Connect with us

current events

Manny Pacquiao hihikayatin ang mga billionaire friends sa ibang bansa na mag-invest sa Pilipinas

Published

on

Image from Manny Pacquiao’s Facebook page


Magmula nang maging tanyag si Senator Manny Pacquiao sa buong mundo dahil sa pagiging napakagaling na boksingero ay marami siyang nakasalamuha at nakilalang mga bigating tao. Ilan sa mga iyon ay naging kaibigan niya.

Gagamitin niya ang kanyang katanyagan upang manghikayat ng mga mayayamang negosyante na mamuhunan dito sa Pilipinas.

Sabi niya, mayroon siyang sampung billionaire friends mula sa ibang bansa na handang mag-invest dito.  May hiling lang daw ang mga ito sa kanya. Kailangan umanong sugpuin ang talamak na korapsyon sa bansa na isa sa mga dahilan kung bakit iniiwasan ng maraming foreign investors ang Pilipinas.

Image from Manny Pacquiao’s Facebook page


“May mga kaibigan ako na mga malalaking negosyante at mga mayayaman sa ibang bansa na naka-ready na tumulong sa Pilipinas. Ayaw lang talaga nila itong napakatinding korapsyon sa ating gobyerno,” ani Pacquiao.

Bukod sa korapsyon, kabilang sa mga pumipigil sa mga negosyante ng magnegosyo dito ay ang hindi maasahang internet connection, supply ng kuryente at ang mataas na corporate tax.

Mahirap din po talagang makakuha ng investors sa bansa kung ang mga katabing bansa ay nasa 20 porsyento lang ang corporate tax. Kailangan nating pababain ang ating corporate tax at palakasin ang ating nontax revenues,” dagdag pa ng pambansang kamao.

Image from Manny Pacquiao’s Facebook page


Aniya, kapag nahalal siyang pangulo sa susunod na taon ay hihilingin niya sa Kongreso na magsabatas ng malawakang tax reforms upang maisulong ang mas magandang investment climate sa bansa.

“Eh, nakakahiya naman tayo. Sinong mag-iinvest sa atin?” tanong niya.

Hindi raw dapat umasa ang gobyerno sa kita mula sa buwis. Maaalalang nabanggit niya noon na dapat i-maximize ng pamahalaan ang mga government owned and controlled corporations.

Aalisin din umano niya ang red tape sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Republic Act number 11032 o ang Ease of Doing Business law upang matiyak na ang pagpoproseso ng mga business permits at iba pang dokumento sa pagnenegosyo ay hindi lalampas sa tatlong araw.

Image from Manny Pacquiao’s Facebook page


 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

current events

PDP-Laban posibleng mag-adopt na lamang ng kandidato matapos ang pag-atras ni Bong Go

Published

on

By

Dahil hindi na maaari ang substitution, wala umanong natitirang option ang PDP-Laban Cusi Wing kung hindi ang mag-adopt na lamang ng isang kandidato sa pagkapangulo para sa darating na halalan sa 2022.

Ganito ang naging paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring executive vice president ng faction ng PDP-Laban na pinamumunuan ni nergy Secretary Alfonso Cusi.

“Wala nang substitution number 1 so technically speaking dahil wala pong substitution, ang option namin is to adopt,” ani Nograles sa naging panayam ng Headstart.

Sec. Karlo Nograles| Screenshot mula sa Headstart video

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ang partido ng ‘series of meetings’ upang pag-usapan ang kanilang susunod na hakbang sa mga darating na araw.

Tumanggi naman si Nograles na kumpirmahin kung ang tandem nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanila nang susuporthan dahil na rin sa pag-atras ni Senador Bong Go na standard-bearer sana ng kanilang partido.

“Let’s wait for the statement ng PDP-Laban and the decision ng partido because we have not yet made that decision… kasi kailangan dumaan din sa proseso iyan,” ayon sa kalihim.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcso for 2022

BASAHIN: Hindi pa niya panahon: Sen. Bong Go umatras sa presidential race

“Napakahirap kung pasan-pasan mo habang nangangampanya ka ay nagre-resist ang pamilya mo, ang puso mo, ang isipan mo, paano ka makakapagkampanya nang mabuti? Kaya ang sabi ko marahil po ay hindi ko pa po panahon,” ayon sa senador.

Imahe mula sa Facebook| Bong Go

Sa ngayon, pinag-uusapan pa umano nila ng Pangulo kung sino ang kandidatong susuportahan nila basta umano ito ay iyong magpapatuloy ng mga programang nasimulan ng kasalukuyang administrasyon.Paliwanag pa ni Go, na inamin ding wala naman talaga siyang ambsiyong mag-presidente, ayaw niyang mahirapan pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangangampanya para sa kaniya lalo pa’t ito ay may edad na at mahina na rin ang katawan.

Continue Reading

current events

OCTA: Bilang ng kaso ng COVID, posibleng bumaba pa sa 500 kada araw bago mag-Pasko

Published

on

By

Posibleng umabot na lang sa 500 o mas mababa pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw bago dumating ang araw ng Kapaskuhan, ayon sa OCTA Research Group.

