listahan ng mga celebrities na may magagandang mukha.

“The list introduces new faces to countries they ordinarily would not reach. The Independent Critics search far and wide, listening to many millions of suggestions submitted by the public over the past couple of decades,and they put together a list representative of the modern ideal of worldwide beauty,” sabi ng TC Chandler.

“Aesthetic perfection is only one of the criteria. Grace elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy,promise, hope…they are all embodied  in a beautiful face,” ayon pa rito.

Image from TC Chandler

Isang thankless job daw ang ginagawa nila para sa listahang ito dahil hindi naman daw lahat ay sumasang-ayon sa kanilang napipili.

Ang nakasungkit ng number 1 spot sa 100 Most Beautiful Faces of 2021 ay ang Thai singer-rapper-dancer na si Lalisa Manoban na nakabase sa South Korea at miyembro ng K-pop group na Blackpink. Mas kilala siya sa tawag na Lisa.

Noong nakaraang taon ay nasa 2nd spot si Lisa. Isa na rin siyang hall of famer dahil ito na ang ika-anim na taon niya sa listahan.

Image from TC Chandler

Continue Reading

Trending