Ito ay kung patuloy umano ang magiging trend ng pagbaba ng COVID cases na naitatala bawat araw nitong mga nagdaang linggo tulad nitong Martes, Nobyembre 30, na mayroon lamang naiulat na nasa 425 panibagong kaso.

“Baka nga bumaba pa to less than 500 by Christmas. Sa Metro Manila, baka bumaba pa to less than 100 na lang. Kasi talagang parang nawawala na. Parang nag-vanishing act na lang ‘yung Delta bigla,” ani Dr. Guido David ng OCTA sa panayam ng TeleRadyo.

Dr. Guido David, OCTA| Imahe mula sa PNA

Bukod dito, baka nga maibaba na rin daw sa Alert Level 1 na lamang ang National Capital Region (NCR) kung wala lamang panibagong banta ng Omicron variant.

“Kung wala tayong banta ng Omicron, puwede na tayo magbaba sa Alert Level 1 kasi sobrang baba na ng bilang ng kaso natin. Parang nawawala na ‘yung virus. Hindi tayo nagkakaroon ng spike ng cases kahit nagluwag na tayo,” ayon pa kay Dr. David.

Imahe mula sa Facebook| DOH

Sa kasalukuyan, mayroon na lamang 15,327 aktibong kaso ng COVID sa bansa mula sa kabuuang 2,833,038 na nagkasakit; nasa 2,768,999 sa mga ito ay gumaling na.

Iwas na muna sa Christmas party

Sa kabila nito, nagbabala pa rin ang isang infectious diseases expert sa publiko na iwasan na muna ang mga pagtitipon gaya ng Christmas party ngayong panahon ng Pasko.

Ito ay dahil na rin sa banta ng Omicron variant na hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng mga siyentipiko kung ito ba ay mas mapanganib sa Delta variant o hindi.

“We need more information about the Omicron variant of concern. When we do activities that increase our risk of getting the infection—one of that is the Omicron variant—we have to be careful,” paliwanag ni Dr. Rontgene Solante, hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng San Lazaro Hospital.

Ayaw man umano niyang maging ‘killjoy’, subalit mas makabubuti raw na iwasan na muna ang mga party o pagtitipon ngayong Christmas season.

Imahe mula sa Al Jazeera

Wika pa ni Dr. Solante, bagama’t wala pang naitatalang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas, baka naman mabulaga muli tayo pagdating ng Enero at biglang magkaroon uli ng surge.

“That’s something that we don’t like to happen, especially us healthcare workers. Pagod na talaga kami and when we have a surge again, I don’t know what will happen to us,” ayon pa kay Solante.

Continue Reading

current events

Imee inaming nasaktan ang pamilya Marcos sa ‘reaction’ ni PRRD sa BBM-Sara tandem

Published

on

By

‘Heartbroken’– ito ang naging paglalarawan ni Senador Imee Marcos sa naramdaman ng kanilang pamilya matapos ang hindi pagsang-ayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte-Carpio para sa darating na national election.

Ayon sa senadora, na panganay na kapatid ni Bongbong, masakit para sa kanila ang narinig mula sa Pangulo lalo pa’t hindi naman sila magkaaway sa pulitika.

“Frankly, we were heartbroken by the almost violent reaction of the President,” ani Imee sa isang panayam kamakailan.

Imahe mula sa PCOO

Kung matatandaan, inihayag ni Pangulong Duterte ang kaniyang pagtutol sa pakikipagtambalan ng kaniyang anak kay Bongbong na inilarawan niyang isang ‘spoiled brat’ at ‘weak leader’.”We are not the enemy. That is very, very clear. We’ve been allies, we’ve been supporters, and it goes way back,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, hindi umano siya bilib sa kakayahan ng anak ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Imahe mula sa The New York Times

“Hindi ako bilib sa kanya. He is really a weak leader… Totoo ‘yan, hindi ako naninira ng tao. Talagang weak, kasi spoiled child, only son,” ani Duterte sa isang talumpati.

“Of course he can talk, he delivers English, ma-articulate… Pero sabihin mo may crisis ganoon, he’s a weak leader, at saka may bagahe siya. ‘Yan sinasabi ko sa inyo, totoo ‘yan,” dagdag pa ng presidente.

Si Senador Christopher ‘Bong’ Go ang itinutulak ni Duterte para lumaban sa pagka-pangulo matapos ideklara ni Mayor Sara na pagka-bise presidente ang kaniyang tatakbuhan.

Kamakailan ay pormal nang inanunsiyo ng Lakas-CMD ni Mayor Sara ang pakikipag-alyansa nila sa kampo ni Bongbong Marcos. Ang alyansang ito ay sinusuportahan din ng mga dating pangulong sina Joseph ‘Erap’ Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasunod naman nito ang pag-anunsyo ni Go na aatras na siya sa presidential race dahil hindi pa umano niya panahon bukod pa sa tutol ang sariling pamilya sa kaniyang naging unang desisyon.

Si Senador Imee Marcos ay kilalang malapit kay Inday Sara at bago pa man ang filing ng COC ng mga kandidato ay ilang beses na ring napaulat na nagpunta sa Davao City para kausapin ang panganay na anak ni Pangulong Duterte.

Continue Reading

Trending